5:30 AM
Bagong Kuta ng mga Bangkilan, Palawan, Philippines
115Please respect copyright.PENANAS6maUU6ERA
Malamlam pa ang liwanag ng umaga sa loob ng bagong kuta. Tahimik ang paligid-pero hindi ito ang normal na katahimikan.
May kakaibang pakiramdam sa hangin.
Unang nagising si Miraida. Sanay siya sa maagang paggising. Lalo na pagkatapos ng failed attempt kahapon. Gusto niyang repasuhin ang mga galaw nila. Ilang sandali pa ang lumipas tluumabas si Miraida ng silid. Napansin niyang bukas ang pinto ng silid ni Mira. Dito ay huminto siya.
115Please respect copyright.PENANABtHKPsEA6B
"Mira?" tawag ni Miraida ngunit Walang sumagot. Lumapit siya at jakita niyang walang tao sa loob. Napakunot ang noo niya.
"Estela," tawag ni Miraida nang mahina.
Ilang segundo lang at lumabas si Estela. kasunod sina Alice at si May.
115Please respect copyright.PENANANUU2OSrfqb
"Ano 'yon?" tanong ni Estela.
115Please respect copyright.PENANAhVmJDsFGHA
"Wala si Mira." wika ni Miraida.
115Please respect copyright.PENANAjEk7aKmMOK
Tumahimik silang apat. Hindi iyon normal.
Hindi aalis si Mira nang walang paalam. Mayamaya ay pumasok si Miraida sa silid.
Doon niya nakita ang isang papel. Maayos na nakalapag sa mesa.vHindi basta iniwan. Sadyang inilagay. Kinuha ito ni Miraida pagkatapos ay binasa. Habang binabasa, unti-unting nag-iba ang ekspresyon ni Miraida. Hindi galit agad. Kundi hindi makapaniwala.
115Please respect copyright.PENANAdieaxAZPev
"Ano 'yan?" tanong ni Alice.
Hindi agad sumagot si Miraida.
Sa halip, inabot niya ang papel kay Estela.
115Please respect copyright.PENANAYD0zANkFH7
Binasa ito ni Estela. Tumahimik din siya.
"Hindi maaari..." bulong ni Estella. Kinuha ni May ang papel pagkatapos itong mabasa nina Estella at Alice. Walang nagsasalita. Ang sulat ay malinaw. Tahasan. Walang pag-aatubili. Pag-alis. Pagtalikod. Pagpili.
115Please respect copyright.PENANAEwcfh9IJ9e
"Tumalikod siya," sabi ni Alice, malamig ang tono.
115Please respect copyright.PENANAWXmZj2Z42V
"Sa tradisyon," dagdag ni May.
115Please respect copyright.PENANAh8dJCV2qSP
"Sa lahi," mahinang sabi ni Estela.
115Please respect copyright.PENANAxpc3o4FwAm
Si Miraida ang huling nagsalita.
"Hindi sa lahi."
115Please respect copyright.PENANA1er3FnKwvZ
Napatingin silang tatlo sa kanya.
"Sa brutal na tradisyon."
115Please respect copyright.PENANAowDBzlseYP
Sandaling katahimikan.
Pero hindi nito binawasan ang bigat.
115Please respect copyright.PENANA3aeZng2pNK
"Dadalhin natin ito sa elders," sabi ni Miraida. Walang tumutol.
115Please respect copyright.PENANAjSXp6JrP7T
Sa pinakaloob na bahagi ng kuta, naroon ang mga Elder Bangkilan. Tahimik silang nakaupo nang pumasok ang apat. At dito, ibinigay ni Miraida ang sulat.
Isa sa mga elder ang nagbasa. Habang tumatagal, mas bumibigat ang aura sa silid.
Walang sumigaw. Walang nagalit agad. Ngunit ang tensyon ay ramdam.
115Please respect copyright.PENANAKwdN2mlFH2
"Siya ang unang nagtanong kahapon," sabi ng isang elder.
115Please respect copyright.PENANAImotYDhxcx
"Opo," sagot ni Estela. "Pero hindi namin inakala na aabot siya sa ganito."
115Please respect copyright.PENANAeYLi4TWf1u
"Umalis siya nang walang paalam," dagdag ni Alice.
115Please respect copyright.PENANAUJZqVCrljL
"At tahimik," sabi ni May.
115Please respect copyright.PENANArwuQ1xQqIP
Ibinalik ng elder ang papel sa mesa.
"Kung tumalikod siya sa brutal na tradisyon," mabagal niyang sabi, "hindi na siya saklaw ng proteksyon ng kuta."
At dito ay nanigas sina Miraida, Estela, Alice, at May sa sinabi ng elder.
115Please respect copyright.PENANARFa5mXgy0E
"Ibig sabihin?" tanong ni Miraida.
115Please respect copyright.PENANA1blm7eZBOX
"Ibig sabihin," sagot ng elder, "mula ngayon, siya ay labas sa sistema ng lahi ng Bangkilan." Ang pahayag na iyon ay hindi pa rin galit. Mas masahol. Disownment.
115Please respect copyright.PENANA2kMOR98VEE
"Hahanapin ba natin siya?" tanong ni Alice.
Tahimik ang mga elder. Pagkatapos ay jagdalita.
115Please respect copyright.PENANAxZWoVkLfjU
"Hindi pa." Sagot ng isa sa mga elder.
Nagkatinginan ang sina Miraida, Estela, Alice, at May.
115Please respect copyright.PENANAnexhRTD6Ry
"Bakit hindi?" tanong ni May.
115Please respect copyright.PENANAsmtMty9q7P
"Dahil kung siya ang kauna-unahan na tumalikod..." sagot ng elder, "gusto naming makita kung ano ang mangyayari sa kanya."
115Please respect copyright.PENANAMe8XjNy9SC
"Kung mamatay siya?" malamig na tanong ni Estela.
115Please respect copyright.PENANAo4LYvg1CN8
"Patunay iyon na walang ibang paraan." Sagot ng elder.
115Please respect copyright.PENANAaZbMu1KQyo
"At kung hindi?" tanong ni Miraida.
115Please respect copyright.PENANAJxWw4wvPaX
Tumaahimik ang lahst. Mas matagal.
"Kung hindi..." sabi ng elder, "magkakaroon tayo ng problema."
115Please respect copyright.PENANAxlnnrASUXX
Paglabas nina Miraida, Estela, Alice, at May sa silid ng elders ay tahimik sila. Iba-iba ang iniisip ng apat
.
Si Alice - galit.
115Please respect copyright.PENANAmMy56lUEaG
Si May - nag-iisip.
115Please respect copyright.PENANAjVoRucNJYE
Si Estela - conflicted.
115Please respect copyright.PENANAnO124CKyNb
Si Miraida - hindi mapakali.
115Please respect copyright.PENANAzcBmcPmv9b
"Sa tingin ninyo, saan siya pupunta?" tanong ni Estela.
115Please respect copyright.PENANAoM0pVpplAV
Walang sumagot agad.
115Please respect copyright.PENANADgwmFwdv9C
Si Miraida ang nagsalita.
115Please respect copyright.PENANAILsaznRa9p
"Kung may isang tao na hindi niya kayang iwasan..."
Napatingin sina Estella , Alice, at May sa kanya.
"...si Dan."
115Please respect copyright.PENANAZt2FBrhnsA
Tahimik ulit. Hindi nila kailangang sabihin nang buo. Alam nilang lahat. Ang unang field attempt na jabigo. Ang pagtatanong ni Mira kahapon. Ang biglang pagkawala ni Mira ngayong umaga. At dahil sw mga pangyayari ay nagbago ang ihip ng hangin sa kuta. Hindi na ito tungkol sa pagkuha ng binata. Hindi na ito tungkol sa pagpaparami ng lahi.
115Please respect copyright.PENANAH2MjnOF1yG
Ngayon.
115Please respect copyright.PENANA0juWx74i9E
May Bangkilan na pumiling umalis.
At kung mapatunayan niyang may ibang paraan... Mababasag ang pundasyon ng tradisyon. At iyon ang tunay na kinatatakutan ng mga elder Bangkilan.
115Please respect copyright.PENANA7FxDahz1Sz
Sa labas ng kuta, sumikat na nang tuluyan ang araw.
115Please respect copyright.PENANAKrPwxQJjos
At sa loob-
115Please respect copyright.PENANAqHCHWgV7aN
May unang crack na sa sistema
115Please respect copyright.PENANAeQrDBPPgae
.
Hindi dahil sa kalaban. Kundi dahil sa sariling anak ng lahi ja tuluyan nang tumalikod sa brutal na tradisyon.
115Please respect copyright.PENANAxPAQLuDU3B
115Please respect copyright.PENANARhs2T2mdwc


