Hindi niya maintindihan ang nangyayari ngayon; nasa harap sila ng kanilang tahanan. Naaalala pa niyang nasa limang taong gulang siya nang nasawi ang kanyang magulang sa isang aksidente.
Nakita niya ang kanyang inang si Rizalyn na kausap ang ina ng magkakambal at ni Felisa na si Bella; nakikita niya ang mga pasa nito. Nakikita niya sa kanyang paglalakbay nang malaman ng asawa nito ang lihim nito, at hindi na ito makayanan, at pinipilit na ipakulong ito dahil gusto nitong magbago, pero hindi ito nagtatagumpay dahil hawak nito ang kapulisan.
Sinasaktan ito nang paulit-ulit at pinagbantaan ang kanilang mga anak na may mangyayaring masama. Pero, hindi niya nasilip ang nakaraang kaibigan ito ng kanyang ina.
Nasabi na ng kanyang kapatid na lalaki na humingi ng tulong ang ina nilang Felisa noon, dahil isang batikang journalist ang kanilang magulang, at ang isang paa nito’y nasa hukay palagi. Hindi pa niya naiintindihan ang mga nangyayari dahil sa kanyang murang isipan.
"Kapag wala na ako, Riza, tulungan mo akong mapakulong ang asawa ko." Nagmamakaawa ang boses nito na may halong kalungkutan.
Nakita sa mukha ng kanyang ina ang kalungkutan, ngunit tumango lang ito. Sa bahay nila’y papalihim na nag-uusap ang mag-asawa.
"Riza, ano bang napasukan mo ngayon?" Napatanong ang kanyang ama na napailing-iling na lamang.
"Kailangan kong tulungan ang kaibigan ko." Pagmamatigas na sabi ng kanyang ina.
"Alam mo ba ang panganib na susuungin mo, na pwede mong ikapahamak?" tanong naman ng kanyang amang napapailing na lang. "Look, mga bata pa ang mga anak natin, si Felix nag-aaral pa sa elementarya, pwede bang pag-isipan nating mabuti bago tayo pumasok sa gulo? Kasi, ang mga anak natin ang magsasakripisyo."
Hindi sumagot ang kanyang ina na nag – iisip din nang malalim noon. Hindi kumilos ang kanyang ina; papalihim na minamanmanan niya ang kilos ni Fuego, kahit man sabihing pinagbabawalan itong kumilos ng asawa nito ay patuloy pa rin ito sa pag-oobserba.
Nang malaman nilang namatay si Bella, na kung saan pinalabas na nabaril ito ng ligaw na bala.
"Rizalyn!" pagpipigil ni Jeffrey sa kanyang asawa.
"Ayoko nang manahimik pa, Jeff; pinatay siya ng kanyang asawa nang may nadiskobrehan ito. Pinatahimik si Bella." Iyon lang ang sabi nitong galit—galit ang matang tinitigan ang asawa nito.
Napabuntong-hininga ito. "Fine, fine, but we need to take precautionary measures. I will help you, okay?" tanong naman nito.
Kumalma ito dahil nandoon ang asawang nakasuporta kay Rizalyn. May nahanap silang mga ebidensya na kung saan magagamit nila sa kaso, pati na rin ang warehouse na kanilang minamanmanan pati na ang mga anak ng kanyang kaibigan, na siyang ang lalaki’y naliligaw ng landas.
Minsan, dinadalaw ito ng mga pangitain at humihingi ng tulong ang kanyang kaibigan na mabigyan ng hustisya. Subalit, hindi nagtagumpay ang mag-asawa, dahil binabaliktad nito ang mga ebidensyang nakakalap nito; hindi sapat ang mga ebidensyang kanilang dala-dala noon sa korte.
"Hindi ako titigil, hinding—hindi ako titigil." Saad ni Rizalyn sa kanyang asawa.
Makalipas ang pagkamatay ng asawa nito, nabalitaang nagkaroon ito ng bagong asawa, ito ay si Bianca Roman-Fuego, nagkaroon ito ng isang anak, si Chesca Daia Fuego, na nanggaling sa maimpluwensyang pamilya ng Roman.
Patuloy na nag-obserba ang dalawang magulang ni Thalia noon, hanggang sa nalaman ng ikalawang asawa ang baho ni Bernard Fuego. Doon, naisipan ng mag-asawa na makipagtulungan kay Bianca, at papalihim na kumilos ang asawa. Nakikipagkita siya sa magulang ni Thalia noon, wala pang kamuwang-muwang noon ang batang si Thalia sa nangyayari.
"May kaibigan akong pulis." Sabi ni Bianca noon na nakipagkita sa dalawang mag-asawa.
"Makapagkakatiwalaan ba natin ang pulis na iyan?" tanong naman ni Jeffrey sa ginang.
"Huwag kayong mag-aalala, matutulungan tayo ng pulis na iyon. Nalaman kong binaliktad ang kaso ninyo laban kay Bella. Nagsisisi ako kung bakit hindi ako nakikinig sa magulang ko. Hindi ako natatakot sa buhay ko; natatakot ako para sa anak ko, hindi lang sa anak ko, kundi sa tatlong anak ni Bella." Nakita nito ang mukhang nagsisisi at takot sa haharaping problema.
"It’s been two years; hindi kami nagtitiwala sa mga kapulisan dahil marami silang koneksyon."
"Alam ko iyon, pero huwag kayong mag-aalala, magtutulungan tayo." Sabi pa nito.
Tumango na lamang ang mag-asawa.
Nanalaytay na sa dugo ng Blanco ang maglakbay at ang premonition nito, nakikita nilang papatayin nito si Bianca sa madaling panahon. Nagpasyahan ng mag-asawa nang gabing iyon na makipagkita sa kapulisang sinasabi ni Bianca.
Nasa sasakyan silang Thalia at Ericka, nagkatinginan silang dalawa noon.
"Kailangan na nating kumilos, Jeff. Hindi ko sasayangin ang ilang taong pagmamanman sa Fuego; kailangan natin itong maibigay kay Bianca." Sabi pa nito habang nagmamaneho ang kanyang asawang si Jeff.
"Kailangan nating mag-ingat; may mga taong nagkalat para manmanan tayo." Sabi naman nitong nakatingin sa daanan.
May bigla na lamang humarang na mga armado sa kanilang sasakyan. Napabuntong-hininga na lamang ang mag-asawa. Tinago ni Rizalyn ang envelope sa kotse nito. Kung may mangyari man, may makakita kaagad sa envelope na naglalaman ng mga pruweba, mga larawan sa pagsasagawa ng mga illegal markets at pagbebenta ng laman ng mga kababaihan. Maraming mga nilabag pang-moral si Bernard Fuego, at isa pa, inaabuso ang mga anak nito, tinatakot para huwag magsalita.
Pinababa sila ng sasakyan. Noong nakababa sila, agad silang tinutukan ng armas. Hindi sila nagsalita bilang mag-asawa, at pinabalik sila sa sasakyan.
Nang bubuhayin ito ng kanyang asawang si Jeffrey, may rumagasang isang ten-wheeler truck, at tumilapon silang mag-asawa.
"Felix, Jenny, Thalia, Greg…" iyon lang ang narinig ni Thalia habang naghihingalo ang kanyang magulang, bali – bali ang katawan nito at hindi makilala ang hitsura dahil sa impact na nangyaring banggaan.
Inaabot ito ng kamay sa parang. "A --- Alagaan mo ang kapatid mo, Felix, mag ---- I --- ingat kayo sa Fuego." Unti-unting nawalan ito ng hininga.
Kusang tumulo ang mga luha ni Thalia sa nangyari sa kanyang magulang.
Totoo ngang sinadya ang pagkamatay nito.
Mama, Papa. Napaiyak siya na hindi napigilan ang emosyon.
Ang brown envelope na itinago ng kanyang magulang ay napasakamay ng isang pulis at agad ibinigay kay Bianca.
"Anong gagawin mo diyan, Bianca?" tanong ng pulis sa kanya.
"Pruweba, ang batas ang maniningil sa kanya." Sabi pa nito.
"Alam na ng asawa mo ang galaw mo." Sabi pa nito.
"Alam ko."
Agad itong pumunta sa masukal na kagubatan; alam niyang hahanapin nito ang pruwebang pinaghihirapang kunin ng mga Blanco.
"Magagamit nila ito. Anak, Chesca, magagamit ninyo ito ni Ellese." Sabi pa nito, mabilis ang kilos nito na nagbubungkal na tanging flashlight lang ang ilaw nito. Agad itong umalis matapos ilibing ang mga ebidensya.
Hahanapin ito ng kanyang asawa.
Nakita ni Thalia ang isang batang babaeng kaedaran niya; nakita niya ang batang si Chesca na nagtatago sa mansion na kung saan saksi nito ang pagkamatay ng kanyang ina. Lumabas ang batang babae.
Gusto sanang barilin ito ng kanyang ama subalit nagmakaawa si Bianca, kinuha ang batang si Chesca, at doon inulan ng maraming bala.
Bigla silang nabalik sa pangyayari; narinig niya ang sagutan ng kanyang kapatid noon, at natulala siya sa mga nakikita niya. Lumabas ang isang lalaking sumampal kay Chesca at iniwan sila.
Napapakit siya sa mga aalaalang kanilang nakita sa paglalakbay.
"Okay ka lang ba?" tanong ni Ericka na halata sa mukha nitong napakislot sa after-effect nitong dulot sa kanilang abilidad.
Pinakita nito ang buhay ni Chesca at ng magkakapatid noon; hindi siya makapaniwalang matindi ang pinagdadaraanan nito.
"Ililigtas ko kayo." Iyon lang ang sabi ni Mikaela noon, nalulungkot ito sa nasaksihang bangkay.
"Huwag kang mag-aalala," sabi pa niya sa kakambal ni Ellese.
"Hindi pa sila patay." Tanging sabi ni Thalia noon kay Mikaela.
Kasama ni Felix si Bernard patungong warehouse bilang isang hardinero. Alam niyang sinama siya nito dahil gusto nitong kuhanin ang loob niya at paikutin sa mga palad nito. Kalma lang na nakikipagkwentuhan, nagpapanggap siyang inosente at pinahuli ang dalawa na silang Mikaela at ang kanyang kapatid.
Mababatukan talaga ako ni Thalia, but I know she knows it’s part of our plan. Napasabi na lamang sa kanyang isipan.
Tinapik lang siya ni Bernard na tila nasisiyahan sa kanyang nagawa. Kailangan pa rin niyang mag-ingat. Kasama nito si Alexander na matagal siyang tinititigan. Alam niyang inaalam nito ang buo niyang pagkatao at hindi siya si Rolando Gracias.
Malapit na silang makarating, tahimik ang paligid, at may mga nagbabantay sa warehouse.
"Sir, bababa ba ako?" tanong naman niya.
"Yes, of course, kailangan kong kausapin ang anak ko, dahil agad nahuli ang dalawang nag-trespassing kanina." Sabi pa nito na ngumiti sa kanya.
Mahina lang siyang napatango noon. Bumaba kaagad si Bernard.
"Maiwan ko muna kayo ni Alexander." Sabi pa nito sa kanya.
Tumango naman siya bilang pagsang-ayon. Tinanaw ni Alexander si Bernard, at siya naman ay papanaog na sa sasakyan nang may naramdaman siyang malamig na armas na nakatutok sa kanya.
Hindi siya nagsalita noon, kaya naman inihanda na rin niya ang kanyang armas na nakatago sa kanyang simpleng kasuotan.
"I know you’re not Rolando Gracias, and I know that you’re hiding something fishy na sumama ka rito." Ikaw ay si Felix Blanco, anak ng mga nasawing journalist na lumaban sa mga Fuego." Narinig niya iyon.
"Ah, I guess hindi ko na kailangan pang magpanggap kung sino ako. Yes, ako nga si Felix Blanco." Sabi pa niya noon.
"What is your agenda? Answer me, or your sisters will be dead. Wala nang magliligtas sa kapatid mo, patay na ang maliit ninyong organisasyon, patay na ang pinsan mo." Sabi pa sa kanya.
Hindi niya maiwasang mamutawi sa labi niya ang isang mapaglarong ngiti, at napatawa siya nang mahina.
"How are you sure about that?" napatanong naman siya sa kalaban niya.
Hindi ito nagsalita. "Huwag na tayong maglaro pa, your game is over. We know isa ka sa mga taong tumulong kay Jake na kumikilos nang papalihim. Natimbog na namin ang mga lungga ninyo because of this stupid map." Sabi pa nito sa kanya.
"One wrong move and you will be dead." Pagbabanta nito sa kanya.
Agad niyang sinipa ang tuhod nito, kaya naman napaluhod at nawala ang huwesyo nito. Hindi pa nakabawi si Alexander ay agad niya itong tinutukan ng baril.
Ngumiti siya. "Alam kong matalino kang tao, and you love playing games. Alam mo ba kung bakit ako nandirito?" tanong naman niya sa kalaban.
Napatitig ito sa kanya. "I guess you know already."
Sinipa niya ito sa mukha, at dali-dali siyang pumasok sa warehouse. Hindi pa siya nakapasok ay naalarma ang mga tauhan nito. Nakita niyang nakabangon kaagad si Alexander at pinaputukan siya; buti na lang ay agad siyang nakatago noon.
"Palibutan ninyo ang lalaking iyon!" rinig niyang utos sa kasama nito. Dali-dali niyang pinagbabaril ang mga tauhang nakapalibot sa kanya at dahan-dahang nakapasok sa warehouse.
Nagkakagulo na sa loob ng warehouse, agad niyang tinunton kung saan nila isinilid ang kanyang dalawang kapatid. Buti na lang naka-standby ang mga tauhang pumanig sa pwersa nilang Vince, na nakikipagbakbakan sa labas.
Alam niyang dumiretso si Alexander kay Bernard para balaan ito. Nakita niya kaagad ang kanyang hinanap. Nandoon ang kanyang kapatid, nakatali, at tila’y nagising ito sa bangungot.
"Felix?" tanong ni Mikaela na nakita siya at tila’y naguguluhan sa nangyayari. Nandoon nga ang limang lalaki, talagang nagtagumpay na naman ang laro ng pinsan niya.
Bago ito sumulong sa warehouse, nagkaroon sila ng isang planong pwedeng ikapahamak nila; sinunod niya ang mangyayari sa kanilang nakikitang premonition with caution and taking all the risks.
"Hoy," tawag niya sa mga ito.
"Ah, you’re taking so long; akala ko mamamatay na ako nang tuluyan." Napakamot na lamang si Vince noon, at bumangon na parang walang nangyari.
Pati rin ang mga ito’y kumilos na rin at napabuntong-hininga si Charles sa kagagawan ni Vince.
"Don’t blame me for anything, Charles. Si Vince ang nagplano niyan."
Tinitigan lang siya ni Charles. "Don’t worry, it's fun to play dead." Napangisi pa ito.
Nakita sa mukha ni Mikaela ang gulat; siya lang ang walang kaalam-alam sa nangyayari.
"Jenny, where’s the other map?" agad niyang tanong sa kanyang kapatid.
"Pwede ba, kuya, pakawalan mo muna ako rito." Rinig niyang reklamo ni Jenny na kinakalas naman ni Vince ang pagkakatali.
"Dalian ninyo." Utos niya sa iba.
"Gerald, sumama ka nilang Thalia." Utos niya kay Gerald noon.
Tumango ito, pupunta sila sa totoong basement nila na sila lang ang nakakaalam. Nakatakas na ang ibang kababaihan kasama ang taong pinagkakatiwalaan nila at maibigay ang mga ebidensya.
Maybe nandoon na sila. They're really taking their sweet time, again. Napabuntong-hininga na lamang siya.
Nakatingin sa kanya si Fernan, tila gusto nitong sumama at tulungan silang Thalia. Napabuntong-hininga na lamang ito.
"Take care of them, Fernan." Sabi naman nito sa kaluluwa.
"Ellese, Felisa, you may go now; makakatawid na kayo." Iyon lang ang narinig niya kay Ericka.
Napailing ito. Hindi pa tapos ang lahat; hindi pa namin nasusundo ang isang kaluluwa. Napasabi naman nito.
Hindi na siya nagsalita pa. Naramdaman niyang may mga yabag ng paa na patungo sa kanila.
"Go on," sabi pa niya.
Nagtanguan naman ito. Alam niyang nakikita ni Mikaela si Fernan; sundan lang nila ito at makakatakas sila sa warehouse.
Napapalibutan sila ngayon ng kalaban; napabuntong-hininga na lamang siya. Wala siyang magawa kundi lumaban; ayaw niyang maging himlayan ang warehouse na punong-puno ng kasakiman.
Alam na nila kung saan sila patungo. Alam din niyang nakahanda na rin itong tumakas ba o kaya’y lalaban sa kanila.
Naririnig at naaamoy niya ang dugo ngayon. Kailangang makarating silang Thalia sa tagpuan. Alam nilang hindi rin sila tatantanan sa grupo nilang Isabel, subalit malulusutan nila ito.
Ang mapang hawak ni Jenny ang daan sa kaligtasan ng kanyang kapatid. Susunod sila kapag tapos na ang kanilang misyon at makalabas ng buhay rito.
Wala silang kibuan ngayon, ang tanging layunin nila’y mapabagsak ang mga Fuego.
44Please respect copyright.PENANAo8yQ70mW6j


