NAPABUNTONG-HININGA na lamang si Jake sa ngayon; isang linggo na lang at babalik na ang mga bata sa klase.
Pupunta siya ngayon sa probinsya, dahil ihahatid din niya si Mikaela sa kanyang alam na basement, at magkakaroon ulit sila ng pagpupulong na makikita niya ng harap-harapan ang kasama nito sa binuo nilang organisasyon.
Natuwa siya sa magandang balitang nailigtas ang mga dalaga sa warehouse na kung saan inatake ang basement noon ni William.
Palaisipan pa ri nila kung sinong tumulong sa mga ito, gayong nasa kanya-kanya ito kubo noon, at biglang lumitaw si Felix; alam niyang hindi kayang iligtas ni Felix ang labing-limang babae nang sabay.
Paliwanag nito sa kanya ay tinulungan ito ni Fernan makatakas.
How can a ghost help us? Napatanong na lamang ito sa kanyang isipan at napailing-iling pa.
That’s impossible! Very impossible. Nakikipagtalo naman siya sa kanyang isipan; hinayaan na lamang niya si Felix at si Vince sa pinagsasabi nito about their premonition.
But the extent na tutulungan kami? Are they having a hallucination? Napatanong ulit sa kanyang isipan na napapakunot-noo na lamang.
Hindi siya naniniwala sa mga kwentong may multo sa mundong kanilang ginagalawan. Kailangan niya ng paliwanag na katotohanan at hindi supernatural na nangyayari.
May narinig siyang pagkatok ng pinto sa kanyang silid.
"Kuya." Tawag nito sa kanya.
"Yeah, just wait for a minute." Ito na lamang ang sabi niya.
Pupunta sila ngayon sa probinsya. Kagaya ng napag-usapan, ihahatid din niya si Jenny at si Greg.
"Nandiyan na ba silang Jenny?" napatanong na lamang niya.
"Opo, nandito na po sila."
Tumango na lamang siya, agad siyang lumabas sa silid, at kinuha ang susi ng kanyang sasakyan. Handa na silang pumunta kung saan nandoon ang lahat.
Nanaog siya sa hagdanan, nakasunod naman si Mikaela, at agad sumalubong sa kanyang tingin ang dalawang magkakapatid na hinabilin ni Felix sa kanya. Tahimik lang itong nakaupo at nag-aantay.
"Let’s go, para maaga tayong makaabot doon." Tangi niyang sabi at hindi na tinitingnan kung sumunod ito sa kanya.
Diretso siya sa garahe, kung saan inihanda niya ang sasakyan. Nandoon lang ang tatlong nag-aantay sa kanya.
Agad niyang binuhay ang makina ng sasakyan noon. Pinatakbo niya ito at pumarada ulit para sumakay ang tatlo sa kanyang sasakyan. Tinted glass ito, at hindi nakikita kung sino ang sumakay sa loob ng kanyang sasakyan noon.
Tahimik lang itong sumakay sa likuran ang dalawang magkapatid noon, sa front seat naman si Mikaela noon, na tahimik ding sumakay, nang nakasakay na ang tatlo, agad niyang pinatakbo ang sasakyan.
Tahimik na tahimik ang kanilang byahe; halos ayaw kumibo ng mga kasama niya. Hindi siya nagrereklamo dahil mas mabuting tahimik sila sa byahe, pero hindi mapagkakailang nagkakailangan silang tatlo sa sasakyan.
Gusto niyang basagin ang katahimikan na namamagitan sa kanilang tatlo.
"Naniniwala ba kayo sa multo?" biglang tanong ni Jake sa mga kasama.
Nakita niya sa kanyang side mirror na nagkatinginan silang Mikaela at si Jenny, kitang-kita sa mukha nito kung paano ba sila magre-respond sa katanungan niya.
"Yes, po." Iyon lang ang narinig niya galing sa batang si Greg, ngumiti pa ito sa kanya.
Kaya naman, napangiti rin siya.
"Bakit naniniwala ka sa multo, Greg?" tanong naman nito sa bata.
"Dahil po palagi po silang nandirito sa mundo." Sagot naman nito sa kanya.
"Nakakita ka ba ng multo?" tanong naman niya.
Mabilis itong tumango-tango sa kanya. "Opo , opo, nakikita ko po sila, at saka po, katabi mo po ngayon silang ate Ellese at ate Felisa."
Nabigla naman silang Mikaela sa pinagsasabi nito.
"Greg." Rinig niyang suway ni Jenny sa kapatid nito.
"Totoo naman po, ate." Sabi naman nito.
"P --- Pasensya ka na po sa kapatid ko, makulit lang po siya, pasensya na po talaga, sir." Paghihinging—pasensya ni Jenny sa kanya.
Hindi siya sumagot, tiningnan niya ito sa side mirror. Si Mikaela naman, hindi ito naging komportable sa pagkakaupo nito na tinitingnan ang paligid. Nakayuko pa rin si Jenny na humihingi sa kanya ng pasensya.
"No, it’s okay, Jen." Panigurado niya sa dalagang si Jenny.
"Nakakita ka rin ba ng multo, Jenny?" tanong naman niya para maiba ang kanilang usapan.
Nagulat naman ito sa kanya; mahina itong napailing-iling. "Hindi ka pala kagaya ng kapatid mong nakakita rin ng multo. Oh, you have an ability to predict, right? Tinatawag na premonition." Sabi naman niya.
Kita sa mukha nito ang hindi pagka-komportable sa kanya.
"Y---Yes, po." Maikli nitong sagot sa kanya na tinitingnan ang paligid noon.
"Huwag kang malikot." Rinig niyang saway na pabulong sa kanyang kapatid.
"Do you think it will help our daily lives to solve our problem? Or will we be dependent on it?" tanong niya sa kanyang kasama.
Hindi ito sumagot. "Hindi naman po namin ginagamit ang premonition to solve our daily problems. Sa katunayan po, iniiwasan namin itong gamitin dahil may after-effect po kapag nagtagal kami sa paggamit ng premonition o paglalakbay sa nakaraan." Sabi naman nito sa kanya.
"Siguro, sa ganitong case it will help to solve problems, lalong-lalo na kung hindi malinaw ang nangyayari."
Nakinig lang siya ng mga paliwanag rito. "Sa paano ninyo nagagamit? Kapag ba may premonition ka, Jenny, hinahadlangan mo ba itong mangyari?" tanong naman niya.
"D – Depende po sa sitwasyon, palaging sinasabi ni kuya sa akin, na hayaan na dumaan ang premonition mo, basta alam mong handa ka sa mangyayari."
Napatawa naman siya nang mahina sa sagot nito.
"Your brother is really something, Jenny; nanghihinayang lang akong hindi siya nakatuntong ng kolehiyo, para suportahan ang pangangailangan ninyong magkakapatid."
Medyo nagulat naman si Jenny sa kanyang ginawang pagtawa noon.
"A—Alam ko po iyon, dahil noong tumuntong ako ng high school, nagdesisyon siyang titigil na muna sa pag-aaral."
"Huwag mong masamain ang sinabi ko sa iyo, Jenny, dahil alam ko ang rason kung bakit din siya tumigil sa pag-aaral." Sabi naman niya.
Napansin niyang nakapasok na sila sa masusukal na kagubatan at mga kahoy lamang ang nakikita nila.
"I guess we’re here now; pupunta na muna tayo doon." Sabi naman niya.
Nagsitahimik sila ulit, lalo na ang dalawang dalaga; nakita niya ang mukha ni Mikaela na hindi maipinta at ang pagiging seryosong mukha nito.
Napailing-iling na lamang siya sa pag-uusap nila ngayon. Nirerespeto niya ang kanya-kanyang opinion na binabato ni Jenny sa kanya, at wala siyang problema noon.
Nadaanan nila ang warehouse; tilang isang ordinaryong warehouse lang ito sa mata ng iba, pero alam niyang hinding-hindi ito magiging isang ordinaryong warehouse. Napansin niyang namimilipit si Mikaela na hinimas ang sentedo nito.
May naalala na naman itong mapait na nakaraan sa lugar na ito. Hindi niya alam kung magiging handa ba ito sa mangyayari sa mansion.
"JAKE is here." Iyon lang ang narinig ni William kay Charles.
Agad namang bumukas ang pintuan, nandito pa ngayon si Felix, at hindi siya makapaniwalang agad itong nakapasok sa mansion na walang kahirap-hirap.
Tiningnan niya ito, at napailing—iling na lamang. Bumungad kaagad sa kanila si Jake na seryoso na naman ang pagmumukha, nakasunod lang silang Jenny at si Mikaela.
Nandito rin naman silang Ericka, bago lumisan sa bagong tutuluyan nito. Hindi na nagkagulatan ang grupo, dahil alam nito ang plano kung bakit nandito sila ngayon.
"Kuya, kailangan na naming umalis, baka magduda silang Isabel kung saan kami galing." Rinig na sabi ni Thalia sa kapatid niya.
"Bibigyan kita ng magandang alibi, importante ito, Thalia."
Hindi na lang sumagot at napaupo na lamang at napabuntong-hininga. Napangiti na lamang siya; kung buhay lamang ang bunso niyang kapatid na babae, alam niyang magiging kaibigan niya ang mga ito.
Napakuyom na lamang siya sa kanyang palad. May narinig siyang pagtikhim noon; kailangan na nilang magsimula dahil bukas o makalawa, hindi na nila alam ang mangyayari.
Tinanong niya ang mga dalagang nakaligtas noon, at paano sila nakalabas. May tumulong sa kanila, pero hindi tao, kundi isang kaluluwa.
Pinoprotektahan sila patungo sa direksyon ni Felix, na kung saan nagpapasok sa basement ni Charles.
Hindi man madaling paniwalaan, pero kapag sa ganitong pangyayari, pinapaniwalaan niya iyon, dahil hindi ka madaling makatakas sa warehouse kung hindi alam ang pasikot-sikot doon. Isa pa ay biglang nawala ang mga susi sa bawat silid na nandoon.
Hanggang ngayon, Fernan is helping us. Napabuntong—hininga na lamang siya. Kung iisipin.
Kaya pala, nandito sila ngayon. Tiningnan niya ang kalendaryo sa phone.
Malapit na palang mag-wawalong buwan ang nangyari noong namatay siya at ang kapatid nito, pati na ang magkakapatid. Walong buwan, kung saan para sa akin, kahapon lang ang nangyari.
"What?" iyon ang narinig niya sa pag-uusap nila ngayon.
"Yeah, it’s true, Jake. Just accept the fact, kahit tanungin mo pa ang mga dalagang nailigtas natin ay ganoon din ang sasabihin nila sa iyo." Napabuntong-hiningang sabi ni Zenne.
Napailing-iling na lamang ito at pinoproseso ang pinag-uusapan nila ngayon.
"Paano ninyo ipapaliwanag sa akin na madadamay ang batang iyan?" tanong naman at itinuro ang gawi nilang Thalia.
"They know the truth." Iyon lang ang sabi ni Vince.
"Know the truth?" tanong nito sa kanila. "We’re adults; kailangan hindi natin dinadamay ang mga kabataan rito."
"Kabataan? Hindi mo ba alam kung bakit nandirito silang Tricia at Isabel?" tanong naman ni Zenne kay Jake.
"Tricia Soccoro?" tanong naman nito.
"Yeah." Tango na lamang, ang kanyang isinagot. Agad niyang binahagi ang nalalaman niya. He pushed the button under his table, and automatically, it flashed all the information.
"Anong ibig sabihin nito?" tanong naman ni Jake na napailing-iling na lamang.
Kaya nga nagkaroon sila ng pagpupulong na kasama si Jake, dahil ayaw din nilang mapahamak ito.
"Hindi ka ba nagdududa noong may mga kabataang nawawala bigla noong nag-camping kayo last two months?" tanong naman ni Zenne sa kanya.
Nakita sa hitsura nito.
"W --- Wait, sinasabi ba ba ninyo na kasalanan nila ang nangyari sa ibang school na may nawawalang mga kababaihan?" tanong nito sa kanila.
"You need to accept the fact, Jake. Paano mo ipapaliwanag ang nangyari kay Jasmin noon, na hindi siya nakabalik noong kasama niya silang Thalia?" tanong naman ni Vince sa kanya.
"Do you have proof?" tanong naman nito sa kanila.
"Proof ba kamo? Tanungin mo si Gerald that time. You asked me that time noong nawawala si Jasmin, hindi ba? Hindi lang ang school ninyo ang nawalan ng mga mag-aaral; well, dahil ayaw nilang biktimahin ang mag-aaral sa school nila dahil nag-iingat din sila dahil agad silang makikilala, sa ibang school sila nag-ha-hunt."
"Imposible, paano sila kikilos nang ganoon, na may monitoring ang nangyayari, and nandoon lang sila sa tent nila?" napatigil ito sa pagsasalita, napalunok pa ito bago magpatuloy sa sasabihin.
"Don’t tell me they’re tracking devices that time, ay nandoon lang sa tent nila tuwing gabi."
"Yeah, tama ang hinala mo, para mapaniwalang hindi sila lumabas, iniiwan nila ang tracking device para hindi sila matunton." Sabi naman ni Felix na tumango-tango.
"Ang sabi ni Jasmin sa akin noon," narinig nila ang boses na nanggaling kay Ericka na nanginginig ang boses. "Noong lumabas siya ng c.r., nag-aantay siya nilang Thalia at Chesca nang may makita siyang isang anino ng dalawang babae."
"Akala niya, may iba ng gumagamit sa c.r. at iniwanan siya ni Thalia at Chesca noon, pero, noong nakalapit na siya sa dalawang anino na iyon, bigla na lamang may bumulagang dalawang lalaki sa likuran niya at pinaamoy ng pampatulog." Saysay naman ni Ericka sa nangyari.
"There you have it, Jake." Sabi naman ni Vince.
"Minsan, kinakaibigan nila ang biktima; kadalasan sa mga biktima na kinakaibigan nila ay iyong mga babaeng mag-isa lang umuuwi, babaeng gabi ng umuuwi. Minsan, tiniktikan nila, kagaya sa nangyari kay Jasmin noon, kaya nga maraming mga babaeng nakuha nila, dahil hindi na natutunton. Maswerte lang talaga si Jasmin, dahil may tumulong sa kanya." Sabi naman ni Gerald.
Napabuntong-hininga na lamang si Jake sa naririnig nito ngayon. Napaupo ito nag-iisip-isip sa magiging hakbang nito.
Tiningnan niya ang gawi ng mga kapatid ni Felix.
"Felix, hindi ka ba naawa sa mga kapatid mong nandirito? Halos sila nadamay sa gulo. May kapatid ka pang lalaki, Felix." Sabi pa naman nito.
"Ihahabilin ko si Greg kay Vince, at saka, I’m responsible kung bakit nandirito ang mga kapatid ko. Sinabi ko na sa iyo noon, I will do whatever I can to protect them." Sagot naman ni Felix sa katanungan ni Jake.
"Yeah, whatever, hindi ko na alam ang sasabihin ko, I’m losing it." Sabi naman ni Jake.
Tinapik niya si Jake. "Don’t be; marami, tayong paghahandaan at pag-uusapan pa, naintindihan kita." Muli, tinapik niya ito sa balikat para hindi ito panghinaan ng loob.
Nagpatuloy pa ang mahahalagang pagpupulong. Tiningnan niya ang ibang CCTV; napangisi siya dahil kinagat na ang paing nakahanda noon sa mga kalaban nila.
59Please respect copyright.PENANAymz9o1EqgH


