DINALAW ni Jake ang kanyang kapatid at ibang kasamahan nito sa kulungan; pinatawan pa rin ito ng kaparusahan dahil nadawit ito sa illegal na mga gawain na labag sa batas. Subalit, dahil tumulong itong maisolba at kusang sumuko sa kapulisan ay napagaan ang kaso nito.
"Kumusta kayo rito?" tanong naman ni Jake.
Kasama niya si Felix dahil dinalaw din si Vince sa kulungan, kasama silang Thalia.
"Bakit ang daming bisita ngayon, may salo-salo ba?" tanong naman ni Vince sa kanila.
Napabuntong-hininga na lamang siya, kahit man nakulong ito, kitang-kita sa mukha nito na hindi ito nagsisising makulong.
"Don’t worry about us; tama na iyong pagtulong mo sa amin, Jake, na mapagaan ang kaso namin at hindi kami tatanda rito sa malamig na kulungan." Napatawa pa si Zenne.
"Saka, dinadalaw din naman kami dito ng pamilya namin. Huwag kang masyadong mag-aalala, makakalaya rin kami na hindi mo inaasahan."
"Whatever, huwag kayong masyadong pasaway rito, kung gusto pa ninyong mapaaga ang paglaya ninyo." Sabi pa ni Felix sa kanila.
Napatawa na lamang si William noon.
"Kumusta ang mga bangkay na pinapahukay? Nakauwi na ba sila sa kanilang pamilya?" tanong naman ni Charles.
"Yeah, may ibang bangkay na naagnas na noong binalikan ang krimen, may ibang hindi na mahitsura, don’t worry, dahil may matatawag na silang totoong pahingahan. Inilista na rin iyong mga babaeng hindi na nakilala. Kapag nakalaya na kayo, bisitahin ninyo rin ang pamilyang nabiktima."
"Huwag na, mas masasaktan pa sila kapag nakita kami."
Hindi na lamang nagsalita si Jake; maraming pamilyang galit na galit sa kanila, pero may iba namang nakaintindi sa kalagayan at nauunawaang inosente na ang dapat sisihin ay si Bernard Fuego.
Bilang nakakatanda ring si Mikaela, ginawa nito ang makakayang suportahan pa ang imbestigasyon. Alam niyang mahabang proseso pa ang tatahakin ng kaso, subalit nananalig siyang matapos ang lahat na walang alitan sa mga puso nito at handa nang magpatawad.
"May mga pamilya pa ring nagpapasalamat sa inyo." Iyon lang ang narinig nila kay Felix na ngumiti sa mga kasamahan nito.
Napabuntong-hininga na lamang si Vince. "Bibisita kami kapag nakalaya na kami rito." Sabi naman nito.
"Kumusta ang dalawa?" Tinutukoy nito ay si Mikaela at si Chesca.
"Mag-aaral na rin sila sa kabila nang maraming lumabas na mga kontrobersiya, lumalaban sila, gagamitin pa rin nila ang kanilang apelyido na Fuego, gusto nilang maging malinis ang apelyido na iyon." Napatawa na lamang siya.
"That too, hindi ko alam kung saan nila nakukuha ang tapang na iyon." Sabi naman niyang napailing-iling na lamang.
Napatango naman ang ibang kasama nila. "How about sa kapatid ni Alexander?" tanong naman ni William.
Napabuntong-hininga na lamang siya. "Matatagalan pa silang makalaya sa detention, dahil guilty and proven na sila ang kagagawan ng pagkawala at pagkamatay ng kanilang biktima, nakakalungkot." Iyon na lamang ang kanyang nasabi noon.
"They will need to learn from their mistake; sana nga huwag na nilang ulitin pa ang nakaraan." Napasabi naman ni William na nalulungkot din sa narinig.
"Malapit na ang klase ninyo, hindi ba? Nakapag-enroll na ba si Gerald?" napatanong naman ito sa kanya.
"Yeah, huwag kang mag-aalala, papasok na ang kapatid mo doon, kahit patapos na iyong klase." Napatawa na lamang siya.
"Oh, patapos na ang oras ng bisita namin, sa susunod bibisita kami ulit sa inyo."
"No need, hindi naman malungkot dito sa kulungan." Napasabi pa ni Charles.
Napatawa na lamang ng mahina si Vince.
"Sige, aalis na kami, babalitaan din namin kayo sa mga nangyayari sa labas." Sabi pa ni Felix sa kanila.
"Yeah, mag-ingat kayo." Sabi pa niya.
Naglakad na sila papalayo, at nakita pa niyang pumasok na ito sa silid. Napabuntong-hininga na lamang siya. May tumapik sa kanya noon, si Felix.
"Bakit hindi mo sinabi na pinababa ang kaso nila sa korte, at pwede silang makalaya nang maaga?" pabulong namang tanong sa kanya ni Felix.
"Nah, we need to surprise them. Hindi nila alam na maraming taong tumulong sa kanila, at some of them got their senses na hindi sila dapat sisihin."
Napatawa na lamang si Felix sa pinagsasabi niya ngayon.
"Naglalakbay pa rin ba ang mga batang iyan at may premonition ba kayo?" tanong naman niya.
Napatitig si Felix sa kanya at napatawa na lamang. "No, I’m glad wala na kaming nakikita ngayon, paminsan-minsan, but not very urgent." Sagot naman nito sa kanya.
Napatango na lamang siya.
"Bakit bumalik ka sa pag-aaral sa kolehiyo?" suhestiyon naman niya.
Napalingon naman ang dalawa nitong kapatid sa sinabi niya at tinitigan pa si Felix.
"Are you kidding? Twenty-five na ako, mag-aaral pa talaga ako ng college?" Napatawa naman nito.
"Why not? Hindi pa naman masyadong huli sa iyo ang mag-aral."
"Kailangan kong pag-aralin ang mga kapatid ko, Jake. Hindi ko dapat unahin ang sarili ko sa mga ganyan. Saka, may kapatid pa akong nag-aaral sa elementarya." Napailing—iling na lamang ito.
"Edi bibigyan kita ng trabaho, iyon lang pala pinoproblema mo, saka I know, kaya mong pagsabayin ang trabaho at pag-aaral."
"You’re kidding, right?" tanong naman nito sa kanya.
"Kuya, kung pinoproblema mo ang pag-aalaga kay Greg, kaya naman naming alagaan si Greg, saka kuya, may part-time din ako pinapasukan ngayon." Sabi naman ni Jenny sa kapatid nitong lalaki.
"You’re kidding, Jenny. Sabi ko sa inyo, mag-focus kayo sa pag-aaral." Sabi pa nitong napailing na lamang.
"Kuya, palagi ka na lang nag-aalala sa amin, saka, kailangan mo ring alagaan ang sarili mo, saka hindi naman kami magpapabaya sa pag-aaral namin e." Iyon lang ang narinig niya sa kanyang estudyante na ngumiti sa kapatid nito.
Napabuntong-hininga na lamang si Felix.
"Pwede ba iyang free trial, kapag hindi mo na kaya ay hindi ka na papasok?" napatanong naman nito.
Napatawa na lamang ang kapatid nito, kaya naman napangiti na lamang siya. Gusto niyang tulungan ang mga taong kagaya ni Felix.
I’m really loving my profession. Napasabi na lamang sa kanyang isipan.
"Sir, di ba may senior high school na po iyon? Paano po na makakapunta si kuya sa college?" tanong naman ni Thalia sa kanya.
"Don’t worry about it, Thalia; may tinatawag tayong placement test sa kagaya ng kuya mo for special circumstances. Nakatapos siya ng high school. The sad thing is, na-imply ang senior high school, pero, dahil sa placement test, may posibilidad na makatuntong siya ng college." Paliwanag niya.
"Eh, mag-take ba ng exam si kuya?" tanong naman ni Jenny sa kanya.
"Yes, Mag-t-take siya ng exam, susukatin ang kaalaman niya sa old curriculum, at kung makapasa siya, hindi na niya kailangang mag-senior high school." Sabi naman niya.
"Alam kong makakapasa ang kapatid ninyo." Ngumiti na lamang siya.
Tumango na lamang ang dalawa; alam niya kung gaano pinapahalagahan ni Felix ang mga kapatid nito, napansin pa niyang napailing-iling lang sa pinag-uusapan.
"Wala na akong masabi. Well, if my siblings support me about that, I will take that opportunity."
"That’s good to hear." Sabi pa niya noon.
Nakalabas na sila noon, at kailangan pa nilang puntahan ang dalawang dalaga sa probinsya. Narinig nilang sinunog ang warehouse pagkatapos ng pag-iimbestiga nito.
NAPATITIG siya sa paaralan niya ngayon, pasukan na naman, hindi siya makapaniwalang nandirito siya na nakatapak na tila walang nangyari sa kanilang semestral break. Tahimik siyang pumasok sa kanilang silid-aralan.
Umupo siya nang tahimik, naririnig niya ang mga usap-usapan ng kanyang mga kaklase, at bigla na lamang may tumapik sa kanya.
Sumalubong sa kanya ang isang ngiti ni Chesca, hindi na rin itinago nito ang totoong pagkatao niya bilang isang Fuego.
"Good morning," bati sa kanya.
Ngumiti rin siya noon. "Good morning, din, Chesca."
Umupo ito sa tabi niya, walang nagbago sa kanilang classroom, at si Jake pa rin ang adviser nila noon.
Masaya siya na sinubukan ng kanyang kapatid ang ideya ni Sir Jake noon, saka papalihim pa niyang nakikitang may binabasa itong notes, natutuwa siya na naging seryoso at interesado ang kuya niya na mag-aral muli.
Ang daming mga pangyayaring nangyari sa buhay niya na hindi inaasahan. Pumasok na ang kanilang adviser, kaya napatayo rin si Chesca noon.
Nabalitaan din niyang ang guardian nilang Chesca at Mikaela ay si Sir Jake.
Matapos ang kanilang klase ay recess time na rin nila. Patungo sila sa canteen nang nasalubong niya silang Gerald at si Ericka.
Napaupo silang dalawa ni Chesca sa bakanteng mesa, pumunta naman silang Ericka noon. Umupo rin ito.
Ngumiti lang siya sa dalawa.
"Kumusta ang bagong classroom mo?" tanong naman niya kay Gerald.
"Nice, ang ganda pala ng paaralan dito." Inilibot pa ang paningin nito.
Napatawa na lamang nang mahina si Thalia at si Chesca.
"Hindi pa rin akong makapaniwalang buhay pa rin tayo ngayon, Thalia." Iyon lang narinig niya kay Ericka.
Napatango na lamang siya bilang pagsang-ayon. "Oo nga, hindi pa rin ako mapaniwalang nandirito pa rin tayo."
"Dalawin natin si Jasmin mamaya." Sabi naman nito sa kanya.
"Di ba tapos na ang 40 days niya?" tanong naman nito sa kausap.
"Gusto ko muna siyang dalawin." Sabi pa nito.
Alam niyang namimiss ni Ericka si Jasmin. "Oo, sasamahan na kita. Sasama ka ba sa amin, Chesca?" Binalingan naman niya ang kasama niya.
"Sige." Agad naman itong tumango.
Kagaya ng napag-usapan nila, dinalaw nila ang puntod ni Jasmin. Magtatatlongbuwan na ring nangyari ang pambabaril ni Jasmin, at saka, nandoon pa rin ang pagkalungkot niya sa nangyari. Napabuntong-hininga na lamang siya.
Nag-alay siya ng dasal at agad sinindihan ang puting kandila at iniligay ito sa lagayan. Nakita nila ang larawan ni Jasmin na masayang nakangiti na tila nakangiti sa kanila.
Ang daming nangyayari na hindi akala niya’y hindi makayanan sa kanyang isipan.
Nandoon sila ng ilang minuto. Nang kumagat ang kadiliman, nagsiuwian na rin sila sa kani-kanilang mga tahanan.
"Ta," tawag ng kanyang kapatid.
"Yes po, kuya?" napatanong naman niya.
"Natagalan ka yata sa pag-uwi?"
"Ah, dinalaw lang namin ang puntod ni Jasmin, pagkatapos ng klase." Agad niyang sinagot ang katanungan nito.
Tumango lang itong nagbabasa ng dyaryo. Napangiti na lamang siya sa kanyang kapatid.
"Kailan ang placement test na sinasabi ni sir, kuya?" tanong naman niya.
"Ah, sa Friday na."
"Kaya iyan kuya." Sabi pa niya na tinapik pa ang kapatid.
Napatingin naman ito sa kanya, at napatawa sa ginawa niya. "Thank you."
"Of course, you can do it; nagmana lang kami sa iyo." Sabi naman ni Thalia na tumawa pa.
"Ta, nandiyan ka na pala, pakitulungan mo muna ako rito sa kusina." Sabi pa ng ate niya.
"Okay po, sige kuya, tulungan ko muna si ate Jen." Pagpapalam nito sa kanya.
Tumango ito, at agad nagtungo sa kusina; nandoon si Jenny na abala sa pagluluto.
"Maaga ka ata ngayon, ate?" tanong naman nito.
"Ah, oo, nandoon kasi sa study load ko na maaga talaga akong makakuwi palagi. Saka, pinili ko na iyon, dahil mag-aaral na si kuya. Saka, kailangan din nating mag-adjust." Sabi pa nito.
"Mabuti nga at pumayag e," sabi pa niya sa kanyang kapatid.
"Hindi tayo dapat aasa ni kuya palagi, saka, malalaki na tayo." Napailing na lamang ito sa kanya.
Napatawa naman siya sa pinagsasabi ng kanyang kausap ngayon. Tama nga naman ang kanyang kapatid na hindi sila dapat aasa sa kanilang kuya, dahil buong buhay nito noong pumanaw ang magulang nila’y naging ama’t ina ito sa kanila.
Sila naman ang babawi at susuporta sa desisyon nito.
"Ta, tawagin mo muna si Greg, nandoon naglalaro sa sala." Sabi pa ng kapatid niya.
Agad siyang sumunod sa kanyang kapatid. Nakita niyang masayang naglalaro ang kapatid nito.
"Greg," tawag niya rito.
Tumingin ito sa kanya. "Halika na."
Tumango ito at tumayo na nakangiti sa kanya. "Ang saya mo ngayon, may nangyari ba?" tanong naman nito sa kanyang kapatid.
"Nakatatlong stars ako ngayon," sabi pa nito na pinakita ang tatlong stars sa kamay nito.
"Wow, that’s good!" Agad niyang puri sa kanyang kapatid na hinawakan ang kamay nito. Nandoon na ang dalawa niyang kapatid sa hapag.
"Greg, halika na," yaya naman ni Jenny. Umupo ito sa tabi ng kanyang kapatid.
"Look kuya, may stars ako ngayon." rinig pa nilang sabi ni Greg sa kanila na pinagmamalaki pa ng kanilang bunso.
Nakita pa niyang ginulo ang buhok nito. "Mag-aral nang mabuti ha?" iyon lang ang narinig niya kay Felix.
"Oo naman po." Sabi pa nito.
Masaya silang nagkwentuhan sa hapag na dati’y hindi nila magawang magkapatid. Sumapit ang test ng kanyang kuya, at masayang-masaya sila sa resulta dahil pumasa ito at mag-proceed ito sa kolehiyo.
Kinuhang kurso ng kanyang kapatid ay Computer Science, pumasa naman ito sa entrance exam noon. Mababago man ang buhay nila, alam nilang patungo sila sa pagbabagong makabubuti sa kani-kanilang buhay bilang magkakakapatid.
51Please respect copyright.PENANA99aLvvQNDJ


