"TALAGANG HINDI SIYA NAGPATUMPIK-TUMPIK PA." Iyon lang ang nasabi ni Giovane habang napailing-iling na lamang sa nakitang bangkay.
Nakita niya kung paano winakasan ang buhay nito, pinuntirya kaagad ito sa puso at pinaulanan pa ito sa makatlong beses ng bala.
Napangisi na lamang siya. Kasama niya si Alexander; iyon ang irekomenda ng kanyang ama na maging spy sa warehouse. Nagulat man siya sa kanyang nadiskobrehan, pero nananatili pa rin siyang kalmado.
Ako mismo ang papatay sa inyo. Napasabi sa kanyang isipan.
"Ano ang gusto mong gawin, Giovane?" tanong naman nito sa kanya.
"Let them be," ngumisi siya. "Hayaan mo silang lunurin ng kanilang sariling mantika." Sabi pa niya at bumalik sa warehouse.
"Ipatapon mo na iyan," utos niya kay Alexander.
Hindi nagsalita ito. "Oh, hayaan mo muna si Charles, I know he has a plan on his mind; magagamit ko pa ang lalaking iyon." Kapag naiisip ni Giovane iyon, hindi niya mapigilang makaramdam ng excitement sa katawan.
"Si Charles na mismo ang magtuturo sa atin kung sino-sino ang kasamahan niya; huwag mong pakialaman ang dalawa kong pinsang Roman at Alexander, kahit man nanalaytay pa rin ang dugong Fuentes kay Charles, isinusuka niya iyon." Napatawa siya sa kanyang sinasabi.
"You really love playing games, pero, narinig mo naman na hinahamon niya ako." Sabi naman nito.
Sa kanilang pag – uusap nakarating sila sa isang silid na kung saan opisina niya.
"Let your games be played in your shadow, Alexander. I have a request for you also." Agad niyang nahanap ang larawan.
"Background check that girl, iyong last name na Blanco." Mataman niyang tinitigan ang larawan ni Thalia.
Mainit pa rin ang dugo niya sa Blanco, dahil sa angkan na ito, muntik ng hindi sila makabalik sa kanilang sariling paa, dahil ang dalawang mag-asawang journalist at kapatid nito ang muntikang magpatumba sa kanilang pangalang Fuego.
Lumaban ito, may mga ebidensiyang makapagpakulong sa kanila. Subalit, dahil gahaman ang kanyang ama sa kapangyarihan, dinaan nito sa dahas, pinatahimik isa-isa ang tumulong sa mag-asawa pati na rin ang kapatid nito.
Pinapasok niya sa organisasyon ang dalawang Tejero na si Fernan at si Vince, para direkta niyang malaman ang nangyayari sa labas.
Naging tuso si Fernan; tinulungan nito ang kanyang kapatid na mapalaya sa warehouse, subalit hindi ito nagtagumpay, dahil pinatay niya sa kanyang sariling kamay ang dalawa niyang kapatid at siya na mismo ang pumatay noon kay Fernan.
Siya rin ang nag-massacre sa mga kapatid nito, dahil kadugo nito ang Blanco; hindi na niya dinamay pa dahil alam niyang wala nang galamay ang angkan na iyon at tuluyan itong tumahimik nang mawala rin ang magulang nito.
Nagkamali baa ko sa desisyon kong hindi pinatay ang Blanco? Napatanong sa kanyang isipan.
Kasali ba si Vince sa nangyayari ngayon? Biglang napasok sa kanyang isipan si Vince. Isa itong Tejero; hindi siya nagpakita ng pag-alma sa warehouse. Alam kong walang kaalam—alam ito kung anong totoong nangyari kay Fernan noon.
Napaupo siya sa kanyang upuan, and he crossed his arms while thinking of the possible thing.
Paano kung alam ni Vince ang nangyari kay Fernan? Napatanong niya ulit sa kanyang isipan.
Nakaramdam siya ng pagkabalisa bigla sa kanyang haka-haka ngayon, dahil alam niyang hindi madaling basahin ang iniisip ni Vince, kilala niya itong masayahin at madaling kausapin, pero hindi niya alam kung ano ang tumatakbo nito sa isipan.
Hindi ito kagaya ni Fernan na alam niya kaagad kung ano ang susunod nitong gagawin, kaya nahuli niya si Fernan kaagad.
Paano kung isang patibong iyon? What if Fernan’s death is a sacrificial lamb? Paano kung nagsagawa na sila ng plano, ahead of time? Sunod—sunod niyang tanong sa kanyang sarili.
Hindi pa niya nasasagutan kung sino ang tumutulong ni Jake sa labas ng organisasyon; alam niyang wala sa loob nanggagaling ang mga naunsyaming plano noon.
I’m thinking too much. Hinilot-hilot niya ang kanyang noo.
Napansin niyang nag-iisa na siya; iniwan na pala siya ni Alexander.
May sulat-kamay siyang nabasa.
Hindi ko na ginulo ang pag-iisip mo; I will do what I can. Babalitaan kita kaagad pati sa ama mo. Iyon ang nabasa niyang sulat noon.
Napabuntong—hininga naman siya, masyado siyang nag-iisip ng mga posibilidad na nangyayari.
I will not let my guard down. Lalong—lalo na kay Vince, he’s a very unpredictable person. Sabi niya.
Binabalikan pa rin siya sa panaginip niya; hindi niya makakalimutan ang tinging ipinukol nito sa kanya; hindi niya alam kung sino ang taong bumaril sa kanya noong nanaginip siya.
Mahirap akong patayin; it takes time to bring me down in hell. Napasabi naman sa kanyang isipan.
Dinalaw na siya ng antok at pagod sa kanyang katawan, kaya naman, agad siyang nagtungo sa kanyang hihigan para makapagpahinga. Kailangan niya ng panibagong lakas, dahil wala pa siyang tulog nang nagkaroon ng komosyon sa loob ng warehouse.
Hindi pa rin niya maipaliwanag kung sino ang tumulong dito sa pagkatakas sa warehouse dahil wala siyang nakitang mga kasamahan nitong tumulong, at malaking katanungan kung sino ang nagbigay ng susi sa bawat kulungan nito.
May biglang pumasok sa kanyang silid, kaya naman napabangon siya.
"Boss, pupunta na muna kami sa dam." Paalam naman nito sa kanya.
"Nandoon silang William at Zenne."
Naigting ang kanyang tenga at napatingin siya, alam niyang binigyan niya ito ng trabaho na tiktikan din silang Zenne at William.
"Okay, go on." Nagbigay na siya ng abiso nito; kung may nakita silang kataksilan, sila ang papaslang sa dalawa.
Napatango naman ito at agad lumabas sa kanyang silid. Nanghihinayang siya kung bakit napasali ang dalawa niyang magagaling na tauhan sa organisasyon.
Ganoon talaga, patayin ang mga nakahadlang sa daraanan ng pamilyang Fuego. Napasabi naman sa kanyang isipan noon.
Napapangisi na lamang siya sa kanyang iniisip. Umiikot ang mundo, nabubuhay ang mga taong kagaya niyang halang ang sikmura.
Marami talagang maskara ang tao sa mundo, ang mga taong madaling magkubli sa ibang mukha. They say people are unique among other species here on earth. Napasabi na lamang niya habang pumipikit ang kanyang mga mata, tinatawag na siya ng kanyang katawan para magpahinga na muna.
Well, I will take my nap para mawala itong nararamdaman kong pagkabalisa ngayon.
PINIPIGILAN ni Gerald ang sampal na tatama kay Charles. Hindi niya alam na aabot ito sa pisikalan.
"Gerald, huwag mo siyang pigilan." Iyon lang ang sabi ni Charles sa kanya.
"Kumalma ka, Ericka." Mahinahon niyang sabi ito.
"Bitiwan ninyo ako!" pagpupumiglas nito at agad itong kumawala sa kanya noon.
Tiningnan sila ng masamang tingin ni Ericka; naramdaman niya ang galit nito.
"Hindi ako makapaniwalang lahat ng kasama ko ay alam ang organisasyon at ang mas malala pa, kasali sa organisasyon kung saan namatay ang matalik kong kaibigan na si Jasmin." Napailing—iling na lamang ito sa kanila.
Pinigilan siya ni William na hayaan na muna si Ericka.
"Ang mas malala pa, ay hinayaan ninyo ang kaibigan kong mamatay!" Tumulo ang luha nito.
"Mga demonyo, demonyo ang kasama ko. Hindi mo sinabi sa akin, Chesca --- hindi mo sinabi sa akin ang totoo para malaman ko kung tama ba ang desisyon kong sumama sa iyo!" Sabi naman nitong punong-puno ang boses na paghihinagpis.
Napakuyom na lamang si Chesca; hindi ito nagsasalita, nasasaktan ito sa desisyon na nilihim ito.
"Pa --- Pasensya na—Ericka, h --- hindi ko sinasadya." Mahinang napasabi ni Chesca na halata sa pagmumukha nito na guilty ito.
Narinig niyang napabuntong-hininga na lamang si Vince.
Napapakamot ito, at tiningnan si Thalia.
"Hindi ko alam na mahina pala ang loob ng magiging tutulong sa iyo, Tata." Sabi naman nitong binalingan pa si Thalia.
"Kuya, pigilan mo nga iyang kasamahan mo." Sabi pa nito sa kanyang kapatid.
Naagaw naman nito ang atensyon ni Ericka, at masama itong tiningnan si Vince.
"Anong alam mo? Kasali ka sa pumaslang sa kaibigan ko! Wala kang ginawa! Kahit nasa loob ka ng organisasyon, wala kang ginawa." Sabi pa nito.
"Sinabi pa ninyo na kayo ang magpapabagsak sa Fuego?" Nakita pa nitong nakangiti ito, pumapatak nito ang luha noon dahil sa katotohanang naririnig nito ngayon.
Kailangan ding malaman ni Ericka ang katotohanan; bago ito, mapasabak sa mga kalaban.
Magpakatatag ka, Ericka; lahat tayo—lahat tayo may pinagdadaanan, at lahat tayong nandirito ay may galit sa mga Fuego.
Please, ayokong mas masaktan ka pa kapag nagsalita ka pa nang ganito. Napakuyom siya sa kanyang palad noon.
"Kung sana, kung sana noon pa nagawa ninyo iyon! Hindi mawawala nang ganoon ang buhay ng kaibigan ko! Hindi ninyo alam kung anong pakiramdam nang may mawalan nang mahal sa buhay!"
"Aalis na ako, gagawa ako ng paraan na maipaghiganti si Jasmin! Hindi ako sasama sa kagaya ninyo!" Sabi pa nito.
Naintindihan ni Gerald ang galit na nararamdaman ni Ericka ngayon; ang mawalan sa buhay ay hindi madaling tanggapin.
"Tumigil ka, Ericka!" iyon lang ang narinig niya kay Thalia. Nanginginig ang kamay nito at matamang tinitigan si Ericka noon, punong-puno rin ito nang galit.
"Huwag mong sisihin ang lahat ng nandirito! Lahat tayo ay biktima sa kasakiman ng ama ni Chesca! Lahat tayo may pinagdadaraanan sa kamay ng taong iyon!" Ramdam ni Gerald ang bigat sa bawat salitang binibitawan nito.
"Biktima? Biktima ka ba, Thalia?" napatawa pa ito sa kausap. "Hindi ka biktima, hindi mo ako naiintindihan."
May narinig na malakas na sampal sa silid ngayon; nagulat si Gerald sa amabilis na pangyayari. Nakita niyang napahawak na lamang si Ericka sa pisngi nitong nasampal.
"Thalia!" pigil ni Chesca noon.
"Wala ako sa lugar na magsalita kung pinagdadaraanan ko, pinagdadaraanan ng pamilya ko. Kung ikaw, kasama mo pa ang magulang mo,"
Nakita niya ang luhang pinipigilan ni Thalia na makawala sa mga mata nitong nagsasalita.
"Sa amin, hindi ko na nasilayan ang magulang ko pati ang bunso ko, kaya, huwag kang magsalita nang patapos, Ericka. Intindihin mo ang sitwasyon, ang sitwasyon kung bakit nandirito tayo ngayon. May kanya-kanya tayong layunin kung bakit tayo nandito ngayon, Ericka." Mataman nitong tinitigan ang kababata niya.
"Ano bang istorya mo, Thalia? Pasensya na kung hindi ako kagaya mo at hindi nagpapalamon ng galit." Ganting sabi nito.
"Naglalakbay ka hindi ba?" tanong naman ni Felix kay Ericka.
Napabaling naman ito sa lalaking naghalumbaba.
"Pake mo kung naglalakbay ako, naniniwala ka ba sa kakayahan ko? Naniniwala ka rin bang naglalakbay din ang kapatid mo?" palaban nitong tanong.
Nasilayan nito ang nang-aasar na ngiti.
"Kung naglalakbay ka, inaalam mo ba kung sino—sino ang mga taong nakikita mo sa bawat paglalakbay mo? O wala kang pakialam?" Tanong pa nito kay Ericka.
"Dahil nga konektado ka na sa gulong ito, at para masagot mo ang katanungan kung bakit pinatay ang matalik mong kaibigan, why you dig deeper? Ang tanong, talaga bang naghuhukay ka ba talaga ng impormasyon? O pokus mo lang ay si Jasmin?" sunod—sunod nitong tanong sa kababata niya.
"Kuya," iyon lang ang narinig niya kay Thalia.
"No, Thalia, nagtatanong lang naman ako sa kanya kung hanggang saan ang alam niya sa pamilyang Fuego. Anong nakikita mo sa iyong paglalakbay?"
Natahimik si Ericka na minamasdan si Felix noon, tinatantiya nito ang bawat katanungang binabato ng kausap nito.
"Alam kong marami kang nakikita, at nakakausap mo ang magkakapatid, hindi ba?"
Napakuyom na lamang ng palad si Ericka. "Sa paglalakbay ko, nakikita kong may tumulong kay Jasmin na makatakas noon," sabi pa nito.
"Kilala mo ba ang tumulong nito?" tanong naman ni Felix.
"Siya iyong lalaking may hinuhukay na may itinatago, hindi ba?" tanong naman nito.
"Oo, kilala mo?" tanong ulit nito sa kanya.
"Nasawi siya at minassacre ...." Napahinto ito at napatingin kay Thalia.
"Pinsan ba ninyo ang tumulong kay, Jasmin?" napatanong nito noon.
"Oo, si Fernan, kasali sa organisasyon noon, at namatay dahil sa pagtataksil na pinalaya ang sinabihan mong demonyo na kausap mo ngayon; sinakripisyo nito ang buhay para lang makatakas ang dalawa nitong kapatid, at kapalit noon, ay pagkamatay din ng kapatid niya." Nakita nito ang mga matang nanghahamon.
Nagulat naman si Ericka sa narinig.
"Alam kong may nilihim ka rin sa kapatid ko noon," sabi pa nito sa kanya.
"Nilihim?" tanong naman ni Ericka kay Felix.
"Missy, hindi mo ako maloloko, nakikita ko ang lahat ng mga mangyayari pa lamang, noon pa, kilala na kita, Miss." Kilala ang ngiting namutawi sa mga labi nito.
"Nakita mo ang pagkamatay ng magulang namin, hindi ba?" tanong nito.
Napalingon na lamang si Thalia sa kanyang kababata.
"Alam mo ang nangyari?" tanong pa ni Thalia noon.
"Tata, makikita mo rin ang totoong nangyari, ibabalik ko sa iyo ang katanungan, paano naming hindi ka maunawaan sa nararamdaman mo?" tanong nito.
Hindi na nagsalita si Ericka noon.
"Hindi lang ikaw ang may masamang dinanas; malay mo, sa silid na ito, may mas masama pang dinanas kaysa sa iyo, na pilit na binabangon ang sarili para makipaglaban sa dakog ng buhay, Ericka."
"Kuya, tama na!" tinitigan pa ito ni Thalia ang kapatid nitong lalaki.
Napabuntong—hininga na lamang ito at hindi na nagsalita. Napaupo ito si Ericka, at hindi nagsalita.
Tinapik siya ng kanyang kapatid na si William at sininyasan niya ito na tabihan muna si Ericka. Agad siyang nagtungo kung saan umupo si Ericka; hindi ito nagsalita.
Tahimik lang silang dalawa noon; naging tahimik ang paligid matapos ang bangayang nangyari kanina.
53Please respect copyright.PENANAnAU18DEQHq


