"KUMUSTA may nakalap ka bang bagong impormasyon, Gerald?" Habang abala siya sa pag-trace ng tawag na ginamit na numero ni Thalia. Napangiti siya, at tiningnan si William na umiinom ng kape kahit mainit ang panahon.
Nasa basement siya kasama ang kanyang kapatid, nilagay na muna niya ang gamit niya, at inunat ni Gerald ang kanyang mga kalamnan.
"Well, I have, kuya." Sabi naman nito.
"What is it?" tanong naman ni Zenne na kung saan natamaan ng daplis ng bala dahil sa nangyari kanina.
"Tama ang premonition ni kuya Vince; they will abduct that three." Sabi naman niya.
Hindi ito nagsalita; nag-iisip ito ngayon. Alam niyang nag-aalala siya sa kanyang ina, kung bakit hindi siya sumama sa pagtakas.
Sorry, ma, kailangan kong ipaghiganti ang bunso ko. Napasabi na lamang sa kanyang isipan.
May gumulo sa buhok niya. "Gerald, kung nagkakagipitan na rito, tumakas ka na rin, ayokong mapahamak pa ang isa kong kapatid." Naramdaman nito ang pag-aalala sa boses.
"I need to assist you, right? Huwag mo sanang sisihin ang sarili mo dahil sa nangyari noon." Napakuyom na lamang siya sa kanyang palad.
Tiimbagang tiningnan siya ni William, hindi na ito nagsalita pa.
"Please, rely on me if may problemang darating." Agad siyang tinapik sa balikat.
"Balitaan mo ako sa impormasyong makakalap mo." Sabi pa nito.
Tumango na lamang si Gerald sa sinabi ng kanyang kapatid. He always blaming his self sa nangyari sa bunso nilang kapatid.
Kung sinamahan ko siyang bumili ng gamit sa school noon, hindi ito mangyayari sa iyo. I’m an irresponsible brother to you. Sinisisi niya ang kanyang sarili sa nangyari sa kanilang kapatid.
"Gerald," tawag ni Vince sa kanya.
Napadilat na lamang siya, kinain na naman siya ng kanyang pagsisising mahirap takasan. Napatingin na lamang si Gerald sa taong tumawag sa kanya.
"Are you okay?" napatanong na lamang ni Vince sa kanya na nagtataka sa kinikilos nito.
Tumango na lamang siya. "Pasensya na po." Paghihingi niya ng paumanhin sa kanyang kausap.
"Sundan mo silang Ericka ngayon." Saad nito.
"Bakit po?" tanong naman ni Gerald sa kausap.
"Kukunin nila ngayong gabi ang ebidensya."
Napatingin si Gerald sa kanyang kausap at sa kasama nito.
"Bakit?" tanong naman ni William. "Is it too risky para gawin iyon?" rinig niyang tanong sa kanyang kapatid na nalilito.
Napakamot na lamang ito.
"Gerald, make a diversion ngayong gabi; don’t worry, may tutulong sa iyo." Sabi naman nito.
Napalingon naman siya kung sino ang tutulong sa kanya. Ito ang mga dalagang tinulungan ni William.
"Saglit." Ito lang ang napasabi ni Zenne at nilapitan si Vince.
"Vince, hindi mo alam ang ginagawa mo, baka nga pagtaksilan tayo." Sabi naman ni Zenne na tinitingnan ang tatlong dalaga.
"We need to do it." Napabuntong-hininga pa ito. "They’re a good person, and saka, siya ang iniligtas ni Thalia." Rinig niyang sabi ni Vince.
"Ano bang nasa isipan mo ngayon, Vince?" Kalmang tanong ng kanyang kapatid na napakunot-noo.
"Sasabihin ko sa inyo, but not now. I don’t know if it’s worked." Sabi pa nito.
"E --- excuse me po, h – handa po kaming tumulong kung ano man po iyon." Sabi naman nito.
Napatingin na lamang silang lahat.
"Bahala ka kung anong mangyayari diyan sa plano mo, Vince." Napabuntong-hininga na lamang ang kanyang kapatid.
Tinapik lang ni Vince si William.
"Gerald, makinig ka sa plano ko." Agad sabi ni Vince.
Agad nitong binigay ang plano, napapalunok na lamang siya sa mga naiisip nito.
"Ikaw lang ang nakakaalam kung paano mo gawin ang pag-divert ng kanilang atensyon." Seryosong sabi ni Vince sa kanya.
Nagdadalawang-isip siya kung tatanggapin ba niya ang pinapagawa ni Vince sa kanya; nag-iisip siyang baka mahuli sila sa mga tauhan at hindi sila magtagumpay.
Tinapik siya ni Vince. "Ikaw lang ang kaya kong pagkatiwalaan ngayon, Vince. Alam mo ang mga pasikot-sikot rito." Sabi naman nito.
Nandirito ka ngayon para tumulong; huwag kang maduwag ngayon, Gerald. Pinagalitan naman niya ang kanyang sarili.
Kaya naman, tiningnan niya si Vince at tumango. Ngumiti ito sa kanya at tinapik.
"Don’t worry, we will be there." Sabi pa nito, tumango siya.
Nilapitan niya ang tatlong dalaga na magsisilbing pain mamayang gabi. Nakinig naman ito sa kanyang mga plano, para hindi pumalpak at hindi manganib ang kanilang mga buhay.
Naghanda sila ng posibleng magagamit nila mamaya. Kumagat na ang kadiliman. Tiningnan niya ang orasan. Lalabas na sila sa basement. Malapit lang ang tinutuluyan nilang si Ericka. Tinahak na nila ang kagubatan. Hinahaplos ng malamig na hangin ang kanilang buong katawan na siyang nagpapatayo ng kanilang balahibo.
Kinakabahan man si Gerald, kailangan niyang gawin ang trabahong ibinigay ni Vince sa kanya. Sinoot niya ang mini-wireless headphone nito, na kung saan ginagamit niya sa pakikipag-usap sa mga kasama niya.
Tinawagan niya nang papalihim si Ericka para malaman nito ang pinaplano niya ngayon; lilituhin nila ang sumunod kina Ericka patungo kung saan nila kukunin ang mga ebidensya.
Nag-aabang siya at tinatanaw ang kubong tinutuluyan ng tatlo; nandoon na rin ang tatlong dalagang tutulong para maisagawa ang plano. Hindi nagtagal ay may nakita siyang tatlong anino na lumabas sa kubo; agad niyang sinenyasan ang tatlong babaeng kasama niya, at nagtanguan naman ito kaagad.
Maya – maya pa ay may sumunod na dalawang tao.
Hope it will work. Napadasal na lamang siya sa kanyang isipan, habang sinasagawa ang plano.
Papalihim siyang kumikilos na hindi mahalata ng dalawa.
"Carry out the plan." Pabulong niyang sabi.
Agad itong sumunod sa kanya. Plano nilang lituhin ang sumusunod kina Ericka. Napansin niyang nag-aalangang sumunod ang isa nitong kasamahan, subalit hindi nito kaagad nakita kung saang direksyon pumunta ang grupo nito, kaya naman kumagat ito sa kanilang pain at sinundan ng dalawa ang kanilang grupo.
Sinundan niya ang galaw nilang Ericka para hindi magtagpo ang landas, at alam niya kung saan sila dadaan. Sinundan niya ito, ginagawa naman kung anong pinagplanuhan nila, hindi rin nagpahalata ang tatlo noon, pero minsa’y tumitigil ito sa pagsunod, kinakabahan siyang baka makatunog ito sa kanila.
Nag – aalangang dili naman itong sumunod, kaya naman, para pasunurin nila ang dalawa, gumawa ng paraan ang kasamahan niya, tumigil na muna ito, tila sinasabing nalilito ito saan daraan, gumana naman ang plano nito kaya sumunod ang dalawa.
Nakaabang lang siya, nakita niyang may hinuhukay ito.
"Bibigyan ko kayo ng limang minuto, kailangang makuha ninyo iyan kaagad." Pabulong niyang sabi sa kanyang earpiece noon.
"Isabel." Pabulong na sabi ni Tricia, napansin niyang may tinitingnan ito sa malayo. "Ano ba?" agad niyang hinila ang pinsan niya at baka mapansin pa sila sa sinusundan nila.
"Tricia, sinasabi ng isipan kong hindi sila ang sinusundan natin." Sabi pa nito na tatayo na naman.
"Anong pinagsasabi mo riyan? Sino pa ang mga babaeng nandirito kundi tayo lang?" Napailing naman siya sa pinagsasabi nito.
"Basta iba ang kutob ko."
"Minsan, nagkakamali rin ang kutob natin."
Sinubaybayan niya ang kilos ng tatlo. Napansin niyang may binubungkal ito sa lupa noon, kaya hinila niya si Isabel.
"Kapag sineswerte ka naman." Napasabi na lamang niya sa kanyang kasama.
Sinundan ng tingin ni Isabel ang tinitingnan niya at napansin niya ang pagkunot ng noo nito. Halata sa kinikilos nito na nagmamadali at lingon ito nang lingon; hindi nila makita ang mukha nito dahil madilim ang paligid at nakasuot ito ng hood, at may flashlight itong dala-dala.
"Iyan ba ang kutob na sinasabi mo, Isabel?" tanong naman nito sa kasama.
Hindi ito sumagot, siguro, naging interesado kung ano ang hinahanap ng tatlo.
"Ebedinsya, napasabi sa akin ni kuya na may hinahanap silang ebedinsya," tumingin ito sa kanya.
"Sundan natin, marahil baka alam nila kung saan nakatago ang ebidensyang hinahanap nila noon."
"Mismo, kaya nga sinusundan natin sila e."
Maya – maya pa ay may hawak itong isang plastic na kung saan nilalaman nito ay ang brown envelope. Kitang-kita sa mata ni Tricia at hindi siya magkakamaling isa ito sa mga pruwebang hinahanap nila noon pa.
Napalingon pa ito, dali-dali itong tinago, at mabilis ang kilos na umalis matapos itong matabunan ng lupa ang kanilang hinukay. Noong nakalayo-layo na ito, sinundan kaagad nila kung saan naman ito pupunta.
Hindi sila pwedeng magpahalata na sinusundan nila ang pangkat nilang Thalia.
Nandito ulit sila, nagtatago, naghihintay kung ano ang mga kilos na gagawin nito. Nagbungkal na naman ito sa kalupaan.
"Isa, ilang pruweba ba ang hinahanap nilang kuya?" Tanong niya ulit sa kasama niya ngayon.
"Tatlo, so, nandito sila para makuha ang mga pruweba." Sabi naman ni Isabel na napatango-tango.
"Alam mo namang alam din ni Chesca kung saan ito nakatago, at buti na lang nasundan pa natin sila ngayon." Sabi pa ni Tricia.
Tumayo na ito matapos makuha ang isang pruweba; ang gagawin lang nila ay kukunin nila at mapasakamay ang matagal na nilang hinahanap noon.
Nagmamadali ang mga kilos nito; sinundan nila ang grupong kanilang tinitiktikan, subalit biglang nawala ito sa kanilang paningin.
Naalarma naman silang dalawa ni Tricia noon kung saan ito nagsusuot. Hindi niya alam kung pinaglalaruan ba sila sa kanilang paningin.
Damn it! Napasabi na lamang sa kanyang isipan.
May nahagilap silang tatlong anino. Dali-dali nila itong sinundan, at napatigil sila nang matanaw nila si Thalia na may dala-dala ito sa kamay.
"Halika na, let’s surprise them; gamitin natin ang shortcut." Sabi pa ni Isabel.
Tumango na lamang siya, at dali-dali nilang tinungo ang shortcut na ginamit nila kahapon. Pagkarating nila ay walang tao. Umupo sila noon, mag-aantay sila sa grupo nilang Thalia. Hindi naman sila binigo, at may narinig silang mga yabag.
Pagkatapos, agad bumungad ang tatlong mukha na kanilang inaantay; nakita pa niya ang gulat nito.
Ngumiti lang si Isabel. Tahimik lang siya na makikinig; nakita niya na hawak-hawak pa rin nito ang naglalaman ng pruweba noon.
"Saan kayo galing?" tanong ni Isabel.
Tinago pa nito ang hawak-hawak nila. Hindi ito sumagot, halata rito sa mukha nito kung paano sila lulusot sa kanila.
"Iyan ba ang sinasabi mong importante, Thalia?" tanong naman ni Isabel na tumayo.
"Hindi ka ba nagtitiwala sa akin? I’m hurt, you know." Pagda—drama na naman ng pinsan niya, napailing na lamang siya.
Pinilit ni Thalia na ngumiti kay Isabel. "Isabel, hindi kita pwedeng gambalain dahil bisita ka namin, di ba? Saka, madudumihan pa ang kamay mo kapag tumulong ka pa," ningitian na lamang ito.
"Oh, I don’t mind that my hands will get dirty if you need my help." Sabi pa nito.
"No, it’s really okay, I need this, ihahatid ko pa ito sa nag-utos sa akin," sabi pa nitong naglakad.
Tiningnan niya si Isabel na itigil na ang kadramahan nito. Isabel snaps her finger, at nagsilabasan naman ang mga kalalakihang tutulong sa kanilang hulihin ito.
Napatitig si Ericka sa kanilang naguguluhan.
"Anong ibig sabihin nito, Isabel?" Tanong na naguguluhan, naalarma ang tatlo dahil napapalibutan sila ng mga armado.
Ningitian lamang ni Isabel ang mga ito. "Thank you for the friendship." Napasabi naman nito.
"Ang ibig sabihin ba pinaplano ninyo ang lahat ng ito?" tanong ni Chesca sa kanila.
"Yes, Ruth. Oh no, I will correct my mistake. Yes, Chesca Fuego." Sabi naman niya noon.
"Bakit alam mo ang pagkatao ko?" tanong naman nito sa kanila.
"Well, alam namin ang totoong pagkatao mo noon pa, Chesca. Your dad will be happy to see you soon." Sabi pa nito.
Tatakas sana ang tatlo noong tinambangan ito sa pinto. Pinaamoy kaagad ito ng pampatulog.
"Sleep well, maglalakbay pa kayo." Sabi pa nito, agad niyang kinuha ang supot na naglalaman ng envelope at isang maliit na box kung saan nandoon ang USB.
"We are very lucky today, Isabel." Sabi pa niya.
May nakita silang isang mapa na nahulog sa bulsa ni Thalia noong bitbitin ito. Napakunot naman ang noo niya.
"What’s this?" tanong naman niya habang pinulot ang isang papel.
Agad niyang binuklat kung ano ang nakasulat sa papel na iyon.
Isang mapa? Napatanong na lamang sa kanyang isipan.
"Isabel." Tinawag niya ito.
Agad niyang ibinigay ito sa kanyang kasama. Napakunot naman ang noo nito, habang tinitigan ang ibinigay ni Tricia.
"Mapa?" tanong nito sa kanya.
Nagtaas-baba lamang ang balikat niya.
Napangiti na lamang si Isabel. "Magagamit natin ito. Tricia." Sabi naman nito na ngumiti nang makahulugan.
"Tawagan mo si kuya." Sabi naman niya sa kasama.
Nakatawag na pala ito sa kapatid.
"We’re done, and at saka, may ibibigay ako sa iyo." Sabi pa nito sa kabilang linya.
Agad naman nitong pinatay pagkatapos matawagan ang kapatid nito.
48Please respect copyright.PENANAHeg85XGUtx


