NAPAPALIBUTAN na siya ng kalaban, hindi niya alam kung saan itutuon ang kanyang armas ngayon, may sugat siya sa kanyang paa dahil hindi siya makalakad.
"Patay na kayo." Sabi niya.
"Hindi pa kami patay, hangga’t hindi namin nakakamit ang hustisya." Iyon lang ang sagot ni Charles sa kanya.
"You stupid brat." Tinutukan niya ng armas si Charles, ngunit sinipa nito ang baril at tumilapon ito.
Tiningnan niya ang kanyang sarili, he becomes defenseless; ngayon niya lang naramdaman ang takot sa buhay niya.
"Sumuko ka na." Narinig niyang sabi ni Jake.
"We don’t want to dirty our hands by killing you; ang batas ang huhusga sa iyo."
Napatawa siya sa pinagsasabi. "Batas? Hanggang ngayon ba’y naniniwala kayong tutulungan kayo ng batas rito? Ako ang batas, ako ang nasusunod dahil isa lang kayong alikabo sa mundong ito."
"Alikabo na nakakapuwing." Iyon na lamang ang sinabi ng nagpapanggap sa kanya bilang Hardinero sa kanyang mansion.
"I guess nandito na ang susundo sa iyo."
May narinig siyang ingay na nanggaling sa labas ng warehouse na nagpapa-alarma sa kanya. Mga yabag ng paa na patungo sa direksyon kung nasaan sila.
Hindi pwede, hindi pwede. Paika – ika niyang tinakbo ang kanyang baril. Hinayaan na lamang siya nito.
Lalaban ako, hindi sila ang magpapabagsak sa akin. Hindi. Napasabi na lamang niya sa kanyang isipan.
Naabot na niya ang kanyang baril, ngunit papalapit na nang papalapit ang mga kapulisan. Tumambad kaagad sa kanya ang mga ito.
Lumaban siya; agad niyang binaril ang isang pulis, paika-ika siyang nagtago sa malalapad na puno, subalit may sumalubong sa kanya na bala at tinamaan siya sa noo, pinaulanan siya ng maraming bala, at hindi nakalaban ang kanyang katawan.
"So, patas na tayo, Bernard Fuego. You killed my sister Bianca; medyo natagalan lang ang paghihiganti ko sa iyo." Napasabi naman ng isang pulis.
"Christopher," pabulong niyang sabi.
"Not only to my sister, pero sa lahat ng taong inosenteng pinatay mo." Sabi naman nito.
"Well, nandito na lahat sa mga kamay ko ang pruweba, medyo marami-rami rin ang mga violations mo, hindi ako makapaniwalang tao ba ang gumawa ng mga krimen na ito."
Nakita niya ang tinutukoy nito, ang kwadernong tinago niya kung saan nandoon ang mga sangkot sa kanyang negosyo, ang brown envelope na ang laman ay mga larawan na nandoon siya at ang kanyang mga partners kapag nagkakaroon sila ng pagpupulong, na itinago sa kanya ni Bianca at matagal niyang hinahanap ito. Isa pa’y may USB na naglalaman ng lahat sa madumi niyang negosyo.
"Kinuha," nahihirapan siyang magsalita dahil ilang segundo ay mapupugto na ang kanyang hininga. "Kinuha iyan ng mga dalawang pinagkakatiwalaan ko." Sabi pa nito.
Nagdidilim na ang paningin niya, pilit niyang inabot ang kanyang baril para barilin ang nasa harapan niya ngayon, wala nang lakas ang buo niyang pagkatao.
"Alam mo ba ang kasabihan na ito: matalino man ang matsing, naiisahan din? And yeah, naisahan ka nga ng mga taong gustong makaganti sa iyo." Sabi naman nito sa kanya na napabuntong-hininga.
Hindi na niya naririnig ang tibok ng puso niya; may mga likidong kumakawala sa katawan niya.
"Hindi lahat ng gusto mo nakakamit mo," may boses na bumubulong sa kanyang tenga.
"Lahat ng tao ay may karma, kung paano ka nakagawa ng kamalian sa isang tao." May narinig na naman siyang bulong.
Am I hallucinating? Bakit may naririnig ako? Napatanong sa kanyang isipan.
Ginalaw-galaw niya ang kanyang mga kalamnan; nagulat siya dahil nagalaw niya ito na walang kahirap-hirap.
Hindi pa ako patay! Napasabi na lamang sa kanyang isipan na nagdiwang, dali-dali siyang bumangon. Hinanap niya ang kanyang baril.
Napagtanto niya at nasilayan niya kung nasaan siya ngayon; nilamon ng kadiliman ang kanyang paligid, nakatayo siya sa parang, hindi niya makita ang dulo kung hanggang saan ito matatapos.
Naglalakad-lakad siya, nakakabinging katahimikan, wala nang mga boses na kanyang naririnig kanina. Ang mga sugat niya ay naghilom. Hindi niya alam kung saan siya, dahil ipagpapatuloy niya ang paghihiganting nasa isipan kung paano siya makabawi sa negosyo niyang naiwan.
Hanggang ngayon, iniisip mo pa rin ang sarili mo. Umalingawngaw ang boses nito, kaya napalingon siya kung nasaan nanggaling ang boses.
May nakita siyang babaeng duguan; hindi niya nakilala ang mukha nito.
Hindi mo na ba ako nakilala, Dad? Tanong naman nito.
"E--- Ellese?" Pagkilala niya sa taong kaharap niya.
Makahulugan itong ngumiti sa kanya. Buti naman, nakilala mo pa rin ako sa anyo kong ito, na ikaw mismo ang gumawa. Nakaramdam siya na biglang lumamig ang paligid; hinahaplos siya ng malamig na hangin sa kanyang katawan. Ngayon niya lamang naramdaman ang buong kilabot sa katawan niya.
"P --- Patawarin mo ako, anak. Patawarin mo ako." Paghihingi niya ng kapatawaran sa kaluluwang si Ellese.
"Kahit patawarin kita, hindi pa rin mababago na panghabang-buhay kang maglalakbay sa kadilimang ito." Sabi pa nito.
"Pero, huwag kang mag-alala; may kasama ka naman sa paglalakbay mo." Ngumiti ito sa kanya ng makahulugan.
Alam kong nandirito rin silang Giovane at Alexander. Napasabi sa kanyang isipan.
"Tulungan mo akong makita ang liwanag. Ayoko rito, anak."
Anak? Ngayon mo pa talaga ako tinuring na anak? Tulungan? Bakit? Anong ginawa mo noong humingi ako ng tulong? Wala, hindi ba? Kahit tulungan pa kita, hindi papayag ang mga kaluluwang ikaw ang dahilan kung bakit hindi nila mahanap ang kapayapaan. Humahalo ang boses nito sa hangin na siyang dahilan kung bakit tumataas ang balahibo niya sa katawan.
"Bakit nakalaya ka na ba ng nakaraan, Ellese? Magsasama tayo rito, nandito na ako at magsasama tayong maghihirap rito sa ikalawang mundo." Sabi pa niyang ngumisi.
Oo, nakalaya na ako sa nakaraang hindi ko matakasan noon. Hindi tayo magsasama, dahil nahanap ko na ang hinahanap ko, tapos na ang paglalakbay ko sa kadilimang ito, tapos na kaming magdusa sa kadilimang ito, ngayon, ikaw naman ang maglalakbay sa walang katapusang kadiliman.
Lumiwanag ang paligid na kung saan nandoon ang anak niyang si Ellese, papalayo ito ng papalayo sa kanya.
Tumakbo siya, hinahabol niya ito, at inaabot niya ang kanyang kamay.
"Sandali! Sandali anak, ama mo pa rin ako!"
Ngumiti ito sa kanya. Maraming salamat at naging ama kita; salamat at magkakaroon na kami ng kalayaan.
Unti-unti nawawala ang liwanag na kinakain ng kadiliman.
"Hindi!" galit niya’t napakuyom siya sa kanyang mga palad.
"Boss." May narinig siyang boses.
"Alexander?" gulat niyang tanong.
May tao pa siyang hinanap sa mga mata niya.
Si Giovane ba ang hinahanap mo? Bumalik siya sa mundo ng tao para pagbayaran ang kasalanan niya; nasa mabuting pamilya na si Giovane.
"Bianca!" sigaw niya dahil alam niyang boses iyon ng ikalawa niyang asawa.
Nagpakita ang kaluluwa niya, ngunit ilang segundo’y nawala ito sa kanyang paningin.
Biglang tumahimik ang paligid at silang dalawa ni Alexander ang natira.
Hindi siya papayag, babalik siya, alam niyang may magpapatuloy sa nasimulan niya. Gaganti siya sa mga taong dulot ng pagkamatay niya.
Hanggang ngayon, hindi ka pa rin nagsisisi. Well, magiging kagaya ka sa ibang kaluluwang walang alaala.
Naglalakbay sila ni Alexander sa kadiliman, di alam saan sila tutungo.
NAG – AALALA si Jenny, tinatanaw niya ang kanilang dinaanan, wala nang sumunod sa kanila at nahuli na rin ang dalawang dalagang nasangkot din sa pagtulong para maisagawa ang karumal-dumal na krimen sa warehouse.
Kuya, nasaan na ba kayo? Tanong sa kanyang isipang nag-aalala. Tahimik lang ang kapatid niyang si Thalia na nag-aantay. Nagtagumpay ang plano na ibinahagi ng kanyang pinsan. Hindi alam iyon ni Mikaela na ganoon ang takbong maabutan nito, dahil, sa pag-uusap na iyon, nagpapahinga pa si Mikaela.
Sinadya nilang magpahuli, at sinadya nila na iwan ang mapa sa kalaban, dahil may nakaabang na patibong ang nandoon. Magpapahuli ito sa kalaban. Magpapanggap na natamaan at namatay para makapasok ito sa lungga na walang kahirap-hirap.
Nagkakatotoo ang premonition niya, at ang iba’y naagapan dahil hindi sila lumaban sa kanilang kalaban. Akala niya, hindi ito magtatagumpay na plano, dahil magkakaroon din ng ikalawang plano kapag pumalpak.
Pero ngayon, natatakot siya bigla, dahil pa niya nakikita ang anino nito. May mga pulis na tumulong sa kanila. Nabigla din ang isang kasamahan nito; kung naalala niya, ito ang ama ni Jasmin Cuerdo at may kaibigan ding pulis. Nandito ito para mag-assist, kaya naman, masinsinan niyang kinausap ngayon si Ericka.
Ang sabi’y ang dalawang dalaga na nahuli ay mapupunta sa pangangalaga ng DSWD dahil ito’y minor de edad pa lamang. Makukulong ito ngunit nasa pangangalaga para sa mga kabataang kagaya niya.
Nalaman din nilang napatay si Giovane at si Alexander, pati na ang ama ni Mikaela. May narinig silang mga kaluskos, kaya nagtinginan naman ang lahat, nakahanda pa ang mga kapulisan noon, kung sino man ang taong nakabuntot sa kanila.
Agad iniluwa ang mga apat na lalaki. Agad nila itong nakilala.
Sinalubong nila ito. May iba pang sugatan dahil sa pakikipagbakbakan kanina. Hinanap niya ang pinsan niya at kapatid niya.
May gumulo sa buhok niya, agad siyang lumingon, nasalubong niya ang tingin ng kanyang kapatid at pinsang nakasunod dito, na napaupo at nagbuntong-hininga.
"What’s that face, Jenny?" tanong naman nito sa kanya.
Walang salitang yumakap siya rito at tinago ang mukha nito sa kanlungan, nag-uunahang tumulo ang luha niya dahil natatakot sa mga iniisip niya. Napansin din niyang nasa likuran na nakayakap si Thalia kay Felix; naramdaman niyang nanginginig ang kamay nitong nakayakap.
Narinig niya ang mahinang hikbi ng kapatid niyang si Thalia. Kagaya rin itong natatakot sa mangyayari.
Niyakap siya ng kapatid nila.
"Natutuwa rin akong ligtas kayo." Ito lang ang narinig nila sa kanilang kapatid.
Tumango na lamang siya. Agad siyang humiwalay sa yakap, at pinahid ang luha noon. Ngumiti lang ang kanyang kapatid noon.
Nakaramdam siya ng pagkahilo noon, dahil magdamag wala siyang tulog, siguro’y dahilan ng pagkalma ng kanyang kalamnan noon na ligtas silang lahat na napasuong sa mapanganib na ginagawa nila ngayon. Inalalayan siya ni Mikaela.
"Mabuti pa’y magpahinga na muna kayo habang babalik sa siyudad, saka, bago tayo bumalik, gamutin na muna ang mga sugat ninyo." Rinig niyang sabi.
Agad siyang inalalayan sa pagpasok sa sasakyan. Mahimlay na nakatulog ang iba pagkatapos itong makaupo; siya rin ay kailangan na muna niyang ipikit at ipahinga ang katawan niya.
Jenny, Jenny. May narinig siyang boses na tumatawag sa kanya. Kaya naman, dahan-dahan niyang ibinuka ang kanyang mata; sinalubong siya ng isang nakabubulag na liwanag, kaya napapikit siya ulit; dahan-dahan niyang binuka hanggang sa may nakikita siyang isang dalaga.
Napatitig siya rito.
"Ellese? Felisa?" tawag niya sa pangalan.
Ngumiti ito sa kanya; hindi na ito ang dati puno ng galit at pagkalungkot.
"Ellese, Felisa." Agad siyang yumakap dito, at nakita niya si Mikaela.
Mikaela. Yinakap din nito ang kakambal. Napayakap naman si Chesca sa dalawang kaluluwa at bumuhos ang emosyon nito.
Nasalubong niya ang tingin ni Thalia, may mga matang nakatingin sa kanya, kaya naman, napabaling siya.
Nakita niya ang mga pinsan niya; hindi na ito duguan, magaan na itong nakangiti sa kanya. Napasinghap siya dahil may dalawang taong nakatayo sa likod nito.
"Mama, Papa." May sariling mga pag-iisip ang kanyang binti na dali-daling nilakad patungo sa kanyang magulang. Yumakap siya rito at umiyak, dala na rin ng pagsisising hindi niya nailigtas ang kanyang magulang sa mga premonition na kanyang nakikita.
Gumaya din sa kanya si Thalia, tahimik itong pumapatak ang luha; bata pa lang silang iniwan ng kanilang magulang. Ginulo na lamang nito ang kanilang buhok.
Maraming salamat, mga anak. Pakisabi sa kuya Felix mo na okay na ang lahat. Nakalaya na kami at bumalik na rin ang mga alaala namin. Salamat. Mahigpit silang niyakap noon.
Niyakap din niya ang mga pinsan niya.
Stop that crying face, Jenny; hindi kami nandito para makita kayong umiiyak. Sabi pa ni Fernan na ginulo ang buhok niya.
"Hindi ko kayang pigilan ang luha ko, ang dami-dami kong pinalampas, hindi ko kayo nailigtas noon, nanahimik ako." Nag-uunahang pumatak ang mga luha niya, at napapahikbi na lang na parang bata.
Jen, hindi natin kayang pigilan ang tadhana. Huwag mong sisihin ang sarili mo sa pagkamatay namin, dahil walang may gustong mangyari. Saka, masaya kaming nakasama namin ulit ang isa’t isa kahit man isa na kaming kaluluwa. Mahina pa itong napatawa si Shaina na kaedaran niya kung nabubuhay pa ito.
Mahigpit niyang niyakap ang mga pinsan niya. Maraming mga luha ang pumapatak.
Magpapaalam na kami sa inyo. Huwag kayong mag-aalala, palagi kaming nakagabay sa inyo. Matatahimik na rin kami sa wakas. Mahal na mahal namin kayo. Tandaan ninyo iyan.
Unti-unting nawala ito sa kanilang paningin. Nagising si Jenny na basa ang kanyang mukha ng luha. Napatingin siya sa kasama nitong napahikbi pa.
"Malungkot yata ang nakita ninyo." Iyon ang narinig niya kay Vince.
Tumango na lamang siya sa kanyang pinsan na naka-cross arms na tinitingnan sila.
"Nagpaalam na sila sa amin." Sabi niyang nalulungkot.
"We will visit their grave kapag nakabalik tayo." Sabi pa ng kanyang kapatid na si Felix.
Mahina siyang napatango. Hindi siya makapaniwala sa nangyari sa kanila ngayon. Bumalik na rin sila sa syudad. Umaga nang makaalis sila.
Nadaanan nila kung saan pinatay ang dalawa. May dalawang dalagang nakaputi na nakangiti sa kanya na kumakaway pa.
Napatitig naman siya sa kanyang kasamahan kung siya lang ba ang nakakita.
"Masaya na sila, ate." Sabi ni Thalia.
52Please respect copyright.PENANAoUQEFD6hIH


