MABIGAT ang kanyang katawan, pumitik-pitik ang ugat niya sa ulo sa sakit, hindi niya magalaw ang kanyang buong katawan na parang nakatali ang kanyang kamay at paa.
Nakatali? Napatanong ni Mikaela sa kanyang isipan, bigla siyang binalikan ng kanyang ulirat. Napasinghap siya dahil masakit ang kanyang braso pati na sa sikmura.
Hindi pa niya maalala masyado kung anong nangyari at bakit siya nandirito. Nilibot niya ang kanyang paningin sa paligid; hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita, at natatakot siyang tawagin ang mga pangalan nito. Nanginginig ang kanyang labi nang bigkasin ang mga pangalan nito.
Apat na babaeng kanyang nakitang walang malay, pareho itong nakatali ang kamay at paa.
Ang ibig bang sabihin nito nahuli kami? Napatanong sa kanyang isipan. Natatakot siyang umamin sa kanyang sarili, subalit marahas siyang binabalik sa kasalukuyang pangyayari.
May isang babaeng nagkakamalay na.
"Aray." Mahinang daing nito. Inilibot pa ang paningin, at napatitig ito sa kanya; nakita sa mukha nito ang gulat.
"Ellese?" pabulong nitong tanong, kaya naman nagising din ang kasama nito; nataranta siya at hinanap niya sa kanyang paningin si Jenny at si Chesca.
Jenny, Chesca. Inilibot niya ang kanyang paningin, napansin na lamang niyang may katabi pala siya. Kaya agad niyang nilingon ang mga ito.
Nabunutan siya ng tinik nang makitang maayos ang kalagayan nito at hindi pa nagkakaroon ng malay tao.
May tinging nakapukol sa kanya, kaya naman sinundan niya ito, malalim itong nag-iisip habang tinitigan siya.
"Mikaela, mabuti na lamang at maayos ka." Sabi naman ng katabi niyang nagkaroon ng malay-tao. Napakislot ito dahil may natamo itong sugat habang may tinatakasan sila sa mansion.
"Huwag kang mag-aalala, huwag mo akong tingnan ng ganyan, Mikaela." Sabi pa ni Jenny.
"Ate Jenny!" sabi ng dalagang nakatingin sa kanya kanina.
"Ta?" gulat nitong tanong. Gusto nitong kumawala pero nakatali ang mga kamay nito.
"Ate Mika—Ela?"
Nahuli ba sila? Paano sila napadpad dito? Sunod-sunod niyang tanong sa kanyang sarili.
"Oh, I guess gising na kayong lahat." napasabi naman ng isang lalaking nagbabantay sa kanila.
Nakita niya ang patuyang ngiti at tingin nito; walang ibang nagbabantay sa kanila kundi si Giovane. Lumapit ito sa kanya at kay Chesca.
"Welcome home, dear sisters." Napasabi nito.
Matalim niya itong tinitigan, ngunit ngumisi ito sa kanya na punong-puno ng pang-aasar.
"My, my, huwag mo akong titigan ng ganyan, sis. Ngayon lang tayong nagkitang muli, ganyan ka na makatingin sa kapatid mo?" tanong nito sa kanya.
Hindi siya nagsasalita noon, ang takot na naramdaman niya kanina’y napalitan ng galit sa kaharap niya ngayon.
Kinulamos ni Giovane ang kanyang mukha at tinitigan. "Don’t worry, Dad will be here soon." Pabulong nitong sabi.
"Lumayo ka!" iyon ang narinig niyang sigaw sa kanyang kapatid na si Chesca, ang boses nitong punong-puno ng pagkasuklam, matalim ang titig nitong tiningnan ang lalaking nasa harap niya.
Ngumisi ito sa kanila. "Well, well," tiningnan isa-isa ang kasama niyang nahuli.
"Why won’t we have a little chat? Ang rami kong itatanong sa inyo, especially this two Blanco here." Tinitigan nito silang Jenny at ang isa nitong kapatid.
Napabuntong-hininga naman ang kapatid ni Felix.
"Alam ba ninyo ang history ng Fuego at sa Blanco and also, my stepsister here, Fuego-Roman, Chesca?" napasabi pa nito.
"Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon, kumakampi ka pa rin ni Dad!" Iyon ang napasabi niya.
"Hinayaan mong mamatay si Mommy sa kamay ni Dad noon! Hinayaan mong paulit-ulit na saktan!" Pagwawala niya noon.
"Hindi mo ba alam kung gaano nag-aalala si Mom sa iyo noon? You're really pathetic!"
Napatingin si Giovane sa kanya. "Stop that commotion, Mikaela. Wala nang magliligtas sa inyo, dahil patay na ang mga taong inaasahan ninyo." Napasabi pa nitong tiningnan siya na pagkalamig na tingin.
He snaps his fingers at may mga tauhan na may dala-dalang katawan noon. Biglang gumuho ang mundo niya, halos mapugto ang kanyang hininga. Pakiramdam niya’y lumiliit nang lumiliit ang silid nang dahilan hindi siya makahinga nang maayos.
Nakita niya ang mga lalaking sugat-sugat at tila’y natamaan ito ng bala. Takot na takot siyang kilalanin ito isa-isa. Napasigaw siya sa kanyang nakita. Si Jake, Vince, Zenne, William, Charles, at isang binatang kaedaran nilang Thalia.
Hindi lang siya ang nagulat kundi silang lahat. Tila nawalan ito ng boses matapos niyang sumigaw; wala nang boses ang lumalabas sa bibig niya. Pumapatak ang kanyang luha; hindi niya alam kung nasaan si Felix ngayon. Dinadalangin niyang buhay pa ito. Nasalubong niya ang tingin ng kanyang kapatid na lalaki.
Ngumisi ito, mahina itong napahagikhik at unti-unting humalakhak, halakhak ng kasiyahan.
"Oh no, I’m really sorry, hindi dapat ako tumawa, pero I love that expression na pinapakita ninyo ngayon." Tumawa na naman itong walang bukas.
"Did I pop those bubbles of yours?" inilibot pa ang tingin. May kinuha itong mapa.
"Magpapasalamat na muna ako sa pag – iwan ng mapa. This map leads to their death." Napatawa pa ito.
"Oh well, hindi pa ako tapos sa Blanco. Alam kong may kinalaman dito ang panganay ninyong kapatid. Am I right?" tanong nito kina Jenny.
Hindi sumagot ang dalawa, tahimik lang itong minasdan ang bangkay na nasa harapan nito, nakikita sa mukha nito na hindi makapaniwala.
"Binawi mo na ang lahat, hindi ba? Pinatay mo na ang pinsan ko, ano pa ang gusto mong gawin?" Rinig niyang tanong ni Jenny na tinitigan nang matalim na tingin si Giovane.
"Good, I love that eye. I love to crash that eyeball of yours. I love that spirit of yours." Sabi nito na tinitigan nang mataman si Jenny.
"Ano pa ang kailangan mo? Patayin mo na ako! Kapalit ng buhay nila." Sabi nito nang buong tapang.
"Tumatapang ka na ngayon, Mikaela? Well, tingnan natin ang tapang mo kapag dumating na si Dad." Hinila nito ang buhok nito habang tinitigan siya nang mataman na tumutulo ang luha.
"Kagaya ng pagpaslang ng ina mo noon, kuya Giovane? Uulit-ulitin mo talaga ang nakaraan na wala kang ginawa para sa kapatid mo at sa ina mo noon. Wala kang ginawa, nanonood ka lang, because you’re an asshole!" Ito ang tanging narinig niya kay Chesca.
May narinig siyang isang malakas na sampal na dumapo kay Chesca noon.
"Chesca!" Tanging nasabi niya, nakita niya ang pagdugo ng mukha nito. Matalim silang tinitigan ni Giovane. Bumuntong – hininga ito.
"Oh no, I need to calm down." Ngumiti ito sa kanilang lahat.
"I will give you hell. Dad is on the way. I will go to my office." Sabi naman nito.
"Hindi na kayo maaaring bantayan pa, wala nang tutulong sa inyo." Nilingon sila bago ito umalis.
"Because I’m kind, papabantayan ko kayo ng tatlong tauhan ko; kawawa naman kung makakasama ninyo ang unti-unting naagnas na bangkay ng mga iyan." Tumawa ito.
"See ya, I will entertain myself. Antayin ko lang si Dad to deal with you, Mikaela and Chesca." Sabi naman nito at naglakad papalayo sa kanila.
Pinakalma niya ang kanyang sarili.
"Ayos ka lang ba?" nag-aalala niyang tanong sa kanyang katabi.
"Makalalaya tayo rito." Iyon lang ang sabi ni Jenny.
Gusto niyang yakapin si Jenny noon, kahit kailan naging matapang ito.
HABOL – HABOL ni Ericka ang kanyang paghinga habang naglalakbay, kahit nahuli sila at nagkakaroon ng matinding sagutan, bigla na lamang siyang nagkaroon ng paglalakbay, tiningnan niya si Thalia na katabi niya, pinilit niyang abutin ang palad ni Thalia nang mahawakan ito, nasa loob ulit sila ng warehouse.
Ngunit, malayo silang naglalakad, natambad sa kanyang paningin ang kalapastanganang nagaganap sa loob ng bawat silid, nabibingi siya sa bawat palahaw, iyak, pagmamakaawa na boses na kanyang naririnig ngayon, mga tawanan ng mga demonyo na hiniwa ang laman noon, tila nasasaktan din siya sa kanyang nakikita.
Napakurap siya nang nakasakay sila sa isang sasakyan. Nakita niya ang apat na magkakapatid na dinukot noon, diretso sa warehouse, at nasaksihan niya ang pagpapahirap kay Ellese noong nabubuhay ito, kay Chesca na halos hindi umiimik at nagtitimpi sa bawat parusang natatanggap sa katawan nito, at kay Felisa na nakaupo sa isang upuan na tinitingnan ang kanyang mga kapatid.
Talagang ipapakulong ninyo ako? Ako pa talaga ang hinahamon ninyo? Narinig niya ang gigil ng boses ng ama nito.
Dad, please, sumuko ka na sa kapulisan; patatawarin ka namin sa ginawa mo kay Mommy at ni Tita Bianca. Pakiusap ni Felisa na hinang-hina na dahil sa sugat nito.
Kinulamos nito ang mukha at sinampal nang ubod lakas; napansin niyang dumugo ang mukha ni Thalia noon.
Alam ba ninyong nagsusumikap ako dahil din sa inyo? Kung hindi lang mahihina ang loob ng ina ninyo, at hindi niya ako sinubukan, we will be a great family! Dahil nga sa katangahan na iyon, nasisira iyon. I’m really greedy, lalong—lalo na sa pinagsusumikapan kong abutin.
Dad! Hindi na tama ang ginagawa ninyo! Gusto lang naman ni Mommy na huwag madungisan ang kamay mo sa kasamaan, sinasagip ka ni Mom! Pero, pero, unti-unti mong nilublob sa putikan ang sarili mo. Napaiyak naman si Ellese sa sinasabi nito.
Pati si kuya Giovane dinungisan mo, dinungisan mo si kuya, dinadala mo siya rito para sukatin si kuya, hindi ba? Hindi ba? Dad, mahal ka namin, please, itigil mo na ito; marami ng nadadamay na inosente. Nagmamakaawa ang boses noon ni Mikaela.
Manang— mana talaga kayo sa ina ninyong mahihina ang loob. Mahal ko kayo, pero mas pipiliin ko ang kayamanan kaysa sa inyo. Kung pagtataksilan ninyo ako, mas mabuting kitlin ko ang buhay ninyo isa-isa. Kayo ang hadlang sa mga plano ko.
Nabalik sila sa kadiliman at napadpad sa kagubatan kung saan tumatakas ang dalawang magkakapatid na sina Mikaela at Chesca na hapong-hapo ang katawan. Umuulan noon nang sinundo sila ni Vince.
May taong gumagapang noon sa lupa, duguan ito at naghihingalo. Si Fernan, ang nakikita nilang nag-aagaw buhay, winakasan ito ng binaril ito sa ulo. Nagulat siya at parang hindi na niya kaya ang mga nakikita niya sa nakaraan.
"Tama na. Tama na," pabulong niyang sabi nang mapadpad na naman sila sa tahanan ng pinsan ni Fernan.
Kitang-kita niya ang nangyari, hindi ninakawan ang bahay na iyon, kundi sinasadyang pasukin para paslangin ang natitirang kapatid ni Fernan; naririnig niya ang pagmamakaawa na huwag idamay ang bunso nila, subalit, walang puso ang bumaril nito at inubos itong patayin.
Napansin niyang nanginginig na kamay ni Thalia, pero pinipilit nitong maging matapang sa mga nakikita nila ngayon.
"Thalia, may kailangan ka ring makita sa nakaraan." Sabi naman niya na hinawakan ang kamay nito.
Napatitig naman si Thalia sa kanya.
"Ayoko nang maglakbay, hindi na kaya ng isipan ko ang nangyayari sa nakaraan, hindi ko na alam kung saan ako lulugar, Ericka." Napasabi naman nito.
"Matatapos din ang lahat nang ito, matatapos din ang lahat."
Napadpad sila sa kadiliman, kaya naman napakunot ang noo niya, dahil alam niya ang lugar kung nasaan sila ngayon. Nakikita niya ang mga kaluluwang naglalakbay nang walang patutunguhan, naglalakbay sa walang hanggang kadiliman na dala-dala ang poot at galit sa pagkamatay nito.
"A --- anong ginagawa natin dito?" tanong naman ni Thalia sa kanya.
"Hindi ko alam." Napailing-iling na lamang siya; maging siya ay nalilito na sa kanilang nakikita. Maraming mga kaluluwang nagpapakita sa kanila, iba-iba ang anyo, iba-iba ang kahihinatnan, isa-isa niyang nakikita ang mga pinagdadaanan nito bago ito namatay, at bigla-biglang naglalaho ito sa kanilang harap.
Maraming salamat. Pabulong ng isang kaluluwa sa kanya, nagulat din si Thalia sa nangyayari.
Nagpakita si Jasmin sa kanya; hindi na ito ang kaluluwang punong-puno ng kalungkutan, tila nagkakaroon ito ng kapayapaan. Bigla siyang yinakap ni Jasmin at napapitlag na lamang si Thalia.
Nasilip nila ang mangyayari sa hinaharap, napatulo ang luha niya. Ngumiti ito sa kanila at naglaho na parang bola.
Napatitig siya ni Thalia; kailangang malaman na ni Thalia ang totoong nangyari sa magulang nito.
Hindi niya makita si Ellese at Felisa; alam niyang hindi pa tahimik ang kaluluwa nito.
"Thalia, samahan mo ako ulit sa huling paglalakbay natin." Ngumiti siya kay Thalia.
Kahit litong-lito ang isipan nito, tumango ito sa kanyang pinagsasabi.
Nasa harap sila ng tahanan ni Thalia, napasinghap pa ang kasama nito. May nakita silang dalawang tao.
"Ma, Pa," tanging tawag ni Thalia sa magulang nito. Nakita niya ang mga bata at isang sanggol noon, alam niyang si Greg iyon.
Napapikit siya; gusto niyang makita ulit ang nangyari. Kung anong mga klaseng ebidensiya ang nakalap nito at bakit ito importante.
Malalaman nila iyon.
Ito na ang huling paglalakbay ko. Napasabi sa kanyang isipan noon.
48Please respect copyright.PENANAN4ovEnhgCp


