NAKAHALUMBABA si Jake, habang nakikinig sa pag-uusap nila ngayon, napabuntong-hininga na lamang siya, may inaantay pa silang isang tao.
Tahimik lang silang nag-aantay sa screen, may trabaho pa siyang kailangang tapusin, bigla na lamang may pumasok na isang tao at ito ang kanilang inaantay.
"You’re late." Rinig niyang sabi sa kabilang screen na si Vince kilala sa tawag bilang "beta" sa kanilang maliit na organisasyon laban sa pamilyang Fuego.
Nakita pa niyang ngumisi lang si Felix. "Sorry." Iyon lang ang tanging narinig niya sa tinaguriang alias na "alpha."
"Can we proceed now?" tanong naman ni Charles sa kanyang kapatid sa labas, na pareho rin niyang nag-oobserba sa paligid.
Bigla na lamang nag pop-up ang screen nila, isang larawan ng lalaki.
"Ano na naman ba iyan, Alpha?" Tanong agad ni Zenne kilala sa alias na "Charlie."
"Iyan ang pag-uusapan natin. What do you think? Kilala ba ninyo iyan?" tanong naman nito sa kanila.
"Hindi namin kilala iyan, but can you explain to us what happened now, Alpha?" Tanong naman ni William kung kilala sa tawag na "delta" na may kinukulikot ito.
"Siya ang spy na sumusunod sa akin," agad sabi nito sa kanila.
Naagaw kaagad ang atensyon niya pati kay Charles.
"Oh, talagang nagtatrabaho din ang ama nilang papalihim, tutudasin talaga tayo nito, kapag hindi tayo nag-iingat." Napabuntong—hininga na lamang si Vince.
"Iyong pinatrabaho ko? How was it, Vince?" tanong naman ni Charles.
"Don’t worry, don’t worry, ginagawa ko ang trabaho ko, para mahuli ang sinasabi mong spy sa organisasyon natin."
"Oh, I see. I see, magiging interesante ang pag – uusap natin ngayon," ngumisi naman si William, halatang may nahanap naman itong impormasyon. "Check it out." Agad nilang nakita ang impormasyon na sinusundan si Felix.
"Alexander Nathaniel Fuentes." Sabi nito,
Agad nangunot ang noo ni Jake, at napatitig siya sa pangalan at anyo ng lalaking nasa screen niya.
Fuentes, nasaan ko ba narinig iyang apilyedo na iyan? Kinakalkal sa kanyang isipan kung saan niya narinig ang pangalan na iyon.
"Oh, he has a sister named Isabel Brenda Fuentes, nag-aaral ..." tiningnan siya ni Zenne.
"Kilala mo ba ang kapatid niya?" tanong naman ni William sa kanya.
Napabuntong—hininga na lamang siya. "Yeah, kilalang—kilala ko ang batang iyan dahil kaklase iyan nilang Thalia at Ru--- No, Chesca." Sabi pa niya, kaya familiar iyon sa kanya dahil palaging ang kapatid nito ang dumadalo kapag may parents-teachers meeting silang nagaganap sa school.
"Kung kilala mo ang batang iyan, at advisory mo pa ito. It’s a crazy thing, pero, malakas ang loob ko na matagal na nitong alam ang totoong pagkatao ni Chesca, simula pa lamang." Direktang sabi ni Felix.
"How are you sure about that, Felix? Can we escape that his sister is innocent to this case?" tanong niya rito.
"Oh no, sabihin mo sa amin kung ano ang family background ng mga Fuentes, dahil ikaw na mismo ang nagha-handle sa kapatid niya." Sabi naman ni Felix sa kanya.
"Bakit mo sinasabi na kailangan kong ibahagi ang pribadong buhay ng estudyanteng nasasakupan ko, Felix? Pwede bang huwag muna tayong tumalon sa isang bagay na puro haka-haka lang?"
Napabuntong-hininga na lamang ang kausap niya. "Kaya nga nagtatanong ako sa background ng pamilyang Fuentes, para itama ang haka-haka ko di ba?" Tanong naman nito sa kanya.
"Oh, shut up, you two." Iyon lang ang tanging narinig nila kay Vince na nakikinig sa kanilang pagtatalo.
"Matatalino ang magkakapatid na Fuentes, lalong-lalo na ang kapatid niyang si Nathaniel. Hindi ko masasabing sino ang mas mahigit na matalino sa inyong dalawa, Felix. Sinasabi rito na nakapagtapos ito sa abogasya, and he easily passed the bar examination for a lawyer."
"Interesting." Iyon lang ang narinig niya kay Charles.
"He came from a wealthy family, at side ito sa pamilya mo, Charles." Sabi pa ni William.
"Hindi na ako napabilang sa Socorro-Fuentes clan; napabilang ako sa Roman, kung saan isang simpleng pamilya na pinatay ang kaisa-isa kong kapatid na babae. Whether you call me an illegitimate child, I really don’t care about that." Sabi pa nito.
"Forget that illegitimate child thingy. Kaya mo bang pantayan ang takbo ng utak niya, Charles?" tanong naman ni William.
"Matalinong taong babanggain natin, at how much more, he’s a lawyer, and I bet, personal lawyer din sa pamilyang Fuego." Iyon lang ang sabi ni Vincent na tiningnan sila isa-isa.
"I admit that her sister also has a bright future; she’s a mature one, kagaya rin sa ugali ni Thalia na tahimik lang, pero, I don’t know why, bakit hindi naging magkaibigan ang dalawa. Well, nakikita ko rin sa klase na hindi siya close sa mga classmate niya." Pagsasalaysay niya noon.
"Kapag may activity sa school, kapag napabilang si Isabel sa isang grupo, she’s a bossy one. Pero matalinong bata, her world is always revolving in competition, Thalia got first in top of my class, she never approached her nicely, hindi ba nasabi ni Thalia sa iyo na may umaway at calling ‘names’?" tanong naman nito kay Felix.
"Hindi mahilig magsumbong iyon sa akin; siguro pinalampas lang niya iyon because my sister loves peace." Napailing na lamang ito sa kanya.
"Hmm, kung ganoon ang kapatid niyang babae sa school, I guess we will expect the worst enemy we have." Sabi pa ni Vince.
"As I told you before, huwag nating idamay ang batang si Isabel dito, ang kuya ang kalaban natin, hindi si Isabel." Sabi naman ni Jake.
"Jake, I know you have a brother," sinipatan pa niya si Charles na tahimik lang noon.
"Pero, sa lahat ng sekreto ng isang tao sa pamilya lalong-lalo na malapit ka sa kapatid mo, may isang taong nakakaalam kung sino ka talaga. Correct me if I’m wrong, our case sa pamilyang Tejero –Blanco, we keep that secret, pero, malalaman at malalaman pa rin ito." Sabi naman ni Felix sa kanya.
"Bakit hindi ka na muna magpakaguro ngayon? We get it that is your profession as a teacher na kailangan mong protektahan ang batang nasasakupan mo, but the worst possible thing is that person you protect is the one who will kill us."
"Remember what I always say to you, Jake. Never let your own judgment ruin your decision."
"I get it, I get it, William, huwag mo na akong pangaralan pa." napabuntong—hininga na lamang si Jake noon.
"So? Ano ba ang mga hakbang natin?" tanong naman ni Charles.
NAPABALING ang atensyon ng lahat kay Charles, inaalam pa rin ni Zenne kung sino ang mga nadadawit na posibleng magtataksil sa organisasyon nila.
Mag—away na muna kayo riyan; may tiningnan pa akong mga posibilidad na mga tao rito. Napasabi sa kanyang isipan at napabuntong-hininga na lamang.
Tinutulungan niya si Vince, dahil marami na rin itong problemang kinakaharap nila ngayon.
"Hmm, what do you think, William?" tanong naman ni Felix.
"Kaya mo bang makipagsabayan sa kanya, Charles?" tanong naman ni William kay Charles.
Napabuntong-hininga na lamang ito.
"If he wants to play games with me, I will give him a fair play." Sabi pa nito.
"I love that confidence," napasabi naman ni Felix.
Ayan na naman silang dalawa. Napailing na lamang si Zenne sa kanila.
"Awatin mo iyan, Vince." Tanging sabi niya sa screen.
"What do you think, Felix, kaya mo bang sabayan ang utak niya?" tanong naman ni Charles.
Ngumiti lang ito nang makahulugan. "Ang tanong, kaya ba niyang hulaan ang nasa isipan ko? I admit he’s a remarkable foe; nadagdagan naman ang problema natin." Napailing – iling na lamang ito.
"Felix, we get it, hindi mo na kailangang ipamukha sa amin iyan."
"Please, we need to end this; marami pa tayong pag-uusapan pa." napabuntong—hininga na lamang si Jake noon.
"Hmm? Solution? Papasok ako sa mansion ng mga Fuego." Sabi naman ni Felix.
Napatingin ang lahat kay Felix, pati si Zenne napatitig sa kanyang screen at tiningnan ito, kung tama ba ang pagkakarinig niyang papasok ito sa mansion ng Fuego.
"Are you out of your wits now, Felix?" tanong naman ni Charles.
"Felix, solusyon ang kailangan natin ngayon." Sabi naman ni Vince. "Gusto mong mamatay kaagad?" tanong ni Vince sa pinsan nitong napailing—iling na lamang.
"Solusyon ba iyon? Dinagdagan mo lang ang problema natin sa naiisip mong kabaliwan." Napailing na lamang si Charles at nagbuga pa ito ng hangin.
"Kaya nga tinanong kita kung kaya ba niyang makipagsabayan sa takbo ng isipan ko, this is my resolve, para malaman natin nang direkta ang bawat hakbang lalong-lalo na si Don Bernard Fuego." Sabi pa nito.
"Okay, we get it," napabuntong—hininga na lamang ang pinsan nito. "Sa paanong paraan ka makakapasok sa bulwarte ng mga kalaban natin?" Tanong naman nito.
"Alam mong blacklisted ang apelyido nating Blanco-Tejero, at kapag pumasok ka doon, magtatanong si Giovane sa akin kung kaano-ano kita." Napabuntong—hininga naman ito sa pagpapaliwanag, iniisip din ni Zenne ang mga posibilidad na mangyayari kapag nagkaganon.
"Kilalang-kilala ang apelyido na Blanco dahil sa pagkakadawit ng iyong ina noon sa unang asawa ng hayop na iyon." Sabi pa ni Vince.
"Vince, pinsan mo ako, you could trust me, sinabi ko bang dadalhin ko ang apelyido ko? I could not take the risk na mapahamak pa ang mga angkan natin, sino ba ang may gawa sa mga papers ni Mikaela at Chesca noon?" tanong naman niya sa kasamahan niya.
Nag-iisip-isip naman si Vince sa pinagsasabi ng kanyang kaharap.
"Ha---! I surrender. Bakit ba ako nakikipagtalo ako sa iyo, kung alam mo naman paano lusutan iyang problema mo." Sabi pa ni Vince na napailing—iling na lamang.
"Hindi ka basta-basta makakapasok doon. Kung alias lang ang gagamitin mo, they will check your background, bago ka makapagtrabaho sa mansion." Sabi pa ni Charles.
Ngumisi lang si Felix kay Charles. "Kaya nga tatanungin kita, kung paano mo napaikot ang dalawang Fuego, na kinukubli na ikaw ay isang Roman, Charles, how will you do it?" tanong nito kay Charles.
"Alam kong may mga tips ka sa akin; care to share about it, Charles?"
Napatahimik si Charles sa pinagsasabi ni Felix.
Hindi ko alam kung anong utak na nasa loob ni Felix ngayon.
Tinitingnan niya ang CCTV sa bawat kubo; may umagaw sa kanyang atensyon. Nakita niyang may nakapasok sa kubo at may hawak itong isang USB na may tinatawagan sa phone nito. Sa isa namang cctv na naagaw sa atensyon, may umatake sa basement kung saan itinatago ang mga dalagang nailigtas nilang William noon.
Napalunok siya, hindi niya nakita ang mukha dahil nakatabon ito, pinatay ang mga inosenteng nagbabantay sa kubo nilang William.
"Gods," pabulong niyang sabi.
"May problema ba?" Tanong ni William sa kanya.
"Umaatake na ang spy, and the worst thing is, inatake ang basement ng mga iniligtas mong kababaihan."
"What!?" gulat na tanong ni William na napatayo sa upuan nito. Agad kinulikot ang phone at tinawagan, kita sa mukha nito ang pagkabalisa.
Agad niyang ibinahagi sa kanya—kanyang screen sa mga kasamahan niya.
Napakunot ng noo si Felix at si Vince.
"Oh no, isa sa mga kababaihan ang spy na binayaran ng mga Fuego, William; how are they?" tanong naman ni Felix na naalarma.
Agad nag-send si Felix ng isang larawang kuha sa CCTV na galing din sa kanya.
"Mukhang huli na tayo ah." Sabi pa ni Vince. "One step ahead, isa sa mga babaeng tinulungan natin ang nagtaksil."
"Tinawagan ko na ang ibang kasamahan natin sa organisasyon." Sabi naman ni Vince.
"Piliin mo ang mga taong ito," agad nag-send si Charles ng mga pangalan, larawan, at impormasyon sa screen ng iba.
"It will be catching those persons who are betraying this organization."
Tiningnan naman ni Zenne kung sinong pinaghihinalaan nito; nagkatinginan sila ni Vince na tama din ang kanilang hinala.
"Monitor them, Zenne." Utos ni Charles sa kanya.
Tumango na lamang siya at nakipag-cooperate sa ibang kasamahan na mailigtas ang mga babae, dahil alam niyang dadalhin nito sa warehouse.
"We will get ready for the worst thing that happened, baka papaaminin nila ang mga nailigtas natin, kapalit ang kalayaan nila kung sino—sino ang mga taong tumulong sa kanila."
"We need to dismiss our meeting urgently, Vince. Observe Thalia; nakikita kong malapit na silang magkita, at may isang babaeng makakasama sila, either, si Isabel o ang babaeng nakatakas sa kaguluhan ngayon sa basement."
Naniniwala siya sa premonition ni Felix; kahit gaano iyon mag-isip, hinding-hindi nagkakamali ang premonition nito.
Kasali si Isabel ha? So, she knows and tinulungan ang kapatid niyang lalaki. Napasabi sa kanyang isipan.
Kailangan niyang alamin ang bawat pagkatao nito para maibahagi ang impormasyong nalalaman niya.
Bago ang lahat, tutulong na muna ako sa basement. Agad siyang tumayo, naghanda, at nagbaon siya ng baril; hindi niya alam kung anong madadatnan niya doon.
Mas maiging handa sa lahat. Agad siyang lumabas sa kanyang lungga noon para tulungan ang basement ni William.
52Please respect copyright.PENANA0BxXVa9Nn6


