JASMIN tawag ni Felisa sa dalagang naglalakad sa kadiliman. Napalingon na lamang ito sa kanya; malamlam ang mata nitong tinitingnan siya.
Tanging hangin lamang ang naririnig sa kanyang pagbuntong-hininga. Agad siyang naglakad sa hangin na nilalapitan ito.
Pinakita mo ba kay Mikaela ang nangyayari? Tanong niya.
Tumango ito sa kanya, hindi ito nagsasalita. Niyakap na lamang niya si Jasmin, hindi na niya kailangan pang tanungin ito kung ano ang nakita sa mundo ng mga tao.
Felisa, anong nangyayari sa iyo? Takang tanong ni Jasmin sa kanya.
Unti-unti nang nawawala ang kaluluwa niya, dahil mabubura din ang kanyang alaala kapag nagtagal pa sila ni Ellese sa lugar na ito.
Malapit ng mabura ang alaala namin, Jasmin, kaya ginagawa namin ang lahat, bago pa man kami maging isang ligaw na kaluluwang naglalakbay na pabalik—balik at walang direksyon, gusto naming magkaroon kami ng hustisya.
Mahinang napatango si Jasmin sa kanyang sinabi. Alam ni Felisa na napakabait nitong dalaga, kahit man mapait ang pagkamatay nito, dala-dala pa rin nito ang pagiging mabuting tao.
Hinawakan niya ang palad ni Jasmin; may gagawin pa silang magkapatid. Kahit man, malapit na silang mawala; sa ganitong paraan makatutulong siya sa mga dalagang pinagkaitan ng magandang buhay.
Napunta sila sa warehouse. Taka ang mukha nito kung bakit bumalik sila ulit rito.
Naalala mo ba kung sino ang nagligtas sa iyo sa warehouse? Tanong niya kay Jasmin.
Napailing na lamang ito sa kanyang katanungan.
Hindi ko makita kung sino ang nagligtas sa akin, pero, alam kong, isang kaluluwa ang nagligtas sa akin dito noon, pati na rin kayo, pinalabas ninyo ako sa masukal ng kagubatan para makita ko silang Ericka.
Pagsasalaysay nito sa pangyayari. Tumango naman siya bilang pagsang-ayon.
Ngayong gabi, iyon din ang gagawin natin sa mga nakulong rito. Tiningnan niya nang mataman si Jasmin.
Nalilito ang mukha nitong tiningnan siya. Sa paanong paraan, Felisa? Tanong naman nito sa kanya.
Jasmin, isa na tayong kaluluwa ngayon, magagawa natin ang hindi kayang gawin noong tayo ay nabubuhay pa. Tiningnan niya ito.
Kahit nalilito ito, tumango na lamang ito sa kanyang pinagsasabi ngayon. May mga pader sa kanilang harapan, lumusot lang sila na walang kahirap—hirap noon.
Nakita niya si Ellese, may minamasdan ito sa paligid.
Ate Ellese tawag niya rito.
Lumingon ito sa kanyang gawi, may nakita siyang mga kababaihan na nakapiring ang mga mata, halatang takot na takot na ito sa mangyayari.
Binilang niya ito, limang dalaga.
Nasaan ang iba? Tanong naman niya sa kanyang kapatid.
Tiningnan naman ito ni Jasmin na sumunod sa kanya.
Nandoon silang Fernan at mga kapatid niya; nakita nitong napakuyom ang kamay nito.
Alam nilang huli na sila, pero nandito sila para tulungan ang mga kababaihan.
Sino ang nakakakita sa atin, ate? Tanong naman nito.
Lahat sila, naranasan nila ang takot at pagkalugmok; alam kong nakikita nila tayo. Sabi naman nito.
Isa—isa niyang kinuha ang piring ng mga mata nito.
Napasinghap pa ang isa, natatakot ito.
"S--- Sino kayo?" Tanong naman ng isa, nanginginig ang boses nito.
Kapag ang tao ay nasa bingit ng kamatayan, kaya nilang makita ang hindi nila nakikita noon; kusang lumalabas ang abilidad nitong makausap, makaamoy, at makakita sa kagaya nila.
Pinakawalan din ni Felisa ang pagkakatali sa kamay at sa paa nito; nakikita niya ang mga pasa nito.
Halikayo, wala ng oras, sundan ninyo lang kami. Ang boses niya’y humalo sa hangin.
Nagkatinginan naman, tumayo isa-isa ang pinakawalan nila.
"Kung sino kayo, ilayo ninyo kami sa impyernong ito." Sabi pa nito’y maiiyak na.
Hindi siya nagsalita, nag-umpisa na siyang maglakad sa hangin, nakasunod lang si Jasmin sa kanya. May naririnig silang mga yabag at usapan, alam niyang gising pa rin ito sa ganitong oras.
Sinenyasan niya si Jasmin na itago ang mga ito.
Kahit litong—lito ito, niyakap na lamang ni Jasmin ang limang dalaga. Nilampasan sila ng mga nagbabantay.
Felisa, tawag ng kanyang kapatid.
May nakita silang daanan; alam niyang ang daanan na nakita ni Ellese ay diretso ito sa masukal na kagubatan. Malawak at malaki ang warehouse na ginawa ng kanilang ama; kapag hindi alam ang pasikot-sikot rito, hindi ka makalalabas, mahuhuli at mahuhuli ka sa mga nagbabantay rito.
Tumigil siya para alalayan ang mga dalagang natatakot pa rin.
Tahimik na tahimik itong sumunod sa kanila.
Dalian ninyo, sundan ninyo siya. Tinutukoy nito si Ellese na nag-aantay sa mga kababaihan.
Nagsitanguan naman sila, nakalabas na sila noon.
Alam niyang ilang minuto magkakagulo na ang loob ng warehouse, dahil nakatakas ang mga bihag nito.
May naririnig silang yabag na patungo sa kanilang direksyon, nasilayan niya si Fernan, silang Shaina, si Kristine na hawak-hawak ang bunso nitong si George.
Napasinghap naman ang ibang kasamahan nito at napaiyak na lamang noong nakita nitong ligtas ang ibang kasamahan nito.
Binilang ni Felisa ang nailigtas nilang Fernan. Sampung kababaihan ang nailigtas nito. Magsisimula na sa labas ng warehouse kung paano nila ito palalayain nang hindi sila nahuhuli sa masukal na kagubatan.
Wala ng oras, alam kong naghahanap na sila ngayon sa oras na ito. Ito ang narinig niyang sabi ni Fernan.
Narinig sila ng mga kababaihan.
"Maraming salamat."
Mamaya na kayo magpasalamat kapag nakatakas na kayo rito. Sabi naman ni Fernan na tiningnan ang daanan sa masukal na kagubatan.
Kuya, napabuntong-hininga na lamang si Shaina noon.
Muli silang naglakad, nakalayo na sila sa warehouse, naririnig na niya ang mga tauhan doon na nagkakagulo, alam niyang maghahanap ito sa kagubatan.
Kuya Fernan, Ate Ellese, mabuti pa maghiwa—hiwalay na muna tayo, mas mabuting kaunting grupo para hindi agad makita.
Nagsitanguan naman ito sa desisyon niya, limang dalaga ang sumunod sa kanya, kasama si Jasmin.
Kasama naman ng ate Ellese niya ay si Kristine, si Fernan, si Shaina, at si George.
Magkita tayo sa dating tagpuan, doon, alam kong may tutulong sa kanila. Napasabi naman ni Fernan sa kanila.
Alam niya ang lugar na iyon. Agad silang naghiwa-hiwalay.
Tama ang desisyon nilang maghiwa-hiwalay para maprotektahan nila ang ibang kababaihan.
Naririnig niyang may mga yabag na patungo sa kanila.
"May naririnig ako rito sa direksyon na may naglalakad! Dito! Dito!" Rinig niyang sigawan ng mga kalalakihan.
Nasisilawan sila ng flashlights na tanging ilaw ng mga kalalakihang naghahanap sa kanila, nangangatog naman sa takot ang kasama niya.
Shh. Tiningnan niya ang mga kababaihan noon, may luhang tumutulo, pero, tumango ito.
Tinago niya ang mga kababaihan sa kanyang petite na likuran na niyakap ni Jasmin ang mga ito, mahigpit na niyakap.
"Wala rito!" sigaw ng isang kasamahan na inilawan ang kanilang direksyon.
"May naririnig akong boses rito, mga yabag! Hindi ako magkakamali! Suyurin mo! Alam kong nagtatago sila sa lilim ng mga kahoy!" Utos nito.
Nasa harapan niya ang mga nasa dalawa o tatlong lalaking may hawak ng flashlight; nilalampasan lang sila noon ni Jasmin, nailawan ang direksyon nila.
"Wala talaga rito." Sabi naman ng isa.
"Alam kong hindi pa sila nakalalayo, halika na, huwag tayong magsayang pa ng oras rito, mas lalong makatatakas sila." Utos naman ng isa.
Sumunod ang dalawang kasamahan, maliban sa isa na sinisigurado kung wala ba sila rito.
"Tsk."
Umalis na rin ito at unti-unting nilalamon sila ng kadiliman.
Huwag muna kayong gumalaw, hindi pa sila nakalalayo. Napasabi naman niya rito.
Nagsitanguan naman ito, kahit man natatakot. Maya—Maya, tahimik na ang paligid.
Tayo na. Naghihintay sila.
"HANGGANG ngayon ba hindi pa ninyo nadakip ang letseng mga babaeng iyon?" paangil at hindi maikubli ang galit na boses ni Giovane sa kasamahan nito.
"Damn this! Hanapin ninyo! Hindi ako naniniwalang madaling nakatakas ang mga iyon! Hanapin ninyo nang maigi! Kundi kayo ang papatayin ko!" Agad nitong dukot sa baril na tinutok sa kasamahan niya.
"O --- Opo boss." Nangangatal ang boses nitong sumagot at dali-daling lumabas.
Nakita pa niyang hinambalos ni Giovane ang gamit na mahawakan nito.
"How can I help?" Tanong naman niya na napabuntong-hininga na lamang sa komosyon na nangyayari ngayon.
Sa isipan niya, gagawa siya ng hakbang para iligtas ang ibang kababaihan, pero, sa hindi niya inaasahan ang pagkakataon na ito. Hindi na siya nagulat pa na nandito si Alexander at si Isabel.
Tama nga ang sinabi ni Felix; damn, hindi talaga nagkakamali ang pinagsasabi niya. Napasabi na lamang sa kanyang isipan.
"Kung kailan malapit na tayo sa katotohanan! Alam kong may kinalaman iyong grupo na iyon ngayon!" Hindi pa rin nawawala ang pagkainis ng boses nito dahil sa nangyayari.
Tiningnan niya ang bawat CCTV; walang kasama ang mga ito sa pagtakas, at nagtataka siya kung sino ang nagbigay ng susi sa mga kulungan nito kung saan ito nakakulong.
Sino ang tumulong sa inyo? Baka ito’y isang patibong lang kung para malaman kung sino ang sangkot sa grupo namin, kailangang mag-iingat ako sa bawat hakbang ko. Napaisip nang malalim si Charles.
May narinig siyang isang buntong-hininga, kumalma na ito, at tiningnan siya, kakaiba ang tinging pinukol nito sa kanya; his defense mechanism is kicking; kailangan niyang ihanda ang baril niya kapag nagkagipitan.
"Charles, tulungan mo muna ang kasamahan natin, Gods! They’re reckless; hindi nila mahanap—hanap ang mga babaeng iyon." Napailing – iling na lamang ito.
"I’m on it," tangi niyang sagot at naghanda na rin.
"Charles, you need to be more careful of your actions."
Napalingon na lamang siya, tila nagsasabi ang kanyang isipan na may mangyayaring masama, tila binabalaan siya ni Giovane, indirectly.
"Yeah." Iyon lang ang sabi niya.
Kinuha na niya ang kanyang gamit. His skin is tingling. Isang sensasyon na may magbabadyang pagtataksil.
"I will go now, magha—hunting na muna ako." Pagpapaalam niya at tiningnan si Charles.
"Yeah." Tumango ito.
Agad niyang tinungo ang pintuan at pinihit ito; lumabas siya nang tahimik.
Habang naglalakad siya, hindi niya mapigilang mapangiti, dahil sa kalooban nito, alam na ni Giovane ang buong pagkatao niya. Naglalaro ito ng apoy, apoy ng kamatayan, nilalaro siya hanggang mahuli siya sa bitag na ginawa ni Giovane.
You don’t need to play dirty games with me, Giovane; I will play along. Napangisi siya na tinungo ang labasan ng warehouse.
Dala-dala niya ang kanyang mask na nakatago lang ito sa lagayan ng bag ng baril, magagamit niya ito.
Alam niyang may nagmamanman sa kanya; simula nang pumasok siya sa warehouse, hindi na siya nagulat pa. Alam niya kung sinong sumunod sa kanya, walang iba kundi ang tauhan mismo ni Alexander; isa sa mga kasamahan din nito ang nagtataksil sa kanila.
He only smirks, ang akala niya si Alexander na, pero alam niyang anumang oras tutuklawin siya nang buhay ni Alexander.
Bago pa siya tuklawin, papatayin niya kung sino ang sisira sa mga plano niya at plano ng kasamahan niya.
Inihanda niya ang baril, agad niyang pinutukan ang nagmamanman sa kanya, at umalingawngaw ang tahimik na kagubatan.
Agad siyang lumapit kung saan may lalaking habol-habol ang paghinga.
Nasapol niya ito sa vital point nito. Tama nga siya, kasamahan niya sa organisasyon.
Napailing—iling na lamang siya.
"Hindi kayo magtatagumpay," kalma niyang sabi.
Pagkatapos niyang sabihin iyon, pinaputukan niya ulit ito.
"Pakisabi ni Alexander, I will play his games of death. If you’re listening to me now, Alexander, come and get me with your own hands." Sa ikatlong putok, agad napugto ang hininga nito.
Papalayo siya nang papalayo, naririnig pa rin niya ang ingay ng mga tauhan ni Giovane na naghahanap pa rin, dumaan siya sa alam niyang daan, dahil may taong naghihintay sa kanya.
Walang alam ang mga miyembro ng kilusan nila sa kanyang basement; ang tanging nakakalam lang nito ay kakaunti lamang.
Sinoot niya ang kanyang mask, tahimik siyang naglalakad. Hanggang sa natunton niya ang lugar na tinutukoy niya.
Nakita niya kaagad ang basement niya, at kahit mata lang ang nakikita sa scanner, agad bumukas ang gate nito.
Nakita niya si Felix na nakaupo, kasama ang mga babaeng nakatakas.
"Hey," ngumisi lang ito sa kanya.
Napabuntong—hininga na lamang siya. Nakasoot din si Felix ng mask noon.
"Pwede mo bang ipaliwanag ang nangyayari ngayon, Alpha?" tanong nito sa kausap.
Tumayo ito.
"Huwag kang magalit, dinala sila ng pinsan kong si Fernan rito; anytime, pupunta silang beta." Tinutukoy nito ay ang ibang kasamahan nila.
Napabuntong—hininga na lamang siya.
"Do as you wish."
"Naamoy ko ang dugo sa kamay mo, may pinatay ka?" tanong nito.
"Dugo ng isang taksil ba kamo? Yeah, I killed him." Pag-amin niya naman.
Hindi ito nagsalita.
Tumuloy na sila sa basement niya; malaki ang basement niya, kesa nilang William at Vince.
Pinatuloy niya ang mga bisita. Tahimik itong sumunod sa kanya.
Inihatid niya ito sa underground basement, kung saan maraming mga kwarto na kasya ang kanilang iniligtas.
"Don’t worry, hindi namin kayo sasaktan, magkikita kayo sa iba ninyong kasamahan." Sabi naman niya.
Nagsitanguan naman, kahit man takot na takot ito, ang katawang hapo.
"This will be your shelter." Sabi pa ni Felix.
Matapos niyang maihatid, agad siyang bumalik sa ground kung saan inaantay ang ibang kasamahan niya.
Tahimik ding nag-iintay si Felix na tinanggal ang mask nito.
58Please respect copyright.PENANAggMiETkY4b


