"PASENSYA KA NA SA KAPATID KO." Napabuntong—hininga na lamang si Thalia, nilapitan niya si Ericka sa kinauupuan nito.
Tiningnan lang siya ni Ericka, at nakita niya ang pamamaga ng pisngi nito. Nagpadala na naman siya ng kanyang emosyon kanina. Binigyan niya ng band-aid si Ericka.
"Hindi ko sinasadya, Ericka." Paghihingi niya ng paumanhin dahil sa nagawa niyang pagsampal nito.
Napabuntong-hininga na lamang si Ericka at napailing na lamang sa kanya. "Pasensya ka na rin sa pinagsasabi ko, tama naman ang kapatid mo na hindi ako dapat manghusga sa nangyayari ngayon."
Nakita ni Thalia na maiiyak na lamang ito, "Nagpadala ako sa emosyon ko, hindi ko iniisip ang magiging mangyari, masyado lang akong hindi naging handa sa pangyayari," napahinto ito noong tumulo ang luha nito.
"Akala ko, handang-handa kong harapin ang katotohanan, pero hindi pala. I acted like a brat; masyado lang akong nasaktan sa nangyari kay Jasmin." Sabi nito sa kanya.
Naintindihan niya si Ericka; naintindihan niya ang pakiramdam na wala kang magagawa sa pangyayaring alam mong mangyayari.
Napabuntong—hininga na lamang siya.
"Huwag mo nang ipagdaramdam ang pinagsasabi ng kuya ko, masyadong ganoon talaga iyon magsalita."
Napatawa naman nito sa kanya. "Nagmana ka lang sa kapatid mo, Thalia." Napangiti ito nang mapakla sa kanilang pag-uusap.
"Maiwan ko muna kayo." Ngumiti lang si Gerald sa kanila.
Napatango na lamang siya.
Tahimik lang siyang tumabi kay Ericka, at ang sabi ng kanyang kapatid ay pakakalmahin na muna ang tensyon sa bawat panig para walang magkagalitan.
"Galit ka ba kay Charles?" tanging tanong niya kay Ericka.
Napalingon naman ito sa kanya. "Galit ako sa lahat, ayokong maging plastic sa harapan mo, pero, iyon ang nararamdaman ko ngayon, Thalia." Nagningas naman ang tingin nitong pinukol sa kanya.
Napatango na lamang siya. Gusto niyang intindihin si Ericka sa makakaya niya, kaya binigyan niya ang sarili niyang kilalanin pa ito.
Biglang tumulo ang luha nito. "Pero, anong magagawa ko? Iyong galit ko sa inyo, defense mechanism ko iyon, dahil natatakot akong tanggapin ang buong katotohanan, sinisisi ko ang mga Fuego, kung bakit—bakit nangyayari ito sa atin." Sabi naman nitong napakuyom sa palad nito.
Tiningnan niya ang gawi ni Chesca na nalulungkot noon.
"Galit ka rin ba kay Chesca? Hinihiling mo bang sana’y napahamak na lang sila sa kamay ng kanyang ama? Na sana’y hinihiling mong hindi tayo noon nagkakakilala para maiwasang ang nangyari sa kaibigan mo?"
"Oo! Oo! Galit na galit ako!" Napahikbi ito sa palad. "Hinihiling ko na lang sana na namatay na lang silang Chesca, hinihiling ko na lamang na ibalik ang pagkakataon na iyon."
Napabuntong-hininga na lamang siya at naunawaan niya ang galit na iyon.
"Ganoon din ang naramdaman ko kay ate Jenny at kay kuya Felix noong nalaman naming may abilidad kami. Sinisisi ko sila noon kung bakit wala silang ginawa noong namatay ang magulang namin," saad niya sa kanyang kausap.
"Wala akong kakayahang makita ang hinaharap, Ericka. Nakadepende sa sitwasyon. Hindi ako isinilang na ganoon ang makikita ko; ang tanging alam ko lang ay naglalakbay lang ako sa nakaraan, kagaya mo. Pero, alam kong nakikita mo rin ang premonition na palaging sinasabi ni ate." Napabuntong—hininga na lamang si Thalia.
"Kagaya mo, ako'y sinisisi ko sila; sinasabi ng puso at isipan ko kung may ganoon lang akong kakayahan, pipigilan at pipigilan ko ang mangyayari." Napakuyom na lamang si Thalia.
"Pero, napagtanto ko na hindi mo kayang pigilan ang isang tadhanang mangyayari at mangyayari, ang magagawa mo lang ay malunasan ito pagkatapos, noong namatay din ang mga pinsan ko, sinisisi ko rin sila noon, ang sama kong kapatid." Napatawa lang siya noon.
"Pero, tinanggap pa rin nila ako noon. Naintindihan ko kung sinong dapat sisihin, ang puno’t dulo ng lahat kung bakit nandirito tayo ngayon, naintindihan kita, Ericka." Mahina niyang tinapik ang balikat ni Ericka.
"Pasensya na, pasensya na kung hindi ako kagaya mo, Thalia. Kahit nasasaktan ka sa mga pangyayari, nandito ka pa rin, handa kang tanggapin kung anong naririnig mong katotohanan, nagiging matapang ka. Pasensya ka na, Thalia."
"Hindi ako matapang, Ericka, pero sa kalooban ko naduduwag ako kung ano pang madidiskubre ko; hindi ko alam kung kaya pa ng mura kong isipan iyon." Sabi pa ni Thalia na tiningnan si Ericka.
"Dahil nandito na tayo, indahin lang natin ang isa’t isa, indahin natin na makakasama mo sila. Balang araw alam kong maiintindihan mo rin iyon. Sinasabi ng kapatid ko na huwag madaliin ang isang bagay."
"Chesca, may sasabihin ka ba?" binalingan niya si Chesca sa isang upuan.
Nakita pa niyang nagulat ito, tama ang kapatid niyang kahit mag-iba man ang pangalan nito, ito pa rin ang naging kaibigan niya, hindi iyon mababago kahit magbago man ang katauhan o pangalan nito.
Dali-dali itong lumapit sa kanila. Nabigla na lamang silang biglang yumakap ito sa kanila. Naramdaman niyang nanginginig ang kamay nito at ang buong katawan nito; napansin niyang may pumapatak na luha noon.
Mahina itong napapahikbi noon, at kahit hindi man sabihin ni Chesca iyon sa kanya, sinisisi nito ang sarili.
"Pasensya na kung nabuhay ako, pasensya na kung hindi ko na sinabi ang katotohanan ----"
"Natatakot din ako sa mangyayari, kaya iniiwasan ko si Thalia na kausapin din; natatakot din ako na ako ang dahilan na masawi kayo."
Nagulat naman siya sa pinagsasabi nito. "Pasensya na kung nanalaytay sa dugo ko ang Fuego, dahilan kung bakit --- bakit nawawala ang mahal natin sa buhay. Patawarin ninyo ako." Mahigpit na niyakap sila ni Chesca.
Walang salitang niyakap ni Ericka si Chesca na tahimik ding umiiyak noon. Napatingin siya sa kanyang kapatid na lalaki noon.
Nakita pa niyang napangiti ito sa kanya. Alam niyang magiging maayos din ang dalawa pagkatapos ng iyakan, dahil alam niyang haharapin na nila ang tadhanang mangyayari sa kanila.
Nagkaroon siya ng premonition; nakikita niyang naglalakad silang Tricia at Isabel sa masukal na kagubatan, alam niyang hinahanap sila. Napapikit siya sa kanyang nakikita ngayon.
Nakikita ko ang kasalukuyan? Napatanong sa kanyang isipan.
Biglang naramdaman niya ang pagsakit ng ulo niya.
Napansin iyon ng dalawa.
"Ayos ka lang?" tanong naman ni Chesca na agad—agdad pinahid ang luha at suminghot—singhot pa ito na nag—aalala sa kanya.
Napatitig din si Ericka sa kanya. Biglang hinawakan ni Ericka ang kamay niya, at naglakbay silang tatlo noon.
Nakita niya ang dalawa, at nakita nga nilang magkakrus ang landas nilang Isabel. Sinasabi nito na kagaya rin silang nagbabakasyon.
Nabalik sila noon, napatitig siya sa kanyang kapatid at mas lalong sumakit ang sentido niya.
"A--- ano iyon?" Tanong ni Ericka sa kanya.
"H --- Hindi ko alam." Napapailing na lamang siya.
"I guess, hinihintay na kayo ng bisita ninyo?" sabi naman ng kanyang kapatid.
Napalunok siya noon at nagkatitigan lang sila ni Ericka at Chesca. Magbabadya ang panganib na kinakatakutan niya kapag nagtagpo ang landas nila.
NAPAPAKAMOT si Charles na nagkalat sa kanyang office table; hindi niya alam kung saan siya magsisimula sa kanyang gawain. Napabuntong-hininga na lamang ito, umupo siya sa kanyang upuan, at hinilot-hilot ang kanyang sentido noon.
Hindi niya alam kung tama ba ang desisyon ni Felix na madawit ang magkakambal at ang kapatid nito sa Fuego.
Minsan, hindi ko abot ang isipan ng lalaking iyon. Napailing-iling na lamang siya habang isinasaayos ang mga kalat na nasa desk niya.
Wala pa siyang tulog, dahil may pinapagawa si Giovane sa kanya, kundi tiktikan kung sinong mga taong sumisira sa pangalan ng kanyang ama. Kapag politika at malapit na ang halalan, makikita at makikita kung sinong gahaman sa kapangyarihan maliban sa mga taong nagseserbisyo ng totoo sa mga tao.
Hindi na bago sa kanya ang mga ganoong pangyayari; kailangan niyang gawin ang trabahong pinapagawa sa kanya ni Giovane, kasabay ang planong unti-unting pagsira ng warehouse at pakikipagtulungan sa labas.
Kailangang maging maingat siya sa kinikilos niya ngayon, dahil alam niyang malalaman at malalaman ni Giovane ang lahat ng galaw niya at kung ano ang layunin niya kung bakit nandito siya sa organisasyon.
Well, it will do-or-die situation, and I’m ready for it. Napasabi sa kanyang isipan na hinimas ang kanyang armas na nakalagay sa tagiliran.
Nilabas niya ang phone niya, ang tanging phone na kung saan lahat ng contact number niya sa labas ng organisasyon ay nandoon. Kung nag-iingat ang kanyang kapatid na si Jake, siya rin ay maingat na maingat sa bawat gamit niya, dahil alam niyang tinitiktikan din siya kung sino man ang tumitiktik sa kanya ngayon.
Tatawagan na muna niya si Felix. Bumuntong-hininga na lamang siya habang nag-ri-ring ang phone niya.
"Charles, napatawag ka?" tanong naman nito sa kabilang linya.
Humihinga na muna siya nang malalim. "Kumusta ang nasa loob ng organisasyon, habang wala ako roon?" tanong naman nito sa kanyang kausap.
"Sino ang kinukumusta mo? Ang tao na nasa loob ng organisasyon o kaya ang iyong boss?" tanong naman nito sa kanya.
Napailing-iling na lamang siya, hindi siya sumagot, dahil alam niyang inaasar na naman siya ni Felix; hindi nga siya nagkamali, dahil tumawa pa ito sa kabilang linya.
"Well, they’re doing okay, wala namang problema. Kung kinukumusta mo ang iyong pinsang si Chesca, sa ngayon, ligtas pa siya." Naging seryoso ang boses nito.
"What do you mean by that?"
"Sa ngayon, ligtas siya sa mata ng kanyang kapatid na si Giovane. You know that, Mikaela and Chesca, they were looking for them. Alam mo ring naghahanap ng tamang pagkakataon si Giovane para mahuli ang dalawa."
"Say, nakikita mo ba ito sa iyong pangitain?" tanong nito.
"No, pero, alam ko ang posibilidad na patungo rin ang plano ng iyong boss. What will you do about Mikaela? Gagamitin mo ba siya para mas lalo kang makalapit sa pamilyang Fuego? Hahayaan mo rin bang mapahamak si Mikaela, kagaya ng nangyari kay Jasmin?" sunod-sunod nitong tanong sa kanya.
Napakuyom siya sa mga katanungan nito, kaya nga hindi siya minsan nakikipag-usap kay Felix, dahil alam na alam nito kung paano siya galitin at painitin ang kanyang ulo, lalong-lalo na ngayon na sinusubukan na naman siya.
"Huwag kang magalit, nagtatanong lang ako, sana huwag mong palakihin iyong katanungan ko sa iyo, Charles."
"Hindi na ako bata para mabwisit sa sinasabi mo ngayon."
"Oh, that’s good, magtulungan na lang tayo para walang mapahamak pa na kabataan sa kamay ng halang na kaluluwa."
"You really carry out your mission as a spy and everything." napailing—iling na lamang siya.
Narinig pa niyang napatawa ito. "Well, kagaya mo rin akong may pinoprotektahan, Charles. Alam mo ang pakiramdam na mawalan ng mahal sa buhay."
Hindi na siya nagsalita pa noon. Hindi na kailangan pang sampalin siya nang katotohanang iyon, dahil nararamdaman niya ang sakit na dulot ng pagkawala ng isang kapatid na hanggang ngayon ay tila isang bangungot na palagi siyang sinusundan.
"Let’s carry out our mission, Felix, kaya napatawag ako sa iyo." Pag-iiba na lamang niya ng usapan, para mabalik sila sa business nila noon.
"Well, if you say so, kagaya ng gawi natin, magkikita tayo sa walang katao-taong lugar."
"Got it."
"But be careful, baka may bumubuntot sa iyo, mag-iingat ka, hindi mo lang alam na may mga matang nakabantay sa bawat mong galaw, Charles."
"Sino? Si Giovane?"
"No, mas mataas pa sa boss mo, you know that he hates your guts, Charles."
He only smirks. "Hindi mo na kailangang sabihin iyan sa akin; edi maglaro kami ng tago-taguan kung gusto niya."
"Ha! I like that confidence of yours! Well, see ya." Sabi pa nito
Agad nitong binaba ang tawag, he deleted his recent calls, and deleted that number. Mas mabuti ng mag-iingat siya. Naniniwala siya sa sinabi ni Felix na pinapasundan siya sa tauhan ng ama ni Giovane.
Tiningnan niya ang mga nagkalat niyang mga gamit sa kanyang table. Kailangan na niyang ayusin ang mga nagkalat sa table niya ngayon. Dinadalaw na rin siya ng antok, at kailangan na niyang ipahinga ang kanyang mga mata noon.
Biglang may tumawag sa kanya.
"Nasaan ka?" tanging tanong na narinig niya nang sinagot niya ang tawag.
"Mikaela, I’m working." Sabi naman niya.
"I’m sorry, but this is urgent; kailangan mong malaman na may gagawin akong hakbang ngayon."
Napakunot naman ang kanyang noo sa narinig sa kausap.
"Hakbang?" Napapakamot na lamang siya; wala siya sa huwesyo para unawain ang gusto nitong sabihin.
"Babalik ako sa mansion namin."
"Ha?!" gulat niyang tanong. "Why?"
"May aalamin ako, may hahanapin akong mahalagang bagay."
"Are you out of your mind, Mikaela?" napailing—iling na lamang siya sa narinig niya ngayon.
"I need to do it. I will sneak in our house; don’t worry about it. May kasama naman ako."
"Whatever, huwag mo akong sisisihin kapag napahamak ka sa bawat desisyon mo."
Hindi ito sumagot. "Iyon lang, thank you." Sabi pa nito at agad binaba ito.
For goodness' sake! Bulalas na lamang sa isipan ni Charles na napailing-iling at napaupo pabalik sa nalinis niyang table noon.
Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isipan ng babaeng binabantayan niya ngayon.
She’s not my priority; kailangan kong gawin ang priority ko.
50Please respect copyright.PENANAv3SR0nxRqW


