"HINDI ka ba pupunta sa warehouse, Charles?" tanong ni Vince na kasama si Greg noon.
"Mamaya, pupunta ako roon. My gut tells me to go there. Alam ko ring may mangyayaring hindi maganda sa warehouse, kaya ihanda ninyo na lang ang mangyayari." Sabi naman nito sa kanya.
"So, you are very ready to throw your life away, huh?" Napatanong naman ni Vince sa kanyang kausap.
"Throw my life?" tanong nitong napangisi pa. "No, I’m not throwing my life away. Hindi ako mamamatay kung hindi ko sila napapabagsak." Sabi pa nito sa kanya.
Napailing-iling na lamang siya.
"Greg?" tanong naman nito nang may tinitingnan sa likod ni Charles.
"Kuya." Hinihila nito ang manggas niya.
Kaya naman agad niyang inalayan ang bata. "Anong nakikita mo?" pabulong niyang tanong sa kasama niya.
"Kuya, mag-iingat po siya sa mga nakasalamuha niya, nakikita ko pong mapapahamak siya," napatigil naman ito sa pagsasalita.
"Nathan po, Nathan po ang pangalan ng lalaking papatay sa kanya, kapag pumunta siya doon ngayon." Nakikita sa mga mata nito ang takot.
Ang kakayahan ni Greg ay natatangi sa lahat, kaya nitong makita ang hinaharap sa pamamagitan ng nakikita nito at nakakasalamuha nito.
Fascinating yet dangerous ability, we say. Napasabi sa kanyang isipan.
Kaya naman, inihabilin ito ni Felix sa kanya para maging komportable ito sa mga nakikita nito.
Ginulo na lamang niya ang buhok ni Greg.
"Hindi ka ba naniniwala sa akin, kuya?" tanong naman nito sa kanya.
"Yes, I trust you." Sabi naman niya at kinarga ang bata.
"Si ate Thalia, pagtataksilan din, si ate Jenny mapapahamak sila dahil nakita sila sa CCTV, si kuya Felix, manganganib din dahil malalaman nito ang sekreto, ikaw, si kuya Zenne, kuya William, hahanapin kayo para patayin. Kuya, natatakot ako, natatakot ako na mawala kayo sa akin." Umiyak at nagmamakaawa ang boses ng batang si Greg.
Nabigla naman si Charles at napatitig sa kanya kung bakit umiiyak ang bata.
"Marami akong mga patay na nakikita, kasama kayo roon, hindi ba kayo natatakot, kuya?" tanong nito sa kanya.
Hindi siya sumagot sa katanungan ng bata. Alam niya iyon, dahil nakikita niya ito sa premonition niya, sa kanyang paglalakbay.
"Sorry about that, Charles."
Napatango na lamang si Charles, bago siya lumabas. "By the way, pasasamahin ko sa iyo si Zenne." Nakalabas na siya sa silid.
Naglakad siya para makalanghap ng sariwang hangin ang bata.
"Kuya, mangyayari ito sa madaling panahon. Kailangan ninyong umalis sa lugar na ito, dahil marami ang dadanak ng dugo. Kuya, makinig naman kayo sa akin." Pumalahaw pa ito.
"Ano pa ang nakikita mo, Greg?" iyon lang ang natanong niya habang tinitigan niya ang bata.
Bigla silang naglakbay, kasama si Greg. Nakikita niya ang mga larawang mangyayari sa hinaharap, nakikita niya ang mga posibleng dahilan kung bakit hindi sila magtatagumpay, marami ang mga nawalan ng buhay, muli, magkakaroon ng massacre sa kanilang mga miyembro, paghahuntingin sila sa pamumuno ni Alexander, at higit sa lahat, hindi sila magtatagumpay, mawawala si Fernan at magiging isang ligaw na kaluluwa.
"Kaya kuya, please, tigilan na ninyo ito." Napasabi naman noon na yumakap sa kanya.
Pinatahan niya ang bata, pero sa isipan ni Vince, hindi na nila pwedeng iurong ang nasimulan; ihahatid na muna niya ito ang kapatid na niya ang bahala kay Greg. Nasabihan na niya ang kanyang kapatid na babae sa mangyayari, kaya ilalayo niya ito sa kapahamakan bago pa man mangyari ang nakikita niya ngayon.
What should we do now, Felix? Napasabi sa kanyang isipan. Lumabas siya at agad kinuha ang sasakyan. Sinakay niya si Greg, at nagmaneho siya papauwi sa kanila.
Kailangang makaluwas ito sa syudad, pinasamahan ni Vince si Charles kay Zenne para paikutin ang mangyayari.
Palaging sinasabi ni Felix sa kanya.
Let fate do that thing. Hindi nating pigilan ang mangyayari; we need to get over it and go with it, and ang magagawa lang natin ay magawan ito ng hakbang. We don’t need to twist that fate; we need to ride it. Naalala niya ang mga katagang iyon.
Ride it, huh? How will you ride it, Felix? Napasabi naman niya at napangisi.
Ilang minuto’y nakaabot na siya sa kanilang bahay. Nakita niyang nakahanda na ang gamit nito, kinuha si Greg, at tinitigan siya nang mataman.
"Huwag kang mamamatay, ako mismo ang papatay sa iyo." Sabi pa nito sa kanya.
Napatawa na lamang siya noon. "Go on, magkakagulo na rito at hindi na kayo safe, dating sa tagpuan, nandoon ang ina ni William." Paalala naman niya sa kanyang kapatid.
"Nasaan si Gerald?" tanong naman nitong nagtataka.
Napabuntong—hininga na lamang siya. "Kahit pilitin man ni William iyon, hindi ito aalis, tutulong siya sa kapatid niya." Napailing-iling na lamang niyang sabi.
Binatukan siya ng kapatid niya. "Alagaan mo ang mga pinsan mo, pakisabi ni Felix na huwag masyadong maglaro ng apoy."
Tumango na lamang siya, at bilang habilin, bigla siyang niyakap ng kanyang kapatid.
"Mag-iingat ka."
Dali—dali nitong dinala ang mga importanteng gamit; may nag-aantay na kasama niya na ihahatid ito sa syudad. Tiningnan niya ang papaalis na sasakyan. Kumaway na lamang siya noon at bigla na lamang nawala ito sa kanyang paningin.
Kinuha niya sa kanyang bulsa ang phone, naglakad-lakad na siya papalayo, at bigla na lamang sumabog ang bahay nila.
Nagpakalayo-layo siya, habang dina-dial ang phone ni Felix. Agad namang sumagot ito.
"Hello," sabi nito sa kabilang linya.
"Yeah, you’re done?" tanong naman nito sa kanya.
"Yep, inilayo ko na si Greg." Sabi naman niya noon.
"That’s good. Ano ang nakikita mo sa premonition ng kapatid ko?" tanong naman nito sa kanya.
"Mamatay tayong lahat."
Napatawa naman ito. "Well, ano bang gagawin natin para maka-survive sa mga nakikita ni Greg?"
"What is your plan? Are you ready to play that fire to burn us?" tanong naman niya sa kabilang linya.
"Vince, hindi ako mamamatay hanggang hindi ko na-secure ang kaligtasan ng mga kapatid ko." Sabi pa nito.
"Yeah, whatever. Your youngest brother is really something."
"Kaya nga dinala ko na muna siya rito." Sabi naman nito.
"Ewan ko sa iyo, kung anong binabalak mo."
"Kailangan ko nang ibaba ang tawag, magtatrabaho na ako." Sabi pa nito na halatang nag-iingat sa galaw.
"Yeah."
Pinatay niya kaagad ang tawag. Babalik na siya sa warehouse para magmasid sa magaganap na kaguluhan.
PINASAMA ni Vince si Zenne kay Charles patungong warehouse. Alam na niya ang tonada ng boses ni Vince at paano ito mag-isip. Sinabi nito na may mangyayari na hindi nila inaasahan. Saka susunod si Vince pagkatapos ihatid ang bunso ni Felix sa bahay nito.
Heto siya ngayon, naglalakad sa loob ng warehouse na walang imikan. Napapakamot na lamang si Zenne. Papalapit na sila sa silid na kung saan nandoon si Giovane na nag-aantay.
Pumasok na sila; nakatalikod si Giovane sa kanila na may inaayos pang gamit.
"Oh, you’re here, Charles." Sabi pa nito at humarap sa kanila.
Tiningnan din siya ni Giovane nang makahulugang tingin. "Nandito ka rin pala, Zenne." Sabi niya.
May kinuha itong baril sa gilid nito. Naramdaman niyang ilang segundo, magkakaputukan sa loob ng silid, kaya papalihim niyang kinapa ang kanyang baril.
Napansin niyang nililinis ni Giovane ang baril nito.
"Do you know bakit kita pinatawag?" tanong naman nito sa kasamahan niya.
Napabuntong-hininga naman ang kasama niya. "Hindi ako manghuhula kung anong pakay mo sa akin, Giovane." Tanging sagot na lamang nito na napailing-iling pa.
"Oh, I see, hindi ko pala nasabi sa iyo ang plano ngayon."
Nakikinig lang si Zenne sa pag-uusap; nagmamanman siya kung ano ang magiging susunod na hakbang nito.
"Plano? Plano saan?" tanong naman ni Charles na patay malisya sa pinagsasabi.
"Nalaman ko na kung sinong nagtaksil rito, Charles." Napangisi naman ito sa kanila.
"Oh? That’s good." Iyon lang ang sagot ni Charles sa kausap; alam niyang nakahanda na rin ang baril nito.
"Guess what, kung sino—sino ang mga taong nagtaksil sa organisasyon?" tanong naman nito sa kanya.
"Guess who?" Pabalik naman nitong tanong ni Charles.
Giovane only smirks at them; tinutukan sila ng baril. "I guess kung sinong baril ang pupunteryahin nito."
"I see," Kalmang sabi ng kanyang katabi. Tinutukan din ni Charles ng baril si Giovane.
Napatawa pa ito. "Bakit Charles? Isa ba ako sa mga taong nagtaksil sa organisasyon?" tanong nito.
"Who knows what your crazy mind is thinking right now, Giovane?" Ngumiti lang ito kay Giovane.
Naalarma ang buo niyang pagkatao noong napapalibutan sila ng mga armado.
"Well yeah, hindi dapat ako nagsasayang ng oras sa kagaya ninyo." Binaba ni Giovane ang baril, at tiningnan nito ang mga tauhan.
"Magkita na lang tayo sa kabilang-buhay, Charles," sabi naman nito at tinapik pa si Charles. "Oh no, hindi pala ako pwedeng mamatay." Ngumisi pa ito at umalis kaagad.
"Sige, tugisin ninyo ang dalawang iyan, ako na mismo ang papatay kay Jake." Sabi pa nito at agad umalis at isinara ang pinto.
Nagkaroon ng mahabang katahimikan sa bawat panig ng mga taong nasa loob ng silid. Pinapakiramdaman nila kung sino ang unang magpapaputok.
May umalingawngaw na narinig, at muntik nang matamaan si Charles.
"Sumuko na kayo, hindi ninyo kaya ang mga Fuego." Babala sa kanila.
"Sumuko?" tanong naman ni Charles sa mga ito. "Nandito na tayo, bakit pa susuko? Come and get me if you can." Panghahamon naman nito.
"Papatayin kayo ni Charles kung hindi ninyo ginawa ang trabaho ninyo." Sabi naman ni Zenne sa kanila.
"Ah, akala ko, huli na ako." May narinig silang pamilyar na boses.
"Vince, at dumagdag ka pa talaga." Napailing na lamang si Charles.
"I’m just taking my time to get here."
"Tayo na," sabi naman ni Vince sa kanila.
"Go where?" tanong naman niyang binaba ang baril.
"Alam mo na."
Binaril ni Vince ang ibang tao sa organisasyon; ngayon na lamang niya napagtanto na ang ibang kasamahan nito ay gustong sumapi sa kanila. Pinagbabaril nito ang mga taong nagtaksil sa organisasyon din nila ngayon.
So, nag—work na naman ang plano ng mukong na ito? Really? Napasabi sa kanyang isipan na isa-isang binarily ang mga kalaban nila.
Alam na alam nito kung sinong nagtaksil, ah. Dahil napansin nitong may bumubunot ng baril pero nauunahan kaagad ni Vince.
"Yo, out there, kung magtataksil kayo sa amin, ako na mismo ang maglilibing ng bala sa kokote ninyo, got my point?" He got that seriousness in his eyes, kaya naman napailing na lamang si Zenne, dahil pini-pressure nito ang mga gustong kumampi sa kanila.
Agad namang nagsitanguan ang takot na takot na mga tauhan; tila bumabaliktad ata ang sitwasyon, pero kailangan pa rin nilang mag-ingat.
"Anong gagawin natin?" tanong naman ni Zenne kay Vince.
"Papalayain natin isa-isa ang mga bihag nila ngayon. William is there." Turo naman nito sa ibang silid.
"Pakitulungan ninyo si William." Agad baling sa mga bagong tauhan ni Vince.
Agad naman itong nagsitanguan.
"Saan pupunta si Giovane?" tanong naman niya.
"Si Felix? Kumusta?" sunod-sunod niyang tanong.
"Don’t worry about him; kaya niyang lusutan ang problema niya." Sabi naman nito.
"Saan tutungo silang Giovane?" tanong naman ni Zenne na nagtataka.
"I bet pupunta siya sa mga bahay namin ni William. Zenne, kumusta ang mga kapatid mo?" Tanong naman ni Vince sa kanya na naalarma ang boses.
"They’re safe, they’re safe." Saad naman niya.
"That’s good to hear." Napabuntong—hininga naman ito.
Sinira nila ang ibang silid at may nakagapos pang ibang bihag; agad nilang pinalaya ito. Alam nilang hindi nila kayang magligtas ng maramihan, kaya sa nadadaanan na lamang nila sa bawat silid.
Babalikan namin kayo; hang in there, guys. Napasabi na lamang sa kanyang isipan.
Nakalabas na sila sa warehouse, dala-dala ang kanilang nasagip noon. Naririnig nila ang putukan sa bawat grupo na nagsasagupaan. Wala nang impostor sa kanilang grupo. Ang problema’y paano sila makalusot sa pangyayari ngayon.
Bigla siyang nag-aalala sa mga batang nandoon.
"Are Thalia and others being safe?" tanong naman niyang nag-aalala.
"Hindi pa nila kayang galawin silang Thalia, dahil nandoon pa ang dalawa." Napabuntong-hininga na lamang si Vince na nag-iisip kung ano ba ang susunod nilang hakbang.
"Nasaan si Jake ngayon?" tanong naman ni Vince sa kanila.
"Nandoon sa warehouse ni William." Sagot naman niya.
"Gusto ba niyang mamatay?" tanong naman ni Charles noon.
Napabuntong-hininga na lamang siya, ayaw na niyang makipagtalo.
Hindi susulong si Jake kung wala itong dala-dalang plano sa utak nito. Napasabi na lamang niya.
53Please respect copyright.PENANAPR9XIssl9I


