NASA masukal na kagubatan ngayon si Ericka, dinala na naman siya ng abilidad niya. May nakikita siyang mga larawan; isang babae ang kanyang nakita, pamilyar ito sa kanya.
Isabel? Napatanong sa kanyang isipan, nagpatuloy siya sa kanyang paglalakbay, hanggang sa may nakita siyang isang dugo; nakita niya si Isabel na duguan ang kamay nito, may hawak itong isang matulis na kutsilyo.
Tiningnan niya kung sino ang nagmamay-ari sa dugong pumapatak; nakita niya si Thalia, maraming saksak ito, wala ng buhay ang mga mata nitong nakatingin kay Isabel.
Napasinghap siya noon, may narinig siyang isang putok ng baril; nakita niya ang kanyang katawang bumagsak kasama ang katawan ni Thalia.
Nagising siya sa kanyang panaginip na habol-habol ang hininga nito.
Ano iyon? Babala ba iyon? Napatanong sa kanyang isipan, pinagpawisan siya nang malagkit sa kanyang panaginip.
Magkatabi pa rin silang natutulog ni Ruth sa bahay ng kanyang kakilala.
"Anong nangyayari sa iyo?" tanong ni Ruth sa kanya na napansing nagising siya sa masamang panaginip.
Napalunok siya noon.
"Kailangan na nating makita si Thalia."
Nagtaka naman si Ruth sa kanyang sinasabi ngayon; napasinghap ito at makahulugan siyang tiningnan.
"Naglalakbay ka, di ba?" tanong naman nito sa kanya.
Tumango naman siya noon, dahil noon pa, alam ni Ruth ang kakayahan niya.
"Akala ko nakalimutan mo na iyon." Sabi naman niya.
"Anong nakikita mo?" tanong naman nito sa kanya.
"Naguguluhan ako e, h---- hindi ko maintindihan, kung bakit --- bakit napasali si Isabel rito."
Napakunot naman ang noo niya. "Isabel? Isabel Fuentes?" tanong nito sa kanya.
Tumango naman siya sa sinabi ng kasama niya. Biglang sumakit ang ulo niya dahil sa abilidad niya.
"Kukuha lang ako ng tubig, namumutla ka yata." Agad tumayo si Ruth sa higaan at dali-daling tumungo sa kusina at kumuha ng tubig.
Nagpakita si Ellese at si Felisa sa kanya.
Hindi siya nagsalita at tinitigan lamang niya ang mga ito. Sanay na siyang makakita ng kaluluwa, at sanayan na iyon sa kanya.
"Mag-iingat kayo sa mga taong pagkakatiwalaan ninyo; hindi lahat ng taong makakasama ninyo ay totoong tao." Babala nito sa kanila.
Biglang nawala si Ellese matapos sabihin iyon. Si Felisa na lamang ang natirang tiningnan siya.
"Mag-ingat kayo, si Thalia, ikaw at si Ruth lang ang pagkakatiwalaan mo, kung gusto mong makuha ang hustisya kay Jasmin."
Kapag naririnig niya ang pangalan ni Jasmin, hindi pa rin niya mapigilan ang magalit sa kanyang sarili noon. Nawala ding parang bula si Felisa.
Biglang napadpad ang kanyang diwa sa kubo noon, nakita niya ang pangyayari, may isang dalagang babae ang nakikipag-usap sa lalaking nakasuot ng itim na jacket at naka-hood ito, nakikita niyang maraming nagkalat na walang buhay na katawan ng tao, kalat-kalat ang mga gamit, at nakikita niyang dinudukot ang mga kababaihang nagkukubli sa basement ng isang kubo.
Dalawang dalagita ang nakita niya at hindi nasali sa pagdukot ng mga kalalakihang nagmula sa organisasyon. Namukhaan niya ang isang dalaga; nakita na naman niya si Isabel. Hindi niya kilala ang babaeng kausap nito.
May kinalaman ba si Isabel sa pagkawala ng mga kababaihan noon? Nagdududa na siya sa mga nakikita niya.
Napadpad siya sa harap ng warehouse at napasinghap siya na may humarap na lalaki kina Isabel; namukhaan niya ang lalaki.
Saan ko ba siya nakita? Napatanong sa kanyang isipan.
Kinalkal niya sa isipan niya kung saan niya ito nakita, at hindi naman siya binigo ng kanyang isipan.
Kilala ito ni Sir Jake; siya iyong lalaking nakausap ni Sir Jake noong nakita niya kami sa kagubatan.
Pinapasok nito ang mga kababaihang nahuli nila. Habol—habol ni Ericka ang kanyang paghinga, natatakot siya, natatakot siyang pumasok sa warehouse na kaharap niya, ibang-iba ang kilabot na nararamdaman niya na sinasabi sa kanyang isipan sa warehouse, kahit man, naglalakbay siya.
Hahakbang na sana siya noong may tumawag sa pangalan niya.
Nabalik ang kanyang gunita sa bahay nilang Gerald, sumalubong ang liwanag sa kwarto. Nakita niya ang kababata niyang nag-aalala sa kanya.
"Ericka, okay ka lang?" pag – aalalang tanong ni Ruth sa kanya.
Binigyan siya ni Aleng Laica ng panyo at mahinang dinampi sa ilong. Ngayon lang niya napansin na may likidong tumutulo sa kanyang ilong. Agad niyang tiningnan iyon, at punong-puno ng dugo ang kanyang pantulog na damit.
Agad nilagyan ng ice cube na nilagay sa panyo, idinampi ito kaagad sa kanyang noo. Hindi niya minsan nako-control ang paglalakbay niya.
Hindi nagsalita si Ericka, nakakahiya dahil inalagaan siya nito na parang totoong anak. Tahimik itong nakatingin sa kanya na ningitian siya. Kumakalma na ang kalamnan niya dahil sa dami ng kanyang nakikita sa kanyang paglalakbay.
Kailangan kong makausap si Thalia; kailangan kong makompirma kung ano ang nakikita nito. buong – buo ang isipan niyang kailagan na niyang makausap at kailangan niya nga ang tulong nito.
Ilalayo niya si Thalia sa kapahamakan, kahit hindi pa rin malinaw sa kanyang isipan kung bakit napasali si Isabel sa mga nangyayari ngayon.
"Ako na po, Auntie, maraming salamat po." Siya na ang naglagay ng panyo sa kanyang noo.
"Pasensya na po sa abala." Paghihingi niya ng pasensya sa kanyang tinutuluyan ngayon.
"Ano ka ba, huwag mo iyong alalahanin, Gerald, samahan mo muna ang dalawa rito." Utos naman ng ina nito.
Tumango lang ito noon, lumabas na rin si Aleng Laica, para rin makapagpahinga ito.
Napabuntong-hininga ang kababata niya.
"Anong nangyari sa iyo? Naglalakbay ka na naman ba?" Tanong nito sa kanya.
Tanging tango lang ang kanyang nagawa noon. Hindi niya alam kung saan siya magsisimulang magkwento. Sa dinami – raming impormasyon ang kanyang nakita kanina.
Napansin niyang tumigil na magdugo ang ilong niya. Kaya naman, tinigilan na niya rin ang paglagay ng ice cube sa noo niya.
"Magbihis ka na muna." Iyon lang ang nasabi ng kanyang kababata at agad namang lumabas sa kwarto.
Sila na lang dalawa ang nandoon sa kwarto. Agad tumayo si Ericka, kinuha ang kanyang mga gamit, at nag-umpisang maghanap na kanyang susuotin.
Hinubad niya ang kanyang damit, tiningnan ang mga dugong napunta sa kanyang damit pantulog.
Napabuntong—hininga na lamang siya.
Kailangan ko nang makausap si Thalia sa madaling panahon. Iyon lang ang paulit-ulit niyang sinasabi sa kanyang isipan.
NAGTATAGO si Thalia ngayon; napadpad siya sa basement sa kasamahan ng kanyang kapatid. Nasaksihan niya ang mabilis na pangyayari sa mga mata niya. Nanginig ang kanyang buong katawan, nandoon pa rin siya sa lilim ng kahoy tinatago ang kanyang presensyang hindi siya dapat mapansin.
Isabel? Anong ginagawa mo rito? Bakit mo pinapahuli ang mga babaeng iniligtas nila at bumalik sa impyernong warehouse na iyon? Sunod—sunod ang kanyang tanong sa kanyang sarili na alam niyang hindi pa kayang sagutin ng kanyang mentalidad ngayon.
Nagkatotoo na ang kanyang mga nakikita sa kanyang paglalakbay.
Bigla na lamang siyang inatake at nagkaroon ulit siya ng paglalakbay.
Nakikita niya na naman ang pangyayari. Kutsilyo at isang babaeng nakatayo na may tinitingnan, nabigla siya sa kanyang nasaksihan, nakita niya ang kanyang sariling duguan at wala ng buhay, tinitingnan niya ang pumaslang sa kanya.
Isabel. Napasabi sa kanyang isipan. May narinig siyang putok ng baril na nanggaling sa likuran niya, bumagsak ang katawan nito, at nakita niya si Ericka.
Napasinghap siya noon. Ito’y isang babala—babala na kailangan niyang iwasan. Nabalik siya na nakasandal sa kahoy; tumatahimik na ang paligid. Maingat siyang gumalaw; inoobserbahan niya ang paligid.
Alam niyang may kasama pang isang babae na kung saan nagiging spy rito sa isang basement, naririnig niya ang putukan, siguro kasamahan ng kanyang kapatid. Pero, huli na ang lahat nang dumating iyon.
Kilala niya ang babaeng kasama ni Isabel, walang iba kundi si Tricia.
Matagal na nila itong pinaghandaan para malaman kung sino ang puno’t dulo ng pag-aalsa sa organisasyon. Hindi ko inaasahan na ganito na ang mangyayari. Kailangan makita ko at mahanap ang ebedensiyang tinago ni Kuya Fernan.
Nakita niya ang basement; ewan ba niya kung bakit tinitigan niya ito, kusang pumasok siya sa loob.
May narinig siyang umiiyak. Hinanap niya ito. Napapapikit ang mata ni Thalia sa kanyang nakikitang trahedya; kay raming namatay bago pumasok ang bagong umaga. Hinahanap niya ito, dahil napansin niyang may tao; tumigil ito sa pag-iyak.
Hinanap niya kung saan-saan na maaring pagtaguan ng isang tao. Dali—dali niyang pinuntahan ang cabinet noon. Binuksan niya ito. Nakita niya ang isang babaeng duguan na may tamang daplis ng bala.
Nagulat pa ito sa kanya, may hawak-hawak itong isang kutsilyo.
"Sino ka? Sino ka?" tanong nitong paulit-ulit sa kanya.
"Huminahon ka, huwag kang mag-aalala, hindi kita sasaktan." Panigurado niya sa babae.
"Huwag mo akong lokohin, huwag, kasamahan mo ba si Tricia?" tanong nitong dumaloy bigla ang luha dahil sa takot nito.
"Hindi, kilala ko silang "D—Delta" at si "B—Beta"," naalala niya ang codename na ibinigay sa kanya.
Nakita niyang kumalma ito; may yabag silang narinig. "Halika na," pabulong nitong sabi.
Dali-dali itong lumabas, nagtago na muna sila, may taong naglalakad pabalik-balik.
"Tricia, halika na." Isang boses babae ang narinig niya.
"May narinig akong boses." Sabi naman nito.
"Walang tao rito, Tricia." Napabuntong—hininga naman ito.
Hindi pa rin nagpatinag ang kasamahan nito, nagdarasal siyang hindi sila makita. May bigla na lamang kumalampag na gamit noon, kaya naman, dali-daling pinuntahan iyon ng dalawang babae.
Sinenyasan niya itong lumabas, dumaan sila sa backdoor na sila lang nakakaalam. Nagpapasalamat siyang hindi pa alam nang lubusan ang pasikot-sikot ng basement, agad silang kinain ng kadiliman, hinila niya ang babaeng iniligtas niya.
Gamit ang kaalaman ni William, ay nagamit niya rin ito, pero alam niyang hindi pa niya lubos alam ang mga posibleng labasan nito.
"May kasamahan ka pa ba doon?" liningon niya ang babae na hila-hila niya.
Umiling-iling ito, "Nailigtas ng ibang tagapag-alaga ang iba noong dumating ang tumulong sa amin, subalit, halos lahat sa kasamahan kong babae ay nahuli at ibinalik sa warehouse." Takot na takot ang boses nito,
Nagpapasalamat siyang may nailigtas pa ito, subalit, nanlulumo pa rin siya dahil babalik ang mga babaeng iyon sa warehouse.
Nakita na niya ang pwedeng kalabasan sa mga babaeng nahuli; napapikit siya noon. Napabuntong-hininga siya.
Pupunta siya sa malapit na kubo na alam niya. Habol—habol niya ang kanyang paghinga noon.
"May alam ba si Tricia sa ibang kubo?" tanong niya sa babae.
Gulong—gulo ang isipan nito at napailing—iláng na lamang.
"Iyon lang ang alam namin." Sabi pa nito.
"I see, alam ko na saan dinala ang iba mong kasamahan." Sabi pa niya.
Noong nakatapak na siya, may bigla na lamang mga armas na humarang sa kanya. Kaya naman, napataas na lamang siya ng kamay noon.
"Wait, kilala ko siya." Sabi naman ng lalaki.
"Sige na papasukin mo sila rito." Boses iyon ng kanyang pinsan.
Sinenyasan pa ito ni Vince.
"Bago pumasok ang kasamahan mo, please kapkapan mo muna siya; baka may nakalagay na tracking device sa kanya." Hindi niya kilala ang lalaking kasama ng kanyang pinsan noon.
"Ikaw na mismo ang kumapkap, Ta." Utos naman ng kanyang pinsan. Ginawa na lamang niya ang inutos nito.
Wala naman siyang napansing tracking device nito sa katawan; kinapkapan pa niya ito nang may mapansin siya.
"Ano ito?" tanong niya sa pinsan niya.
Tila isang maliit na phone ang nakalagay dito.
"Don’t worry, kay William iyan." Kinuha ni Vince iyon sa kanyang kamay.
"Pwede na kayong tumuloy." Sabi pa nito sa kanila.
Pagpasok niya, agad niyang nakita ang ibang kababaihan na nailigtas. Nabibilang lamang sa kamay ni Thalia ang mga babaeng nailigtas. Muli, siya ay nanlumo sa kanyang nasaksihan.
Nakita pa niyang may yumakap sa babae na nagngangalang Fiona.
"Gamutin na muna ninyo ang sugat niya." Utos ng kanyang pinsan.
"Sabihin ninyo sa akin kung may napansin kayong kakaiba." Sabi naman ng lalaking katabi ng pinsan niya.
Nakita niya si William na abalang-abala sa laptop nito.
"May mahahalaga bang mga impormasyon ang nandoon?" tanong niya rito.
Napabaling naman si William sa kanya. "Yeah, but, binura at sinira ko na rin, thanks for helping, Zenne."
"Welcome." Sabi naman ng nagngangalang Zenne.
"I’m proud of you na nakarating ka rito ng ligtas, nag-aalala ako bigla na wala ka na sa pinangyarihan at napasali sa mga babaeng nahuli." Sabi pa nito, hindi pa rin nawawala ang mata nito sa screen ng laptop.
"Mailigtas ba natin ang iba?" tanong naman niya noon na nag-aalala.
Napabuntong-hininga na lamang ito sa katanungan niya. "We will do our best para makuha ulit natin ang mga iyon. I’m just hoping that hindi na sila isang bangkay."
Napakuyom na lamang siya. Pero, ano ba ang magagawa niya? Hindi siya pwedeng umastang isang bayani kung hindi naman niya kayang iligtas ang kanyang sarili.
Napaupo na lamang siya. Kailangan niyang mag-isip ng paraan.
Maglakbay kaya ako? Kaya ko kaya itong gawin? Napasabi sa kanyang isipan.
May bigla na lamang nagbigay sa kanya ng isang tasang gatas noon.
"Inumin mo na iyan, habang mainit pa." ginulo na lamang nito ang kanyang buhok. Tumango na lamang siya.
55Please respect copyright.PENANAyRT3V4vxvP


