5:10 AM
Bahay ni Dan, gilid ng bundok, malapit sa tabing-dagat, Palawan, Philippines
109Please respect copyright.PENANAPcitl7vW5A
Mas maliwanag na ang umaga. Ang hangin ay presko. Maririnig ang mahinang hampas ng alon sa baybayin. Sa pagkakataong ito ay akatayo si Dan Asusano Hinarez sa maliit niyang kusina habang tahimik. Iniisip pa rin ang nangyari kanina. Si Mira ay nasa mesa, nakaupo, tahimik lang din.
Walang awkward tension. Pero may bagong uri ng katahimikan. Ilang sandali pa ang lumipas ay kumilos na si Dan.
"Kikilos na ako," sabi niya. "Magluluto ako."
Lumapit siya sa mga sangkap.
Bigas na kanin mula kagabi.
Bawang, Itlog, Tinapa.
109Please respect copyright.PENANAIA4HdX81Sy
"Sinangag, pritong itlog, tapos tinapa," bulong ni Dan. "Paborito ko."
Mayamaya ay aabutin na sana ni Dan ang bawang ngunit biglang nagsasalita si Mira.
109Please respect copyright.PENANAK0Aq55ThCX
"Sandali lang."
109Please respect copyright.PENANAXWVR6pxM8e
At dito ay napahinto si Dan fahil nasa tabi na niya si Mira.
109Please respect copyright.PENANAmt78ssfMDW
"Ako na," sabi ni Mira.
109Please respect copyright.PENANAwl1sQbTRye
At dito ay napatingin si Dan kay Mira.
"Ha?"
109Please respect copyright.PENANAdUfeNAPwJ3
"Ako na ang magluluto ng almusal," diretsong sabi ni Mira. "Para man lang makabawi ako sa mga ginawa ko kahapon."
109Please respect copyright.PENANATNsi3EuNrI
Napakunot ang noo ni Dan sa ianyang narinig. "Sigurado ka?"
109Please respect copyright.PENANAm1078q6M5e
Tumango si Mira.
"Ako ang may kasalanan. Ako ang dapat magpakita ng pagbabago." tugon ni Mira.
109Please respect copyright.PENANAjC61KHXWpS
Sa pagkakataong iyon ay saglit na nag-isip si Dan pagkatapos ay muling nagsalita.
"Alam mo bang may bawang ang sinangag?" Hindi ito pang-aasar.
Testing iyon.
Bahagyang umangat ang sulok ng labi ni Mira. "Alam ko."
109Please respect copyright.PENANAnhhBcRz0qU
"At alam mo rin na ang mga aswang- lalo na ang Bangkilan- ay hindi pwedeng humawak ng bawang."
109Please respect copyright.PENANAXefBCsFxk8
Tumahimik ang kusina nang sandaling iyon pagkatapos ay si Mira ang unang nagsalita.
"Hindi ako basta-bastang aswang." wika ni Mira. At dito ay initigan siya ni Dan.
109Please respect copyright.PENANA1NcypLnMSI
"Ang Bangkilan," pagpapatuloy ni Mira, "ay hindi takot sa bawang gaya ng iniisip ng iba. Ang sumpa namin ay nakatali sa tradisyon. Sa brutal na paraan ng pamumuhay."
109Please respect copyright.PENANAayByJuLSCZ
Hinawakan ni Mira ang sa ulo ng bawang nang umaatras qlat walang naramdamang pagkirot sa kwnyang kamay at wala ring reaksyon.
109Please respect copyright.PENANAoRtPyHpczc
"Kapag tumalikod ka sa tradisyon," patuloy pang sabi ni Mira habang hinihiwa ang bawang, "unti-unting nawawala ang sumpa."
109Please respect copyright.PENANA2grv6mDWFW
Doon ay napataas ang kilay ni Dan swbay sabi ng;
109Please respect copyright.PENANAGelArYplso
"Meaning?"
109Please respect copyright.PENANAzrxCnbl8D5
"Meaning... ako ang kauna-unahan sa lahi namin na tuluyang tumalikod." sagot ni Mira. Patuloy siyang naggisa. Sumisingaw ang amoy ng bawang ngunit walang epekto sa kanya.
109Please respect copyright.PENANAUGRlmcDzkJ
"Hindi na ako tinatablan ng pangontra," dagdag pa ni Mira. "Hindi bawang. Hindi anting-anting. Hindi orasyon laban sa amin."
109Please respect copyright.PENANAsztemk3SBK
Sa pagkakataong iyon ay tahimik lang si Dan habang pinagmamasdan si Mira hindi bilang kalaban, hindi bilang target kundi bilang phenomenon.
"Interesting," bulong ni Dan sa sarili.
109Please respect copyright.PENANAP0lp5bhcv1
Ilang sandali pa ay ipinagpatuloy ni Mira ang pagluluto. Gumalaw siya nang maayos. Sanay. Inihalo ang kanin sa ginisang bawang. Sinunod ang itlog. Maingat na pinrito ang tinapa. Hindi siya nagmamadali. Hindi siya kabado.
Pagkatapos ng ilang minuto.
109Please respect copyright.PENANAm3I908AkNB
"Naluto na." wika ni Mira. Dito ay Inilapag ni Mira ang dalawang plato sa mesa pagkatapos ay umupo sila. Magkatapat.
Sandaling katahimikan bago kumain.
Sumubo si Dan. Ngunit ilang sandali pa ang lumipas tumigil siya. Hindi dahil masama ang lasa. Kundi dahil masarap. Talaga.
Sumunod ang isa pang subo ni Dan. Mas maingat. Mas sinusuri.
109Please respect copyright.PENANABKUgUL6o3I
"Marunong ka palang magluto," sabi ni Dan.
109Please respect copyright.PENANAt2ePtY5Ijd
"Hindi kami puro ritual lang," sagot ni Mira pagkatapos ay bahagyang ngumiti at kumain din siya. Tahimik silang dalawa. May kakaibang normalcy.
Hanggang sa- Hindi sinasadya. Hindi pinag-isipan.
Lumabas sa bibig ni Dan ang salitang.
"Pwede ka na palang maging asawa, Mira."
109Please respect copyright.PENANAjG4spZs7Ja
At doon ay tumigil ang kutsara ni Mira sa ere pagkatapos ay nti-unting ibinaba. Hindi siya agad nagsalita. Hindi rin agad umimik si Dan. Parang saka lang niya napagtanto ang sinabi niya.
109Please respect copyright.PENANA3MFMaw3uij
"Ano?" mabilis dugtong ni Dan, medyo napailing. "I mean- sa luto mo. As in marunong ka. Kaya-" Hindi na niya natuloy ang sasabihin. Tumingin si Mira sa kanya. Hindi galit. Hindi natatawa. Tahimik lang.
109Please respect copyright.PENANAPz0l7S7Ajy
"Dan." wika ni Mira.
109Please respect copyright.PENANAI5hlOV8H4a
Ngayon siya ang kinabahan.
"Hindi ko sinabi iyon para magbiro." wika ni Dan pagkatapos ay napalunok ng laway.
109Please respect copyright.PENANAinuWocTKKL
"Hindi ko rin sinasadya." dugtong pa bi Dan.
109Please respect copyright.PENANAF76XDZ9UyG
Bahagyang ngumiti si Mira.
"Alam ko."
109Please respect copyright.PENANAvm1bYcc6f1
Tahimik ulit. Pero iba na ang atmosphere.
Mas magaan. Mas personal.
109Please respect copyright.PENANAXjnW8NQ9yU
"Hindi ako humihingi ng ganoong posisyon sa buhay mo," mahinahong sabi ni Mira. "Nandito lang ako dahil pinili kong hindi na maging halimaw." patuloy pa niyang sabi
109Please respect copyright.PENANAioH1OCP3TO
Napabuntong-hininga si Dan.
"Hindi ko sinabi iyon dahil naaawa ako." Napatingin siya sa pagkain.
"Totoo lang. Kung ganito ka... hindi ka na tulad ng kahapon."
109Please respect copyright.PENANAauDlqjwwRD
Sandaling katahimikan.
109Please respect copyright.PENANArcyhDAGL3o
"Hindi ka na Bangkilan sa paningin ko ngayon," dagdag ni Dan.
109Please respect copyright.PENANA0mCmgF3pxu
Napatingin si Mira.
"Kundi?"
109Please respect copyright.PENANApY9Y9WSQ7U
"Isang babae na may paninindigan." sagot ni Dan
109Please respect copyright.PENANANzDTBbn3yq
Hindi agad ngumiti si Mira. Pero may pagbabago sa mga mata niya. Hindi kilig. Hindi romantic fantasy. Kundi Recognition.
109Please respect copyright.PENANA5iJ6UtYfhY
Pagkatapos ng ilang segundo-
"Dan," sabi ni Mira, "kung sakaling darating ang araw na pag-uusapan natin ang tungkol sa asawa... siguraduhin mong hindi ito dahil masarap lang akong magluto."
109Please respect copyright.PENANATue67dNO5c
Napatawa ng bahagya si Dan.
"Grabe ka."
109Please respect copyright.PENANAO9LVrf0Kdf
"Seryoso ako." tugo naman ni Mira habang natataea ng bahagya.
109Please respect copyright.PENANATmE7awsnDj
Napailing si Dan.
"Sige na nga. Withdrawn ang statement."
109Please respect copyright.PENANAtXBd4y10E1
"Too late," sagot ni Mira, bahagyang may ngiti.
109Please respect copyright.PENANAljqjbIEgVj
Tahimik silang nagpatuloy sa pagkain. Sa unang pagkakataon- Hindi ito pagkain ng predator at target. Hindi ito ritual. Hindi ito strategic maneuver. Almusal lang.
Dalawang taong parehong nagsimula ng bagong yugto. At sa labas- Mas maliwanag na ang umaga.
109Please respect copyright.PENANAm1Cpv0F7lA
109Please respect copyright.PENANAP1jY3AzX1B


