"KUMUSTA?" biglang tanong ni Vince kay Thalia na tahimik lang nakamasid sa mga tanawin noon habang umiinom ito ng gatas.
"Okay naman po, kuya." Matipid nitong sagot.
Tiningnan naman niya ito. Should I tell her about what happened last night? Napatanong naman sa kanyang isipan kung ibabahagi ba niya ang nangyari na muntikan nang mapahamak ang dalawa, at mabuti na lamang ay agad itong nakita nila nang gabing iyon.
Binaba na muna niya ang kapeng kanyang iniinom at inihipan niya ang mainit niyang kape. Naghalumbaba naman siya.
"Kahapon," nagsimula niyang kwento.
Naagaw naman agad ni Vince ang atensyon ng kanyang kausap, kaya naman napabaling na lamang ito sa kanya, tahimik lang siyang tinitingnan.
"Muntik nang mapahamak sina Chesca at Ericka."
Nakita pa niyang napakunot ang noo nito at nalilito siyang tiningnan.
"Muntik mapahamak silang Ericka at Chesca?" Tanong nito kung tama ba ang narinig sa pinagsasabi niya.
Tumango na lamang siya bilang kompirmasyon.
"Nagkita silang dalawa?" Tanong naman ni Thalia sa kanya.
Tanging tango na lamang ang kanyang sinagot noon.
"Bakit?"
"Muntik na silang makita kahapon, at nandoon ang anak ng boss namin." Hinigop niya ang kanyang kape at nalasahan ang naglalabang tamis at pait nito, kaya naman napatitig siya sa kanyang tinimplang kape.
"Saan tumutuloy silang dalawa?" Tila nakalimutan nito na may iniinom itong gatas na nag-aantay na inumin.
Napabuntong-hininga naman siya, nagsisi tuloy siya kung bakit ikwenento niya ito sa kaharap niya ngayon.
"Pinapatuloy lang muna sila doon sa isang kubo, alam mo ang mga lugar na nandoroon." Sabi pa niya at nagpapaalala pa.
Tumango—tango naman ito.
"Hindi alam ni Ericka ang totoong pagkatao ni Chesca, Thalia."
Hindi ito sumagot sa kanya na bakas sa mukha nito ang pag-aalala.
"Kung magkikita kayo ni Chesca pati na si Ericka, kaya mo na ba silang harapin, Thalia?" tanong nito sa kanyang kausap na nakatingin sa kawalan na nag-iisip-isip pa na halatang nagulat sa kanyang binitawang katanungan.
Hindi agad ito nakapangusap, mas lalong lumalim ang pag-iisip nito.
"Alam kong naghahanap ng hustisya si Ericka, dahil sa nangyari kay Jasmin."
"Tutulungan ko sila." Tangi nitong sagot.
"Paano ba ninyo tutulungan ang isa’t isa, Thalia?" Batong tanong na naman niya sa kanyang kausap.
"Sabi ni kuya Felix, ang lahat ay nangyayari, kahit man sa gustuhin namin o sa hindi, kusang lumalapit at hindi napipigilan ang tadhanang nasa kamay namin." Sagot naman nito sa kanya na tinitigan pa siya.
"Matutulungan ko sila sa makakaya ko. Alam ko naman may iba't ibang rason kung bakit napadpad kami sa lugar na ito, pero isa lang adhikain namin—malaman ang pinagmulan ng mga pangyayaring nadadawit ang mga kapalaran naming tatlo." Sagot nito, tila nalulungkot ang boses nito.
Aaminin niyang malawak ang pag-iisip ng dalagang kaharap niya; ninais niyang sumuko ito sa paghahanap at magkalkal pa ng mga ebidensya. Natatakot siyang kapag lumalapit na ito sa katotohanan ay mas lalong mapapahamak ang buhay nito.
Pero, sa narinig niyang rason ng kanyang kausap.
Surrendered for her reasons, Well, isinilang naman talaga kaming mga Blanco at Tejero na matitigas ang mga ulo. Napasabi na lamang sa kanyang isipan.
Kagaya itong mag-isip sa lalaking palagi niyang nasasalamuha na si Felix, namana lang talaga iyon sa kanilang matitigas at palaging may hinahanap sa paligid.
Tama nga naman ang sinabi na ibang-iba na ang kabataan ngayon, masyado na itong mapusok, hindi napipigilan kapag nagdesisyon na.
Ininom niya ang natira niyang kape. Ginulo na lamang niya ang buhok ng kanyang pinsan.
"After that, pumasok ka na muna sa loob. Paalala ko lang, huwag mong madaliin ang iyong kapalaran. Ika nga, mag-antay ka kung kailan ibibigay. Alam kong gusto mo na ring makita ang dalawa, lalong-lalo na kay Chesca, but I always say to you, Always be careful with your actions." Matapos niyang sabihin ang mga katagang iyon, agad siyang pumasok sa bahay.
Nakita pa niyang nagluluto ang kanyang kapatid para makakain sila. Napangiti na lamang siya noon, bumalik na muna siya sa kanyang kwarto at doon nag-iisip-isip. Ngayon, magpapahinga na muna siya.
Hindi pa rin niya makalimutan ang nangyari kagabi. Marami ang tumatakbo sa isipan niya, at mabubulyaso ang mga planong matagal nang nakalatag, na kung saan nag-iintay lang kung kailan ang tamang panahon.
Nabalitaan niyang naglalakbay sa nakaraan si Jenny, ang kapatid ni Thalia.
Talagang malalaman at malalaman talaga ang totoong nangyari. Napabuntong-hininga na lamang siya.
Bigla siyang dinalaw ng kanyang abilidad.
Dinala siya sa isang lugar na maraming tao. Nakikita niyang may nagpo-protesta; may mga taong sumisigaw sa harap ng munisipalidad noon.
Hindi niya maaninag ang mga tao sa kanyang paligid, at hindi rin niya naririnig. Unti-unti lumilinaw ang pandinig niya.
Nakakabinging sigawan, hindi niya maintindihan, pero sumisigaw ito ng hustisya at pagkapantay-pantay ng tingin ng mga tao. Maraming mga karatola, marami ang mga posters noon.
May malakas na pagsabog, at tila para siyang nabuwal dahil sa lakas ng impact nito. Nagkakagulo ang mga taong nandoroon.
Maya—maya pa ay nakita niyang maraming napapahamak; may nakita siyang lasog-lasog ang katawan na lumalabas ang mga lamang-loob nito.
Dinala siya sa isang tahimik na lugar; nakita niya ang mga lalaking nakapandamit—barong.
"Tapos na?" rinig niyang tanong sa isang lalaking itim lahat ang kasootan.
Tumango ang kausap nito. Napakunot siya, dahil kilala niya ang lalaking bumomba sa munisipalidad.
"Well, mas mapadali pang kumbensihin ang mga tao ngayon."
Nakita pa niyang may iniabot itong isang sobre; alam niya kung ano ang laman ng sobreng ibinigay sa lalaking nakaitim ng damit.
Napabalik siya sa kanyang hihigan noon, napasapo siya sa kanyang noo. Ang panaginip na ipinakita sa kanya ay mangyayari sa madaling panahon; ikokompirma niya ang napaganipan niya at baka makatulong ulit ito sa kanila. Kailangan din hindi padalos-dalos ang mga kilos nila, dahil mainit pa rin ang mga matang nakaantabay sa kanila noon.
Hindi na siyang muling nakatulog pa ulit, kaya naman, bumangon siya, lumabas siya sa kanilang bahay. Napakatahimik ng kanilang bahay. Hinanap niya ang kanyang sigarilyo’t sinindihan ito sa kanyang lighter.
Lumabas na muna siya, habang binubuga ang isang usok sa dulot ng sigarilyong kanyang hinihithit.
DAHIL sa walang magawa si Thalia sa loob ng bahay ay naglakad-lakad siya sa kagubatan, inaalala pa niyang minsan siyang naliligaw at nagtatago sa mga tinatakasan noon. Hindi niya lubos maisip na dadalhin siya ng kanyang paa ulit dito sa kagubatan ng kanilang kalaban.
Nasa malalim siyang iniisip noon, hindi niya napapansin ang kanyang mga nilalakaran, papalayo at papalayo siya sa tahanan, at hindi niya dala ang mapang ibinigay ng kanyang pinsan. Minamasdan niya ang magagandang tanawin noon at tinatahak niya ang kahabaan ng daan na kung saan yumayabong ang mga grasa nito na mahirap makita ang daan nito.
"Miss!" Nagulat siya sa pagtawag ng isang tao sa kanya, kaya agad siyang napahinto, maya-maya pa ay hinila siya nito kaagad.
Kaya naman, bumagsak siya sa damuhan kasama ang taong humila at tumawag sa kanya. Dali-dali siyang tumayo at tiningnan kung sino ang humila sa kanya. Nagulantang siyang isa itong binata, napakunot-noo na lamang siya sa kanyang nakita.
Pinilig pa nito ang ulo at tiningnan siya. Tantiya niya’y magkaedad sila ng binatang humila sa kanya.
"Muntik na iyon." Sabi pa nito sa kanya.
Kaya naman, napakunot-noo siya na tinitigan ang lalaking kaharap niya.
"Muntik ang ano?" tanong niya naman.
"Dayo ka ba rito?" Hindi sinagot ang katanungan niya na tiningnan siya mula ulo hanggang paa.
"Bakit kung dayo ako rito?" tanong naman niya pabalik nito.
Napabuntong-hininga naman ito at napailing-iling pa habang minamasdan siya.
"Mag—iingat ka rito, maraming mga patibong rito na panghuli ng mga wild animals rito." Sabi pa nito na naging seryoso at binabalaan naman siya.
Tiningnan siya kung saan siya tutungo, at may nakita siyang isang malaking butas na maaaring mahulog siya at hindi na makaahon sa kailaliman ng butas na iyon.
"Maraming salamat." Pagpapasalamat niya habang yumuko sa kanyang kaharap.
Ngumiti na lamang ito sa kanya at tumango; agad naglakad papaalis ang lalaking kasabayang niya kanina.
Muntik na akong mapahamak. Napasabi naman sa kanyang isipan. Sinundan niya ang lalaking nagsagip sa mumunti niyang buhay.
Liningon siya nito. "Taga saan ka pala, Miss?" tanong nito sa kanya.
"Ah, sa syudad ako nakatira, nakituloy lang ako rito para magbakasyon, dahil sembreak namin." Sagot naman niya habang binabaybay ang daan pauwi sa kanila.
Tumango—tango na lamang ang lalaki. "May kaibigan din akong taga-syudad. Pero, malawak ang syudad kung saan kayo naninirahan." Sabi naman nito.
Siya naman ang napatango, natanaw na niya ang daan na kung saan pamilyar sa kanya.
"Gerald," pakilala nito sa kanya.
"Thalia." Pakilala naman niya sa kanyang kausap.
Ngumiti ito sa kanya noon. "Nice to meet you, Thalia." Sabi naman nito.
"Ako rin, nice to meet you, thank you sa pagtulong." Ulit niyang pasalamat sa lalaking kanyang nakilala.
"Dito na ako, huwag kang basta-bastang pumasok sa lugar na iyon, hindi mo alam kung ano na ang tinatapakan mo." Muling paalala sa kanya.
Pagkatapos, lumakad na rin ito papalayo; babalik na muna siya sa bahay dahil kukunin niya ang mapang ibinigay sa kanya.
Dali-dali siyang pumanhik sa bahay kung saan siya nakitira. Nakita niya si Vince na humihithit ng sigarilyo sa labas ng veranda at tila malalim ang iniisip nito.
Napabaling ito sa kanya.
"Bakit ganyan ang hitsura mo?" tanong naman nito sa kanya.
Napansin siguro ang nagulo niyang buhok at mga sangang kumakapit sa buhok at sa damit niya noong natumba silang dalawa ng lalaking sumagip sa kanya.
"Wala po, kuya." Napasabi na lamang siya, para matantanan siya sa titig na pinupukol sa kanya na waring kinikilatis siya noon.
Nakumbinsi naman niya si Vince na napatango-tango na lamang sa palusot niya.
"Sige po." Pagpapaalam ni Thalia kay Vince.
Dali—daling umakyat si Thalia sa hagdanan, at tumungo sa kwarto kung saan siya tumutuloy at magpapahinga. Hinanap niya kaagad ang mapang ibinigay sa kanya. Umupo siya at binuklat ang mapa. Tiningnan niya itong mabuti.
Nagtagpo ang kanyang kilay habang may hinahanap siya.
Ah, dito. Dito. Sigaw sa kanyang isipan nang mapansin ang mga marka sa mapa niya. Nandito ako kanina. Hindi ko maintindihan kung bakit may check ito. Hindi ko naman nakita na may kubo na nandoon? Napasabi sa kanyang isipan na nagsimulang magtaka.
Mga patibong. Napasinghap siya bigla sa kanyang posibleng iniisip noon. Kung ganoon, ang lugar na iyon ay may safe place kaya may mga patibong itong nakahanda. Nakikipag-usap na naman siya sa kanyang isipan.
Pero, hindi pa tiyak kung tama ang palagay ko. Agad niyang minarkahan kung saan siya nanggaling. Hindi pa niya natunton ang ibang safe place na nasa mapa na hawak niya ngayon.
Ang ibig sabihin, hindi rin madaling matunton ang mga ito. Napasabi na lamang niya.
Napabuntong-hininga na lamang si Thalia habang tinitingnan ang mapa. Ilang sandali’y lumabas siya na dala-dala ito. Wala na ang kanyang pinsang nasa veranda. Nandoon na muna siya sa hagdanan at naghalumbaba na lamang.
Tiningnan ang lawak ng kagubatang nakikita niya sa kanyang paningin. Kinapa ni Thalia ang mapa, tiningnan—tiningnan niya ito. Napapakamot na lamang siya; tiningnan niya ang posibleng mga anggulo sa mapa.
Tama ba itong ginagawa ko? Napapatanong na lamang si Thalia sa kanyang isipan.
Nanaog siya at tiningnan ang kagubatang kaharap ng kanilang bahay.
Muling nagtagpo ang kilay niya at kumunot ang noo. Tiningnan niya ang minarkahan niyang safe place, pati na rin kung saan siya muntik mahulog sa mga patibong.
North, binaybay niya ang mga markang nakikita niya patungong hilaga. Eh? Impossible. Napasabi naman niya habang linipat na naman niya ang kanyang mapa sa ibang direksyon.
Napamasid siya sa katayuan ng bahay at sa katayuan kung saan ang lokasyon ng warehouse. Agad niyang minarkahan ang mga safe place pati na ang danger zone.
Napapansin ni Thalia na ang danger zone ay kung saan malapit lamang ang warehouse.
Kung ganoon... dali-dali niyang tiningnan ang kanyang minarkahan. Nagsasabi ang kutob niya na mahalaga niyang matutunan ang mga lugar na iyon.
Kung binigyan ako nito ni kuya Vince, ang ibig sabihin ay nilalayo niya ako sa kapahamakan at magagamit ko ito. Napasabi sa kanyang isipan sa kanyang bagong nadiskobrehan. Tinago niya ang mapa.
Hindi pa ako sigurado kung tama ang kutob ko, pero, pero... sinasabing makatutulong ito sa pagtatagpo ng landas naming tatlo.
Kuya, hindi ko alam ang pinaplano mo, pero talagang ibang-iba ka mag-isip. Kinakabahan ako sa bawat galaw ng utak mo, kuya Felix. Kinakabahan siya sa bawat iniisip niya ngayon.
55Please respect copyright.PENANA9YjYuYUc19


