NAGMAMADALI ang kilos ni Alexander patungo sa opisina na kung saan nandoon ang mag-ama. Naririnig niya ang mga putukan sa loob ng warehouse. Naabutan niya ang mag-amang nag-uusap, subalit sinenyasan siya ni Bernard na huwag muna siyang pumasok.
Tiningnan niya ang paligid sa loob at labas nito; walang mga kalabang nakaantabay.
That bastard. Napasabi sa kanyang isipan na ang tinutukoy ay si Felix. Nang malaman nila ang totoong pagkatao ni Felix, gumawa kaagad sila ng hakbang para patayin at patahimikin ito, ngunit naisahan sila.
That twisted mind of his—he’s really something. Napailing-iling na lamang ito sa pinag-iisip niya. Hindi niya marinig ang pag-uusap ng mag-ama, pero bigla itong naalarma sa mga putokang narinig; tumayo ito para kunin ang gamit pang-armas.
Napansin na lamang niya na may isang matigas na bagay ang nakatutok sa batok niya.
"Don’t let your guard down, Alexander." Sabi naman nito, narinig niya ang pagkakasa ng baril nito.
Kahit hindi pa niya lingunin, kilala niya ang boses nito.
"You got me there, Charles." Sabi naman niya.
Napansin niyang nakapasok na ang kasamahan nito. Naalarma naman ang mag-ama sa mga kasama nito.
Inasinta niya si Giovane na natamaan ng bala sa tagiliran nito. Naramdaman niya ang sipang binigay ni Charles sa kanya at pinutukan siya sa binti, kaya napaluhod at napadaing siya sa sakit.
Inasinta pa rin niya si Giovane noon, kaya naman naalarma at nalilito kung bakit binabaril niya si Giovane. Kitang-kita sa mga mukha nito na hindi makapaniwala sa kanyang nagawa ngayon.
"Sir! Tumakas ka na." Sabi pa nito.
"Alexander." Tawag pa nito, binaril kaagad ni William si Bernard, ngunit agad itong nakatago sa pader.
Subalit, hindi nito natakasan ang bala at natamaan ito sa paa kaya paika-ika itong lumakad.
Nilingon siya ni Giovane, minsanan lang itong huminga dahil napuruhan ito sa tama ng bala.
Napabagsak din siya sa lupa ng maramdamang sumuko na ang paa niya; hindi na niya maramdaman ang isang binti nito.
Narinig niyang napatawa pa si Giovane, pinipilit nitong gumapang.
"You really, pathetic Alexander, akala mo ba’y lahat ng ginagawa mo ngayon, you think he will recognize it?" napatanong nito sa kanya.
"You both are pathetic; nagpapaniwala kayo sa lalaking iyon, nagpapaniwala kayo sa mga pangako niya." Napansin niyang may isang lalaking nakaupo noon, tila pinapanood silang gumagapang sa lupa.
"Jake, so you're really here." Sabi pa ni Giovane at napatawa ulit.
"Yeah, well, tingnan ninyo ang mga sarili ninyo ngayon." Sabi pa nito sa kanila at napailing na lamang.
"You think hindi ko alam ang nangyayari sa inyo, Alexander? Noong namatay ang ama mo, ikaw din ang nagpatuloy na maging ikalawang kamay ni Bernard. He will not recognize you."
Hindi siya nagsasalita noon, pinapakiramdaman niya ang paligid, wala siyang pakialam sa loyalty na sinasabi nito, ang para sa kanya’y mapasakamay niya ulit ang pag-aaring inagaw ng Fuego sa mga Soccoro, na kung saan naging business partner ng kanyang ama sa pagpapatakbo ng illegal market, dahil sa kasakiman ng Fuego lihim itong pinatay ang kanyang ama at pinamumunuan ito.
Napatawa siya.
"Yeah? Bakit, Giovane, may nagbago ba? May nagbago ba nang ibinigay mo ang buo mong pagkatao sa lalaking iyon? Hindi ka niya kinilalang anak." Sabi pa niya noon.
"Nanggaling ka sa pamilyang Roman, kung saan inabandona ka sa sarili mong pamilya." Napatawa pa siya noon.
"Stop that nonsense. You really think I don’t know what happened? Stop manipulating his mind already." Sabi pa ni Jake sa kanya na halata sa boses ang galit.
"Why are you angry now?" tanong naman niya at napatawa. Inabot niya ang kanyang baril.
May kasa siyang narinig sa likuran niya noon.
Tsk. Hindi siya makagalaw dahil din sa sugat na natamo niya.
Ngumisi siya at agad binaril si Jake, pero daplis lang ang tumama nito.
Nakaramdam siya ng dugo sa braso niya; hindi niya napansing binaril siya ni Giovane na nakatingin sa kanya na tagaktak ang pawis.
"You know me well, Alexander, hindi ako titigil kapag hindi nakaganti. I don’t give a fuck kung anong alaala ko ang meron ngayon; panghahawakan ko iyon." Sabi pa nito.
"Oh, really? Kaya pala hindi mo kayang ipagtanggol ang mga so-called kapatid mo." Sabi pa nito.
May narinig siyang isang putok, napansin niyang dinudugo ang kanyang tagiliran. Tinitigan pa siya ni Felix na tinging manahimik siya. Tumalikod kaagad ito sa kanya na parang walang nangyari.
Pinaputukan siya nang hindi tiningnan; nakaramdam siya ng pagkahilo, umiikot ang paligid niya.
Sa kabila ng nangyari, ito ba ang kahihinatnan ko? Napatanong sa kanyang isipan.
Maybe I’m very selfish; I just hope that two is okay. Napasabi na lamang niya habang nag-aagaw buhay.
Hindi ko man lang nabawi ang sa iyo, Dad.
Unti-unti ng pumikit ang talukap sa kanyang mata.
"Let’s go." May awtoridad ang boses nito.
Binuka niya nang pilit ang kanyang mga mata, pinipilit niyang nilabanan ang nag-aagaw buhay niyang katawan.
I will take this revenge of yours, Felix. Kung pinatay kita kaagad noon, this will be my last bullet. I will make sure you’ll be dead.
Tinuro niya ang kanyang baril sa naglalakad na si Felix.
"Felix!" sigaw ng kasamahan nila, agad niyang kinalabit ang gantilyo, at kasabay ng pagtama nito sa katawan, agad siyang bumagsak.
Subalit, imbes na si Felix ang matamaan ng bala, si Giovane ang sumalo nito, at agad itong bumagsak na kapareho niya.
"Giovane, hang in there." Ito lang ang narinig niya kay Jake.
"G---o --- on, maka ---- ka—kasama ko na si Mommy." Sabi pa nito, nakita pa niyang tinulak pa si Jake.
Wala na siyang lakas, nakadapa siyang tiningnan ang nalustay na katawan ni Giovane, hirap na hirap itong huminga. Naging tahimik ang paligid, nakita niyang pilit na hinihila ni Felix si Jake noon na paalisin kung saan bumagsak ang katawan nito.
Tiningnan lang ni Felix silang dalawa, lalong-lalo na si Giovane.
"Hindi akong nagsising naging kaibigan kita noong mga bata pa tayo. I’m glad that your memories came back, Giovane." Agad itong papalayo at tumakas, para sundan din ang tumatakas na si Bernard noon.
"Ngayon pa talaga na bumalik ang totoo mong alaala, Giovane? What a worst timing, and pathetic loser you get."
Naramdaman niyang unti-unti na rin itong nawawalan ng buhay; siya rin ay nakaramdam ng panlalamig sa buong katawan, unti-unting humina ang pagtibok ng kanyang puso, at gusto na niyang matulog pa dahil pagod na ang kanyang katawan.
NAPASINGHAP si Giovane, nilingon-lingon niya kung nasaan na siya ngayon, madilim ang paligid, wala siyang makita kundi ang sarili lamang niya.
Ganito ba kapag namatay ka? Napatanong sa kanyang isipan, bumangon siya at naglakad-lakad sa walang hangganang kadiliman.
May sumalubong sa kanyang nakakasilaw na liwanag na tumama sa kanyang paningin at halos mabulag siya sa liwanag. Napapikit siya, nawala naman ito kaagad, kaya naman binuka niya nang dahan-dahan ang kanyang mata.
May pamilyar na mukha ang sumalubong sa kanya kaya napatitig na lang siya noon.
"Giovane," kilala niya ang boses na iyon, kundi sa kanyang naging pangalawang ina na si Bella.
Katabi nito ang dalawa niyang naging kapatid na si Ellese at Felisa.
Kinikilatis pa rin siya ng tingin nito, ngunit napabuntong-hininga na lamang ito sa kanya. Nilahad ni Ellese ang palad.
"Halika na," iyon lang ang narinig niya.
Napatawa na lamang siya noon. "Ikaw ba ang maghahatid sa akin sa impyerno?" tanong nito sa kanya.
Masama siyang tinitigan ng nito. "Marami kang kasalanan na pinagsisihan mo noong bumalik ang memorya mo; ikaw ang anak sa kapatid ni Tita Bianca, hindi ba?" tanong naman ni Ellese sa kanya.
"Halika nang maalala mo ang nangyari sa iyo noon." Hinawakan ni Felisa ang palad niya.
May mga larawang gumagalaw sa kanyang isipan; bigla siyang napabalik sa kanyang nakaraan, nang nasa limang taong gulang siya.
Naaksidente sila sa daan nang papauwi sila sa bayan ng Regondo; namatay ang kanyang magulang na hindi umabot sa ospital, siya nama’y naiwan sa pinangyarihan ng aksidente, nag-aagaw buhay nang may tumulong at nagmagandang loob na dalhin siya sa ospital.
Doon, nakilala niya ang mag-asawa na nagbubuntis ng kambal noon. Noong nagamot siya, hindi niya maalala kung sinong magulang niya at kung saan siya galing.
Ang tanging naalala niya ay ang kanyang pangalan.
"Giovane Mendoza—Roman." Iyon lang ang naalala niya.
Nagkatinginan naman ang mag-asawa, subalit, dahil bata pa si Giovane, prinotektahan ni Bella ang kamusmosan nito, itinago ang pagkatao hangga’t nasa tamang gulang na siya ay ikwento nito ang totoong pangyayari sa bata.
Subalit, bago pa malaman ni Bella iyon, ay unti-unti na nitong nilason ang isipan ng batang si Giovane, na magiging tagapagmana ito sa yaman ng Fuego. Pinigilan ito ni Bella, subalit natatakot din ito kung ano ang kahihinatnan ng bata.
Tumuntong ito ng pitong taong gulang at nagsilang din si Bella ng kambal na sina Ellese at Mikaela. Alam niyang nilalabanan ng batang si Giovane ang mga itinatanim ni Bernard sa isipan ng bata.
May nakilala siyang isang batang lalaki noon na kaedaran niya, ito ay si Felix Tejero-Blanco, na kung saan nagbabakasyon ito sa bayan, at isang kaibigan din ng kanyang kinilalang inang si Bella. Naging malapit siya kay Felix.
Minsan nagkwentuhan sila sa mga bagay noon na ikakasiya nila pareho. Ngunit, panandalian lamang ang pagkikita nila, dahil babalik ito sa kalapit-bayan para mag-aral. Nakilala niya ang kanyang pinsang si Jake noon; kagaya rin niyang Roman ang lahi nito, pero hindi siya malapit dito.
Nagkaisip at lumalaki na rin ang magkakambal at nagkaroon pa ito ng isang kapatid na babae, ito ay si Felisa. Hindi niya ito masaktan dahil tinuring niya itong totoong kapatid nang lumaki siya.
Noon, pinapunta siya ng kanyang kinilalang ama sa warehouse. Sa kanyang murang isipan ay nakakita na siya ng hindi pwedeng makita sa kagaya niya. Doon, unti-unting napapasok sa isipan niya ang tinuturo ni Bernard sa kanya, hanggang sa bumigay ang isipan nito at nagtagumpay si Bernard sa pinaplano para kay Giovane.
Naging kagaya ito sa kanyang ama na walang kinakatakutan, labindalawang taong gulang, ay kaya na niyang patayin ang nagtaksil sa kanyang ama na walang bahid na awa sa mga mata nito. Pinapatay ang pagiging bata sa loob ni Giovane.
Pilit mang nilalayo ni Bella si Giovane, ay hindi na niya ito nakayanan; nag-aalala siya para sa kapakanan nito dahil itinuring niyang totoong anak.
Hanggang pumanaw si Bella at pumalit si Bianca, na kung saan alam ang buong pagkatao ni Giovane, papalihim niyang binabantayan ang galaw nito at bawiin ang totoong pagkakakilanlan nito, subalit, malakas ang impluwensya ni Bernard sa bata.
Napadilat siya sa mga alaalang kanyang nakikita. Napatawa siya noon.
"Marami akong pinaslang sa mga kamay na ito." Tiningnan niya ang kanyang kamay; nakita niya ang mga dugong pumapatak sa kamay niya.
"Kaya pala—kaya pala biglang naalala ko si Felix, dahil kilala ko siya noon pa." Napatawa siya na parang nasisiraan ng bait.
"Ihatid na ninyo ako sa impyerno." Tiningnan niya ang magkakapatid. "Hindi ko kayo niligtas noon, kaya nararapat lang na huwag din ninyo akong iligtas." Sabi pa nito.
Bigla siyang niyakap ni Bella. "Giovane, patawarin mo ako, kung may lakas lang akong loob na ilayo ka at ibalik kita sa totoong tahanan mo noon, hindi madudungisan ang pagkatao mo, ang pagiging inosente mo." Sabi pa nito.
Kailan ko ba ulit naramdaman ang ganitong pakiramdam na yakapin ng isang ina? Napatanong na lamang sa kanyang isipan.
"Halika na, anak. Malaya ka na, malaya ka na sa kadilimang nilikha ng iyong magiging ama, naghihintay sila doon." Tinuro nito ang liwanag na kumikinang noon.
Umiling-iling siya. "Hindi ako nararapat na mapunta sa tahimik na lugar; marami akong pinatay, marami akong inagrabyado." Sabi pa nito.
"Kahit marami kang kasalanan, at pinagsisihan mo ito nang bukal sa loob mo, kahit hindi ka man napatawad sa mga pamilyang naiwanan ng mga dalagang kinitil ng organisasyon, para sa amin, gusto rin namin ng katahimikan, kaya napatawad ka na namin, kuya Giovane." Sabi pa ni Ellese.
"Kaya halika na, nag-aantay sa iyo ang totoo mong magulang." Sabi pa ni Felisa.
"Ellese, sumunod ka." Sabi naman nito.
Nakita pa niyang tumango ito.
"Bakit hindi sumama si Ellese?" napatanong na lamang niya.
"May inaantay siyang isang tao, huwag kang mag-aalala, babalik din ang kapatid mo agad."
"Kuya, lahat tayo ay biktima ng kasakiman sa mundo, lahat tayo ay may kapatawaran dito." Sabi naman ni Felisa na tiningnan siya.
Hindi niya alam na sa makasalanang kagaya niya ay napatawad siya.
May narinig siyang nagsasalita, tila hinahatulan siya ng hukom na nandoon; ang tanging hatol sa kanya ay itama ang ginawa niyang kasalanan, at mabubuhay siya ulit sa ibang katauhan.
Bago man iyon, nakita niyang muli ang kanyang magulang na niyakap siya nang buong higpit. Masaya na ang kaluluwa niyang nakita ito ulit.
54Please respect copyright.PENANA8JCCAfT0Ku


