SINULYAPAN niya ang kanyang bunsong kapatid na lalaki na natutulog sa sala na nakayakap sa laruan nito. Tiningnan ni Jenny ang orasan. Napabuntong-hininga na lamang siya noon.
Hanggang ngayon tinititigan pa rin niya ang larawan ng kanyang ina at kasama nito sa larawang kanyang nahalungkat noon.
Malapit na ba kami sa katotohanan? Napatanong sa kanyang isipan noon. Kaya nama’y patuloy kaming naghahabulan sa katotohanan na mailap sa amin? Napabuntong-hininga na lamang siya kapag naiisip niya iyon.
Tumayo siya nang may nararamdaman siyang mga matang nakatingin sa kanya, kaya naman agad niyang tiningnan kung sino ang mga matang nakatingin sa kanila noon. Hindi maiiwasang dumaklot ang kaba niya, dahil baka nalaman din ng mga kalaban ang kani-kanilang mga lihim noon.
Kumalma ka, Jenny. Sita niya sa kanyang sarili noon.
May narinig siyang parang pagbukas ng pintuan.
"Jenny." Tawag naman nito.
Noong narinig niya ang boses ng kanyang kapatid, naging komportable bigla ang katawan niyang punong-puno ng tensyon.
Sinalubong naman niya ang kanyang kapatid noon.
"Kuya." Agad niyang sabi noon.
Nakita pa niyang nag-stretch ito at naghikab pa.
"Ipagtitimpla na muna po kita ng kape." Agad niyang sabi at pumunta sa kusina.
Habang nagtitimpla siya ng kape, hindi maalis sa isipan niya kung nahanap na ba ni Mikaela ang mga katanungan nito kung bakit ito babalik sa mansion kung saan nagiging impyerno ang buhay nito.
May humila sa manggas ng kanyang damit, napapitlag na lamang siya noon, at agad niyang tiningnan ang kanyang kapatid.
"Bakit, Greg?" malumanay niyang tingin sa kanyang kapatid.
"Ate, kailangan ni kuya ng kape." Iyon lang ang narinig niya sa kanyang kapatid.
"Saglit, tutungo na ako roon." Agad niyang binilisan ang kanyang kilos para maibigay niya ang kapeng hinihingi ni Felix.
Matapos, agad siyang pumunta sa hapag kung saan nag-aantay ang kanyang kapatid na pinipisil ang noo nito.
Tantiya niya ay may hangover na naman ito, dahil sa katatatrabaho nito.
"Salamat, Jen." Rinig niya ang pagpapasalamat sa kanya.
Tumango na lamang siya, at umupo rin si Jenny sa bakanteng upuan.
Tahimik lang siyang nakamasid sa kawalan na nakikinig sa ingay ng orasan noon.
"Anong iniisip mo riyan, Jenny?" Tanong naman ito sa kanya.
"Naglalaro pa rin sa isipan ko, at hindi pa rin ako makapaniwalang magkakakilala silang Mama at Ina ni Ellese noon." napailing – iling na lamang si Jenny.
Hindi naman ito nagsalita at humihigop lang ito sa mainit na kapeng kanyang ibinigay.
"Kumusta na roon si Thalia, kuya?" Tanong niya.
"She’s doing fine. Alam ko namang nag-iingat nang mabuti ang kapatid mo." Sagot naman ng kapatid niyang lalaki.
Napatango na lamang si Jenny sa narinig; kailangan niya ng matulog dahil inaantok na rin siya ngayon.
"Kuya, wala pa akong tulog, tutulog na muna po ako." Pagpapaalam niya sa kanyang kapatid na lalaki.
"Rest well, Jenny." Sabi naman nito at tumango.
Agad siyang pumasok sa kwarto, humiga at ipinikit ang mga mata, maya-maya nilalamon siya ng kadiliman.
Nagising siya dahil hindi siya makahinga at nawawalan siya ng hininga noon at kailangan niyang lumanghap ng hangin.
Nabigla na lamang siyang nakakulong siya sa isang baul, kasya ang tao subalit, kapag nagtagal ay lalong sumisikip ang bawat paghinga.
Iyon ang nararamdaman niya, sumisikip ang paligid at nahihirapan siyang huminga, nagkakaroon na siyang matakot at magpanic kung bakit nasa baul siya nakakulong.
Napapitlag na lamang siya dahil may isang batang babaeng katabi niya na umiiyak habang kinakatok nang buong lakas ang baul noon na nagbabakasakaling marinig ito ng mga tao sa labas.
"Tulong! Tulong! Ayoko rito! Ayoko rito!" Iyon ang rinig niyang iyak at pagmamakaawa ng isang batang babae. Umiiyak ito na dala ang pawis at sipon nito sa kakaiyak at pagmamakaawa.
Nahihirapan na rin itong huminga; tantiya niya ay hindi siya nakikita ng batang babae.
Bigla na lamang may bumukas sa baul at sumalubong kaagad ang liwanag na dinidiligan sila; nakaramdam siya ng sariwang hangin.
"Ano? Gagawin mo pa ba ang pagnanakaw ng notebook na iyon, Mikaela?" Tanong ng isang lalaking tantiya niya ay nasa labing-apat na taong gulang.
Hindi niya kilala ang lalaki. Napapitlag na lamang siya nang marinig ang pangalan ni Mikaela.
Hindi ito sumagot, tiningnan lang ang lalaking nagkulong sa kanya sa baul. Nakita pa niyang kinulamos ang buhok nito at tiningnan ito nang mataman.
"Magmamatigas ka pa ba?" Tanong nito ulit.
"Bitawan mo si Mikaela!" agad tulak sa lalaking sinaktan si Mikaela noon.
"Ellese," sabi pa nito.
Nandito na naman ba ako sa nakaraan ng dalawang kambal? Napatanong sa kanyang isipan.
Napasinghap na lamang si Jenny dahil tinutukan ang dalawang magkakambal ng baril. Agad niyang rumehistro ang takot ng kambal noon.
"H --- Halika na, Mikaela." Yaya naman ni Ellese na nasa pitong taong gulang.
Walang imik na umalis ang dalawang bata at pinagmasdan lamang sila ng lalaking tumutok sa kanila ng baril.
Napunta siya sa isang silid na ang ilaw lamang ay ang bulb. Nakita niyang may nakaupong babae na tantiya niya ay nahihirapan ito, umiiyak at iniinda ang sakit sa katawan nito. Maraming pasa ang nakita ni Jenny.
"Ellese." Banggit nito sa pangalan.
"Huwag kang mag-aalala, Mikaela, may magliligtas sa atin; tiisin natin, tiisin natin, Mikaela." Mahina nitong sabi.
Mga dalaga at halatang kolehiyala na itong kagaya niya. Duguan ang mga soot nitong uniporme.
Nasapo niya ang kanyang bibig noon. Hindi niya kayang panoorin ang nakaraan ng dalawang magkakambal noon.
Napansin na lamang niyang nag-iba na naman ang lugar at nandirito siya sa isang mahabang kadiliman na walang nakakasagot kung hanggang saan ang kadiliman na iyon.
"Jenny." May boses na tumawag sa kanya.
Kaya naman napalingon siya para makita niya kung sinong tumawag sa kanya. Paglingon ni Jenny, sumalubong sa kanyang tingin si Ellese at Felisa.
Ngumiti sa kanya si Felisa. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya.
"Tulungan mo si Mikaela, Jenny." Pagsusumamo sa kanya noon.
Hindi naman siya nakasagot noon, nalilito siya kung ano bang isasagot sa magkakapatid.
"Alam kong nagulo ang buhay ninyo ngayon, pero wala kaming magagawa dahil kayo ang nakakaalam sa totoong pangyayari." Sabi naman ni Felisa.
Napabuntong-hininga na lamang si Jenny. "I will try my best to help her." Tangi niyang sinabi.
Tumango na rin ang dalawang magkakapatid, at bigla siyang nagising. Sapo—sapong ni Jenny ang noo niya kung ano ang nangyayari sa kanyang panaginip.
Hindi na siyang muli nakatulog kaya naman, nakahiga lang siyang minamasdan ang kisame nila.
NASA paaralan si Jake dahil may seminar sila. Kapag sembreak ng mag-aaral ay nagkakaroon sila ng seminar para sa ikakaunlad ng kanilang pagiging guro.
Tahimik siyang nakikinig sa mga speaker noon, hindi niya maiwasang maglakbay ang isipan niya dahil sa mga nababasa niyang impormasyon. Kay dali ng panahon, ay eleksyon na at alam niyang uso na naman ang patayan kapag papaangat na ang campaign period nito.
Pero, sa paraang yaon, gagamitin niya ang campaign period para malaya silang makagalaw at makalikom ng isang ebidensyang panlaban noon.
Ang pamilyang Fuego, lalong-lalo na ang ama ng magkakambal at ni Felisa at Chesca, ay isa sa mga maimpluwensyang politiko sa lugar na iyon, minamahal ng mga taong nandoon, at malamang, ay ginagamit ang ikalawang anyo para maraming sumunod sa kanya.
Napabuntong-hininga na lamang siya noon. Natatandaan pa niya noong sumabog ang balitang napaslang ang dalawang kambal at nawawala si Mikaela at si Chesca. Ginamit nito ang impluwensya para pagtakpan ang totoong pangyayari, kahit man kumakalat noon ang pagdawit din ng pagkamatay ng una at pangalawa nitong asawa, pati na rin ang mga anak nito. Ang nakakatawa pa’y nakuha niya ang simpatya ng madla.
Napapailing na lamang siya kapag naiisip niya iyon; tila nga naging daan ito para mas mahalin ito ng mga tao para sa kanyang pagtakbo sa politika. Binigyan pa ng ama nito ng maayos na libingan at nagkakaroon din ng rescuer sa paghahanap ng dalawang dalaga noon.
Hindi niya namalayan na siya lang ang nandoon sa silid, dahil sa kanyang malalim na pag-iisip.
Lumabas na muna siya ng silid para makapagpahangin.
Kumusta na kaya ang mga iyon? Bigla niyang napatanong sa kanyang sarili, habang iniisip kung kumusta na kalagayan ni Chesca doon.
Kahit siya man ay tutol, wala na siyang magagawa kundi suportahan kung ano ang nais nitong gawin. Sa kanyang isipan, hindi pa rin niya lubos maisip na nandoon si Thalia.
Anong magagawa ng mga bata roon? Mapapahamak pa ito at magiging problema pa.
Ang inaalala pa niya ay si Giovane, ang kanyang pinsan. Hanggang sa ngayon, masyado pa ring mailap ang ebidensya na hinahanap niya.
Nalalaman ko na ang bawat galaw ni Giovane; talagang hindi ako makapaniwala sa mga larawang nakikita ko kanina. Napailing na lamang siya noon.
Naramdaman niyang may tumapik sa kanyang balikat, kaya naman, agad siyang napabaling kung sinong tao ang tumapik sa kanya.
Sumalubong na lamang ang ngiti ng isang gurong kagaya niya; hindi man lang ito nagsalita. Umalis kaagad ito, maya-maya pa ay biglang nag-ring ang personal phone niya, napakunot na lamang siya nang noon ay hindi rehistrado ang number nito. Kaya naman, naisipan niyang sagutin ang tawag.
Hindi siya nagsalita noon, tahimik ang linya, nag-antay pa siya na may magsasalita sa kabilang linya.
"H --- Hello?" Boses lalaki, ang narinig niya sa kabilang linya.
"Yes?" sagot naman niya.
"Si Sir Jake po ba ito?" tanong naman nito.
Napakunot-noo na lamang siya. "Yes? Speaking." Sagot naman niya. "Bakit?" tanong naman niya sa kabilang linya.
May narinig pa siyang isang buntong hininga. "Ah, sir, si Castro po ito, may itatanong lang po ako sa iyo."
Agad rumehistro sa isipan niyang estudyante niya ito.
"Yes? Napatawag ka? Importante ba iyan?" agad niyang tanong nito.
Nag-usap pa sila tungkol sa mga activities na naiwan habang nagse-sembreak ang mga bata, at nagtanong ito sa kanya kung kailan babalik ang klase.
"Thank you so much, Sir Jake." Pasalamat naman sa kanya sa kabilang linya.
Mahina siyang napatango, "Welcome."
Agad niyang pinatay ang tawag noon. Napailing na lamang siya. Hindi talaga matatapos ang pagiging guro niya. Kahit nagbabakasyon ang mga bata, nagiging at nagiging guro pa rin si Jake. Hindi naman niya kinamumuhian ang pagiging isang guro sa mga kabataang nasa bagong henerasyon.
Bumalik na rin siya sa faculty, at nandoon din ang kanyang mga kasamahan na masayang nag-uusap-usap, kaya naman umupo na rin siya sa kanyang table noon na tahimik.
Kinuha niya ang isang phone niya; may mga missed calls ito at mga text, kaya naman, nagulat siya at hindi maiwasang mapakunot ang kanyang noo. Tinitingnan niya kung sinong tumatawag sa kanya at nagte-text sa kanya.
Napaawang ang kanyang mga labi sa mga nababasa niyang mensahe. Galing ito kay Felix at sa ibang tao na nakatago sa organisasyon. Napakamot na lamang siya sa kanyang noo.
What? Napatanong sa kanyang isipan.
Hindi lang si Thalia ang nandoon, pati si Ericka? Napatanong sa kanyang isipan.
Nabasa niya ang text ni Felix na hindi maiiwasan ang mga pagkakataong pagtatagpuin ang mga pusong naghahanap ng kasagutan.
Agad siyang lumabas sa faculty, dala-dala ang isang phone niya, at tinawagan niya si Felix.
Hindi naman siya nag-intay nang matagal, agad naman itong sumagot.
"What do you mean that Ericka is there?" bungad niyang tanong kay Felix.
Nakarinig siya ng isang buntong-hininga. "Jake, hindi mo mapipigilan ang tadhana na magtatagpo ang mga landas nila." Kalma nitong sagot sa kanya.
"No, no," napailing na lamang siya. "Alam mo bang minor de edad pa lamang ang mga batang iyon? I get it na magtatagpo silang Chesca at Thalia, but --- b—but also to Ericka?" tanong niya sa kanyang kausap.
"Believe me or not, Jake. Gustong – gusto kong iuwi si Thalia dito, pero alam ko ang astahan ng kapatid kong babae, Jake." Sagot naman nito sa kanya.
"Alam mo bang napakalaking responsibilidad natin ang mga batang iyon?" Tanong naman niya na pinipigilan ang gulat at yamot sa boses niya.
"Jake," napabuntong-hininga na lamang ito. "Like I said before, we need to trust them." Sabi pa nito sa kanya.
Hindi na siya muling sumagot pa noon, kaya naman binaba niya ang tawag na galing sa kanyang mga kasamahan.
Bumalik na rin siya sa silid kung saan pinagdadarausan ng kanilang seminar. Ngayon, mas lalo pang gumulo ang isipan niya sa seminar na ang isipan niyang maraming mga katanungan sa kanyang isipan noon.
57Please respect copyright.PENANAL5eQZneXgR


