Scene 1
9:00 PM
Bagong Kuta ng mga Bangkilan, Palawan, Philippines
91Please respect copyright.PENANAYy3OoOlmCk
Tahimik ang bagong kuta. Ang gabi ay malamig. Ang hangin ay may dalang asin mula sa dagat. Sa loob ng silid, nakahiga si Mira Mercado, nakatingin sa kisame na may nakaukit na sinaunang simbolo ng kanilang lahi. Hindi siya makatulog. Paulit-ulit sa isip niya ang buong araw. Ang unang failed attempt ang pagkabigo, ang mga tanong niya sa elders, ang katahimikan matapos ang sagot nila, at ang sariling boses niya na nagtanong:
91Please respect copyright.PENANA3C0ECi97dQ
Flashback...
91Please respect copyright.PENANAj5zsUPvDpk
“Kung kailangan nating pahirapan ang isang tao para lang mabuhay tayo… anong klaseng lahi tayo?”
91Please respect copyright.PENANAKqfSdsyUQC
End Of Flashback.....
91Please respect copyright.PENANAegWngLRVvX
Huminga siya nang mabagal matapos niyang maalala ang lahst ng nangyari kanina. Ang lamig ng gabi ay ramdam niya sa balat. Oo, hindi man sila tumatanda, hindi man sila madaling masugatan, pero nakakaramdam pa rin sila ng lamig. At ngayong gabi, hindi lang panahon ang malamig kundi pati na ang katotohanan.
91Please respect copyright.PENANAssEjiktZ3r
Ilang sandali pa ang lumipas... Dahan-dahan siyang bumangon at lumapit sa mesa. Kumuha ng isang malinis na papel pagkatapos ay matagal siyang nakatingin dito bago nagsulat. At sa paglipas ng olan pang sandali ay sinimulan na ni Mira ang pagsusulatm. Walang galit, walang paninisi, walang drama. Angvnilalaman ng sulat ay malinaw, diretso, tahasan,
91Please respect copyright.PENANABQz0Ykht6W
“Sa mga Elder at sa aking mga kapatid sa lahi,
91Please respect copyright.PENANAoST9D6Wvy2
Simula ngayong gabi, ako ay tumatalikod sa brutal na tradisyong kinagisnan natin. Hindi ako lalaban laban sa inyo, ngunit hindi na rin ako makikiisa sa paraang hindi ko na kayang panindigan. Kung may ibang paraan para mabuhay ang Bangkilan, hahanapin ko iyon. Kung wala, pipiliin kong hindi na maging bahagi ng pagdanak ng dugo.
91Please respect copyright.PENANAPkuYSRCqq8
Hindi ito paghihimagsik. Ito ay pagpili.
91Please respect copyright.PENANA45s3037GEZ
Mira Mercado”
91Please respect copyright.PENANANvC3entObx
Pagkatapos niyang isulat iyon ay hindi siya umiyak. Hindi siya nag-atubili. Tinupi niya ang papel. Iniwan sa ibabaw ng mesa pagkatapos ay Isang tahimik na pagtalikod ang ginawa ni Mira. Walang alam sina Miraida, Estela, Alice, at May. Hijdi rin ito alam ng mga Elder Bangkilan. At sa gabing iyon ay tahimik na umalis Mira sa kuta. Ang buwan ay maliwanag habang naglalakad siya palayo. Walang lingon, walang paalam. Tanging ang tunog ng mga paa niya sa lupa at ang alon sa malayo ang kasama niya.
91Please respect copyright.PENANA7ZZTDfwG07
Habang naglalakad si Mira sa daanan na nasa gilid ng bundok, naramdaman niya ang lamig ng hangin. Mas malamig ito kaysa sa loob ng kuta. Hindi siya sanay matulog sa labas. Hindi siya handang magpalipas ng gabi sa damuhan Kung kaya't nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa makita niya ang isang tahanan. Isang simpleng bahay na nasa gilid ng bundok at malapit sa dagat. Tahanan ito ni Dan Asusano Hinarez. At dito ay huminto si Mira sa labas... Sandaling katahimikan. Himdi napag-isipan ni Mira kung ano ang sasabihin. Wala rin siyang intensyong magpaalam at lalong wala rin siyang gustong ipaliwanag. Kumatok ay hindi rin ginawa ni Mira sa halip ay dahan-dahan niyang itinulak ang pinto at hindi ito naka-lock kunh kaya't pumasok na siya. At dito ay tahimik ang loob ng bahsy ngunit maririnig ang mahina at pantay na paghinga ni Dan at dito ay nakita ng dalaga na natutulog ang binata. Ilang sandali pa ang lumipas ay lumapit si Mira sa higaan at sandaling tumigil pagkatapos ay tinitigan niya ang binata. Ito ang lalaking muntik na niyang gawing bahagi ng brutal na tradisyon kanina, ngunit ngayon, si Mira ang kusang lumalapit hindi para sa ritual, hindi para sa plano, at lalong hindi rin para sa lahi undi para sa isang bagay na hindi pa niya kayang pangalanan. Mayamaya ay tiningnan ni Mira ang paligid. Walang ibang higaan ngunit ayaw niyang matulog sa malamig na labas kung kaya't ndi na inisip ni Mira kung magiging komportable si Dan pag gising jito kinabukasan. Hindi na niya inisip kung magugulat ito. Tahimik siyang humiga sa tabi ng binata. May kaunting pagitan. Hindi siya dumikit. Hindi siya umakap. Humiga lang siya.
At sa unang pagkakataon matapos ang maghapon ay pumikit si Mira nang walang anumang bigat sa dibdib.
91Please respect copyright.PENANAqhdCbTNo45
Sa labas, patuloy ang alon. Sa loob ng bahay, magkatabi ang isang Dibinong Mangkukulam at isang Bangkilan na tumalikod sa sariling tradisyon. Hindi pa alam ni Dan ang mangyayari pag gising niya bukas. Hindi pa niya alam na may bagong yugto na nagsimula na. Pero sa gabing iyon... Isang liham ang naiwan sa kuta. Isang Bangkilan ang umalis.
At isang desisyong hindi na mababawi ang naisulat sa kasaysayan.
91Please respect copyright.PENANAmHHeWiJMLb
Scene 2
5:00 AM
Bahay ni Dan, gilid ng bundok, malapit sa tabing-dagat, Palawan, Philippines
91Please respect copyright.PENANAgCZXxsnunR
Tahimik ang umaga. Ang liwanag ng araw ay unti-unting sumisilip sa pagitan ng kurtina. Sa labas, maririnig ang alon sa di kalayuan. Ilang sandali pa ang lumipas ay dahan-dahang iminulat ni Dan Asusano Hinarez ang kanyang mga mata. Isang normal na umaga sana ang inaasahan niyang sasalubong sa kanya. Hanggang sa lumingon siya sa kanyang kaliwa. At dito ay nakita niya si Mira Mercado, ang babaeng dumukot sa kanya kahapon na nakahiga, tahimik, mahimbing ang tulog.
91Please respect copyright.PENANAMcQ85DqINq
Isang segundo.
91Please respect copyright.PENANArHfqrDJOiY
Dalawa.
91Please respect copyright.PENANApkNeIqvExx
Tatlo.
91Please respect copyright.PENANAjJeZszn3E4
At biglang napabalikwas ng bangon si Dan.
Tumanog ang kama. Umuga ang kahoy na frame. Ang biglaang ingay ang nagpagising kay Mira. Bago pa tuluyang makapagsalita si Kira ay mabilis ang galaw ni Dan at sa isang iglap lang ay nasa kamay na ng binata ang kanyang punyal pagkatapos ay itinutok niya ito kay Mira.
91Please respect copyright.PENANAIcjIscsLlA
“Huwag kang gagalaw,” malamig niyang sabi.
91Please respect copyright.PENANACe7jlY7xzg
“Kung ang balak mo ay dukutin ulit ako, hindi mo—”
91Please respect copyright.PENANAjID49NHtde
“Huminto ka muna at kumalma sandali Dan.” wika ni Mira. Hindi sumigaw. Hindi takot kundi mahinahon. At dito ay ibinaba ni Mira ang kanyang mga kamay sa tabi, ipinapakita na wala siyang balak lumaban.
91Please respect copyright.PENANAHoAINyHXcD
“Hindi ako nandito para dukutin ka.”
At sa pagkakataong iyon ay hindi gumalaw si Dan. Hindi rin niya ibinaba ang punyal.
91Please respect copyright.PENANAsV2SICQaGW
“Talaga?” malamig na tugon ni Dan. “Dahil kahapon lang, ikaw ang nagdala sa akin sa silid na iyon.”
91Please respect copyright.PENANALK5z5IQFD5
Alam ni Mira na tama si Dan.
Kung kaya't hindi siya nag-deny.
“Oo,” direkta niyang sagot. “At kagabi, umalis ako sa kuta namin.”
91Please respect copyright.PENANAcHz9AFOGX7
Dito ay bahagyang nag-iba ang titig ni Dan dahil ss sinabi ni Mira.
91Please respect copyright.PENANAfk6iDXsihz
“Umalis?”
Tumango si Mira at jagpatuloy sa pagsasalita.
91Please respect copyright.PENANAxo89Wl0fO1
“Hindi ko na kayang ipagpatuloy ang brutal na tradisyon ng lahi namin.”
91Please respect copyright.PENANALKkHie9Fcu
At dito ay nanatiling nakatutok ang punyal.
“Magaling na linya,” sagot ni Dan. “Pero hindi ako madaling malinlang.”
91Please respect copyright.PENANAEqLESOWmhd
Huminga nang malalim si Mira
“Hindi ko rin inakala na bahay mo ito.”
91Please respect copyright.PENANAIMYshTOzZp
Dito ay napakunot ang noo ni Dan sa sinabi ni Mira.
“Anong ibig mong sabihin?”
91Please respect copyright.PENANAtiC7qd6CSa
“Naglalakad lang ako kagabi. Umalis ako nang walang paalam. Hindi ako sanay matulog sa labas… nakakaramdam din kami ng lamig.” At dito ay bahagyang napangiti si Mira. “Nakita ko ang bahay na ito. Pumasok ako. At doon ko lang nalaman na ikaw ang may-ari.”
91Please respect copyright.PENANAsUs67ZA5my
At dito ay natahimik si Dan.Binabasa ang mukha ni Mira. Walang takot. Walang panlilinlang.
“Bakit ka umalis?” tanong ni Dan.
91Please respect copyright.PENANAyHV55atxQ9
Doon nagsimula ang tunay na paliwanag.
Umupo si Mira nang dahan-dahan sa gilid ng kama. Hindi siya lumapit. Hindi rin siya umatras.
“Kahapon,” simula niya, “nagtanong ako sa mga elder.”
91Please respect copyright.PENANAchnYPpYwIY
Hindi nagsalita si Dan ngunit nakikinig.
“Tinanong ko kung ano ba talaga ang napapala namin sa pagdukot ng mga binata. Kung kailangan ba talagang umabot sa punto na pahirapan sila hanggang sa mamatay para lang dumami ang lahi.” dagdag pa ni Mira at dito ay bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Dan. Hindi niya inaasahan ang mga tinuran ni Mira.
91Please respect copyright.PENANAN1i9d4M7DH
“At tinanong ko rin kung kailangan ba talagang patayin ang mga lalaking sanggol ja Bangkilan dahil lang walang lalaking Bangkilan na pwedeng mabuhay sa lahi namin.” pagpatuloy ni Mira
91Please respect copyright.PENANAVNiotCyZpD
Tumahimik ang silid matapos magsalita ni Mira. Ang tunog lang ng alon ang maririnig.
91Please respect copyright.PENANAlNES1R8bAd
“Anong sagot nila?” tanong ni Dan, mas mababa na ang tono.
91Please respect copyright.PENANAr5t7D023k0
“Tradisyon. Batas ng dugo. Sakripisyo para sa kapangyarihan.” tugon ni Mira
91Please respect copyright.PENANArw6nNP0qbU
“Hindi ka nasiyahan.” muling tanong ni Dan.
91Please respect copyright.PENANA4oQxFhBBQh
“Hindi.” muling turan ni Mira na may direktang tinig at Walang pag-aatubili.
“Kaya nagsulat ako ng liham. Tahasang pagtalikod. Iniwan ko iyon sa mesa ko bago ako umalis.”
91Please respect copyright.PENANAeBiuKNcGuw
At doon ay unti-unting bumaba ang punyal ja hawak ni Dan ngunit hindi pa tuluyang ibinaba. Pero hindi na ito agresibong nakatutok kay Mira.
91Please respect copyright.PENANAHReHIgwXHt
“Walang nakakaalam?” tanong ni Dan.
“Wala. Kahit sina Miraida, Estela, Alice, at May.” sagot ni Mira
91Please respect copyright.PENANAIA9N33V2WP
At doon ay napatingin si Dan kay Mira nang mas maigi. Ang babaeng kaharap niya ngayon ay hindi ang parehong aura ng kahapon. May lakas pa rin. May tapang pa rin. Pero may bago. Pagpili.
91Please respect copyright.PENANAZNExmrF0vw
“Bakit dito?” tanong ni Dan.
Hindi agad nakasagot si Mira. Pagkatapos!
“Siguro dahil ikaw ang una kong nakitang tao na hindi natitinag sa lahi namin.”
91Please respect copyright.PENANAx3c83Yo04p
At dito ay tumaas ang kilay ni Dan dahil sa tugon ni Mira.
“Hindi ako tao lang,” sagot niya,l jang may bahagyang ngiti.
91Please respect copyright.PENANA4mCz0wsmJO
“Alam ko,” balik ni Mira. “Kaya nga mas lalo akong nagtanong sa sarili ko.”
91Please respect copyright.PENANAyYosv9DjpF
At dito ay jatahimik sila pareho.
At tuluyang ibinaba ni Dan ang punyal. Hindi dahil mahina siya kundi dahil naiintindihan niya na wala siyang kinakaharap na kalaban ngayon.
91Please respect copyright.PENANACCwxFsTsb2
“Kaya tumabi ka sa higaan ko?” bahagyang seryoso ang tanong ni Dan.
91Please respect copyright.PENANAkcKZQaTJWj
“Wala nang ibang higaan eh,” diretsong sagot ji Mira. “At hindi ko na inisip kung magiging komportable ka.”
91Please respect copyright.PENANAQ4KVmclgbZ
Napailing si Dan sa tugon ni Mira.
“Hindi ka talaga nag-iisip minsan.”
91Please respect copyright.PENANADxy1ro4fmI
“Ngayon lang ako nagsimulang mag-isip.” wika ni Mira.
91Please respect copyright.PENANA4BMKjSoeMD
At doon tuluyang natahimiksi Dan.
At doon nagbago ang tingin niya kay Mira.
Hindi na predator ang nakikita niya.
Hindi na Bangkilan na umaaligid. Kundi isang babaeng tumalikod sa sarili niyang lahi dahil sa konsensya.
91Please respect copyright.PENANA8N4I93HmBP
“Kung totoo ang sinasabi mo,” sabi ni Dan, “hindi ka na pwedeng bumalik.” wika ni Dan.
91Please respect copyright.PENANAVFrwEDIMnR
“Hindi ko na balak.” tugon ni Mira.
91Please respect copyright.PENANABwz3sFYfPo
“At alam mong hahabulin ka nila.” muling wika ni Dan.
91Please respect copyright.PENANAXmA0aeaQQF
“Alam ko.” maikling tugon naman ni Mira. Hindi siya nanginginig. Hindi siya nagdadalawang-isip.
91Please respect copyright.PENANAYY5hBv5eKb
Ilang sandali pa ay tinitigan ni Dan si Mira. Mas matagal. Mas malalim. At doon ay unti-unting lumambot ang ekspresyon niya.
“Hindi ako madaling magtiwala,” sabi niya.
91Please respect copyright.PENANAbwQmCaDg71
“Hindi ko hinihingi ang tiwala mo jang buo,” sagot ni Mira. “Hinihingi ko lang ang pagkakataon.”
91Please respect copyright.PENANAEKtV533VzA
Tahimik ang umaga. Mas maliwanag na ang liwanag sa loob ng bahay.
Sa unang pagkakataon mula kahapon—
Hindi na sila magkalaban sa isang silid. Magkatabi sila. Hindi bilang ritual. Hindi bilang target. Kundi bilang dalawang taong parehong may piniling paninindigan.
91Please respect copyright.PENANAvxWZAkRGNS
Huminga nang malalim si Dan.
“Mag-uusap tayo nang mas maayos mamaya,” sabi niya. “Pero sa ngayon… huwag ka munang gagalaw nang ikagugulat ko.”
91Please respect copyright.PENANArBCORefS85
Bahagyang ngumiti si Mira.
“Hindi ako gagalaw. Pangako.”
91Please respect copyright.PENANACb1aCmWSLi
At sa labas
ay sumikat na ang araw.
At sa loob ng bahay na iyon ay may nagsimulang bagong yugto.
Hindi pa pagtitiwala. Hindi pa pagkakaibigan. Pero hindi na rin digmaan.
91Please respect copyright.PENANAcaGwcnTIXY
91Please respect copyright.PENANAFqze8dpHOC


