Tinitigan na lamang nina Giovane ang nasusunog na bahay ni Vince.
Pinagplanuhan nilang mabuti kung ano ang susunod nilang gagawin.
Damn, galit na bulong niya sa kanyang isipan.
"What should we do now? Talagang mautak nga ito. They know what they're doing," sabi ni Alexander na nasa tabi niya.
Tumalikod si Giovane sa nasusunog na bahay. Alam niyang kung nahuli lamang niya si Vince, madali niya itong mahahawakan sa leeg.
Ngunit nabasa nito ang nasa isip niya.
"We need to proceed with our plan," malamig na sabi ni Giovane sa kanyang kasama.
Biglang nag-vibrate ang kanyang phone.
"Yes?" agad niyang sagot.
"Boss, wala kaming naabutan dito," ulat ng nasa kabilang linya.
"Goddamn it!" galit niyang sabi. "Iyong kapatid ni William?"
Unti-unti na siyang naiinis sa sunod-sunod na palpak na nangyayari.
Hinahamon talaga ako.
Napangisi siya.
"Bumalik kayo sa warehouse," utos niya sa mga tauhan. Alam niyang naroon pa rin ang mga iyon.
"Bakit hindi ikaw ang pumatay sa kanila?" tanong ni Alexander.
Napabuntong-hininga si Giovane at hindi sinagot ang tanong.
"Kumusta ang pinapagawa ko sa iyo?" tanong niya kay Alexander.
Nagsindi lamang ito ng sigarilyo.
"Confirmed," sabi nito. "Thalia Blanco is blood-related to Fernan Tejero and Vince Tejero. May isa pa siyang kapatid na lalaki at isang kapatid na babae. Siya ang ikatlo sa magkakapatid."
"And the funny thing is—anak sila nina Rizalyn Blanco at Jeffrey Tejero."
"Do you know who their parents are?"
Tinitigan niya si Alexander.
Sino ba ang hindi makakalimot sa mga pangalang iyon?
Dahil sa dalawang batikang journalist na iyon, nang mamatay ang kanyang ina, sila ang lumaban sa kaso laban sa kanyang ama.
Natigil lamang ang kaso dahil wala silang sapat na ebidensya noon.
Hanggang sa pumasok sa eksena ang ina ni Chesca—ang pamilyang Roman.
Sinuportahan nito ang dalawang journalist.
Kalaunan, namatay ito.
Ginawang aksidente ang pagkamatay upang hindi maghinala ang ibang kasamahan.
Ngunit ang pinakamahalagang ebidensya—
napunta sa kamay ng ina ni Chesca.
Hanggang ngayon, hinahanap pa rin nila iyon.
May inilabas na larawan si Alexander at ibinigay kay Giovane.
"Kilala mo ba ang panganay nila?" tanong nito.
Tiningnan ni Giovane ang larawan.
Bigla siyang nabigla.
May kung anong alaala ang sumagi sa kanyang isipan—lalo na sa mga panaginip niya.
Naalala niya ang matalim na tingin ng lalaking iyon.
Sa panaginip niya—
ito ang bumaril sa kanya.
Nanlamig ang buo niyang katawan.
Napailing na lamang siya.
"No. Do you know him?" tanong niya kay Alexander.
"Hindi rin," sagot nito. "But he looks very familiar to me. Hindi ko lang matandaan kung saan ko siya nakita."
"Anong trabaho ng panganay ng Blanco?" tanong ni Giovane.
"Breadwinner siya ng pamilya," sagot ni Alexander. "Tumigil siya sa pag-aaral noong kolehiyo pa lamang."
"Ano pa?" tanong ni Giovane. "Ano pa ang impormasyon na nakuha mo?"
Napabuntong-hininga si Alexander.
"Your instincts are kicking in again, right?"
"Gusto mong kumpirmahin kung may kinalaman siya sa pagpapabagsak ng black market."
"He has a decent job. Hindi ko makita na nadudumihan ang kamay niya sa illegal na trabaho."
Napabuntong-hininga si Alexander.
"It's very odd," sabi ni Giovane. "Kung wala siyang kinalaman, bakit nandito ang kapatid niya at nasasangkot sa lahat ng ito?"
"Kaibigan niya si Chesca," sagot ni Alexander. "Posibleng tinulungan lang ni Thalia ang kaibigan niya."
Napaisip si Giovane.
"Posible ring pinilit siya ng kanyang dalawang pinsan."
"O baka naman lihim na kumikilos ang panganay nilang kapatid—lalo na't nasangkot ang dalawa nitong pinsan."
"It's possible," sabi ni Giovane. "Sinabi mong walang tao sa loob ng organisasyon ang nakikialam sa black market, hindi ba?"
Tumango si Alexander.
"Observe that man," utos ni Giovane. "Hindi ako nagkakamali—posibleng siya ang tumutulong kay Jake."
"Okay. Got it," sagot ni Alexander.
"Kumusta ang dalawa?" tanong ni Giovane. "Maayos ba ang pakikitungo ni Isabel kay Chesca?"
"Mabilis siyang naging kaibigan," sagot ni Alexander. "Hindi naghinala si Chesca sa mga kilos niya."
"The big problem is Thalia."
"Hindi pa rin siya masyadong close kay Isabel. That girl has a strong feminine instinct."
"Kailangan na nating makuha ang tatlong iyon."
Kinuha ni Giovane ang kanyang phone.
"Nandito rin si Mikaela at isa pang kapatid ng Blanco," dagdag niya.
"Don't worry. Kapag nahuli natin sila, malalaman din natin ang totoo."
Ipinakita ni Alexander ang CCTV footage kung saan nakuhanan si Mikaela na pumupuslit sa loob ng kanilang mansion.
"Well," sabi ni Alexander, "luck is on our side, Giovane."
"Hawak natin sa leeg si Vince."
"Lalo na si Jake—kung tama ang hinala ko, dahil pinsan mo rin ang lalaking iyon."
"And oh... Charles is also your cousin."
Napatawa si Alexander.
"Tingnan natin kung totoo ang kasabihang blood is thicker than water."
Napansin ni Giovane ang kaguluhan sa kanilang warehouse.
"What happened?" tanong niya sa mga tauhan.
"Boss," sagot ng isa, "may ilang tumiwalag sa organisasyon at sumapi kay Vince."
Hindi na niya pinakinggan pa ang iba.
Sinilip niya ang loob ng warehouse.
Nagkalat ang mga bangkay.
Halatang nagkaroon ng matinding barilan.
Hindi niya inaasahan na marami sa kanyang mga tauhan ang kakampi pala ng mga kalaban.
"Nasaan ang ibang investors at kasamahan ni Dad?" tanong niya. "Are they safe?"
"Y—Yes po, boss," sagot ng tauhan. "Inilabas namin sila agad nang magsimula ang gulo."
Nakahinga nang maluwag si Giovane.
Magagalit ang kanyang ama kung hindi iyon ang kanilang inuna.
"How about our goods?"
Isa-isa niyang sinuri ang mga silid.
May ilan pang natira—halatang nanginginig sa takot.
"The worst thing," sabi ni Alexander, "is that they might use the evidence they found here."
Nag-isip nang mabuti si Giovane.
Ayaw niyang ipaubaya ito sa mga kaibigan ng kanyang ama sa pulisya.
Kung maraming ebidensya ang lalabas, napakalaki ng kailangan nilang linisin.
At may posibilidad pang may mahuli sa kanila.
"Alexander."
Napangisi siya sa binubuong plano.
"Kailangan na nating mapasakamay ang tatlong iyon."
"Lalo na si Mikaela."
"Sa madaling panahon... nasa kamay na natin sila."
Hindi sumagot si Alexander.
Iniwan niya si Giovane at napakamot na lamang sa ulo habang may tinatawagan sa kanyang phone.
Ihahatid ko sila sa impyerno.
Kasabay ng pagkalusaw ng mga ebidensya sa warehouse na ito.
Namamasyal sila ngayon sa labas. Nalusutan siya kaninang madaling-araw—nakabalik agad ang mga ito sa kanilang kubo.
Hindi siya papayag na maisahan na naman siya ngayon.
Biglang nag-vibrate ang kanyang phone. Hindi pa siya nasa tamang huwesyo dahil ayaw na ayaw niyang may nakalalamang sa kanya.
Nanggagalaiti siya sa galit.
Kaya tiningnan muna niya kung sino ang tumatawag.
Agad nagtagpo ang kanyang mga kilay nang makita kung sino iyon.
Bakit tumawag ngayon si kuya? May kailangan ba siya? tanong niya sa sarili.
"Ah, sandali lang. Sasagutin ko lang ang tawag," paalam niya habang ngumiti.
"Go on. Maghihintay kami sa iyo," sagot ni Ericka na ngumiti rin.
Sinenyasan niya si Tricia na gumawa ng paraan, at agad naman itong nakaintindi.
"Ah, iwanan na muna natin siya. Baka matagalan pa siya sa tawag," sabi ni Tricia.
Tumango siya bilang pagsang-ayon.
Muling nag-vibrate ang kanyang phone.
Kailangan na talaga niyang sagutin ang tawag ng kanyang kapatid.
"Ah sige, mauna muna kami," paalam ni Thalia.
Tumango si Isabel.
Tiningnan niya ang grupong papalayo habang sinisipatan si Tricia—isang tahimik na senyas na huwag papalapitin ang mga ito.
Nang makalayo na ang grupo, saka niya sinagot ang tawag.
"Hello, kuya," mahina niyang sabi.
"Anong kailangan?" agad na tanong sa kabilang linya. "Alam mo namang kasama ko sina Thalia ngayon, hindi ba?"
"Nakuha mo na ba ang loob ng tatlo?" biglang tanong ng kanyang kapatid.
"O—Oo... pero hindi ko pa lubusang nakuha ang loob ni Thalia," sagot niya habang palihim na sinusulyapan ang grupo na masayang nagkukwentuhan habang naghihintay sa kanya.
"Kahit makuha mo man ang loob ni Thalia o hindi, gawin mo na ang misyon ninyo."
Napamaang si Isabel nang marinig ang utos.
"Kuya, bigyan mo ako ng pagkakataong—"
Hindi siya pinatapos ng kapatid.
"You need to do it. Wala nang oras. Kailangan na ni Giovane na mahuli sila."
Halata sa boses nito ang awtoridad.
Kailangan niyang sumunod.
Napabuntong-hininga siya.
"Fine... gagawa ako ng paraan."
"Okay. Balitaan mo ako kung kailan mo gagawin ang hakbang mo para makapagpadala ako ng tauhan."
"Yes, po. Bye. Baka mahalata pa nila kung sino ang kausap ko."
Agad niyang ibinaba ang tawag.
Ibinalik niya ang phone sa bulsa at naglakad pabalik sa grupo na parang walang nangyari.
Well... gagawa ako ng paraan.
Kailangan ko lang sabihin kay Tricia ang plano.
Kailangan din naming malaman kung ano ang minamanmanan nila.
"Pasensya na kung natagalan," sabi niya nang makalapit sa mga kasama.
Umiling si Chesca.
"Take your time, Isa," sabi nito.
Don't you ever call my nickname. We're not even close.
Pagtataray niya sa kanyang isipan.
Hindi niya iyon sinabi nang malakas.
Ngumiti na lamang siya.
"Tara?" tanong ni Tricia.
Nagtanguan ang grupo.
Nauna ang tatlo habang nagkukwentuhan. Sumunod lamang sina Isabel at Tricia sa likod.
Sinenyasan siya ni Tricia, tila nagtatanong kung ano ang plano.
Sumagot siya sa pamamagitan ng tingin—
Sa kubo na lang.
"Bumalik na muna tayo sa kubo para makapagpahinga," suhestiyon ni Tricia.
Nagkatinginan ang tatlo.
"S—Sige, kung iyon ang gusto ninyo," sagot ni Ericka.
"Malayo-layo rin ang napasyalan natin. Alam kong pagod na ang lahat."
Nagtanguan ang grupo.
Ano pa ba ang ipapasyal niya sa lugar na ito?
Hindi rin naman siya magtatagal sa kagubatang kinaroroonan nila ngayon.
"Ah, may alam akong shortcut para mas mabilis tayong makarating sa kubo," suhestiyon ni Ericka.
Shortcut?
Napaisip si Isabel.
"Ah, oo," dagdag ni Ericka habang natatawa. "Itinuro ito ng kababata ko. Madalas kasi kaming namamasyal dito noong mga bata pa kami."
Tumango lamang si Isabel.
Nagkatinginan pa sila ni Tricia.
Palihim itong napangiti.
Kailangan kong tandaan ang dinaanan namin.
Magagamit namin ito.
Shortcut pala, ha?
Kaya pala hindi namin kayo naabutan kanina.
Tingnan natin.
Literal ngang shortcut ang dinaanan nila.
Mas mabilis silang nakarating sa kanilang pupuntahan.
"You saved us, Ericka," sabi ni Chesca. "Akala ko babaybayin pa natin ang mahabang daan."
"Pagod na pagod na kasi tayo," sagot ni Ericka. "Buti na lang at naalala ko ang shortcut na ito."
Tinapik pa niya si Ericka.
"Alam mo rin ba ang shortcut na iyon, Thalia?" tanong ni Isabel.
Hindi siya titigil hangga't hindi niya ito nahuhuli sa sarili nitong bitag.
"Si Thalia?" ulit ni Ericka na tila nagtataka.
"No. Hindi alam ni Thalia ito. Ngayon pa lang siya nakapasyal dito."
"Isabel, upset ka pa rin ba sa nangyari kanina na hindi ako nagpaalam?" diretsong tanong ni Thalia.
Napatingin si Isabel sa kanya.
"No, I'm not upset. I'm just worried, Thalia."
Tumango si Thalia.
"Well, ngayon ko lang din nalaman ang shortcut na ito," sabi ni Thalia. "I'm sure magagamit natin ito ngayon."
"Yeah. That's great," sagot ni Isabel na may pilit na ngiti.
Malapit na silang makarating sa kubo kung saan sila nananatili.
Alam din ng kapatid niya kung nasaan sila ngayon.
"Papasok muna kami sa kwarto. Magbibihis muna," paalam ni Isabel.
Sumunod si Tricia sa kanya.
Agad nilang ni-lock ang pinto.
"Upset?" galit na sabi ni Isabel.
"I'm really upset!"
"Well, cheer up," sagot ni Tricia habang nakangiti. "May alam na tayong shortcut na puwedeng gamitin laban sa kanila."
Napailing si Isabel.
"So? Anong sinabi ni kuya?" tanong agad ni Tricia.
"Sa madaling panahon," sagot ni Isabel, "kailangan na nating tapusin ang misyon natin."
"Kailangan na nating hulihin ang tatlo."
"Oh," sabi ni Tricia habang nauupo sa tabi niya.
"Kaya pala hindi ka mapakali kanina."
"So," dagdag nito, "anong plano?"
Handa itong makinig sa sasabihin niya.
39Please respect copyright.PENANAomE8Y57QcM


