Nakita ni Jenny na abala si Felix; ordinaryong kasuotan lang ang sinusuot nito. Alam niyang may gagawin na naman itong maaaring ikapapahamak nito. Napabuntong-hininga na lamang siya at kibit-balikat niyang tiningnan ito na pabalik-balik sa nilalakaran, isinasaayos kung wala na ba itong nakalimutan.
Napaupo na lamang siya sa couch, habang tahimik na pinagmamasdan ang kanyang kapatid. Napansin siya nito at pinitik ang noo.
"Huwag kang masyadong mag-aalala." Iyon lang ang rinig ni Jenny. "Aalis na ako, ikaw na muna bahala rito." Sabay tapik sa kanyang balikat.
Tanging tango na lamang ang kanyang nasagot. Sa kanilang magkakapatid, noong nalaman na nila ang mga abilidad nila, hindi rin nila nililihim ang bawat galaw nila ngayon, para isolba ang matagal nang katanungang nakabinbing naging konektado sila sa pamilyang Fuego.
Napabuntong-hininga na lamang siya kapag iniisip niya iyon. Alam din niyang sa isang linggo ay pupunta sila sa mansion ng mga Fuego, na kung saan isinilang at nagkaisip ang apat na magkakapatid.
Kinakabahan siya sa pinaplano, dahil nakikita niya sa kanyang abilidad na mapapahamak sila. Tinapik-tapik niya ang kanyang pisngi.
Hindi ako pwedeng matakot ngayon, kailangan kong samahan si Mikaela. Tanging nasabi sa kanyang isipan noon.
May humawak sa mga palad niya, napansin niya ang kanyang bunsong kapatid. Mas lalong naging tahimik ang kanilang bahay nang umalis si Thalia para pumunta sa probinsya.
"Bakit?" tinitigan niya ang kanyang kapatid.
"Ang sabi nila’y hawakan ko ang palad mo, para kumalma ka, ate." Sabi pa nito.
"Sino naman sila?"
"Silang, kuya Fernan." Sabi pa nito sa akin.
Sumikip bigla ang puso ko noon, dahil alam kong hindi ito mapapahamak kung binalaan niya ang magkakapatid na may papasok na armado sa kanilang bahay.
"Patawarin ninyo ako kung naduwag ako." Sabi niya noon.
"Ate, sabi nila hindi mo iyon kasalanan." Sabi naman nito.
"Kasalanan ko ang lahat; kung sinabi ko lang sa inyo nang maaga, nandirito pa sana kayo." Sabi pa nitong punong-puno ng pagsisisi.
Hinawakan niya ang kanyang palad na nanginig bigla.
Hinagod—hagod lang siya ng kanyang bunsong si Greg. Maya—maya ay tumabi ito sa kanya sa pagkakaupo.
"Huwag kang masyado mag-aalala, ni ate Thalia, ate. Alam kong magiging maayos siya roon."
Ngumiti na lamang siya at yinakap na lamang niya ito at tumango.
"May mga nakikita ka ba?" tanong naman niya sa bunso.
"Marami," saad nitong nalulungkot. "Nakikita ko ang mga nakaraan nila, nakakalungkot at nakakatakot."
Tumango—tango na lamang siya bilang tugon ni Jenny, habang ikinukuwento ng kanyang bunso ang nararamdaman nito. Hinalikan niya ito sa noo.
"Ate, mapapahamak sila."
Napakunot naman ang noo niya. "Sino?" tanong ni Jenny na nalilito.
"Sila, sila na nandoon sa probinsya." Tiningnan siya noon.
"Pati na si kuya, natatakot ako." Sabi pa ng batang tiningnan siya na nakikita ang mga matang humalo ang takot.
"Walang mangyayari, Greg. Wala." Pinapakalma niya ang takot na nararamdaman ng kanyang kapatid na lalaki.
Yumakap ito sa kanya, kaya naman niyakap niya ito pabalik. Bigla na lamang siyang nagkaroon ng paglalakbay. Nagulat na lamang siyang kasama niya si Greg, kaya napahawak ito sa kanyang mga kamay.
May nakita silang tahanan; nasa harapan sila ng bahay ng kanyang pinsan. Nakikita na naman niya ang nakaraan.
May nakita siyang isang itim na van na huminto sa bahay nilang Fernan.
"Ito ang iyong araw na namatay ang dalawang magkakapatid." Pabulong niyang sabi.
Nanaog noon ang isang lalaking may soot na isang itim na hood, bago ito tumuloy sa tahanan, hinubad ito at agad nagpalit ng isang ordinaryong kasootan. Tama nga siya at hindi siya magkakamaling si Fernan iyon.
Humihinga na muna ito nang malalim bago pumasok sa kanilang tahanan.
Hindi nila namalayan na nasa loob din sila ng tahanan. Nakita niya ang kanyang mga pinsan, na kung saan masaya at punong-puno ng tawanan sa bahay.
Shaina, Kristine, George. Pagkilala niya isa-isa sa mga pinsan niya, kinurot ang puso ni Jenny sa kanyang nasaksihan, sinaksak ng maraming beses ang kanyang puso, dahil wala siyang nagawa sa kanyang mga pinsan noong kinakailangan nito ang tulong niya.
Nagbibingihan siya at tila hindi kilala ang pinsan niya noon, para lang hindi sila mapahamak, dahil naduduwag siya, inaamin niyang naduduwag siyang saklolohan ang mga pinsan niya noon.
May nalaglag sa kanyang mga luha, habang minamasdan ang masayang tawanan at usapan noon.
Dinala sila sa masukal na kagubatan. Nakikita niyang may tinatakasan si Fernan; hinahabol ito ng maraming lalaking armado, may tinatago ito, na kung saan hindi binibitiwan, bigla na lamang siyang may putok ng baril na umalingawngaw.
Nabingi si Jenny sa lakas ng putok, kaya naman, napayakap siya sa kanyang kasama na si Greg. Nagdurugo na ang braso nito, pero patuloy pa rin itong tumatakas.
Kasama ang pagbagsak ng malakas na ulan na kung saan hindi nagpapadali sa paghahanap kay Fernan, dahil nawawala ang bakas ng dugo sa nilalakaran nito.
Nandito siya sa malaking puno, kahit nanghihina ma’y pinipilit nitong magbungkal nang magbungkal.
"Kailangan kong maitago ito, Felix, ikaw na ang bahala sa kapatid ko." Pabulong nitong sabi habang binubungkal ang kalupaan at gamit nito ang kamay kahit man natamaan ito ng bala.
Napalunok siya, dahil nakita iyon ni Jenny sa kanyang premonition noon na mamamatay ang kanyang pinsan at mamamatay ang mga kapatid nito matapos patayin si Fernan.
Ngunit, hindi nagawa iyon ni isa sa kanila; hinayaan nilang mapatay ang mga natitirang kapatid nito.
"Huwag mong sisihin ang sarili ninyo, nakikita ko rin ang hinaharap. Magsasama kami ng kapatid ko." Nabigla siya sa pinagsasabi nito.
Tila, alam ni Fernan na nandirito sila, pero patuloy pa rin itong nagbubungkal; narinig pa niyang napatawa ito.
"Kailangan mo nang kumilos, Felix. Uubusin nila ang angkan natin hangga’t sa makakaya nilang paslangin."
Doon, nakaramdam siya ng kilabot sa narinig. Tapos na itong itago ang ebidensiyang hahanapin ng kanyang kapatid; kailangan niya ng palatandaan para maibahagi niya ito kay Thalia.
Lumayo si Fernan sa pinagbubungkalan nito; basang-basa ito sa ulan, hawak-hawak nito ang natamaang braso, may aninong sumulpot kung saan nagtatago ito.
Nakita niyang pinagbabaril ito nang maraming beses na walang salita. Napahawak si Jenny sa kanyang bibig noon; nasaksihan niya kung paano pinatay ang kanyang pinsan noon.
Sa huling hininga nito, nakatingin ito sa direksyon nila, maraming dugo ang umaagos na humalo sa pagbuhos ng ulan.
Inabot pa nito ang kamay na tila humihingi ng saklolo, mas lalong nadurog ang puso niya sa kanyang nasaksihan, naghihinagpis siya na kinakain na naman ng kanyang konsensya noon.
"Shaina, Kristine, Geor---ge, ka --- kapatid ko, h----hindi na ako makakabalik sa piling ninyo nga----yon." Pabulong nitong sabi.
Pinaputukan ito ulit sa ulo, na kung saan butas ang bungo nito at umagos ang malapot na pulang likido.
Napasigaw naman siya noon sa kanyang nasaksihan. Nabigla na lamang siyang nakaupo siya sa couch kasama ang kapatid na si Greg.
Basang-basa ng luha ang kanyang pisngi noon, humihikbi siya, tiningnan niya si Greg.
"Ate." Niyakap siya nito.
Niyakap niya pabalik ang kanyang kapatid noon, na kung saan tumatangis din siya.
BIGLANG nagising si Vince sa kanyang masamang panaginip; napakamot na lamang siya noon.
Fernan, alam kong kailangan na nating kumilos, dahil unti-unti nang nawawala ang alaala ninyo. Napasabi sa kanyang isipan, bumangon siya at tiningnan ang orasan, alas tres imedya ng hapon. Dali-dali siyang bumakod; kailangan na niyang maghanda sa kakailanganin bago siya pumunta ulit sa warehouse.
Paglabas niya ng kanyang kwarto, nandoon si Thalia na nakatingin ulit sa mapa na nakadungaw sa isang bintanang minamasdan ang kabuuan ng kagubatan.
Napansin siya ni Thalia, kaya naman napabaling ito sa kanya; hindi ito nagsalita noon na hinahawakan ang mapang bigay niya.
Umupo siya sa hapag, alam niya kasi na may pagkaing natira kanina. Napakunot naman siya ng noo.
May bisita ba kanina? Napatanong sa kanyang isipan, dahil marami siyang nakikitang mga plato at kubyertos na hinugasan ng kanyang kapatid.
"May bisita ba kanina, habang natutulog ako, Ta?" binalingan niya si Thalia.
"Opo." Sagot naman nitong matipid sa kanya.
"Sino?" tanong naman niya. Kumuha na rin siya ng makakain niya, dahil gutom na rin ang bituka niya.
"Ang sabi ni ate, silang Ericka at --- at R --- I mean, Chesca at si Gerald na kababata ni Ericka." Sagot naman nito sa katanungan.
Napatitig si Vince sa kausap niya kung tama ba ang pagkakarinig niya sa mga pangalan.
Gerald? Kapatid ba ni William? Ericka? At Chesca, nag-iisip naman siya, na tinitigan ang pagkain.
"Nagkita na ba kayo?" ulit niyang tanong sabay subo sa kanin.
Umiling-iling ito.
"Why?" matipid niyang tanong.
Napabuntong-hininga si Thalia bago sagutin ang kanyang katanungan; hindi ito tumingin sa kanya.
"May mga pinuntahan kasi akong lugar, tapos, hindi ko sila naabutan."
Napatango na lamang siya nang marinig. Tapos na siyang kumain, uminom kaagad siya ng tubig, kailangan na niyang maghanda.
"Hindi kita pipigilan sa mga nais mong gawin, Thalia." Tanging sabi niya, babalik na muna siya sa kwarto para magbihis at makaalis na siya kaagad.
"Alam ko po ang nais ninyong iparating, hindi ako lalapit sa warehouse na walang abiso mo."
"Good."
Tinungo niya kaagad ang kanyang kwarto. Napabuntong-hininga na lamang siya, tiningnan niya ang sarili sa salamin, nag-iisip-isip kung tama ba ang mga desisyon niya.
Isang malaking buntong – hininga ang pinakawalan ni Vince, at tinungo ang kanyang closet para din makabihis na siya.
Pinili niya ang damit na simple na madali siyang makagalaw. Hindi naman nagtagal si Vince sa loob at lumabas; nandoon pa rin si Thalia na nakaupo pa rin.
"Mauna na ako." Pagpapaalam niya.
Tumango lang ito. Tinungo ni Vince ang kanyang mumunting sasakyan na nakagarahe sa bahay nila. Agad niyang binuhay ang makina nito, pinaandar, at nagtungo kaagad sa warehouse. Hindi naman kalayuan kapag ginamitan mo ito ng sasakyan sa pagpaparoon.
Nakaabot na siya sa warehouse, at agad niyang ginarahe ang sasakyan niya. Bumaba siya kaagad, sinalubong siya nang makahulugang tingin ni William at ni Zenne. Kumunot na lamang ang kanyang noo.
Lumapit siya kaagad sa dalawa at tinapik. Tinapik lang siya ng dalawang beses at tiningnan siya nang makahulugan.
Tumango siya, at naghikab, pupuntahan na muna niya si Charles.
Same old, same old. Napasabi sa kanyang isipan, habang dumaraan sa mga kwarto, mga amoy na ng tao na sumasalubong sa kanyang ilong. Mga ingay at tawanan na minsan hindi niya alam kung saan nagmumula.
Mga hikbing nagsusumamo, mga sigaw na nasasaktan, at mga iyak na humihingi ng tulong. Hanggang ngayon, kahit ganoon man ang pang-araw-araw na sumasalubong sa kanya, hindi pa rin nagiging manhid ang nararamdaman niya.
Madiing ipinikit ni Alex ang kanyang mata at tenga, para hindi siya madala, kailangan niyang ibaling sa iba ang atensyon niya. Napakahirap gawin iyon kay Vince.
Damn it! Inis niyang banggit sa kanyang isipan. Kaya naman, binilisan niya ang paglalakad patungo kay Charles; hindi naman siya nabigo na makarating kaagad kung saan mag-uusap sila ni Charles ngayon.
Pinihit niya ang pintuan, tahimik siyang pumasok, at agad isinara ang pinto. Nakita niya kaagad si Charles na nakatayo at nag-aantay sa kanya; halata sa postura nitong hindi ito nakatulog kaagad.
"Please explain yourself to me, Vince."
Alam na niya ang tinutukoy nito, dahil nandito ang pinsan niyang si Thalia. Bumuntong-hininga na lamang siya bago sumagot.
"Do I really need to explain myself?" pabalik niyang tanong sa kausap niya.
"Yeah, hindi mo sinabi sa akin na nandito si Thalia." Sabi pa nito sa kanya.
"Humingi ng pabor si Felix sa akin, at wala naman akong magagawa, dahil desisyon niya iyon."
"Hindi mo man lang pinigilan ang takbo ng isipan ni Felix. Do you think they will be safe here? Especially... sa mga kapatid ni Felix, alam mo ang sitwasyon, Vince." Pagpapaala nito sa kanya.
"You don’t need to remind us, alam naming nasasangkot na ang pamilya namin sa gulo, pero I—no, we need to do it. Hindi ko hahayaan na magiging walang kabuluhan ang pagkamatay ng mga pinsan namin, Charles. What happened to you? Napapansin kong, masyadong nakataas ang defense mechanism mo ngayon."
Bumuga ito ng hangin. "Nothing." Sabi pa nito. "By the way, bibigyan kita ng mission ngayon." Sabi pa nito.
Napatingin na lamang siya sa kanyang kausap.
"It’s a bit paranoid to think, but you need to do this mission, Vince. Identify people who will betray us."
"Betray?" maang niyang tanong.
"Iyon ang sinasabi ng pakiramdam ko ngayon, Vince. May mga matang nakatingin sa atin na hindi natin nalalaman."
"Okay." Iyon lang ang kanyang sagot, dahil agad niyang nakuha ang ibig nitong iparating.
"Please also, Vince, be careful."
"Yeah, thanks."
Lumabas na rin siya matapos silang mag-usap.
Betrayal, huh? Who will be the one betraying us? Napatanong bigla sa kanyang isipan na naglalakad-lakad papalayo, papalabas na rin siya sa warehouse.
Nasisikatan na siya ng araw, mga magagandang paligid ang sumalubong sa kanya.
Hay! Inunat niya ang kanyang mga kamay noon.
Biglang tumunog ang phone niya noon.
42Please respect copyright.PENANAtoIfxpUAl1


