NABIGLA na lang silang Thalia na bumangon sa hihigan si Chesca, at naglalakad ito; napansin nilang natutulog ito.
Kaya naman dali-dali silang napabangon para sundan kung saan pupunta ito. Sinundan nila ito sa masukal na kagubatan; nakatayo lang ito na tila minamasdan lamang ang kadiliman.
"Kailan lang nagkakaroon ng sleepwalking si Chesca?" pabulong na tanong ni Ericka sa kanya.
"Ikatlong ulit na niyang ginawa iyan." Napailing-iling na lamang si Thalia noon, pinapakiramdaman niya lang ito nang maigi.
Noong nagkamalay – tao ito, makikita sa mukha ang gulat, nakatayo itong nalilito, pero may hinahanap, magbubungkal na sana si Chesca gamit ang mga kamay, ay may narinig silang kaluskos na patungo sa direksyon ni Chesca.
Nasa malayo silang parte na nakamasid kay Chesca; kung kikilos silang dalawa na hindi nag-iingat, maaring ikapahamak nila ito. Buti na lang ay nagtago ito sa isang malapad na kahoy na pwedeng abutin si Chesca kung kinakailangan.
Muntikan na itong makita nilang Isabel ang gawi noon, napansin nilang tahimik itong pumunta sa direksyon nila, tinatantiya ang bawat galaw ng kalamnan nito, hanggang sa nakatago ulit ito, pero alam niyang susundan nilang Isabel iyon, dahil bilang isang babae malakas ang pandama nito lalong-lalo na ang instinct.
Sa galaw ni Chesca, nagpapanic na ito, kaya naman bago pa mailawan at mahuli ito, agad niyang hinila at napunta sa kanilang gawi.
Wala silang ginawang ingay.
"Tayo na, Tricia." Yaya naman ni Isabel sa kasama nito.
Muli, bago ito umalis, lumingon ito sa kanilang gawi. Nilamon na ng kadiliman ang buong kagubatan at napabuntong-hininga na lamang sila.
"Pasensya na," paghihinging dispensa ni Chesca sa kanila.
Umiling na lamang siya.
"Dito itinago ni Mommy ang isang pruweba." Pag-amin ni Chesca sa kanila.
Napantig ang tenga niya, kaya nilingon niya ang babaeng kaharap niya.
"A --- Anong pruweba?" tanong naman niya.
"Bigay ba ito ng kapulisan, Chesca?" tanong naman ni Ericka noon.
Tumango naman ito sa kanila.
"Halina kayo, delikado kung dito natin pag-uusapan." Yaya kaagad ni Thalia, kapag nagtagal pa sila sa lugar na ito, matatagpuan sila.
"Thalia, saan tayo pupunta?" tanong naman ni Chesca sa kanya.
"Basta, halikayo, safe tayo rito."
Nagkatinginan naman ang kasamahan niya, ngunit sumunod lang ito sa kanya. Nakarating sila sa malaking espasyo, walang katao – tao ngunit, may kubo doon.
"Thalia, kaninong kubo ito?" tanong naman ni Chesca sa kanya.
"Kay kuya," pabulong niyang sagot.
"Hindi ba masyadong delikado rito? Baka alam na ng kalaban ang bawat kubo na nandirito." Sabi naman ni Chesca.
"Hindi." Sagot naman niya. Bago pa magkrus ang landas nilang tatlo, pinaghandaan na niya ang maaaring posibilidad na pasikot-sikot, dahil sa mapang binigay ng kanyang pinsan noon, pati na rin kay William.
Tumuloy na sila sa kubo. Kagaya ng iba’y may underground basement ito. Kagaya noong nagtatago sila na kasama pa niya si Jasmin.
Tiningnan niya ang oras. Titantiyahin niyang hindi pa makauwi silang Isabel, may alam siyang daanan na kung saan malapit din sa kubong tinutuluyan nilang lima.
Tumuloy sila sa underground.
"Hindi ito palaging ginagamit ni kuya, at saka, hindi rin ito ang totoong basement niya, pati na rin kay Charles." Saad niya habang ini-on ang mga ilaw.
"Paano mo nalaman ang mga bagay na ito, Thalia?" takang tanong ni Ericka sa kanya.
Dala-dala pa rin niya ang mapang bigay ng kanyang pinsan; pinakita niya ito sa mga kasamahan niya.
"Huwag mong sabihing ibinigay iyan ni Vince sa iyo?" tanong namang gulat ni Chesca sa kanya.
Hindi na siya magugulat pa kung alam ito ni Chesca sa inaasta nito ngayon.
"Oo, ibinigay niya ito sa akin."
"Pahawak nga." Sabi naman ni Ericka sa kanya.
Dumilim ang paligid, iniluwa sila sa nakaraan. Napalingon siya nang makita niya si Ericka at si Chesca.
"Saan tayo?" takang tanong ni Chesca.
"Huwag kang mag-aalala, kasalanan ko, kapag may nahawakan ako naglalakbay ako, at napasali kayo." Sabi naman ni Ericka.
Tahimik niyang minamasdan ang paligid, naagaw ang kanyang atensyon sa lalaking nakaupo. Ito ay ang kanyang kapatid.
"Tapos na ba ang mapa na iyan?" tanging narinig nila.
"Mabuti, nandito ka ngayon, Thalia; minsan kasi, kapag ako lang ang naglalakbay, hindi ko marinig at makita ang nakaraan." Sabi pa nito sa kanya.
"Huwag mo akong madaliin. Fernan." Reklamo ng kanyang kapatid noon.
Ang ibig sabihin, bago namatay si kuya Fernan, ginawa nila ang mapa na iyan. Sabi pa sa kanyang isipan.
"Napakalaki ng pagmamay-ari ng mga Fuego, kapag minadali natin ang pag-trace kung saan tayo gagawa ng mga kubo natin, ay tiyak mawawalan ito ng saysay. Give me another week na makita ko ulit ang warehouse para matantiya ko kung ano ba ang pwede nating gawin." Iyon lang ang narinig niya.
"Alam mo namang magaganap ang karumal-dumal na pagpatay ng kanyang dalawang anak, hindi ba? Nakikita kong malapit na itong mangyari. Maulan ang araw na kung saan dinukot ang apat na magkakapatid. Kung tatantiyahin natin, maaaring nasa dalawang linggo ang pagitan." Saad naman ng isang lalaking nakikinig sa pag-uusap.
Lumabas ito, at agad niyang nakilala ang nagsalita, kundi ang kanyang pinsan.
"Kaya nga bigyan ninyo ako ng isang linggo, at saka, mabuti pang tulungan mo na lang ako, Fernan at Vince." Napabuntong—hininga naman ito.
"Ginawa ang mapa na ito noong malaman ng kanilang premonition ang mangyari sa inyo, Chesca. Ang ibig sabihin, dahil sa mapang ito, nakatakas kayo ni Mikaela?" tanong naman niya noon.
Napatango naman ito. "Binigyan niya kami ng mapa ni Mikaela noon, dahil alam nilang hindi nila maliligtas si Ate Ellese at Ate Felisa." Saad nitong nalulungkot.
Nakaupo silang tatlo noon.
"Ang ibig bang sabihin nito’y sa mapang iyan, pwede natin magamit kapag nagkagipitan na?" tanong naman ni Ericka na nag-iisip.
"Oo, magagamit natin ito, kasi kung tutuusin," tinuturo niya ang bawat marka ng ekis at chek sa mga kasama niya.
"Lahat ng ekis na iyan, iiwasan nating mapadpad, dahil alam kong may mga organisasyong nagbabantay rito. Iyang check diyan, kung saan minarkahan ang mga kubo, bibilangin natin ang mga kubong ito ay nakadepende sa lihim na organisasyon na binuo nila laban sa mga Fuego." Saysay ni Thalia sa kanyang mga kasama.
"Ngunit, hindi isinali ni kuya ang kubo niya, ni kuya Fernan, at ibang kubo na pwede nating puntahan kapag nagkagipitan."
"Ang ibig sabihin ba ay...." nasalubong niya ang tingin ni Ericka.
"Maaaring ang mapang iyan ay peke, hindi ba?" tanong naman nito.
Tumango naman siya bilang pagsang-ayon.
"Gusto ni kuyang makita ng mga kalaban natin itong hawak ko." Napapailing na lamang siya.
"Isang bitag na maaaring magtagumpay o magiging magwakas ng buhay nila." Sabi naman ni Chesca.
"Nasaan ang orihinal na mapa?" tanong naman ni Ericka sa kanya.
"Nasa kapatid ko." Sabi naman nito.
Napailing – iling na lamang ito.
"Ang ibig sabihin ba, ibinigay din ito kay ate Mikaela?" tanong naman ni Chesca sa kanya.
"Hindi ko alam, pero hawak ni ate Jenny ang totoong mapa."
"Hindi ko maabot ang takbo ng isipan ng kapatid mo, Thalia." Napailing na lamang si Ericka sa kanya.
"Ganoon ka din siguro, alam kong naglalaro kayo ni Isabel ngayon."
"Hindi ako nakikipaglaro." Sabi pa niya. "Pero, ayoko rin namang mapahamak kayo." Saad niya sa mga ito.
"Babalik na tayo." Sabi ni Thalia na kung saan naghanda ng umalis.
"Kailan natin babalikan ang lugar na iyon, Thalia?" tanong naman ni Chesca sa kanya.
"Huwag kang mag-aalala, babalikan natin ang lugar na iyon." Pangako niya kay Chesca.
PABALIK na sila sa kubong kanilang tinutuluyan ngayon; hindi niya alam kung tama bang maging maaga ang pagbalik nila.
Tumuloy kaagad sila at naramdamang walang tao, kaya naman, nagkatinginan naman silang tatlo. Tiningnan nila ang oras, malapit na mag-alas-kuwatro ng madaling-araw.
"Matutulog pa ba tayo?" tanong naman ni Chesca sa kanila.
Agad silang tumuloy sa kanilang kwarto; tiningnan din nila ang gawing kwarto ng dalawa, napakatahimik din.
"Halina kayo." Yaya kaagad ni Thalia sa kanila.
Nakapatay ang ilaw ng kanilang kwarto, bumalik sila sa paghiga, at pinakiramdaman nila ang paligid. May narinig silang dabog ng paa, kaya naman nagkatinginan silang tatlo.
Sinenyasan silang huwag magpahalata, dahil nga umalis silang tatlong nakapantulog, hindi halatang umalis sila sa bahay. May narinig silang paghambalos ng pinto sa kabilang kwarto. Hindi niya alam kung bakit galit na galit ang mga kilos nitong bumalik.
Malamang, hindi kami nahuli. Napasabi sa kanyang isipan.
Tumahimik ang paligid, tinawag naman siya ng kanyang katawan na matulog ulit dahil sa kalmang nararamdaman niya sa paligid. Nagising siya dahil sa sikat ng araw na tumama sa bintana nila. Kaya naman, bumangon si Ericka sa hihigan. Tiningnan niya ang phone kung anong oras na.
Malapit na palang mag-six. Napasabi sa kanyang isipan, inunat niya ang kanyang kamay at buong katawan para hindi siya antokin, lumabas siya sa kwarto at nasalubong niya si Thalia na naghahanda ng pang-umagahan nila.
Nakapang – bahay naman ito, kaya naman, bumalik siya para magbihis din sa kanyang pantulog. Pumunta siya sa kusina matapos magbihis ng pambahay; nilibot niya ang kanyang paningin. Wala siyang nakitang dalawang tao noon.
"Hindi pa ba gising silang dalawa?" tanong naman ni Ericka.
"Natutulog pa," sabi naman ni Chesca na may ginagawa.
Napatango na lamang siya at tumulong na lang. Maya—maya pa ay may narinig silang hikab at yabag ng paa na pumunta sa direksyon nila.
"Oh, good morning." Bati pa ni Isabel sa kanila.
"Good morning." Bati pabalik ni Thalia sa dalawang taong kasama nila.
Ayan na naman po siya. Napasabi sa kanyang isipan.
Maglalaro na naman ito. Napabuntong-hininga siya sa kanyang iniisip.
Alam niyang straightforward si Thalia, subalit kapag sinubukan nitong maglaro at laruin ito, hindi ito nagpapatalo sa kalaban.
Nakikita kong mahihirapan si Isabel kay Thalia. Napasabi na lamang sa kanyang isipan.
Kailan ko bang sasabihin kay Thalia ang totoong nangyari sa magulang niya? Napatanong na lamang sa kanyang isipan, habang naghihiwa ng mga sangkap.
Sa kaloob-looban niya, bigla siyang na-guilty dahil hindi niya sinabing nakita niya ang totoong nangyari sa pagkamatay ng magulang nito.
Sa susunod, sasabihin ko sa kanya. Determinado niyang sabi sa kanyang isipan.
"Thalia, lumabas ka ba kanina?" tanong nito, na kung saan nagpabalik sa kanyang katinuan.
"Oo, lumabas ako kanina, pero, bumalik din ako." Sabi naman nito.
Nakikinig lang siya sa usapan; hindi niya rin maabot ang pag-iisip ni Thalia ngayon.
"Oh, kasama mo ba silang Ericka kanina?" tanong naman nito.
"Ako lang ang lumabas, bakit mo natanong, Isabel?" Kalmang tanong naman ni Thalia na painosenteng tinitigan pa si Isabel.
"Oh no, nakita ko lang kasi kayo na lumabas ng kubo, kaya nagtatanong ako, delikado pa naman ngayon." Sabi pa nitong nag-aalala.
"Ah, may hinanap lang ako na importante; pagkatapos, bumalik naman kaagad ako." Sabi naman nito.
Napatitig naman si Chesca sa kanya na hayaan na lang ang dalawa.
"I see, sa susunod mag-iingat ka, kapag lumabas ka, pwede naman kitang samahan e." Sabi naman nito na ngumiti,
"Thank you for your concern, Isabel. Napakabait mo palang tao." Sabi naman ni Thalia na ngumiti rin.
Saan ang mabait, Thalia? Napangisi na lamang siya ng papalihim noon sa sagutan ng dalawa.
Alam ni Ericka na hinuhuli ni Isabel si Thalia sa nangyari kanina, para mabantayan pa ang kilos ni Thalia noon.
"Napalapit na kasi ako sa iyo. If may problema kayo, Ericka, Ruth, please sabihin ninyo sa akin. I’m willing to help all of you." Sabi naman nito.
"Hindi ba, Tricia?" tanong naman nito sa isang tahimik lang na kumain ng pandesal noon.
"Yeah, we will always be there." Dagdag naman nito.
"Thank you, kayo rin sana, ganoon din, kapag may problema kayo." Ngumiti lang siya noon.
"Of course." Tumango naman si Isabel sa kanila.
Kumain na sila nang tahimik; hindi dapat ipahalata na nagkakaroon sila ng ilangan. Kailangan niyang makipagsabayan sa nangyayari ngayon.
Bigla na lamang may mga larawang nabuo sa kanyang isipan, kaya naman napahawak siya kay Thalia at Chesca na kumakain. Nakikita niya ang mangyayari: may mapang nahulog sa sahig na magsisilbing mitsa ng lahat.
Sinusundan sila ni Isabel kung saan sila pupunta, huhulihin at mapupunta sa warehouse, napabitiw siya noon.
"Are you okay, Ericka? You’re so pale. What happened?" sunod-sunod nitong tanong sa kanya.
"Ericka, you need to rest; kailangan mo munang kumain." Sabi pa ni Isabel.
Tumango na lamang si Ericka; palihim niyang tinitigan si Thalia, at nasalubong niya ang tingin nito. Nakita rin nito ang premonition habang nakahawak siya sa kamay ni Thalia.
May nakita siyang dalawang babaeng bitbit ang isang kwaderno, kung saan hinahabol ito ng mga kalalakihan sa organisasyon. Napasinghap siya dahil nakita niya ang mukha ng babae.
Ellese? Napatanong sa kanyang isipan.
No, hindi si Ellese iyon, kundi ang kakambal nitong si Mikaela. Napasabi sa kanyang isipan.
Pinisil niya ang kanyang sentido noong sumasakit, kailangan niyang magpahinga.
"Kumain ka na muna, at kailangan mong magpahinga, Ericka." Sabi pa ni Thalia noon.
Tumango na lamang siya; nakita rin niya si Chesca na nag-aalala sa kanya. Sapo – sapo rin ang noo nitong tiningnan siya nang makahulugan.
51Please respect copyright.PENANARtshS3S4lS


