TATAKBO na sana si Thalia nang dali-daling nahawakan ang palad niya. Tinatambol ang dibdib niya sa kaba, habang sinusundan ang anino ng taong kanyang nakita kanina. Hanggang siya nakarating sila sa isang kubo na kung saan minarkahan niyang safe place sa mapa.
Akala niya huling hininga na niya, dahil naramdaman niya ang matulis na bagay sa kanyang leeg at tinutukan siya ng baril noong nakatakas siya sa pagkakataong ito.
"Saglit, huiwag kang matakot." Sabi pa ng isang estrangherong lalaki na kilala ang kanyang pangalan.
Nagulat na lamang sila na may mga kaluskos silang narinig patungo sa kanila, kaya agad siyang hinila ng lalaking hindi niya kilala. Tinakpan ang kanyang bibig para hindi siya makalikha ng ingay at hindi sila matunton kung saan sila nagtatago.
Nagmasid lang ito; siya rin ay nagmasid kung sino ang susulpot sa kanilang paningin. Sa tulong ng flashlight, agad niya itong nakilala.
Wala itong kasama; gusto niyang pumalag at humingi ng tulong kay Vince noon.
"Thanks, God." Iyon lang ang narinig niya. Pinakawalan siya, at si Thalia naman, agad nagtungo kung nasaan si Vince.
Dali—dali siyang inilawan at napansin pa niyang dadakmahin nito ang nakatagong baril.
"Kuya." Agad niyang tinawag at dali-dali siyang nagtago sa likuran nito na parang bata. Lumabas ang estranghero na lalaki, at napansin niyang kumalma rin ito noong nakita si Vince.
"William." Pagkilala naman ni Vince sa istranghero na muntik na siyang patayin. Tiningnan naman siya pabalik ng pinsan niya; nagtatanong ang mga mata nito.
"Pumasok tayo sa kubo, wala namang nakasunod sa atin." Sabi pa ng kanyang pinsang tinitingnan ang madilim na masukal na kagubatan.
Napansin niyang may sekretong lagusan ito na papunta sa isang basement.
Kagaya ba ito noong nagtago kami habang hinahanap kami ni Sir Jake? Napatanong sa kanyang isipan habang nakasunod na lamang sa dalawang lalaki.
Napansin niyang maliwanag ang paligid, nakita niya ang isang dalagang kaedaran niya na sumalubong sa kanila ngayon.
"Bakit hindi pa kayo natutulog?" Tanong naman ni Vince sa mga dalagang nandoroon, may sumalubong din sa kanila ng isang lalaking nasa katanghalian na ng gulang. Tantiya ni Thalia ay nasa mid 30’s ito.
Sinenyasan pa ng lalaki ang mga dalaga na magsipunta sa silid at hayaan silang mag-uusap-usap.
Minasdan naman siyang mabuti ng lalaki; hindi siya naging komportable, kaya humakbang siya patungo sa likuran ni Vince.
"Bago ba na niligtas ninyo?" tanong naman nito.
Niligtas? Napatitig siya sa isang lalaking kasama nito kanina pa.
Umiling—iling ang nagngangalang si William.
"Actually, I tried to kill her."
Napansin ang pag-iba ng ekspresyon ni Vince na nakikinig lang, "What do you mean by that, William?" tanong naman nito.
"Let me explain, okay? Pagkatapos ng pag-uusap natin, napagpasyahan kong maglibot-libot na muna, hanggang sa may mga matang nakamasid sa akin, kaya naman napunta kami rito, and thank God, nasilayan kong si Thalia pala ang nakamasid kanina. Look, hindi ko iyon sinasadya."
"Thalia?" tanong naman ng isang lalaki.
Nakikinig lang siya sa pag-uusap noon; nalilito na siya sa daloy ng pangyayari.
"Kapatid ni "Alpha"." Sabi pa ni Vince.
Napakunot naman ng noo si Thalia, napapansin niyang maingat ito sa pinagsasabi ngayon.
Si Kuya Felix ba ang tinutukoy nila? Tanong naman ng kanyang isipan noon.
Napatango—tango na lamang ang lalaki na tinitigan siya.
"I see, ito iyong pinakiusap ni Alpha sa akin kapag nagkagipitan."
Tumango naman si Vince bilang pagsang-ayon.
Nahanap niya ang kanyang boses. "Kasamahan ninyo si kuya rito?" tanong naman niyang nalilito.
"Yes." Agad sagot ni Vince.
"Alam ba ni Thalia ang trabaho mo?" tanong naman sa nagngangalang William.
"Yeah, why did I keep it secret? Kung alam ko na ang tumatakbo sa isipan ng babaeng iyan? Napadpad siya rito para mag-imbestiga sa nangyayari ngayon, dahil, alam kong ginugulo iyan sa magkakapatid."
"I see, she’s also a gifted one." Agad pagsang—ayon ng lalaki.
"Gifted one? Oh, ayoko na ring magpapatumpik-tumpik pa, Thalia, kilala mo si Jasmin at Ericka, di ba?" tanong ng nagngangalang William.
Napatitig kaagad siya sa mukha ng lalaki noon, at hindi niya alam ang isasagot. "Oo, kilala ko silang dalawa, dahil si Jasmin ang namatay at nagsakripisyo sa amin noon," sagot niya.
"Alam ko kung bakit pinapatay si Jasmin, at nakikita ko sa hinaharap na uuntiin kami na kasamahan niya, kaya nga umiiwas akong makita silang dalawa." pag-amin niya.
Dahil bago pa lang siya napadpad sa lugar na ito, nakita niyang mapapahamak silang tatlo kapag nagkita sila.
"Hindi mo maiiwasan iyon, Thalia. Ilang ulit ko ng sinabi sa iyo, hindi mo mapipigilan kung ano ang itinakda sa iyo." Napabuntong-hininga na lamang ang pinsan niya.
"Anong dahilan ng pagkapahamak ninyo?" tanong naman ni William sa kanya na nag-iisip.
"May nakasubaybay sa galaw ni Chesca, nakikita kong hindi ito nanggaling sa organisasyon na kung saan kayo napabilang, ang ama ni Chesca ang nagsusubaybay sa galaw nilang magkakapatid, pati na rin si Mikaela." Bulalas niyang sabi.
Natatakot na rin si Thalia sa mangyayari, ang muling pagbabalik ni Mikaela sa mansion. Nakikita niya ang sarili niya kasama ang kanyang kapatid na si Jenny sa isang madilim na kwarto na nakatali ang dalawa niyang kamay. Hindi lang silang dalawa, kundi pati na rin sina Chesca at Ericka.
"Kaya mo na palang makita ang mangyayari, and it's very precise, then? Iniiwasan mo silang Ericka na makita?" tanong naman ni Vince sa kanya.
"Ginagawa ko lang ang parte ko, dahil kapag nahuli kami at makatakas, alam ko ang pasikot—sikot rito na maaaring magligtas sa amin, at doon makikita ko, makikita ko ang hinahanap ni Kuya Fernan."
Nakita pa niyang napangisi lang si Vince sa kanya, saka, ginulo ang buhok niya noon.
"Alam ba ito ng kapatid mo?" Tanong ng pinsan niya.
"Hindi ko na kailangang sabihin pa sa kanya, dahil alam kong may pinaplano ito." Sabi pa ni Thalia.
"Alam na alam mo talaga ang galawan ng kapatid mo." Napatawa pa ito nang mahina.
"Well, bago pa magtagpo ang landas ninyong tatlo at bago pumunta si Mikaela sa mansion, kailangan mo ngang malaman ang pasikot – sikot dito. Kung nahuli ka kaagad ni William, hindi pa sapat ang nalalaman mo sa lugar na ito, Thalia."
Hindi siya nagsalita noon; alam din niya ang pinaplano ng kanyang pinsan.
Bakit ba nananalaytay sa amin ang dugo ng mga Blanco at Tejero? Napatanong na lamang ulit sa kanyang isipan.
NAKAMASID si Felix sa nangyayayari ngayon sa politika lalong-lalo na sa kanyang tinitiktikan ngayon. Nakasoot siya ng sombrero at facemask na tumakip sa kanyang buong mukha, at tanging mga mata lang ang nakikita.
Siya ang utak ng lahat kung bakit hindi nagtatagumpay ang bawat illegal na transaksyon ng Fuego pati na rin sa black market; unti-unti niyang sisirain ang mga ito, habang inaangat ang baho ng Fuego na hinahangaan ng iilan.
Alam din niyang tinitiktikan din siya, pero, hindi sa anak nanggaling, kundi sa kanilang pinakamalakas na tao sa grupo nito. Alam niya iyon, ang galawan ng may tinitiktikan na isang tao.
Ah, hindi ko maipagkakait na mahuhusay ding magmasid ang hinire nito. Bakit kaya pumasok din ako sa lungga ng kalaban bilang isang spy? Tanong naman ng kanyang isipan noon, napatawa siya sa iniisip niya.
Why not? Napatanong naman niya.
Tingnan natin kung ano ang mangyayari. Kung kaya ko bang baguhin ang isinusulat ng tadhana sa mga palad naming magkakapatid? Napasabi naman niya.
Siya ang nagpakalat sa mga iskandalosong pagbabato sa pagkatao ni Bernard Fuego.
Hindi naman iyon scandal, katotohanan iyon. Salungat ng kanyang makulit na isipan.
Muli niyang binuhay ang paksang mainit sa mga mata ng media at sa ibang plataporma ng politika; muli niyang binuhay ang pagkawala at pagkamatay ng dalawa nitong kapatid na sabay, dahil nabaliktad ang kaso noon na kung saan pinakulong ang walang kalaban—laban at inosenteng tao na nagiging testigo sa pagkamatay ng dalawang dalaga.
Testigo na kung saan malaki ang laban nila, pati na ang pagpaslang sa kanyang magulang noong mga bata pa sila, pinatahimik ang buong angkan. Siya na ang gagawa; kung hindi kusang lalapit ang hustisyang matagal na pinagkakait, hihilahin niya ito nang marahas para lumapit ito sa kanya.
Dahil madumi ang politika, sinabayan niya ang pag-alam ng katotohanan, gamit ang pwersa ni Charles, kahit man spy ito sa kabilang grupo, mas madaling manipulahin ni Charles ang nangyayari sa loob ng organisasyon, gamit ang mga impormasyon din ni Mikaela.
Hinayaan din na muna ni Felix si Jake sa ginagawa nito. Napabuntong—hininga na lamang si Felix.
Naka-buntot pa rin ang kaluluwang si Fernan sa kanya, ilang buwan na rin ang itatagal ang alaala nito, bago pa mangyari iyon, makikita na nito ang hinahanap at liwanag, alam niyang pagod na rin ito sa pabalik—balik at gusto ng magpahinga.
Tiisin mo, Fernan. Matatapos din ito, makapagpahinga na kayo, makababawi na rin ako sa inyo.
Naglakad-lakad na muna siya; sinusundan pa rin siya hanggang ngayon. Madali itong ligawin. Nagtago siya at nagpalit ng kanyang soot at tinanggal ang mga nakatakip sa kanyang mukha. Hindi siya muling dumaan sa pinagtaguan niya.
Nakasalubong pa niya at nasilayan ang mukha nito.
Sabi ko na nga ba, hindi sa organisasyon, kundi sa pamilya mismo ng Fuego nanggaling.
Inaalala pa rin niya ang babalang sinabi ng kanyang premonition na alam din ng kanyang pinsang si Vince, na may nagtatago ring ahas sa sekretong organisasyon nila.
Puno na ang kamay niya, kailangan na niya ang tulong nilang Zenne at William, dahil alam niyang mahusay rin ito.
"Excuse me," tawag ng lalaking sumunod sa kanya.
Napahinto naman siya at nilingon ang lalaki; nakasuot siya ng kanyang uniporme na nagtatrabaho sa maliit na convenience store. "Bakit?" tanong naman niya rito.
Nagkatitigan pa sila, kinilatis siya ng tingin.
"Nothing." Agad itong naglakad papalayo sa kanya.
Napatango na lamang siya, naghikab siya at papalihim na tiningnan ang papalayong lalaki.
Mukhang magaling iyon mangilatis ng tao ah, well, mag – iingat na lang ako, kilala ko ang mukha nito, baka kilala ito ni Charles o ni Jake.
Papalihim niyang kinunan ang lalaki na hindi man lang siya nagpahalata; agad siyang naglakad pa, dahil may gagawin pa si Felix. Napansin niyang nakamasid pa rin ang lalaking kanyang nasalubong.
Napangisi na lamang siya.
Mapapasabak yata ako ngayon. Napasabi na lamang niya sa kanyang sarili.
Uuwi na muna siya sa bahay, doon, walang nakamasid sa kanya.
Imbes na pupunta siya ngayon kay Jake, tatawagan niya na lamang niya ito.
Kailangan na nilang magpalitan ng plano, maraming plano kapag pumalpak ang isang plano, pagpanhik niya sa kanilang tahanan, nakita niya si Jenny na natutulog.
Naglalakbay na naman ba ito? Napatanong sa kanyang isipan, sinasabi ng kanyang kapatid na nakita niya ang pinagdaraanan ng kanyang pinsang si Fernan, kung paano ito napaslang nang gabing iyon.
Dahil din doon, ito ang nag-udyok kay Jenny na tulungan si Mikaela sa muling pagbabalik sa tahanan ng mga Fuego sa bayan ng Regondo, kung saan nandoon ang pag-aari ng Fuego.
Kailangan niyang pagplanohan nang maigi, dahil kapag wala siyang magandang plano, magiging palpak ang matagal na nilang pinagplanuhan.
Noon pa, alam na niyang madadawit at madadawit ang kanyang mga kapatid sa gulo. Gulo na hindi madaling wakasan, sinimulang laban ng kanyang magulang, hanggang sa kasalukuyan. Hindi siya makapapayag na mapahamak ang mga kapatid niya.
"Kuya?" tawag ni Jenny sa kanya.
Nagpalamon na naman siya sa kanyang iniisip ngayon.
"Nasaan si Greg?" tanong naman niya.
"Nandoon sa kwarto ninyo po, natutulog." Sagot naman nito sa kanya.
Napatango naman siya. "Pansin kong parang ang sama ng panaginip mo?" tanong naman ni Felix.
Napailing na lamang ang kanyang kapatid at nasapo ang noo nito.
"Nakikita ko ang mangyayari, nagdadalawang isip ako kung tutulungan ko ba si Mikaela." Sabi naman nitong nag-aalangan.
"Ano bang sinasabi ng puso’t isipan mo ngayon, Jen?" tanging tanong na lamang niya ulit rito.
Napaupo naman si Felix sa monoblock noon na tinitigan ang kapatid niya.
"Kailangang tulungan ko po siya, kuya. Bahala na. Bahala na," sabi pa nitong napapikit na lamang ito.
"Ellese, ito ang kagustuhan mong tulungan ang kakambal mo. Sana, hindi ka magkamali sa desisyon mong ako ang makakasama ng kapatid mo sa muling pagbabalik sa mansion." Rinig niyang sabi ng kanyang kapatid na babae.
Nagpakita si Ellese sa kanya, tumayo si Felix, at nilapitan ang kanyang kapatid. Ginulo na lamang niya ang buhok nito.
Tinapik niya ito, kailanman, nasa plano niyang walang mapapahamak sa kanyang mga kapatid. Sinusumpa niyang gagawin niya ang lahat bilang nakatatandang kapatid na protektahan ang kanyang mga nakababatang kapatid. Dahil simula sapol iyon na ang ginagampanan niya sa pamilya niya buhat ng mawala ang kanilang magulang.
"Papasok na muna ako sa basement natin." Sabi pa nito sa kanila.
Tiningnan siya nag-aalala nito, alam na ng kapatid niya ang trabaho niya, at hindi niya pinapayagang makapasok ang kapatid niya sa basement.
Dahil kailangan niyang panatilihin na walang nalalaman ang kapatid niya kapag nagkagipitan. Tinunton ni Felix ang basement, nakita niya ang nagkalat niyang mga papel, at sinirado niya ang pintuan.
Dahil sa apat na sulok ng kanyang silid, siya ang kilala sa tawag na "Alpha." Inayos niya ang mga folders at kinuha ang phone at laptop nito; alam niyang nakaantabay na rin ang iba niyang kasamahan.
Pumasok siya sa isang pagpupulong na ginawa ni Zenne.
"You’re late, Alpha." Agad bungad ni Delta sa kanya.
Hindi siya nagsalita pa noon. Makikinig siya ngayon, at isa-isahin ang mga posibleng mangyari.
55Please respect copyright.PENANAZtCEqdKPeX


