HINILOT ni Ericka ang sentedo niya habang bumabakod sa kanyang higaan; katabi niya rin ang mahimbing na natutulog na si Ruth.
Lutang pa rin ang kanyang isipan kung bakit nandito ito sa kagubatan na nag-iisang naglalakad na kagaya niya. Hindi niya lubos maisip, dahil si Thalia ang inaasahan niyang pupunta rito.
Naalala bigla niya sa mga pangitain niya na kung saan may isa pa silang kasamahan na may hinahanap sa masukal na kagubatan. Napailing-iling na lamang siya. Pero, hindi pa rin maiiwasang mag-isip na may posibilidad ang kanyang iniisip ngayon.
Habang sinusundan ni Ericka ang mga kalalakihan, habang naghahanap din siya ng lead, ay may narinig siyang umiiyak na babaeng nagmamakaawa, at doon, sinundan niya ito, at nagimbal na lamang siyang nasa harap na siya ng warehouse.
Nakaramdam siya ng pagkaduwag habang tinitingnan ang kabuuan ng warehouse na siyang dahilan ng pagkakaroon niya ng goosebumps sa buong katawan niya. Iniisip ni Ericka ang mga nakikita niyang mga kaganapan sa warehouse na iyon.
Habang lumalayo ang mga kalalakihan na hila-hila ang kawawang biktima, ay nilakasan at nagdesisyon siyang suungin ang panganib na haharapin niya kapag nakapasok na siya doon, at alam niyang hindi siya basta-bastang makakalabas ng buhay sa warehouse na iyon.
Maglalakad na sana siya noon, nang biglang may humila sa kamay niya para pigilan siya. Natakot siya dahil baka may nakakita sa kanya at nahuli siya. Magpupumiglas na sana siya nang magtama ang paningin nilang dalawa ni Ruth, kaya napatitig siya rito.
Hindi pa siya nagkaroon ng lakas dahil sa gulat, kaya dali-dali itong hinila na papalayo sila sa warehouse. Noong nakalayo na sila, ay siya ring pagkakita nila ni William at inihatid silang pabalik sa tahanan nito.
"Gising ka na pala, Ericka." Sabi naman nito na kasama niya at bumangon na rin sa hihigan.
Dahil sa kanyang malalim na pag-iisip ay hindi niya napansing gising na ang kasama niya.
Napatango na lamang siya, tumayo siya at nanaog sa kanyang hihigan, ginaya rin siya ni Ruth na tumayo at nanaog.
"Hindi ko inaasahan na nandirito ka, Ruth." Tanging napasabi niya sa kanyang kasama.
Tumango na lamang ito. Nandoon ang ina ni Gerald, habang naghahanda ng kakainin nila.
"Dito ka muna, tutulungan ko lang sila." Saad naman niya habang dumiretso siya sa kusina.
Nagbigay siya ng galang kay Lucia noon na nakangiting tiningnan siya.
"Tulungan ko na muna kayo, Auntie." Tangi niyang nasabi.
Nakakahiyang hindi siya tumutulong sa mga gawaing bahay; ayaw niyang maging pabigat sa mga ito.
Mahinang napatawa si Lucia sa kanya, napansin na lamang niyang nandoon si Ruth na tumutulong din.
"Ruth." Sabi niya na napabuntong-hininga.
"Hayaan na, maging sa ganitong gawain ay makatutulong ako." Sagot naman sa kanya noon.
Napailing na lamang siya at hinayaan na lamang.
Napansin niyang tahimik ang kabuuan ng bahay.
"Auntie, nasaan po sila?" tanong niya habang abalang naghuhugas ng mga gamit na pagagamitan nila.
"Ah, si William, nagpapahinga sa kwarto, si Gerald naman, ay naghahanap siya ng mga panggatong na kung saan magagamit namin." Sagot naman nito sa kanyang katanungan.
Tumango—tango na lamang siya noon. Tiningnan niya ang labas ng bintanang tinatanaw niya ngayon; napapalibutan ito ng mga kahoy, at kaharap nito ay ang direksyong patungo sa masukal na kagubatan.
Noong nasa kubo sila noon, buti na lamang ay nandoon si Gerald, baka maligaw na naman sila sa kagubatan.
Tantiya niya ay malayo-layo rito kung saan nagkaroon ng camping sa kanilang paaralan. Nang dahil doon, bigla na lamang nawala ang kanyang matalik na kaibigan.
Napapaginipan pa rin niya si Jasmin, malungkot itong umiling-iling sa kanya na huwag na niyang ituloy ang pag-alam ng katotohanan, subalit nandito na siya, buo na rin ang desisyon niyang alamin iyon.
Napansin niyang papatapos na rin siya sa kanyang ginagawa. Napakaganda ng paligid, napakaaliwalas ng paligid, at masarap amoyin ang simoy ng hangin kapag umagang-umaga. Malamig na dumadampi sa kanyang mga balat, kahit nakasuot siya ng jacket noon.
"Ruth, ano palang ginagawa mo rito?" Tanong niya na kagayang minamasdan ang kapaligiran.
Napangiti naman ito sa kanya. "May bumabagabag kasi sa akin noong umalis ako sa camp natin, saka, may nais lang akong malaman sa lugar na ito."
Napabuntong-hininga naman siya, kagaya pa rin ang nararamdaman niyang mabigat kapag nakakausap niya ito, pero hindi na nakasunod ang dalawang kaluluwang magkakapatid kay Ruth. Tila hindi malinaw sa kanyang isipan kung bakit sa bawat paglalakbay niya ay nakikita niya itong kasama ang magkakapatid.
Napatigil siya sa pag-inom ng kanyang gatas habang may mga impormasyong pumasok sa kanyang isipan na pilit pinagtagpi-tagpi.
"Ruth," tawag niya rito. "Nandito ka ba para alamin din ang katotohanan?" tanong niya at tiningnan nang mataman ang kausap.
Napatawa na lamang ito ng bahagya na siyang ikinagulat niya; hindi niya alam kung bakit at ano ang nakakatawa sa sinabi niya.
"Malawak ba ang kaalaman mo sa mga Fuego?" tanong nito.
Nagulat siya sa katanungan nito, na nagpakunot sa noo ni Ericka.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong naman niya.
"Kagaya ka rin ba ni Thalia na naglalakbay din sa nakaraan?" binalewala nito ang kanyang katanungan at binato na naman siya ng katanungan noon.
Napatango na lamang siya, dahil minsan na rin itong ibinahagi ni Thalia ang abilidad nito. "Bakit napasali si Thalia rito?" tanging natanong niya sa kausap.
"Ano ang nakikita mo sa abilidad mo, Ericka?"
"Pagtatagpuin tayong tatlo dito, Ruth."
"Nararamdaman ko rin iyon, kilala ko ang babaeng tinutukoy mo." Sabi pa nito na napatawa, napansin niyang may kalungkutan sa mga mata nito na siyang labis na pinagtakhan ni Ericka.
"Ruth, may problema ka ba?" Usisa naman niya.
Umiling na lamang ito sa kanya, at binalewala ang katanungan niya.
"Sa totoo lang, nandito ako para alamin ang katotohanan kung bakit pinatay si Jasmin. Alam kong konektado ang pagdukot niya noon at nakatakas siya. Alam ko iyon, hindi lang niya sinasabi sa akin." Kinuyom niya ang kanyang palad kapag naalala ang mga sandaling iyon. Hindi pa rin matanggap ni Ericka ang sinapit ng kanyang matalik na kaibigan.
Napatango na lamang ito sa sinabi. "Hindi mo ba ikapapahamak iyang desisyon mo, Ericka? Kilala mo ba ang mga kalaban mo?" tanong nito.
Nagtataka na siya sa katanungan nito.
"May alam ka ba sa nangyayari ngayon? Naiintindihan kita kung bakit nandirito ka, dahil pinatay rin ang mga magulang mo sa mansion at ikaw lang ang tanging nakatakas."
Nabalitaan niya ang nangyari sa pamilyang Dionson; hindi siya makapaniwalang lahat ng mga kasambahay na nandoon sa mansion ay pinatay na walang kalaban-laban. Nakita niya sa kanyang abilidad ang nangyari, hinanap niya noon si Ruth, subalit wala ito sa pinangyarihan.
Napansin niyang nag-iba ang emosyon nito; nakita niya ang pagkasuklam at pagkamuhi sa mga mata nito. Hindi na niya kailangang magtanong pa.
"Ericka! Ruth!"
Magsasalita na sana siya nang may tumawag sa kanilang dalawa, kaya naman, biglang nawala ang tensyon sa kanilang dalawa at kapwa sila napalingon kung sino ang tumatawag sa kanila noon.
"Nandito pala kayo, pinapatawag kayo ni kuya William." Sabi pa nito.
Napatango na lamang silang dalawa noon.
ERICKA. Malungkot niyang banggit habang minamasdan at naririnig ni Jasmin ang usapan ng dalawa. Bumalik siya sa lugar kung saan nababagay siya.
"Jasmin." Malumanay nitong tawag.
"Mapapahamak sila." Sabi pa niya sa kausap niya.
Napabuntong-hininga na lamang ito. "Alam ko iyon, mapapahamak sila, pero alam ko ring mananaig ang katotohanan." Sabi nito.
"Gusto ko nang magpahinga, subalit hindi ko makita ang liwanag, ganoon ba iyon? Gusto ko nang magpahinga, at walang madamay pa sa gulo." Napailing-iling na lamang siya.
"Naiintindihan ka namin, kahit pilitin namin ang sariling magpatawad at kalimutan na lamang ang lahat ng mga nangyari at sa pagkamatay, sana --- san—nakatawid na kami, at wala na kami rito, Jasmin." Paliwanag naman ni Felisa.
"Pero, kapag ang isang kagaya nating uhaw sa hustisya, kahit pagod na tayo, kahit hinihintay lang nating mawala ang aalala natin, gagawa at gagawa ang isang kaluluwang kagaya nating biktima sa kasakiman ng mga tao." Malungkot na pahayag ni Ellese sa kanya.
"Alam kong may iba pang paraan pa." Sabi ni Jasmin na tutol sa nangyayari ngayon.
"Ano ang paraang alam mo, Jasmin?" tanong naman ni Felisa sa kanya.
"Alam kong nalulungkot ka sa nangyayari ngayon, pasensya na at gusto naming mahanap ang hustisyang ipinagkait sa amin nang napakatagal na."
"Hindi sa paraang ito, hindi sa paraang ipapahamak natin ang mahal natin sa buhay."
Hindi ito nagsalita at mapakla itong ngumiti; unti-unting nawawala si Ellese pati na si Felisa.
"Jasmin, alam kong maiintindihan mo rin kami balang araw." Matapos sabihin iyon, ay nawala ito sa kanyang paningin.
Napabuntong-hininga na lamang siya. Minamasdan niya ang mga kababaihang mas lalong dumarami ngayon, umiiyak, at minsan nawawalan ng tuliro. Naaawa siya kapag sinilip ang mga nakaraan nitong buhay sa mundong ibabaw.
Nakita rin niya ang mga magulang ni Ruth.
Ruth? Hindi --- si Chesca. Agad niyang sabi sa kanyang sarili na tinitingnan ito na nalulungkot at naghihinagpis, tila tanggap ang pagkamatay nito, subalit mababakas nito sa mukhang gustong maghiganti at makamit ang hustisya.
Napailing-iling si Jasmin; siya’y napapabilang na sa mga tinatawag na kaluluwang ligaw, dahil naglalakbay pa rin ang kaluluwa niya sa mundong pisikal at sa mundong espirituwal, nagliliwaliw siya ngayon sa mundong pisikal.
Kagaya ng nabubuhay siya, ang lungsod na kung saan siya ngayon ay punong-puno ng buhay, maraming mga tao, mga kabataang naglalakad papauwi, kinurot na naman ang damdamin niya dahil sa hanggang ngayon, ninanais pa rin niyang mabuhay, pero nagwakas lang ito nang ganoong kadali.
Naririnig niya ang mga tawanan, mga kwentuhan, mga busina ng mga sasakyan, at mga gusaling punong-puno ng tao. Naglalakad-lakad pa siya habang ang kanyang katawang espirituwal ay malayang natatagusan ang mga tao sa daan.
Nahagip sa kanyang paningin ang isang batang lalaking namamalimos sa lansangan; hinawakan niya ito at nakita niya ang pinagdadaanan sa buhay ng isang bata. Napapailing siya sa kanyang nakikita.
Talagang ang mundo’y punong-puno ng kapighatian at punong-puno ng maskara.
May nakita rin siyang isang batang babaeng ginahasa sa isang tahimik, makitid, at madilim na eskinita. Gusto niyang tulungan iyon, subalit paano siya tutulong?
May napapadaan man, subalit, sa pagsigaw ng pobreng dalaga, ay tila nagbibingihan ang nakadaan at binabalewala lamang ang ganoong pangyayari.
Kung hindi lang ako namatay, hindi ko makikita ang mga pangyayaring ganito. Napakaswerte ko dahil protektado ako sa aking magulang at protektado ako sa mundong ginagalawan ng iilan. Napasabi sa kanyang isipan na lumayo na lamang, iniisip niya ang kanyang nakita.
Kung buhay ba ako, kaya ko ba siyang tulungan? Napatanong sa kanyang isipan. Kaya’y kagaya ko rin ang ibang nagbibingi-bingihan sa naririnig? Saan ako sa dalawa? pagninilay-nilay niya sa kanyang sarili.
Mas lalo siyang nalungkot, kaya naman, napadpad siya sa lugar kung saan pamilyar sa kanya.
Nakita niya ang kanyang sarili noong pinatakas siya ng isang lalaki. Nakikita niya sa kanyang sarili ang takot at pangamba, kung paano ba niya ililigtas ang kanyang sarili.
Bigla siyang bumalik sa loob ng warehouse. Noong nawalan siya nang malay, ang nagpagising sa kanya ay ang iyak at sigaw ng mga babaeng nahuli.
Doon, nagbalik ang kanyang ulirat; nakatali ang kanyang mga kamay noon ng lubid, sobrang higpit, para hindi siya makatakas. Dumaklot, ang kaba sa dibdib niya, pinagpapawisan siya nang malagkit, at bigla siyang namaos na hindi makapagsalita.
Napansin siya ng lalaking nagbabantay, at binusalan ang kanyang bibig, na dahilang nahihirapan siyang huminga. Nakatali pa rin ang kanyang kamay, hinila siya nang marahas ng lalaki, at naramdaman niyang may nakasunod din sa kanya. Abot – abot ang kabang nararamdaman niya sa gabing iyon.
Naririnig na naman niya ang sigaw, tili, at iyak ng mga kababaihan; nakita niyang sa bawat silid ay may mga kababaihang nakakulong doon; minsan nakikita niya ang babaeng hubo't hubad na kung saan nakikipagtalik sa isang matandang lalaki; kitang-kita sa mukha nito ang pagtutol at pagkatakot.
May isang silid na kung saan nagpabaliktad ang kanyang bituka; muntik na siyang mabuwal. Mga taong nakasuot ng lab gown, na kung saan ang katawan ng babaeng naghihingalo ay hinihiwa, nasalubong niya ang tingin ng babaeng iyon, nagmamakaawa at hirap na hirap na. Nakita niya ang mga dugong napakarami. Nakita niya ang kinuha ng mga naka-lab gown, kundi ang lamang-loob ng babaeng nasalubong niya nang tingin, na tanging luha lamang ang sandigan nito sa mga paghihirap na dinadaanan nito.
Muntik na siyang mawalan ng ulirat sa kanyang nasaksihan. Sa isang silid na naamoy ang masangsang na amoy ng nabubulok na katawan, tila nagkakaroon din ng eksperimentasyon sa loob ng warehouse. Sumalubong ang amoy ng masangsang at naagnas na katawan, doon hindi niya mapigilan ang masuka. Hindi na kayang tingnan ni Jasmin ang nasa loob, dahil kapag tiningnan pa niya, baka—baka mawalan na siya ng ulirat.
Natatakot na siya sa kanyang buhay. Kapag hindi siya nakatakas sa warehouse, isang pangyayaring hindi niya malilimutan, ang mga lasog-lasog na katawan ng tao, ang hindi mahitsurang tao ay nilalagay sa malaking trash bag, at doon, nakita niya kung saan tinatapon ang mga bangkay na walang buhay, mga inosenteng kababaihan na kung saan tahimik na nakikipagsapalaran sa mundong ibabaw.
Pinatahimik siya dahil alam niyang ang warehouse na iyon ay isang pribado na hindi dapat isapubliko.
Nakabalik siya sa kadilimang walang katapusan. Tinitigan lang siya nang tahimik ng magkakapatid na hindi nagsasalita man lamang.
58Please respect copyright.PENANALNepkEjx46


