NAGPAPASALAMAT ako kay Zenne, dahil agad niyang inaksyonan at naagapan ang mga impormasyong nasa loob ng basement ko. Napabuntong—hininga na lamang si William na tinitingnan ang screen ng kanyang laptop noon.
Napatingin siya kay Thalia na tahimik na umiinom ng gatas na nasa malalim itong pag-iisip ngayon.
Ano kaya ang nasaksihan ng batang ito? Kyuryos niyang tanong sa kanyang isipan.
Nagpapasalamat siyang agad na naagapan nito ang nangyari, pero umaasa pa rin siyang maliligtas niya ang mga babaeng iyon, dahil alam niyang haharap ito sa matinding bangungot.
Nandoon si Charles, pero, alam kong nag-iingat ito ngayon, nandoon din si Giovane. Napabuntong—hininga na lamang siya.
"William, tapos ko ng burahin ang lahat ng system na ginamit ng kubo mo, nabura ko na rin ang lahat ng impormasyon bago pa nila mabuksan iyon." Tinutukoy nito ang mga mahalagang impormasyon na nandoon sa basement kung matuntun ito sa mga nangahas na pumasok sa kanyang lungga.
Tiningnan niya ang kanyang phone; naka-silent ito, hindi niya napansing tumawag si Gerald sa kanya.
Napakunot—noo na lamang siya, tinawagan niya kaagad ito; agad naman nitong sinagot ang tawag niya.
"Bakit napatawag ka, Gerald? What happened?" tanong naman niya.
Nagulat din si Thalia sa sinasabi niya ngayon; alam niyang nagtagpo at nakilala ni Thalia ang kapatid niyang si Gerald.
"Nothing, si Ericka dinugo ang ilong niya kanina, habang tulala itong nakatingin sa parang, nagulat nga kami dahil hindi siya nag –re–respond, I bet she’s doing that thing." Ulat nito sa kanya.
That thing, naglalakbay ba ulit si Ericka? Napatanong sa kanyang isipan.
"Naging malala ba ang paglalakbay niya? Hindi naman siya nag-nosebleed noon, hindi ba?" tanong naman niya sa kabilang linya.
"Yeah, and sabi niya sa akin, hindi niya kayang kontrolin ang magiging after-effect ng kakayahan niya." Napabuntong-hininga ito habang nagsasalita sa kabilang linya.
"By the way," biglang may naalala ito.
"Sinasabi niyang gusto niyang makita si Thalia sa madaling panahon, dahil nakikita nito ang hinaharap na may magbabadyang panganib." Sabi naman nito sa kabilang linya.
Tiningnan niya si Thalia.
"She’s here, nandito siya sa basement nilang Vince." Sabi naman niya noon.
"Oh, pupunta kami diyan." Sabi pa nito.
"No need; magkita tayo sa bahay nilang Vince. Kailangan na nga nilang magkita sa madaling panahon, lalong-lalo na si Chesca." Sabi naman niya sa kanyang kapatid.
"Pupunta kami kapag nagpakita na ang araw." Sabi pa nito,
Tumango na lamang siya noon, "Got it, sige, see ya." Paalam naman niya sa kabilang linya.
Napabuntong—hininga si William.
"Thalia, may gustong makipag-usap sa iyo, maya-maya, you need a little rest." Suhestyon niya sa dalaga.
Tumango na lamang si Thalia; siguro iniisip pa rin nito ang naganap kani-kanina sa kanyang lungga.
"Sige na, Ta, may kama roon, magpahinga ka muna." Utos ni Vince kay Thalia.
Sumunod ito kay Vince, matapos, inumin ang isang tasa ng gatas, dumiretso kaagad itong naglakad, at pumasok sa loob ng kwarto.
"We need to calm down at mag-isip kaagad ng solusyon." Sabi naman ni Zenne.
Tahimik lang si Vince na nakatingin sa screen.
"Vince, mahuhuli rin natin kung sinong nagsabotahe sa grupo natin." Rinig niyang sabi ni Zenne.
"No, alam ko na kung sino. I just want to confirm kung tama bang hinala ko." Sabi pa nito sa kanila.
Napatitig naman si William kay Vince. "Sino?" maang tanong naman niya noon.
"Kailangan nating mag-uusap-usap personally, na walang mga miyembrong makakaalam sa bawat galaw natin. I will set the trap pagkatapos ng pag-uusap nilang Thalia, ngayon." Sabi naman ni Vince sa kanila.
"I want to confirm also, sa pinsan kong si Felix. Kung nakikita ba niya ito sa premonition." Dagdag nitong sabi sa kanya, nakahalumbaba lamang itong nag-iisip-isip.
Seryoso ang mukha nito at hindi maipinta ang nangyari kanina.
"Kailangan nga nating mag-usap nang masinsinan, personally, sabihin mo lang sa akin Vince kung kailan, tulungan kitang mag-set ng trap sa mga tiwaling kasamahan natin, alam kong gumagamit sila ng makabagong teknolohiya, that man, alam niya talaga ang ginagawa niya." Napailing—iling na lamang si Zenne.
"Vince, handa na ba talagang kausapin ni Thalia ang dalawa?" Tanong naman ni William kay Vince.
"She needs too; kapag tumagal pa nang tumagal, baka isa—isahin na tayo ng kalaban nating hindi natin nalalaman."
"Hindi ko talaga maabot ang isipan ng pinsan mong si Felix." Rinig niyang reklamo ni Zenne.
Hindi na lang nag- komento si Vince patungkol sa pinsan nito. Tahimik lang itong ginagamot ang sugat nito.
"Hindi pwedeng dito natin itatago ang mga nailigtas natin ngayon." Sabi naman niya, sumasakit ang ulo niya ngayon.
"May alam akong lugar; it’s a safe place, but we need permission from that guy." Sabi pa ni Vince.
Alam ni William kung sino ang tinutukoy nito. "Hope so, pakiusapan na lang natin." Sabi naman niya.
Tumango na lamang si Vince bilang pagsang-ayon sa sinabi niya.
Biglang may tumawag sa kanyang phone.
"How’s the situation there?" bungad na tanong ni Felix sa kanya.
Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya kay Felix, kaya nagbuga na muna ng isang mahabang buntong-hininga.
"It’s not good," napailing—iling na lamang siya.
Nanlumo si William sa kanyang nasaksihan noong pumasok siya sa kanyang basement; marami ang namatay na kasamahan niyang inosente na nag-aalaga sa mga babaeng kanyang iniligtas. Napakuyom na lamang siya, nagpupumiglas na ang poot na nararamdaman niya; kahit anong pigil niya, hindi niya mapagkakait na gustong-gusto niyang ipaghiganti ang mga inosenteng taong nangamatay.
"I see." Napabuntong—hininga rin ito,
"It’s sad news. May mga kabataan bang nailigtas?"
"Yeah, pero halos lahat sa kanila ay nahuli at nabalik sa warehouse."
"Can Charles handle the situation?" tanong nito sa kanya.
"Wala pa kaming narinig ngayon ni Charles, sana hindi pa huli ang lahat." Umaasa pa rin siyang may maabutan siya.
"Namukhaan ba kayo ng mga spy?" tanong naman nito.
"Don’t worry, hindi naman ako palaging expose sa mga nailigtas ko at hindi naman ako kilala, as I remember, clearly, nakita ko si Tricia noon sa kagubatan, humingi siya ng tulong sa akin, nakasoot naman ako ng mask noon, maybe I prepared myself for the worst situation." Napatawa naman siya sa pinagsasabi niya.
"We got you, William; balitaan mo kami, and I will proceed with my plan."
"Ha! Pag-isipan mo sanang mabuti iyan, Felix." Napasabi naman niya sa kausap.
"I need to hang up now." Pagpapaalam nito.
"Yeah, bye." Sabi pa niya.
Agad niyang pinatay ang tawag nilang dalawa.
MIKAELA, MIKAELA. May tumatawag sa kanyang pangalan, kaya naman, agad niyang binuka ang kanyang mga mata, kinusot-kusot niya ito.
Napabalikwas na lamang siya nang mapansin ang kanyang paligid. Wala siya sa mansion; nandito siya sa isang lumang bahay, inilibot niya ang kanyang paningin. Napalunok siya ng kanyang laway.
Mikaela. Tawag ng isang malamyos na tinig, agad niya itong nilingon.
"Jasmin." Banggit sa pangalan nito.
Huwag kang matakot, samahan mo ako. Iniabot ang isang kamay nito sa kanya.
Nag – aalangan siyang hawakan ito, dahil alam niyang mapapadpad na naman si Mikaela sa nakaraan.
Nag-aantay lang si Jasmin sa kanya na iniabot ang kamay nito.
Kahit man nanginginig ang kanyang kamay, iniabot niya ito, naramdaman niya ang malamig nitong palad.
Dinala siya bigla sa warehouse. Nakita niya ang kanyang kapatid na si Giovane, si Charles, at ang nagpaagaw sa kanya ng atensyon ay ang mga babaeng nakapiring ang mata, nakatali ang mga kamay, at binusalan ito ng panyo ang bibig.
"A—anong nangyayari?" napatanong niya bigla sa kanyang kasama.
Nakakalungkot, nakakalungkot, kung kailan nakamtan na nila ang kalayaan, nabalik sila rito. Saad nitong nalulungkot sa nasaksihan.
Kung gayon, nalaman ba ni Giovane ang basement ni William? Napatanong sa kanyang isipan.
May nakita siyang dalawang dalaga; nakatingin lang ito sa mga babaeng nahuli; naka-cross-arm ito na walang pakialam sa nakikita.
May marahas na babaeng hinila si Giovane, nakatutok ang kutsilyo nito sa mukha.
"Magsasalita ka, o papatayin kita? Sino ang nagkukubli sa alias na "delta"?" tanong nito sa babae.
Kitang-kita sa mga mata nito ang takot, pero, wala itong imik, walang boses ang kumawala.
"Nagmamatigas na kayo? Tingnan natin kung hanggang saan kaya ninyong magmatigas, mararanasan ninyo ang hinahanap ninyo, kung wala sa inyo ang aamin." Rinig niyang sabi, madiin ang mga salitang binibitawan nito.
"Ipasok ninyo ang mga iyan sa loob, susukatin natin kung hanggang saan ang kaya nila." Utos nito sa mga kasamahan nito.
"Malapit na tayo sa katotohanan, Charles. Malapit na malapit na, malalaman natin kung sino ang mga taong kumakalaban sa organisasyon." Napangisi pa ito; hindi nagsalita si Charles.
Binalingan naman nito ang dalawang dalagang tahimik lang.
May lalaking nakatago sa pader at naka-cross arm pa ito.
"Good job, Nathan." Sabi pa ng kanyang kapatid at tinapik lang ito sa balikat.
"Susunduin ko na ang dalawa," said this.
"Yeah, yeah, I’m very jealous of you, Alexander. May kapatid kang naiintindhan ka." Napailing—iling pa ito.
"Unlike me, I have four sisters, but they never understand me a bit, kahit isa sa kanila, they question me as their older brother to them."
Hindi ka nga naging mabuting kapatid sa amin, kuya. Napasabi naman sa kanyang isipan na tinitingnan ng masama si Giovane.
Hindi mo rin kami kayang ipagtanggol sa ama natin noon, paano kami magiging mabuting kapatid sa iyo? Kung hindi mo rin kaming tinuturing na kapatid?
Mikaela smiled bitterly at her brother. Biglang may humawak sa palad niya, kaya naman napabaling siya sa kanyang kasama na tinitigan siya.
Kahit papaano’y kumalma ang buo niyang galit dahil sa naririnig niya ngayon ni Giovane.
"Keep up the good work, Isabel. As I said to you, get to know my half-sister, Chesca, and her friends." Ngumiti pa ito.
Napantig naman ang kanyang tenga, at hindi maiwasan ang pag – arko ng kanyang kilay.
"Kilala ko isa sa mga kaibigan ni Chesca, lalong-lalo na si Thalia Blanco."
"What’s her last name, tama ba ako ng pagkakarinig ko, Blanco you say?"
Tumango naman ang nagngangalang Isabel. Narinig ni Mikaela na tumatawa ito; tumatawa ito nang husto sa sinasabi ng kausap.
Tumikhim ito bago magsalita, pinapakalma pa nito at ngumisi sa kausap.
"Blanco, that family name, buhay pa pala ang lahi ng mga Blanco." Nakita niya ang kakaibang ngiti nito.
"Guess I will purge their family again."
Nagsitaasan ang balahibo sa kanyang katawan sa kanyang narinig.
Nilamon sila ng kadiliman, at napabalik siya sa kanyang hihigan. Kasama pa rin niya si Jasmin.
Ano iyon? Iyon ba ay kasalukuyang pangyayari? Bakit? Bakit ako naglalakbay sa kasalukuyan? Napatanong sa kanyang isipan na nalilito sa sitwasyong kinasadlakan niya ngayon.
Tiningnan niya si Jasmin na nakatingin din sa kanya.
Mikaela, mapapahamak si Thalia, pati na rin si Jenny. Tanging sabi ni Jasmin noon sa kanya na nalulungkot ang mga mata nito.
Pagod na pagod na akong makikitang may mapapahamak pa. Napailing—iling naman si Jasmin.
"Patawarin mo sana kami, isa akong Fuego, ako rin ang dahilan ng iyong pagpanaw, pero, ito rin ang nakikita naming paraan para matahimik ang dalawa kong kapatid, ang aking Ina at ang iba pang nadamay dahil sa mga Fuego." Malungkot niyang sabi.
"Kaya gagawa ako ng paraan para walang mapahamak pa sa pamilya ng Blanco; ayoko ng marinig pa na may pamilyang sabay-sabay na pinatay; ayoko ng maulit din ang nangyari kay Fernan, ang mga kapatid ni Fernan na walang kinalaman sa gulo." Nanginig ang kanyang mga kamay, kapag naalala niya iyon.
Pinalabas itong nilooban, at pinagpapatay ng mga nanloob.
Mikaela, sana huwag kang magpadala sa iyong galit, ayokong mapahamak ka. Pagkatapos sabihin iyon, bigla itong naglaho sa kanyang paningin.
Hindi na siya makatulog pang muli; bukas, babalik siya sa bayan kung saan siya isinilang. Napakuyom siya sa kanyang kamay.
Kailangan niyang tatagan ang loob niya; kailangang hindi siya maging duwag na labanan ang kasakiman ng kanyang ama.
Nag-iisip-isip siya; may gumugulo sa isipan niya ngayon kung sino ang babaeng nakita niya na kasama ang kanyang kapatid na lalaki.
Mamanmanan niya ang kilos nilang Thalia at Chesca. Good thing hindi nito nakilala ang buong pagkatao ni William. Nag-aalala ako sa mga dalagang kanilang nahuli.
May kung anong larawan ang gumugulo sa kanyang isipan, mga larawan na kung saan malalang pinapahirapan ang nakita niya kanina, naririnig niya ang mga tinig nitong nasasaktan, at nahihirapan, nakikita niya ang nangyayari sa warehouse.
Pinagpawisan siya, nanlalamig ang buo niyang katawan, sa tuwing nabubuo sa isipan niya ang mga larawan sa warehouse, nakikita niyang may nilulunod ito kapag hindi nagsalita, sinasaktan nang paulit-ulit.
Tama na, Tama na, Tama na! Sigaw sa kanyang isipan, napahawak siya sa kanyang buhok noon, umiiyak siya dahil nararamdaman niya ang mga sakit na dinulot sa katawan ng biktima.
Hinahabol niya ang kanyang paghinga, nanlalamig ang buo niyang katawan, pero nilabanan niya ito.
Magpakatatag ka, Mikaela. Tanging nasabi sa kanyang isipan noon, pinapakalma niya ang nararamdaman niya ngayon; kailangang maging malinaw ang kanyang pag-iisip.
Sa katawan ni Mikaela, tila bumabalik sa kanyang sistema ang masasakit na kanyang pinagdaraanan sa kanyang ama.
49Please respect copyright.PENANA88TVd0xSd4


