NANDITO sila sa kubo, kasama niya silang Jenny at si Felix. Hindi naman kalakihan ang espasyo, ngunit malaya naman silang nakakakilos. May dalawang kwarto at isang sala at kusina. Tahimik silang nag-aayos sa kanilang gamit at inihanda ang sarili nila sa maaring mangyari.
Iisa lang ang kwarto nila ni Jenny. Hindi naman maliit ang kanilang kwartong dalawa, at saka, double-deck naman ito at nandoon si Jenny sa itaas.
"Jenny," tawag niya rito.
Napalingon na lamang ito sa kanya. "Hindi kita pipiliting sumama sa akin, dahil nag-aalala lang ako sa iyo." Sabi naman niya.
Ayaw na niyang dagdagan pa iyon, dahil alam niya ang mangyayari. Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. Maingat itong nanaog sa hagdanan.
Bigla siyang tinapik ni Jenny noong nakababa ito. "Huwag kang mag-aalala, pati rin naman ako’y naguguluhan kung ano ba talaga ang laman ng notebook na iyon." Sabi naman nito sa kanya.
"Ayoko lang mapahamak ka, ang dami na ninyong sinakripisyo." Nalulungkot, niyang sabi.
"Kaya nga kailangang magbunga ang lahat ng sakripisyong ginawa natin." Ngumiti ito sa kanya.
May narinig silang kumatok; agad nilang pinagbuksan ito. Nakatingin lang si Felix sa kanilang dalawa.
"Okay lang ba kayong dalawa diyan?" Tanong naman sa amin ni Jenny.
Nakita pa niyang tumango lang si Jenny bilang kasagutan.
"Okay, kailangan ko nang umalis." Paalam nito sa amin, dahil maghahanda pa ito sa papasukan nitong trabaho; hindi nila alam kung anong pinaplano nito. Noong nakaalis na ang kapatid nito, tinitigan ko si Jenny.
"Anong trabaho ng kuya mo rito, Jen?" Napatanong ko na lang sa kanya.
Napabuntong-hininga na lamang ito sa kanyang katanungan. "Malalaman mo rin, Mikaela." Sabi naman nito.
Lumabas na muna sila sa kanilang silid; nasa sala sila ngayon, pinag-uusapan na nila ang kailangan nilang gawin kapag nakapasok na sila sa mansion ng mga Fuego. Ngayon, may pupuntahan na muna sila; magmamasid na muna sila sa mansion kung saan siya lumaki at nagkaisip.
Malapit nang lumubog ang araw, kaya naman ito ang oras na pupunta sila sa mansion. Hindi pa sila papasok nang lubusan; gusto niya lang muna makita ulit ang kabuuan ng kanilang mansion.
Nakaalis na si Felix at sila na lang dalawa ni Jenny. Lumabas sila.
"Dito, dadaan tayo rito." Turo niya sa isang daan na alam niya ang pasikot-sikot. Tumango na lamang itong sumunod sa kanila. Nagbaon na rin sila ng flashlight, kung maabutan sila ng dilim sa kanilang pagmamanman.
Tahimik lang na nakasunod si Jenny sa kanya, tahimik ang paligid na kanilang dinadaraanan, nag-aagaw na ang liwanag at gabi.
Bigla siyang dinala ng nakaraan, ang gabing patakas na sila ni Chesca noon.
Ate! Ate! Tawag ni Chesca na habol-habol ang hininga habang nakasunod sa kanya. Tagaktak ang pawis, tanging ang ilaw ng buwan ang nagsisilbi nilang liwanag sa pagtonton sa masukal na kagubatan.
Malapit na tayo, Chesca, kunting tiis na lang. Agad niyang tinulungan ang kanyang kapatid na babae na alam niyang pagod na pagod na ito.
May narinig silang kaluskos na nanggaling sa masukal na kagubatan at mga yabag nito’y patungo sa kanilang direksyon; nauulinagan na nila ang boses, kaya naman, naalarma silang dalawa.
Dali-dali niyang hinila si Chesca kung saan hindi silang madaling makita. Nag-uusap-usap kung saan posible silang nagtatago.
Kailangan makarating sila sa tagpuan kung saan nag – aantay si Fernan para pumunta sa syudad.
Gusto na niyang maiyak, maiyak, dahil ang dalawa niyang kapatid ay nasa warehouse, pero pinipigilan niya ang kanyang mga luha noon dahil kailangan nilang magpakatatag.
Narinig na lamang nilang may umalingawngaw ng isang putok ng baril. Hindi sa kalayuang sa kanilang direksyon, napansin niyang napatakip ng tenga si Chesca. Halatang natatakot na ito; nanginginig ang kamay nito at napansin niyang umiiyak ito ng tahimik.
Napansin niyang wala nang taong nakapaligid, kaya dali-dali niyang hinila si Chesca para makalabas na sila. Sa tagpuang pinag-usapan, agad niyang napansin ang kasama ni Fernan; hindi si Fernan ang sumundo sa kanila kundi si Vince.
Nasaan si Fernan? Tanong niya na natatakot.
Napakamot ito, tinulak sila sa loob ng walang salita.
Go on, huwag mong sayangin ang sakripisyo ni Fernan para makatakas kayo. Agad isinarado ang bintana ng sasakyan.
Nag-aantay si Felix sa inyo at si Jake. Pabulong na sabi ni Vince sa kanila.
Naramdaman na lang nilang umandar ang sasakyan, ibang ruta ang dinaanan nito, para makaiwas na magkaroon ng ingkwentro sa tauhan ng kanyang kapatid na si Giovane.
Hindi ko man lang nasilayan ang dalawa kong kapatid. Napasabi sa kanyang isipan na nalulungkot.
"----Kaela!"
"Mikaela!" rinig niyang may tumatawag sa pangalan niya.
Napatingin siya sa kanyang kasama.
"Ayos ka lang ba?" tanong naman ni Jenny sa kanya na nag-aalala.
Nilamon na naman siya ng nakaraan niya, napabuntong-hininga na lamang siya noon.
Hinipo niya ang kanyang noo.
"Pasensya na, Jenny." Paghingi na lamang niya ng dispensa sa kanyang kasama.
"Ito na ba iyon?" tanong naman ni Jenny sa kanya.
Agad sumalubong sa kanyang paningin ang isang malaking mansion; tumibok bigla ang puso niya nang masilayan muli ang kanyang tahanan.
Napakatahimik ng paligid ng mansion na napapalibutan ng samo’t saring samyo ng bulaklak, na sasalubong kapag nakapasok sa kanilang mansion.
Nilingon niya ang kanilang malaking gate; nakikita niya bigla ang tatlong batang naglalaro sa labas ng gate na walang pakialam sa mundo, at ang mga ngiti nito’y hindi napapalitan nang ano mang yaman ng mundo.
Na kung saan, nandoon ang kanyang inang nakamasid sa kanila na punong-puno ng pagmamahal. Ang mga batang walang muwang kung ano ba ang daratnan nito.
Bigla siyang hinila ni Jenny.
"Mag-ingat ka, may CCTV sila rito." Tumingin-tingin naman si Jenny sa paligid.
Mikaela! Please, not now! Nasa bulwarte ka ng kalaban, at huwag mo nang isipin pa ang noon. Pinagalitan niya ang kanyang sarili sa pinagagawa niya.
"Pasensya na," paghihingi na lamang niya ng paumanhin.
Napansin niyang tinapik lang siya ni Jenny. Napakabait nitong tao, kahit man nag – aalangan man ito, ay handa pa rin siyang tulungan nito.
Kumagat na ang kadiliman, tanging mga ilaw sa loob lang ang kumikislap sa tahanang kanilang nasisilayan ngayon.
Tanging tunog ng kulisap lamang ang naririnig niya. Inaral na muna niya kung saan sila dadaan ni Jenny, at kailangan niyang maging maingat.
Get a hold of yourself, Mikaela.
Inilibot niya ang kanyang paningin at tahimik na nag-iisip-isip.
Napansin niyang may pagbabago na ang kanilang tahanan, pero alam niya pa rin ang maaaring lusutan nila ni Jenny.
DALI—DALI nilang tinahak ni Chesca ang daan kung saan magkikita-kita sila ng grupo ni Isabel noon. May dala – dala pa silang groceries na makakain nila at maaaring maging alibi nilang tatlo kapag tinanong sila kung bakit sila natagalan sa pagbalik.
Natanaw na nila ang kubo noon, malapit ito sa bahay nilang William. Sinadya ito para masubaybayan ang galawan ng dalawa. Mabuti na lamang at wala pang katao-tao doon.
Kailangang maging maingat sila sa bawat galaw nila, dahil may mga matang naka-antabay noon.
Sabay silang napabuntong-hininga. Takip-silim na silang nakarating sa kubo. Naglinis na muna sila at naghanda.
Aayosin niya ang gusot ng pamilya nilang nakasunod palagi sa kanya, ang kanyang ama, at ang kanyang kapatid na lalaki. Nakapagdesisyon na ang kanyang kapatid na pasukin ang bahay nila.
"Hello," may narinig silang boses.
Kaya naman, tiningnan ni Thalia kung sino ang pumunta sa kanilang kubo. Sumilip din siya noong nag-aayos siya sa mga gamit doon; nandoon ito sa baba na kung saan kinakausap si Thalia.
May mga matang nakatingin din, at agad niya itong nilingon; si Ericka din ay malalim na iniisip. Narinig na niyang tutuloy na ito, kung saan magsasama sila kung kailan magiging komportable ang isa’t isa’y doon mangyayari ang hindi inaasahan.
Binati din siya ni Isabel na masayang ngumiti, kasama si Tricia. Kailangan niyang tatagan ang kanyang loob ngayon, kung ano mang mangyayari.
Kailangan din nilang mahanap ang dalawang bagay na ibinaon ng kanyang ina at ni Fernan. Alam niyang hindi sila makakilos nang maayos dahil nandirito silang Isabel, pero may plano nang nakabinbin si Thalia noon.
Kumagat na ang kadiliman, naghanda na rin sila para may makain sila ngayon, tumulong siya kay Ericka, na abala sa paghahanda ng mga sangkap.
"Anong maitutulong ko?" kaswal niyang saad rito.
Tiningnan na lamang siya at ningitian. "Tulungan mo lang akong maghiwa ng mga sangkap ngayon." Sabi pa nito.
"Okay." Agad siyang tumango.
Kumain na sila nang matapos silang magluto. Tila matagal na silang magkakilala dahil sa mga tawanang kanilang pinagsasaluhan ngayon, masasayang kwentuhan na alam niyang hindi tunay.
"Sabi ko sa iyo, Isabel, mas masaya talaga kapag maraming kasama." Sabi naman ni Tricia.
Tumawa lang naman na nagagalak si Isabel noon. "Oo nga, oo nga. Akala ko kasi hindi masayahing tao si Thalia kaya hindi ko iyon naisipan." Sabi pa nitong nanunudyo. Hindi niya alam kung pinaparinggan ba niya ngayon si Thalia, o dala lang ng kasiyahan nito.
Ginantihan lang naman ng matipid na ngiti si Isabel at hindi na nagsalita.
Masaya ang kanilang kwentuhan, hanggang sa napagod at pumunta sila sa kani-kanilang kwarto. Magkasama lang silang tatlo sa iisang kwarto.
Tiningnan ni Ericka ang oras.
"May ilang oras pa, magpahinga na muna tayo." Suhestiyon ni Ericka.
Nagtanguan naman silang dalawa ni Thalia.
Sa pagpikit ng kanyang mga mata, nag-aantay ang kanyang dalawang kapatid.
Ate. Agad niyang banggit.
Hindi ito nagsalita, naglakad ito, napansin niyang nasa masukal na kagubatan na siya, nakikita pa rin niya ang ate niyang naglalakad sa hangin, tila sinasabing sundan niya ito.
Binagtas niya ang kagubatan noon, napakatahimik. Nasa lugar siya ngayon na walang katao-tao; ang tanging narinig niya ay mga kalukuskos na gawa ng hangin. Nilibot niya ang kanyang paningin.
Nakita niya ang isang babaeng may tinatakasan.
"Kailangan kong maitago ito, kailangan." Rinig niyang bulong ng isang babaeng naghuhukay, nakita niya ang brown envelope nito.
Napasinghap siya, dahil ito ang kanyang ina.
Mommy? Napatanong sa kanyang isipan.
Naalala sa kanyang murang isipan noon, na biglang nawala ang kanyang ina, at nakita na lang niya noong nakabalik ito’y hapis ang buong katawan nito.
Pagkatapos ng ilang araw, narinig na lamang niyang umiiyak ang kanyang inang nagmamakaawa sa kanyang ama noon, kung saan nakita mismo sa sariling mga mata niya kung paano pinatay ang kanyang ina.
Naintindihan na niya ang nangyari. Naintindihan na niya, bago pa man ito pinaslang ng kanyang ama, nakipagkita ito sa isang pulis na pinagkatiwalaan ng kanyang ina.
Kailangan kong makita ang laman ng brown envelope na iyon. Napasabi sa kanyang isipan.
Tapos na itong matago sa kailaliman ng kalupaan, tiningnan niya ang paligid. Hindi niya naaninag dahil nilalamon siya ng kadiliman, dahil makulimlim ang panahon.
"Sa madaling panahon, kailangan nila ito, dahil ito ang tutulong sa kanila."
Matapos, dali-dali itong tumungo sa madilim na parte ng kagubatan; hindi na niya alam kung saan na nagtungo ang kanyang inang si Bianca.
Nabalik ang kanyang pag-iisip noon, nabigla na lamang siyang nandirito siya nakatayo sa masukal na kagubatan.
Kinabahan siya; alam niyang nangyari na ito sa kanya dati, sa camping kung saan pinapunta rin siya sa kanyang kapatid kung saan ito pinaslang.
Nakasoot siya ng kanyang pantulog na damit.
Kailangan ko nang bumalik. Napalingon-lingon siya sa paligid; maghuhukay na sana siya, gamit ang kanyang mga palad noon. Napatda ang kanyang plano nang may ilaw na sumalubong sa kanyang paningin.
Kailangan kong magtago! Agad siyang nagtago bago pa man siya makita ng nagmamay-ari ng ilaw.
Buti na lang agad siyang nakakita ng pagtataguan noon, namamawis na siya, pinipilit niyang huwag gumawa ng ilaw.
"Nasaan na ba sila?" tanging narinig niyang boses—babae.
Sinilip niya ito, at agad niyang nakita si Isabel. Napansin iyon ni Tricia, kaya agad inilawan ang direksyon kung saan siya nagtatago, kaya naman, para hindi siya mahalata, agad napadapa, at paunti-unti siyang gumapang para hindi siya mahalata.
"Ano ba, Tricia." Reklamo naman ni Isabel.
"Ah, sorry, akala ko may tao doon, kaya inilawan ko. My bad."
"Tingnan natin iyang sinasabi mo, baka nandoon talaga sila."
Buong – ingat siyang nagtago sa mga masusukal na kagubatan noon. Sinusundan nga siya ng dalawa.
Instincts! Instincts! Ng mga babae. Napasabi sa kanyang isipan.
Akala niya ay mahuhuli na siya ng dalawa, nang may biglang humila sa kanyang kamay noon, at itinago siya. Muntik na siyang mailawan.
"Shh." Iyon lang ang narinig niya. Napansin niya ang dalawang anino noon, tahimik lang itong nagmamanman sa kilos nilang Isabel.
"Akala ko talaga, mayroong tao." Sabi pa ni Tricia na kung saan napabuntong-hininga pa.
"Tayo na," iyon lang ang narinig nila ni Isabel.
Napansin nilang umaalis na ito, pinapakiramdaman nila ulit ang paligid, bago sila lumabas sa kanilang pinagtataguan.
"Saan ka ba nagsosoot?" tanging tanong ni Ericka sa kanya.
"Pasensya na, hindi ko rin alam, sinusundan ko lang ang dalawang ate ko, at napadpad ako rito sa lugar." Sabi naman niya at napabuntong-hininga.
Kumunot naman ang noo ni Thalia.
"Ikatlong ulit mo na iyang ginawa, Chesca." Napailing-iling na lamang itong tinitigan siya.
49Please respect copyright.PENANAjBT97k1IGd


