MINAMASDAN niya si Ericka habang naglalakad-lakad sila sa masukal na kagubatan na kung saan kasama ang kababata na si Gerald. Nagdadalawang-isip siya kung sasabihin ba niya ang totoo niyang pagkatao na hindi siya si Ruth, kundi si Chesca.
Hindi ko alam kung nakabubuti ba iyon, o kaya’y ilihim ko na lamang hanggang matapos ito. Napabuntong-hininga na lamang siyang nakasunod sa dalawa na nasa harapan niya. Sa paglaki niya, wala siyang maituturing na kaibigan, dahil pinagbabawalan sila ng kanilang amang lumabas at makipag-usap sa kagaya niyang bata noon.
Tanging ang kanyang mga kaibigan at karamay niya lamang ay mga kapatid niyang babae. Sa katauhan ni Ruth, kahit man ito’y isang huwad lamang na pagkatao, nagkaroon siya ng kaibigang naituturing niya, nakakausap, nakakatawa na tila wala siyang problemang kinakaharap noon. Kahit panandalian lamang iyon, naging masaya siya.
Napakuyom na lamang ang kanyang palad noon.
"Ruth?" tawag ni Ericka sa kanya.
Napatingin naman siya sa tumawag sa kanya, halatang nag-aalala ito sa kanyang inaasta ngayon. Ngumiti na lamang siya noon.
"Ah, may iniisip lang ako." Sabi naman niya para hindi ito magtaka at mag-alala.
Napatango na lamang siya noon. Inilibot niya ang kanyang paningin, hindi mapagkakaila ang nararamdaman niya ngayon, dahil alam niya ang kasunod na lugar nito.
Napakunot naman ang kanyang noo, tiningnan pa niya at inilibot pa ang kanyang tingin kung hindi ba siya nagkakamali.
Hindi ako nagkakamali, hindi. Alam ko ang lugar na ito. Napasabi sa kanyang isipan.
Muli silang naglakad-lakad pa. Lihim siyang napatingin kay Gerald habang kaswal na nakikipagkwentuhan kay Ericka. Tila nililibot sila sa lugar na maaaring ikapapahamak nila o kaya’y maaari ring maligtas kapag alam mo ang paikot-ikot sa masukal na kagubatan dito.
Parang nililibot nila kami sa lugar na ito. Sinadya siguro nito ang pamamasyal namin ngayon. Napasabi na lamang sa kanyang isipan na tahimik lamang sumusunod. Nasa isipan pa rin niya at tila’y isa pa rin itong alaalang hindi mawala-wala sa kanyang isipan.
"Mag—ingat kayo rito, may mga patibong dito, para iyon sa mga hayop." Babala naman ni Gerald sa kanila na kung saan nagpaagaw sa kanyang atensyon.
"Eh? May mga hayop bang nakatira din dito?" tanging tanong lang naman ni Ericka sa kausap nito.
Nakikinig lang si Chesca sa usapan, habang inilibot ang kanyang paningin sa kabuuan ng paligid.
Walang hayop na nabubuhay rito, dahil pinapatay niya ang mga ligaw na hayop dito na tahimik na naninirahan. Tanging sabi sa kanyang isipan.
Hayop? Tila alam niya ang ibang ibig sabihin ng hayop na tinutukoy ng kausap nila ngayon. Napangiti siya nang papalihim.
Sinasabi iyon palagi ni Fernan sa akin na maraming hayop ditong naliligaw, kundi ang mga taong mas malala pa sa hayop. Napasabi naman niya, at napakuyom sa kanyang palad.
"Oh, muntik ngang napahamak rito e," sabi naman ni Gerald sa kanila.
"Kaklase mo?" Tanong agad ni Ericka.
"No, kagaya rin ninyo na dayo rin, ngayon ko lang nakita ang pagmumukha niya e."
Doon, nagkatinginan silang dalawa.
"Natanong mo ang pangalan?" Tanong naman ni Ericka.
Nag-isip naman ito. "Ah!" nasabi naman nitong naalala ang pangalang kinakalkal sa isipan ng kanilang kausap.
"Thalia." Sabi naman nitong nag-iisip.
Nasalubong niya ang tinging pinukol ni Ericka sa kanya.
"Thalia?" tanong ulit ni Ericka.
Tumango naman ito bilang pagkompirma na tama ang sinabi nito sa kanila.
"Kilala mo ba? Ericka?" tanong naman ni Gerald.
"Maraming Thalia rito, e."
"Doon yata siya nakatira." Turo naman nito.
Napakunot naman ang noo niya.
Wala namang nakatira diyan. Napasabi na lamang sa kanyang isipan.
"E? Di ba noon, walang nakatira diyan?" tanong naman ni Ericka sa kausap.
Ngumiti lang si Gerald sa kausap at mahinang napatawa.
"Well, noong umalis ka rito noong mga bata pa tayo, may mga bahay na diyan." Sagot naman nito sa kanila.
Mas lalong napakunot ang kanyang noo, dahil alam ni Chesca na property ang lupaing kanilang tinatapakan ngayon.
"Sinong nakatira?" tanong naman ni Ericka.
Patuloy lang siyang nakikinig sa usapan ng dalawa. Nakita pa niyang nag-isip-isip ito bago sinagot ang katanungan ng kausap nito.
"Hmm? Ano nga ba ulit apelyido ng nakatira diyan?" Naghalumbaba pa ito na kung saan napatigil sa paglalakad. Sila naman huminto rin, para antayin ang kasamahan nila.
"Tejero --- Tejero ang apilyedo." Sabi naman nito noong naalala ang pamilyang nakatira doon.
Napalunok siya ng laway, tila bang biglang nanuyo ang kanyang lalamunan, kaya naman napatikhim na lamang siyang wala sa oras, na kung saan naagaw niya ang atensyon ng dalawa.
"Pasensya na, medyo makati lang lalamunan ko ngayon." Agad niyang palusot sa dalawa.
"Kilala ko rin ang pamilyang nakatira diyan." Sabi pa nito.
Napatango na lang siya.
"Baka nandoon siya." Sabi naman ni Gerald sa kanilang dalawa.
Agad itong naglakad patungo sa direksyon na tinuturo ni Gerald kanina. Hindi pa handa ang isipan at puso niyang makaharap muli si Thalia; kinakabahan siya sa muli nilang pagkikitang dalawa at kung paano niya ito kakausapin, kagaya ng pag-uusap nila noon.
Kilala niya ang pamilyang Tejero, dahil iyon din ang apelyidong tumulong sa kanya sa bingit ng kamatayan sa kamay ng kanyang ama.
Fernan Tejero. Alaala niya sa nagmamay-ari sa pangalang kanyang nabanggit. Malapit din ito kay Vincent Tejero, kilala sa tawag na Vince. Hindi niya lubos maisip na dito ang hideout ng pamilya ng mga Tejero, at ang katanungan sa isipan niya ay bakit nandito si Thalia sa tahanan o kaya tinatawag niyang pugad ng mga ito?
Maraming tumatakbo sa isipan niya, kaya hindi niya napapansin ang dinadaraanan nila, hangga’t sa nasa harapan sila ng simpleng bahay na may dalawang andanas. Tiningnan ni Chesca ang paligid; napakatahimik at nag-aaya silang tumuloy sa mumunting bahay na kaharap nila ngayon.
"Uwi na tayo, wala namang katao-tao." Rinig na yaya ni Ericka sa kanila.
"Mukha nga." Sabi naman ng kanilang kasama.
Tatalikod na sana sila para umuwi at bumalik sa nilalakaran nila, nang mahagip nila ang isang babae na may dala-dalang batya.
Gusto niyang maiyak, dahil kilala niya ang babaeng yaon. Ito ang panganay na kapatid ni Vince, na kung saan habang tumatakas siya at parang isang pusang ligaw ay tinulungan siyang gamutin ang mga sugat na dulot niya habang papatakas siya sa panahong ang buhay niya ay napaka-delikado.
Gusto niyang mayakap ang taong nasa harapan niya, pero pinipigilan niya ang kanyang emosyon noon.
Ngumiti ito sa kanila nang makita sila ng babae.
"Magandang araw po." Bati naman ni Ericka.
"Magandang araw din sa inyo." Napatitig pa ito sa mga kasamahan, hanggang napunta sa kanya ang tingin; matagal siyang tinitigan nito at marahang ngumiti sa kanya.
Ngumiti rin siya pabalik sa taong kaharap niya ngayon.
NAPAPAKAMOT si Charles na nagkalat sa kanyang office table; hindi niya alam kung saan siya magsisimula sa kanyang gawain. Napabuntong-hininga na lamang ito, umupo siya sa kanyang upuan, at hinilot-hilot ang kanyang sentido noon.
Hindi niya alam kung tama ba ang desisyon ni Felix na madawit ang magkakambal at ang kapatid nito sa Fuego.
Minsan, hindi ko abot ang isipan ng lalaking iyon. Napailing-iling na lamang siya habang isinasaayos ang mga kalat na nasa desk niya.
Wala pa siyang tulog, dahil may pinapagawa si Giovane sa kanya, kundi tiktikan kung sinong mga taong sumisira sa pangalan ng kanyang ama. Kapag politika at malapit na ang halalan, makikita at makikita kung sinong gahaman sa kapangyarihan maliban sa mga taong nagseserbisyo ng totoo sa mga tao.
Hindi na bago sa kanya ang mga ganoong pangyayari; kailangan niyang gawin ang trabahong pinapagawa sa kanya ni Giovane, kasabay ang planong unti-unting pagsira ng warehouse at pakikipagtulungan sa labas.
Kailangang maging maingat siya sa kinikilos niya ngayon, dahil alam niyang malalaman at malalaman ni Giovane ang lahat ng galaw niya at kung ano ang layunin niya kung bakit nandito siya sa organisasyon.
Well, it will do-or-die situation, and I’m ready for it. Napasabi sa kanyang isipan na hinimas ang kanyang armas na nakalagay sa tagiliran.
Nilabas niya ang phone niya, ang tanging phone na kung saan lahat ng contact number niya sa labas ng organisasyon ay nandoon. Kung nag-iingat ang kanyang kapatid na si Jake, siya rin ay maingat na maingat sa bawat gamit niya, dahil alam niyang tinitiktikan din siya kung sino man ang tumitiktik sa kanya ngayon.
Tatawagan na muna niya si Felix. Bumuntong-hininga na lamang siya habang nag-ri-ring ang phone niya.
"Charles, napatawag ka?" tanong naman nito sa kabilang linya.
Humihinga na muna siya nang malalim. "Kumusta ang nasa loob ng organisasyon, habang wala ako roon?" tanong naman nito sa kanyang kausap.
"Sino ang kinukumusta mo? Ang tao na nasa loob ng organisasyon o kaya ang iyong boss?" tanong naman nito sa kanya.
Napailing-iling na lamang siya, hindi siya sumagot, dahil alam niyang inaasar na naman siya ni Felix; hindi nga siya nagkamali, dahil tumawa pa ito sa kabilang linya.
"Well, they’re doing okay, wala namang problema. Kung kinukumusta mo ang iyong pinsang si Chesca, sa ngayon, ligtas pa siya." Naging seryoso ang boses nito.
"What do you mean by that?"
"Sa ngayon, ligtas siya sa mata ng kanyang kapatid na si Giovane. You know that, Mikaela and Chesca, they were looking for them. Alam mo ring naghahanap ng tamang pagkakataon si Giovane para mahuli ang dalawa."
"Say, nakikita mo ba ito sa iyong pangitain?" tanong nito.
"No, pero, alam ko ang posibilidad na patungo rin ang plano ng iyong boss. What will you do about Mikaela? Gagamitin mo ba siya para mas lalo kang makalapit sa pamilyang Fuego? Hahayaan mo rin bang mapahamak si Mikaela, kagaya ng nangyari kay Jasmin?" sunod-sunod nitong tanong sa kanya.
Napakuyom siya sa mga katanungan nito, kaya nga hindi siya minsan nakikipag-usap kay Felix, dahil alam na alam nito kung paano siya galitin at painitin ang kanyang ulo, lalong-lalo na ngayon na sinusubukan na naman siya.
"Huwag kang magalit, nagtatanong lang ako, sana huwag mong palakihin iyong katanungan ko sa iyo, Charles."
"Hindi na ako bata para mabwisit sa sinasabi mo ngayon."
"Oh, that’s good, magtulungan na lang tayo para walang mapahamak pa na kabataan sa kamay ng halang na kaluluwa."
"You really carry out your mission as a spy and everything." napailing—iling na lamang siya.
Narinig pa niyang napatawa ito. "Well, kagaya mo rin akong may pinoprotektahan, Charles. Alam mo ang pakiramdam na mawalan ng mahal sa buhay."
Hindi na siya nagsalita pa noon. Hindi na kailangan pang sampalin siya nang katotohanang iyon, dahil nararamdaman niya ang sakit na dulot ng pagkawala ng isang kapatid na hanggang ngayon ay tila isang bangungot na palagi siyang sinusundan.
"Let’s carry out our mission, Felix, kaya napatawag ako sa iyo." Pag-iiba na lamang niya ng usapan, para mabalik sila sa business nila noon.
"Well, if you say so, kagaya ng gawi natin, magkikita tayo sa walang katao-taong lugar."
"Got it."
"But be careful, baka may bumubuntot sa iyo, mag-iingat ka, hindi mo lang alam na may mga matang nakabantay sa bawat mong galaw, Charles."
"Sino? Si Giovane?"
"No, mas mataas pa sa boss mo, you know that he hates your guts, Charles."
He only smirks. "Hindi mo na kailangang sabihin iyan sa akin; edi maglaro kami ng tago-taguan kung gusto niya."
"Ha! I like that confidence of yours! Well, see ya." Sabi pa nito
Agad nitong binaba ang tawag, he deleted his recent calls, and deleted that number. Mas mabuti ng mag-iingat siya. Naniniwala siya sa sinabi ni Felix na pinapasundan siya sa tauhan ng ama ni Giovane.
Tiningnan niya ang mga nagkalat niyang mga gamit sa kanyang table. Kailangan na niyang ayusin ang mga nagkalat sa table niya ngayon. Dinadalaw na rin siya ng antok, at kailangan na niyang ipahinga ang kanyang mga mata noon.
Biglang may tumawag sa kanya.
"Nasaan ka?" tanging tanong na narinig niya nang sinagot niya ang tawag.
"Mikaela, I’m working." Sabi naman niya.
"I’m sorry, but this is urgent; kailangan mong malaman na may gagawin akong hakbang ngayon."
Napakunot naman ang kanyang noo sa narinig sa kausap.
"Hakbang?" Napapakamot na lamang siya; wala siya sa huwesyo para unawain ang gusto nitong sabihin.
"Babalik ako sa mansion namin."
"Ha?!" gulat niyang tanong. "Why?"
"May aalamin ako, may hahanapin akong mahalagang bagay."
"Are you out of your mind, Mikaela?" napailing—iling na lamang siya sa narinig niya ngayon.
"I need to do it. I will sneak in our house; don’t worry about it. May kasama naman ako."
"Whatever, huwag mo akong sisisihin kapag napahamak ka sa bawat desisyon mo."
Hindi ito sumagot. "Iyon lang, thank you." Sabi pa nito at agad binaba ito.
For goodness' sake! Bulalas na lamang sa isipan ni Charles na napailing-iling at napaupo pabalik sa nalinis niyang table noon.
Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isipan ng babaeng binabantayan niya ngayon.
She’s not my priority; kailangan kong gawin ang priority ko.
48Please respect copyright.PENANAT2eadQXryp


