HABANG inaayos si Giovane, may biglang pumasok na lalaki sa loob na hindi naman niya pinatuloy. Hindi siya nagsalita at tinitigan lamang ang lalaking nakabalot ang mukha na kinukubli ang totoong hitsura nito.
May kinukuha ito sa kanyang jacket. Nabigla na lamang siyang bumunot ng baril; agad siyang pinutukan ng maraming beses.
Nagising na lamang siya sa kanyang panaginip.
What the heck is that dream? Napatanong na lamang siya sa kanyang sarili. Naging makalat na naman ang work desk niya; sinapo na muna niya ang kanyang noo at napabuntong-hininga na lamang.
What a weird dream.
May nakita siyang isang brown envelope noon; sa dulo ng kanyang lamesa inilagay. Sa pagkakaalala niya, wala pa ito noong naka-idlip siya at sa kanyang paggising kanina. Inabot niya ito, tiningnan ang kabuuan ng brown envelope.
Walang nakalagay na pangalan kung saan ito nanggaling; balot na balot ito. Agad niyang binuksan, at may nakita siyang mga larawan.
Tiningnan niya ito at kanyang kinilatis kung sino-sino ang mga nandoon sa larawan. May umagaw ng atensyon sa kanya, kaya naman tinitigan niya ito.
Sa larawan, may isang lalaking nakasuot ng shades at hindi niya naaninag ang mukha dahil naka-face mask ito at nakasuot ng sombrero; kausap nito ang kanyang pinsang si Jake.
Sino ito? Napatanong sa kanyang isipan. Isa-isa niyang tiningnan ang mga larawan, nagbabakasakaling baka makita niya ang pagmumukha ng lalaking kausap ni Jake sa isang larawan noon.
Walang malinaw na kuha kung sino ang lalaking nakakausap ni Jake. Pero, sa huling larawan, nasilayan niya ang mga mata nito dahil hindi ito nakasuot ng shades.
Napaupo siya, hindi niya alam sa sarili niya, nagsasabi ang isipan niyang nakita niya ang mga matang nasa larawan.
Ito ba ang tumutulong ni Jake? Nag-iisip-isip siya, malakas ang loob niyang konektado ito sa mga nangyayaring may nag-aambush sa mga transaksyon nilang mag-aama.
Malaking pala—isipan kung sino ang nagpahatid nito sa kanya. Hindi ito galing sa kanang kamay niyang si Charles, dahil iintayin siya nito kapag tapos na ang pagpapahinga niya.
Nagulantang na lamang siyang may tumawag sa kanyang phone. Tiningnan niya kung sinong tumawag sa kanya.
"Dad," bati niya sa kabilang linya.
"Natanggap mo ba?" tanong nito sa kanya.
Tiningnan niya ang brown envelope, and he’s smirked dahil nanggaling ito sa kanyang ama. "Yeah, I guess." Sagot naman nito sa kabilang linya.
"Alamin mo ang katauhan ng lalaking kausap ni Jake," utos nito sa kanya.
"Inaayos ko lang ang gusot na nangyari na nakabinbin ang pangalan mo, Dad." Napabuntong—hininga na lamang siya.
"Don’t mind me; let my secretary handle that. Ang mahalaga’y alamin mo kung sino ang nakakausap ng pinsan mo, dahil sabi ng spy ko may kinalaman ito sa mga transaksyong palpak." Sabi pa nito sa kabilang linya.
Nakinig na lamang siya ngayon.
"Right away, let Charles handle it."
"Tsk, tsk," iyon ang narinig niya sa kanyang ama sa kabilang linya. "Handle it personally, Giovane; wala akong tiwala sa Charles na iyon."
Napailing-iling na lamang siya dahil hindi pa rin niya maintindihan kung bakit ganoon na lamang na hindi magtiwala kay Charles. Wala siyang choice, kundi tanggapin na lamang ang pinagagawa nito.
"Yeah, yeah, aalamin ko po, para ikatatahimik ng loob mo." Sabi pa ni Giovane, napailing at napabuntong-hininga na lamang.
"That’s better, Giovane. I need to hang up now, bye." Agad nitong pagpapaalam.
Muli, napailing siya sa inaasta ng kanyang ama. Inunat na muna niya ang kanyang kamay para mabuhayan ang dugo sa katawan niyang natutulog noon.
Gabi na ng nakalabas siya, tahimik ang warehouse, pero, alam niyang iingay na naman ito mamaya—maya.
Lumabas na muna siya sa warehouse, agad siyang kumuha ng pakete ng sigarilyo, agad niyang sinindihan ito, nag-iisip-isip siya ngayon sa misyon na kanyang gagawin, hahanapin ang lalaking kausap ni Jake.
Alam niya na marami siyang impormasyon. Kapag nahuli niya ito, napabuntong-hininga siya ulit.
Tiningnan niya ang kabuuan ng masukal na kagubatang nakapaligid sa kanila.
Kung hindi ba nalaman ni Mom ang sekreto ni Dad, magiging buo ba kami? Kung nagtiis—tiis lang si Mom kay Dad, may ina pa ba ako hanggang ngayon? Biglang nasagi sa kanyang isipan iyon.
Oh, please, Giovane. Stop the stupid thoughts that you have. Pinagalitan niya ang kanyang sarili.
Well, kung hindi lang sila mahihina, kung hindi lang sila nagpapa – iral ng kanilang awa, kung hindi lang sila duwag, nandito sana sila ngayon, tinatamasa ang tagumpay ni Dad. Napakuyom na lamang siya sa kanyang palad.
Napansin niyang ubos na ang stick ng sigarilyo noon, dahil sa pag-iisip niya ngayon.
May dalawang aninong papalapit sa kanya, kaya naman inilawan niya ito ng kanyang phone. Hindi pa rin mawala—wala sa isipan niya ang kanyang panaginip kanina.
Napapailing na lamang siya, hindi pamahiing tao si Giovane, kaya hindi siya naniniwala sa mga panaginip, wala iyon sa kanyang bokabularyo.
"Boss?" tawag sa kanya.
Napabalik na lamang ang kanyang diwa noong tinawag ang kanyang pangalan; tiningnan niya ang nasa harap niya, at agad niyang kinilala ang pagmumukha nito.
"William?" napatanong na lamang siya noong hindi niya masyadong naaninagan ang mukha nito.
"Bakit boss?" tanong naman nito sa kanya.
Napailing—iling na lamang siya, dahil wala naman siyang ipatrabaho sa kanyang kasamahan ngayon. Walang sabi’y naglakad si Giovane papalayo, sa mga kasamahan niya.
Siya na muna ang mag-aasikaso ngayong gabi.
"Dalhan mo ako ng flashlight." Utos niya sa mga taong nakita siyang naglalakad mag-isa.
May nag—abot naman sa kanya.
"Saan ang tungo mo ngayon, boss?" tanong naman nito.
"No, let me handle this time; doon na muna kayo sa loob." Utos naman niya noon.
Walang imik na sinunod ang kanyang utos, kailangan niyang makalanghap ng sariwang hangin, madami lang siyang inaalala ngayon, dahil patong-patong na rin ang inaalala at sabay-sabay pa.
Hindi na siya nagpasama sa ibang kasamahan; ewan ba niya ngayon kung bakit nandirito siya sa masukal na kagubatan? May naririnig si Giovane mga yabag ng paa na papunta sa kanyang direksyon; tahimik na tahimik, walang imik na patungo ang mga yabag na iyon. Kaya naman, dali-dali siyang nagtatago sa masukal na kagubatan para tingnan kung sino ang nagmamay-ari sa mga yabag na kanyang naririnig.
PINASUNDAN ni William ang dalawang dalaga, kung saan ito tutungo, baka mapahamak pa ito sa padalos—dalos na desisyon nito. Hindi siya komportable ngayon, dahil mag-isang lumalakad ngayon si Giovane.
Nahahalata na ba niya? Napapatanong sa kanyang isipan na nag-iisip-isip pa. Napansin niyang palaging nasa malalim ang pag-iisip nito.
Napahawak siya sa kanyang isang phone noon; hihingi siya ng back-up kung meron man na mangyayari na hindi inaasahan. Kailangan niya lang ihanda ang kanyang sarili.
May biglang tumapik sa kanya, dahil sa gulat niya, napatalon siya at dali-daling hinawakan ang braso at tinutukan ng baril ang sentedo nito.
"Whoa, easy, William, easy." Agad niyang nakilala ang boses nito.
Kaya naman, binitawan niya ito.
"Ouch," reklamo nito na inunat pa ang braso.
"Vince." Agad niyang sabi at napabuntong-hininga.
"What happened? Ang taas ng defense mechanism mo ngayon." Sabi nitong nahalata rin ang mga kilos niya.
Napailing-iling na lamang siya.
"Ano ang ginagawa ni Tata ngayon?" pabulong niyang tanong.
Napabuntong-hininga na lamang ito. "She’s persistent! Alam mo naman ang ugaling Blanco, William, she’s exploring our world, our world that she will not understand."
"Nagkita na ba sila ni Chesca?" Tanong naman niya.
Mahina itong napailing sa kanyang katanungan. Napatango na lamang siya.
"Wala bang sinabi si Felix?" tanong niya kay Vince.
"Wala, papalihim iyong kumikilos ngayon, lalong-lalo na kasagsagan ng pangungumpanya." Sabi pa nito sa kanyang kausap.
Siya naman ang napabuntong-hininga, tiningnan niya ang tahimik na paligid kung wala bang mga taong nakabantay sa kinikilos nila.
"Mag—iingat ka sa kinikilos natin ngayon, lumiit nang lumiliit ang mundo natin, nakikita ko sa premonition ko na may magtataksil sa isang miyembro natin." Pabulong nitong sabi na sinundan ng isang tinging nagbabala.
Tumango—tango na lamang siya. Alam niya sa isipan niyang kapag kapangyarihan ang hangad ng isang tao, magagawa at magagawa nito ang hindi lubos maisip gawin, para sundin ang hinahangad nito.
May nakita siyang kasamahan na naninigarilyo; hindi sila napansing dalawa. Agad tinapik ni William si Vince.
"Inaantok pa ako." Sabi nito at agad naglakad-lakad papalayo sa kanya.
Pinatay niya rin ang sindi na nanggaling sa sigarilyo at agad naglakad papalayo kay Vince. Kikilos siya nang papalihim, para alamin kung sino ang mga taong posibleng magtaksil sa lihim na pag-alsa sa organisasyon.
Iniingatan niya ito para unti-unti siyang makaganti sa ginawa ng Fuego sa kanyang pamilyang inagrabyado na wala naman silang ginawang kasalanan, isa na rito ang kanyang babaeng kapatid. Sumisikip ang dibdib niya kapag naiiisip niya iyon, napakuyom siya.
Hindi pa tumawag ang kanyang kapatid na si Gerald, na kung saan ligtas ang dalawang dalagang binantayan niya ngayon. Kailangan niyang magmanman sa loob at labas ng warehouse.
Nandito ako para magmanman, iyon ang sabi sa akin ni Jake.
Lumalalim na ang gabi, walang buwan ngayon, tiningnan niya ang mga bituin na nagniningning sa kalangitan, napakarami na hindi kayang bilangin ang mga ito.
Nakaramdam siyang may matang nakatingin at nagmamanman sa kanyang kinikilos ngayon. Hindi siya nagpahalata, hinayaan na lamang niyang manmanan siya.
If you love to play this game, I will play with you. Napasabi sa kanyang isipan.
Napadpad siya sa masukal na kagubatan, at the back of his hand, he knows where he wants to go, kaya niyang iligaw kung sino man ang sumusunod sa kanya.
Well, natuto lang ako sa lalaking iyon. Napangisi na lamang siya sa pinagsasabi sa isipan niya.
Bumunot siya ng isang sigarilyo ulit sa pakete, at agad niya itong sinindihan. Hanggang ngayon, sinusundan pa rin siya, kung saan ba siya pupunta.
Mailigaw nga, kahit gaano ka pa kagaling sa tagu-taguan, kung hindi mo kayang paikutin ang lugar na nasa iyong mga palad, maliligaw at maliligaw ka pa rin.
Naglakad-lakad siya na napunta sa pusod ng kagubatan. Tahimik na tahimik, biglang may naalala siya sa lugar kung saan siya ngayon.
Dito mismo natagpuan ang walang buhay na katawan ng kanyang kapatid, sa isang kilometro na malapit sa kalye, doon din namatay ang magkakambal, sa kagubatang maraming mga madilim na nangyayaring nakatago.
Tiningnan niya ang pusod ng kagubatan; nasa hilaga siya ngayon, kung saan naman, makikita ang katawan ni Fernan na pinaulanan ng maraming bala.
Gusto ko ng masuka sa mga alaalang gusto kong takasan, pero, hindi pa rin pala ito madaling kalimutan. Mahina siyang napatawa sa mga pinagdadaraanan niya; mahina siyang napatawa sa mga alaalang akala niya hindi siya mababalikan.
Nasapo niya ang kanyang noo, napabalik sa kanyang katinuan si William na may mga matang naka-antabay sa kanila.
Calm down, Will. Napasabi sa kanyang isipan.
Patuloy pa rin siyang naglakad-lakad; napadpad siya sa isang pamilyar na lugar, ang kanyang lungga; he smiled greedily.
Lumibot siya sa kubo, nagtago siya doon, at sa wakas nakita niya rin ang taong sumusunod sa kanya. Lumibot pa siya hanggang napunta siya sa malapit na puno doon.
Nalilito na ang sumunod sa kanya; hindi niya nakita ang pagmumukha, tanging liwanag ng lampara iyon.
Nagmasid na muna si William; hinanda niya ang kanyang sariling sunggaban kung sino man ang sumunod sa kanya. Nag-aantay siyang makaabot ito sa pinagtataguan niya ngayon.
Litong—lito ito na tiningnan ang paligid, agad niyang sinunggaban ito na walang salita, agad niyang nilabas ang kutsilyo sa leeg nito.
Nanlaban ito sa ginawa niya.
"Make a wrong move, hindi ko alam kung saan ko isasaksak ang kutsilyong ito." Pabulong niyang sabi na punong-puno ng pagbabanta.
"Why are you following me? Who are you?" sunod—sunod niyang tanong nito.
Naramdaman niyang manlalaban ito, nakasoot ito ng hood, kaya agad niyang kinuha iyon. Nabigla siyang isang babae ang tumambad sa kanyang paningin.
Doon, nagkaroon ng pagkakatong makatakas ito. Kaya naman, agad niyang tinutukan ito ng baril.
Hindi niya aninag ang pagmumukha nito. Binibisita sila ng liwanag sa lampara, at agad niyang nakilala ang mukha nito.
"Thalia?" tawag niya sa dalaga.
Nagulat naman ito sa pagtawag sa pangalan nito.
"Kilala mo ako?" tanong nito sa kanya na nagtataka.
Nang marinig niyang mga yabag, agad silang nagtago sa lilim ng kahoy noon.
Si Vince, sinundan pala silang dalawa, kaya naman, napabuntong-hininga na lamang siya na tinitingnan ang dalagang muntik na niyang patayin.
52Please respect copyright.PENANAokNkY11GJv


