HINDI KO ALAM KUNG ANO ANG SASABIHIN KO. Ingat na ingat niyang tiningnan si Thalia, kagaya ng napag-usapan nila kaninang madaling-araw, kahit sabihin pa niyang hindi siya handang harapin ito, dahil nandoon pa rin sa kalooban niyang niloko niya ang kanyang kaibigan.
Ang kanyang kaibigan na tinulungan siyang mamuhay na maging masaya at kontento, nalulungkot siyang hindi na niya ito kayang tingnan ng direkta sa mga mata nito.
Isa pa, nagkakaroon ng ilangan silang Ericka at Thalia kung sino ang unang magsasalita.
Ano ba ang ginagawa ni Ruth? Napatanong sa kanyang isipan.
Napabuntong-hininga na muna siya, nagkibit-balikat sinabayan ng isang mahabang-buntong-hininga, at saka, doon lamang siya tumikhim.
Napansin iyon ng dalawang nagkaka-ilangan.
"Hindi ko inaasahang magkikita tayo ngayon, Ericka." Iyon na lamang ang narinig niya kay Thalia.
Sinundan naman ito ng tingin ni Ericka; narinig pa niyang bumuntong-hininga pa ito.
"Thalia, iniiwasan mo ba kami? Alam kong noong isang gabi pa lang tayo magkikita-kitang tatlo." Diretsahang tanong ni Ericka.
Napatingin na lamang siya sa kanyang katabi; nakita ni Chesca ang seryosong mukha nito.
"Oo, iniiwasan ko kayo, dahil may mangyayaring hindi maganda kapag nagkikita—kita tayo."
"Sabi ko na nga ba, nakikita mo nga mangyayari pa lamang." Napangiti pa si Ericka kay Thalia, nananatili siyang tahimik sa kanyang kinauupuan, ayaw na muna niyang basagin ang palitang sagutan ng dalawa.
"Alam mo na rin siguro kung bakit nandirito ako?" tanong naman sa kanyang katabi.
"Hindi, nabigla lang ako kung bakit nandirito ka sa tahanan ng pinsan ko." Sabi pa nito.
Napakunot—noo siya sa kanyang narinig.
Pinsan? pinsan sino? Litong tanong sa kanyang isipan.
Tiningnan niya si Vince na tahimik lamang na nakikinig sa dalawa. Tejero—Blanco... ang ibig sabihin ay... napasinghap siya sa kanyang iniisip. Blacklisted ang Blanco sa pamilyang Fuego, dahil pilit nitong kinakalaban ang ama namin noong pumanaw ang ina nilang ate Felisa. Napasabi sa kanyang isipan.
Magpinsan din silang Fernan? Ang pinatay nitong magkakapatid? Sunod-sunod niyang tanong na napapalunok na lamang, parang nanunuyo ang kanyang lalamunan sa mga nangyayari ngayon.
Tinawagan ako ni ate Mikaela kani – kanina na mag-iingat kami ni Isabel at kay Tricia, dahil alam nito ang tinatago kong sekreto. Iyon ang naalala niya sa babala ng kanyang kapatid.
Sa isang linggo, papasukin nito ang kanilang mansion at kukunin ang lumang notebook sa kanyang ama.
Napakuyom na lamang siya sa kanyang kamay; mahigpit niyang hinawakan ang manggas ng kanyang damit noon.
Nilalamig siya bigla, nagsitahimik ang kanyang paligid.
Chesca, may tumawag sa kanyang pangalan.
Napataas ang kanyang noo at nasalubong niya ang tingin ng kanyang dalawang kapatid.
"Ate Ellese, Ate Felisa." Pabulong niyang sabi na hindi makapaniwalang nakita niya ito ulit.
Hindi niya makalimutang, pinagdidiinan niyang wala siyang kapatid; ngayong naalala niya ang lahat, napaiyak siya sa anyo ng dalawa.
Chesca, nagagalak kaming nakilala mo na rin kami. Niyakap siya ni Felisa, naramdaman niya ang malamig na kamay nito.
Ang boses nitong humahalo sa hangin, napapansin niyang hindi na niya masyadong nakikita ang mga paa nito.
Chesca, magmadali kayo, wala ng oras, kumikilos na silang Dad at Giovane, kailangan nating tapusin ang sinimulan natin noong mga bata pa tayo. Boses iyon ni Ellese na tinitigan siya.
Nagbalik ang kanyang gunita. Nakita niya ang kanyang anyo noong bata pa siya.
Isang linggo matapos mapaslang ang kanyang ina, hindi niya malilimutang pinagbabaril mismo sa kanyang harapan ang katawang walang kalaban—laban.
Nakakulong siya sa kwarto; nandoon pa rin ang takot sa puso at isipan ng batang si Chesca.
Tinatawag niya ang kanyang ina na lumisan sa mundo at iniwan siya. Pinalabas noon ang pagpatay ng kanyang magulang ay nabaril na ligaw na bala.
Ang pamilyang Roman ay hindi naniniwalang namatay ito sa ligaw na bala. Nanggaling sa mayamang angkan ang kanyang ina, nananalaytay dito ang dugong Roman, kaya pinsan niya si Jake.
Ang ina ni Jake ang tumulong sa kaso ng kanyang namayapang ina; ito rin ang nagiging tita at nanay niya. Tinanggap ng buong-buo ng kanyang tita ang tatlo niyang magkakapatid.
Naalala pa niya noong biglang pumanaw ang ina ni Jake noon, diniin ang ama ni Jake, dahil may anak ito sa labas, pero, sa kalooban niya sa kanyang musmos na pag-iisip, hindi ang ama ni Jake ang may kasalanan kundi ang kanyang ama.
Mom, Tita, sana pakawalan na nila kami rito; ayoko na rito, natatakot na ako. Pagsusumamo sa isipan ni isang batang nasa limang taong gulang pa lamang.
Naramdaman niyang may kumatok sa pintuan; niyakap niya ang kanyang sarili; baka parusahan na naman siya ng kanyang kuya Giovane, kahit wala siyang kasalanan; pinikit niya ang kanyang mga mata; wala siyang salita habang may kumakatok sa kanyang kwarto.
Bumukas ito, hindi na niya tiningnan kung sino ang pumasok; natatakot na siya.
Biglang may yumakap sa kanya. "Huwag kang mag-aalala, kami ito, si Ate Felisa." Malumanay nitong sabi na nasa sampung taong gulang at nasa labing-isang taong gulang din si Ellese at kakambal nito.
"Ate Felisa, natatakot na ako. Gusto ko ng umalis rito." Sumbong niya na agad pumatak ang luhang kanina pa nagpupumiglas.
"Balang araw, Chesca, aalis tayo rito. Balang araw, aalis tayo sa impyernong ito. Ngayon, tiisin na lang muna natin hanggang kaya nating lumaban sa kanila." Iyon ang narinig niyang sabi ni Ellese na pinapatahan siya.
"Tiisin natin, lalaban tayo, lalaban tayo ng patas sa mga Fuego, kahit man nananalaytay ang dugong Fuego sa atin, hindi nating hahayaang kulungin tayo rito. Magpakatatag ka, Chesca." Dagdag, sabi ni Ellese.
Noon pa, hinahangaan na niya ang katapangan nito at pagiging matatag nito. Kahit sa kamatayan nito, lumalaban pa rin ito nang patas.
Naalala mo ba ang palagi kong sinasabi sa iyo, noon, Chesca? Napabalik siya sa gunita nang kaharap niya si Ellese at Felisa.
Tumango siya at napaiyak na lamang siya. "Magpapakatatag ako, Ate Felisa, Ate Ellese." Tanging nasabi niya.
Natutuwa akong naalala mo iyon, Chesca. Oo, magpakatatag ka, Chesca. Unti-unting nawala ito sa kanyang paningin.
Napabalik siya sa totoong pangyayari. May mga matang nakatingin sa kanya, napansin niyang may mga luhang pumapatak sa kanyang pisngi.
Binalingan niya iyon, nakatingin si Ericka sa kanya na nagtataka.
"Ayos ka lang ba, Ruth?" tanong nito sa kanya noon.
Nasalubong niya ang tingin ni Thalia, at kahit man hindi ito nagsasalita, nag-aalala ang mga mata nito.
Kailangan kong sabihin ang totoong pagkatao ko kay Ericka. Desidido niyang sabi sa kanyang isipan. Pinahid niya ang kanyang luha noon.
"Ericka, may aaminin ako sa iyo." Ayaw na niyang maglihim at lokohin pa si Ericka; gusto niyang magtulungan sila ngayon.
Alam niyang may iba’t ibang adhikain sila, pero iisa lang ang kakalabanin nilang tao, kundi ang kanyang ama at kapatid nito laban sa gahamang organisasyon nito.
Napatitig naman si Vince sa kanya at ibang kasama nito, pero hinayaan na lamang siya sa kanyang desisyon.
Nag – iintay lang itong magsalita siya, binigyan siya ng pagkakataong magsalita.
"Ako Si Chesca Daia Fuego." Sa wakas, nasabi niya rin ito.
Alam niyang nagulat si Ericka sa kanyang sinabi; kitang-kita sa mukha nito na hindi makapaniwala.
NAG – AANTAY NA SILA ROON. Napasabi sa isipan ni Vince, halatang naging tahimik ang mga kasamahan ni Thalia sa pag-amin ni Chesca sa pagkatao nito.
"We need to go." Iyon lang ang nasabi sa mga ito.
Napatitig na lamang si Thalia sa kanya na naguguluhan. "S --- Saan?" tanong naman nito sa kanya.
Napabuntong—hininga naman siya, nandoon ang kapatid nito, dahil may desidido rin ito sa desisyon na pasukin ang lungga ng Fuego.
Don’t freak out, Thalia, so you will know now. Napabuntong—hininga na lamang siya.
Sumisikat na ang araw, kahit man, wala siyang tulog, hindi pa rin siya dinadalaw ng puyat o pagod sa katawan nito.
Napabuntong—hininga rin ang mga kasamahan nitong silang Zenne at William.
Jake will kill us kapag nadamay ang mga batang ito, pero, hindi na talaga maiiwasan iyon. Nagpapasalamat siyang hindi pa pupunta ngayon si Jake; alam niyang kapag nalaman ito, magagalit na naman ito at lalabas ang pagiging guro nitong ugali.
Whatever.
Pinahanda na rin niya ang ibang babaeng nasagip nila ngayon. Dahil, pupunta sila roon sa madaling panahon.
Kumalma na rin ang komosyon na nangyayari sa warehouse, pero kailangan din nilang maging maingat.
Lumakad na siya at sumunod naman ang ibang miyembro, sumunod naman silang Thalia, kahit gulong-gulo ang isipan nito.
Hindi na muna niya sinuot ang mask niya, katabi niya si Thalia at ang dalawang kaibigan nito. Nasa ibang sasakyan din silang Gerald, itinago na muna nila ang nasagip nilang kababaihan, ihahatid niya ito sa kanilang tagpuan ngayon.
"Kuya, saan ba talaga tayo pupunta?" tanging tanong ni Thalia sa kanya.
"Malalaman mo rin." Agad siyang nagmaneho, distansya lamang ang pagitan ng dalawa niyang kasamahan.
May nakita siyang mga taong kasamahan niya.
"Magtago kayo." Utos niya.
Kahit litong-lito ang tatlo, sinunod naman ang utos niya.
May humarang sa kanyang sasakyan. Kasamahan niya ito; alam niyang wala pang tulog ang mga ito, dahil nagwawala na si Giovane.
"Vince, pagkatapos mong magliwaliw, palitan mo kami, galit na galit si boss, simula kaninang madaling araw at ngayon, dahil nakatakas ang nahuling mga kakabaihan." Sabi naman nito.
Galit ba? O kumalma na dahil alam na nito kung sinong umaahas sa kanilang organisasyon? Napatanong na lamang sa kanyang isipan.
Ngumiti lang siya sa kanyang mga kasamahan.
"Don’t worry, matapos naming matapon ang mga bangkay na nasa loob ng dram na iyan. Marami—rami kaya nagpatulong ako nilang Zenne at William." Sabi naman niya.
"Ha? Hindi ka namin napansin kanina."
Tumawa naman siya. "Abala kasi kayo kanina, inutusan kasi kami ni Charles na may mga bangkay na nagkalat sa warehouse na kailangang itapon." Sabi naman nito.
"Oh, kaya pala, abala lang talaga kanina at hindi namin kayo napansing tatlo."
Tumango—tango na lamang siya, narinig iyon nilang Zenne at William, at alam niyang napapailing na lamang ito.
"Mabuti pa, kapag nakabalik na kayo sa warehouse, tulungan na muna ninyo kaming itapon ang mga ito, para matulungan din namin kayo sa paghahanap. Mas mabuting magtutulungan tayo, hindi ba?" Tanong naman niyang nakangiti pa rin.
Nagtinginan naman ang mga ito. "Hay, o sige, intayin ninyo kami doon, bago kayo magtapon sa mga bangkay, dating gawi." Sabi pa nito.
"No problem, mauna na kami sa inyo." Sabi pa niya. "Marami-rami kasi sila ngayon."
"Sige."
Pinatakbo niya ang sasakyan matapos ang pag-uusap; nakalayo na sila sa kalalakihan, tiningnan pa niya ito sa side mirror, nakasunod din ang dalawa niyang kasamahan. Nang hindi na nila makita ang lalaking nakausap niya, tinawag niya ang tatlo.
"Pwede na kayong hindi magtago." Sabi naman nito.
Kunot noong tiningnan siya ni Thalia, alam na niya ang tinutukoy nitong tingin. Napabuntong—hininga na lamang siya.
Malapit na sila sa kanilang tagpuan. Sinigurado niyang walang nakasunod sa kanila. Dumaan sila sa isang lumang bahay na inabanduna na ng panahon, pati ang pinaglumaang gate nito.
Napatitig naman si Chesca sa kaanyuan ng bahay na pupuntahan nila. Hindi ito nagsalita pa. Dumaan sila sa masukal na daanan, at agad nahanap ang main gate nito.
Kahit hindi siya bumaba, sinuot niya ang kanyang mask, may detection kasi ang gate na iyon, na tanging ang mask lang ang nare-recognize nito pati ang nagsuot nito. Alam niyang maselan ang pag-program, dahil ito rin ang magiging sandigan nila kapag nagkakaroon ng kaguluhan.
Agad namang bumukas ang gate at pinapasok sila isa-isa.
Tama nga ang hinala niya na nandirito na rin si Felix; agad niyang iginarahe ang kanyang sasakyan. Nanaog siya at sumunod lamang si Thalia at ang dalawa nitong kasamahan.
Napansin din niyang sumunod silang William at Zenne at nanaog na rin ito.
Napasipol na lamang si Zenne sa nakita nito. Napapailing na lamang si William. Pinalabas na rin nila ang nailigtas nilang kababaihan sa komosyong nangyari kani-kanina.
Walang salita na tinungo niya ang pintuan; dinetect agad ng magnetic doorknob ang fingerprints nito at agad nabuksan, sumunod naman ang dalawa.
Bumungad kaagad sa kanila ang dalawang naka-mask.
"Akala ko hindi na kayo pupunta rito." Napabuntong—hininga pa ito.
Tiningnan pa siya ni Thalia na naguguluhan.
"Nasa underground sila, ihatid mo muna sila doon, delta." Utos naman ni Charles.
Walang salitang sinunod ni William ang utos nito.
"Susunod rin ba kami?" tanong ni Ericka.
Tiningnan ni Charles ang kasama niya at pabalik kay Vince. Napabuntong—hininga na lamang ito.
"No, dito na muna kayo." Sabi pa nito.
Hinintay pa nila silang William na makabalik rito; alam niyang magiging ligtas ang mga ito sa underground. May mga taong mag-aalalaga doon, kagaya sa ginagawa sa basement nilang William.
Bumukas ang elevator at iniluwa na rin sa wakas ang dalawa niyang kasama.
"Kumusta sila?" tanong naman ni Felix.
"They’re okay, mabuti naman at nailigtas sila." Napabuntong—hininga naman ito.
"Ang katanungan sino—sino ang nagligtas sa kanila, kinaya mo ba silang dalhin?" Napatingin siya kay Charles.
Hinubad ni Charles ang mask nito.
"No, that’s a big question also." Sabi naman ni Charles at nagpakawala pa ng buntong-hininga.
60Please respect copyright.PENANAvvgouj7liM


