BIGLANG nag-vibrate ang phone ni Alexander. Tumatawag sa kanya na hindi naman naka-register. Tiningnan na muna niya ito, nag-iisip kung sasagutin ba niya. Agad niyang sinagot ang tawag dahil marami pa siyang gagawin.
"Hello," bungad na bati niya sa tumawag sa kanya.
"Boss, iuulat ko lang po sa inyo na nagkatagpo na ang target natin." Sabi naman nito.
Napangiti naman siya; sa isipan niya, mapapadali ang kanyang trabaho.
"That’s good." Sabi pa niya. "Kung may idaragdag pa kayong impormasyon, mas maiging sabihin na ninyo iyan." Sabi naman niya.
"B--- Boss, may namatay pa pong isang kasamahan namin." Nag-aalala ang boses nito.
Bahagya niyang ikinagulat iyon, subalit, hindi siya pwedeng magpakita ng kahinaan.
So, kumikilos na rin sila, at inuuna nila ang spy na nagtaksil sa kanila. Sabi naman sa kanyang isipan na napangisi.
"Mag-ingat kayong mabuti." Iyon lang ang sabi niya, at agad ibinaba ang tawag.
Paano nila nalaman na may spy sila? Are they also working as spies outside of their group? Then who would be their informant outside? Tanong sa kanyang isipan.
Hindi niya makalimutan na sinusundan siya sa panahon ng kampanya. May taong nakamasid sa bawat galaw ni Don Bernard Fuego, kaya naman, papalihim din siyang kumilos. Agad niyang nakita kung sino iyon. Ang problema’y hindi niya maaninag ang pagmumukha nito; tanging mga matang matatalim lamang ang naalala niya.
Ngayon, kahit hindi pa naisolba ang katanungan sa isipan niya, binigyan siya ng bagong trabaho ni Giovane. Matagal na niyang gawain na tiktikan ang mga kalaban ng Fuego, lalong-lalo na sa alitan ng mag-ama.
Tiningnan niya ang larawan ng kaklase ni Isabel; kailangan pa niyang alamin ang pagkatao nito. Sa pagkakaalam niya, namatay ang magulang nito dahil pinatahimik isa-isa ni Don Bernard ang pamilya, at namatay din ang buong angkan noong pinagtaksilan si Giovane noon.
What a complicated relationship they have! Why don’t they submit themselves to the higher ones so they have a peaceful life ahead? Napatanong naman sa kanyang sarili noon.
Kumuha siya ng isang stick ng sigarilyo sa pakete. Sinindihan niya ito at agad siyang nanigarilyo na nag-iisip nang maigi.
Isa pa, dawit din si Charles, ang malapit nilang kaanak sa Fuentes, ewan ba niya kung bakit hindi ito lumalaban nang lumalaban sa mga kalabang hindi naman nito kaya.
May tinawagan si Alexander.
"Boss, may kailangan ka po?" tanong naman nito sa kanya.
"Yeah, may ipapatrabaho ako sa iyo, alam kong madali lang ito sa iyo." Sabi naman niya. "I will send some details, dating gawi, and oh, if you do your job properly, you may have a bonus tip for me." Sabi pa niya.
Napangisi naman sa kabilang linya. "Okay, boss," sabi nito.
Agad nitong binaba ang tawag. Lumabas na muna siya sa kanyang silid. Nang may nahagip siya sa kanyang mga mata.
Nasa mansion siya ngayon ng mga Fuego, dahil iuulat niya ang mga nangyayari sa loob at labas ng organisasyon, dahil alam niyang punong-puno na ang kamay ni Charles noon.
Siya ang taong nasalubong ko noon. Nasalubong niya ito ng tingin, tiningnan niya ang anyo nito, simple lamang ito manamit, nakasoot ng isang shirt na pinaglumaan na ng panahon, at pusyaw na ang kulay ng pang – ibaba, nakasoot ito sapatos na sa palagay niya pinaglumaan na ng panahon.
Tiningnan niya ang hitsura nito; nakatago sa makapal na salamin ang mga mata nito.
"Nagkita na ba tayo?" iyon lang ang tanong niya at binalingan ang lalaki.
Magalang lang itong tumango sa kanya. "Ah, opo sir." Sinundan pa ito ng isang ngiti.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong naman niya.
"Ah, nagbabakasakali pong matanggap po ako sa trabaho rito, bilang hardinero." Sabi naman nito.
Napatango naman siya na tinitingnan ulit ang anyo nito. Hindi niya alam na may mag-a-apply rito.
"Saan ang tungo mo?" tanong naman nito sa kanya.
"Ang sabi kasi sa akin na hanapin daw si Don Bernard para magkaroon ng interview."
"Okay, good luck with your interview."
"Salamat po, sir," sabi nitong yumukod pa sa kanya.
Tatalikod na sana siya nang may maalala siya. "Anong pangalan mo?" tanong naman ni Alexander sa kausap niya.
"Rolando Gracias po, sir." Sabihin naman nito.
Matapos marinig ang pangalan nito, hinagod niya ulit ito ng tingin at naglakad; pupunta rin naman siya sa silid ni Don Bernard para iulat niya ang nangyayari.
Nasa silid na siya, agad siyang kumatok.
"Come in," rinig niya.
Dali-dali naman siyang tumuloy.
Nasa harapan na siya ng makapangyarihang tao; may tinitingnan ito na tila nagba-background check, nakasuot ito ng salamin. Hindi na muna siya nagsalita; mag-aantay siya kailan ito matapos.
"Kumusta ang pagbisita mo sa warehouse?" tanong naman nito sa kanya, tiningnan siya nito.
Bumuntong – hininga na muna siya bago ito sagutin, "Kani—kanina lang bago ako bumalik rito, nalaman kong nagkagulo ang warehouse, dahil may mga nakatakas na bihag." Sabi pa niya noon.
"May alam ka na ba kung sino ang mga ahas na nandoon sa warehouse?"
"May mga taong prospect po sa nagtataksil sa organisasyon, isa sa mga prospect ay si Charles." Sabi pa niya.
Nakita pa niyang humigpit ang hawak nito sa mga papeles; gusot-gusot na ang papel na hawak nito.
"Sabi ko na nga ba, bakit hindi pa pinapatay ni Giovane iyon?" Tanong naman nito sa kanya.
"Ang sabi ni Giovane sa akin, he used Charles para mahuli pa ang kasamahan nito," sabi naman niya.
Napabuntong-hininga na lamang ito. "Paano niya magagamit ang isang taksil na kagaya ni Charles?" tanong naman nito sa kanya.
"Just trust your son, sir." Iyon lang ang nasabi niya, dahil alam na alam niya kung paano mag-isip si Giovane.
"Nahanap mo na ba kung sino ang taong nagpakalat ng mga akusasyon at mga larawan?" tanong naman nito.
"Unfortunately, hindi pa, magaling magtago ang mga ahas sa kanilang lungga."
"Alam mo namang gagamitin iyon ng mga kalaban ko sa politika."
"About that, natatahimik na rin ang gustong gumamit sa mga akusasyon na iyon."
Napangisi ito sa kanya. "That’s good, that’s good; maaasahan ka talaga kapag sa ganitong bagay." Napatango na lamang ito sa kanya.
"Sa ngayon, iyan lang muna ang ibabalita ko po." Magalang niyang sabi sa kanyang kausap.
Tumango—tango naman ito. "You can go now, and you can continue your work." Sabi naman nito sa kanya.
Bago pa siya umalis.
"May isang lalaki po palang nag-apply na maging isang hardinero."
"Oh, I see, nandito na pala siya. Papasukin mo, Alexander, pwede kong magamit ang lalaking iyon sa campaign period."
"As you wish." Sabi naman niya at agad lumabas.
Nakita pa niya ang lalaking nag-aantay sa labas; noong nakita siya, agad itong yumukod.
"Inaantay ka na sa loob."
"Ah, okay po, salamat po, sir."
Nakita niyang nakapasok na ang lalaking nasalubong niya.
Hindi niya alam pero pakiramdam niyang may natatago itong baho.
You’re too much, Alexander. Nagtatrabaho ang taong iyon, and he’s a naïve person, para mag-apply siya rito sa Fuego. Iyon lang ang nasabi sa kanyang isipan.
TININGNAN niya ang taong pumasok sa kanyang office, mula ulo hanggang paa; tahimik niya itong minasdan.
An ordinary man. Komento sa isipan ni Bernard. Well, I can use him in my propaganda para mas mapabango pa ang pangalan ko. Lihim siyang napangiti sa kanyang balak.
Hindi na muna niya pinoproblema ang nangyayari ngayon sa kanyang negosyo, dahil alam niyang inaayos din ito ng kanyang mga nasasakupan.
Until now, hindi pa rin mahuli—huli kung sinong nagpapabagsak sa mga illegal na negosyo ko sa black market.
Tahimik lang na nakatayo ang lalaki at panaka-nakay tinititigan pa siya, tila nahihiya pa ito.
"M --- Magandang umaga po, sir." Bati nito sa kanya.
"Take a seat." Iyon lang ang sabi niya.
Tumango naman ito, at umupo sa harapan niya. Tinitingnan niya ulit ang background nito. Gustong magtrabaho bilang isang hardinero sa kanyang mansion.
Wala naman siyang nakita na maikapapahamak sa kanyang dangal, at alam niyang wala itong kalaban—laban, kaya't kaya niyang tirisin ang mga taong lumalaban sa kanya.
"So, anong pangalan mo, ulit?" tanong naman niya. Tiningnan niya ito nang mataman.
"Rolando Gracias, po." Magalang nitong sagot.
"Okay, wala na akong katanungan sa iyo; you passed our background check sa pagkatao mo. Pwede ka rin namang mag-stay-in sa mansion ko; hindi naman ako masyadong istrikto sa mga tao ko rito." Ningitian niya ito.
"In fact, tinutulungan ko ang mga tao kong mamuhay ng marangal dito. Don’t worry about your day off and your sick leaves and also your benefits na matatanggap dito, as long as wala kang linabag na rules sa mansion ko." Tinitigan naman niya ito.
Tila isa itong tutang hindi masabayan ang kanyang tingin, at tango lang ito nang tango.
Tinapik pa niya ito sa balikat.
"Congratulations, you’re hired." Sabi pa ni Bernard at ngumiti sa kanyang bagong hardinero.
Nakita sa mukha nito ang kasiyahan at ginhawa ng mukha nito.
"Maraming salamat po, makatutulong na rin ako sa pamilya ko." Yumukod pa ito sa kanya.
Paulit-ulit pa itong nagpasalamat. Sa kanyang mansion siya ang nasusunod, siya ang diyos na kailangang sundin ng kanyang mga nasasakupan. Kaya tama lang ang ginawa ng taong kaharap niya na sambahin siya nang paulit-ulit.
"You may take your rest, para may lakas ka bukas." Sabi naman niya. Kailangang pagandahin niya at pabanguhin ang kanyang pangalan.
Kailangan niyang maging anghel sa kanyang mga nasasakupan, para mas lalo siyang mahalin ng mga tao.
"Sige po, maraming salamat po, Don Bernard." Sabi pa nito.
He must be a humble person, sa taong kaharap niya ngayon. "Oh no, tawagin mo na lang akong Sir Bernard, not Don." Tumawa pa siya noon para mas maging komportable pa ang taong kaharap niya.
Tumango naman ito. "Maraming salamat po, maraming salamat po. Magpapaalam na po ako sa inyo." Agad itong naglakad. Bago pa man ito nakalabas ay yumukod ito sa kanya.
Agad pinihit nito ang pintuang kaharap, at buong ingat na sinara ang pinto ng kanyang silid.
Napabuntong—hininga na lamang siya. Kinuha niya ang kanyang iniabot na hand sanitizer sa kanyang mesa.
Pagkatapos, bumalik siya sa kanyang trabaho; campaign period niya ngayon, inaantay lang niya ang kanyang kasama sa pagkakampanya niya.
Tumakbo siya bilang isang gobernador, mataas na iyong posisyon; kapag nasa mataas na posisyon ka na, magagawa na ang gusto niyang gawin.
Naglingkod si Bernard bilang isang mayor ng tatlong taon sa probinsya kung nasaan siya ngayon, pero sinisira ito nang mamatay ang unang asawa niyang si Bella at ang kanyang pangalawang asawa na nanalaytay ang dugong Roman.
Muntik na siyang makulong nang mamatay ang kanyang ikalawang asawa, dahil pareho nilang may mataas na panuntunan, dahil din sa mga pamilyang Blanco, isang batikang journalist at kaibigan ng kanyang asawa, ay nagawan siya ng butas na kasuhan siya.
Ngunit, kailangan niyang lumaban nang pailalim, pinatay niya ang dalawang mag-asawang journalist, at pinatay din nito ang mga husgado na hawak sa kanyang kaso at napaikot niya ito sa kanyang palad, para mapawalang bisa ito.
Akala niya tumahimik na ang dalawang panig, ngunit nag-iintay ito ng pagkakataong tuklawin siya.
Hindi niya hahayaang magtagumpay ito.
Hindi kayo ang magpapalugmok sa akin; sana tumahimik na kayo para wala pang madamay na inosenteng angkan sa alitan natin. Ipapakita ko ulit sa inyo, kung paano ang maging isang Fuego. Tumayo siya sa kanyang upuan.
Lumabas siya sa kanyang silid, naglalakad-lakad siya sa kanyang malaking mansion, napapalibutan ng magagandang bulaklak at magagandang tanawin na nang-aakit sa kanyang mga mata.
Ang lahat ng makakita sa kanya ay agad nagbibigay ng respeto sa kanyang mumunting palasyong binuo.
Nakita niya si Giovane; nakauwi na pala ito.
"Dad." Agad nitong bat isa kanya.
"Yeah? Magpahinga ka na muna, kailangang nasa huwesyo ka mamaya." Sabi naman nito at tinapik ang kanyang anak.
Tumango ito at nilampasan siya, wala na doon si Alexander, dahil may ipinapautos siya. Nakita niya ang kanyang kasambahay na abalang-abala sa paglilinis sa bawat sulok ng kanyang mansion.
Perfect. Napasabi sa kanyang isipan.
My life is peaceful now. Wala ng kumakalaban sa akin, dahil ako na mismo ang papatay sa kanila kapag nanggulo, kahit man mga anak ko pa sila. Napasabi sa kanyang isipan.
Nag-aantay siya na mapasakamay ulit ang dalawa niyang dalagita, dahil ito ang nakakaalam sa baho niya. Kailangan niyang mapasakamay ito para patahimikin niya ito sa madaling panahon.
Iniisip niya ang mga kaalaman nito na pwedeng kumalaban sa kanya. Hindi siya papayag at hindi siya pwedeng maawa rito. Kagaya ng dati, kagaya ng ginawa niya kay Ellese at Felisa.
Napangiti siya sa kanyang iniisip ngayon. Walang makasisira sa kanyang inaalagaang pundasyon, kayamanan, luho ay nasa kanya na lahat.
Kahit man dumanak ang dugo ninyo sa kamay ko. Gagawin ko iyon.
53Please respect copyright.PENANA7RPsv2Aruv


