NASA kubo sila ngayon, pabalik-balik pa rin ang tinging ipinukol ni William sa dalawang dalagang kanyang nasagip.
Tiningnan niya ang dalawang dalagita na kung saan muntik na itong makita ng mga kasamahan niya, kung hindi kaagad umaksiyon silang Vince at Zenne noon.
Kaya naman napabuntong-hininga siya.
"Anong ginagawa ninyong dalawa rito sa kagubatan?" tanong niya sa dalawa.
"Especially you, Ericka." Nasapo niya ang kanyang noo noon.
Dahil kababata ito ng kanyang kapatid na lalaking si Gerald.
"W --- Wala kuya, William. Nagpapahangin lang ako." Palusot pa nito sa kanya.
"Really, sa disoras ng gabi, magpapahangin ka?"
"N --- Nakita ko lang si Ericka doon." Sabi naman ni Chesca.
Alam niyang schoolmate ni Chesca si Ericka; kailangang maging smooth ang pag-uusap sa dalawa noon.
Malakas ang kutob niyang hindi lang bakasyon kung bakit nandito si Ericka; alam nitong aalamin kung bakit namatay ang matalik na kaibigan nitong si Jasmin. Hindi na siya kailangang magulat pa, kaya pinasundan din niya ito ng kanyang kapatid.
Kaya, agad niya itong nakitang naglalakad malapit sa warehouse, at muntikan na itong mapahamak, dahil nandoon si Giovane sa warehouse at inaasikaso ang dapat asikasuhin.
Tiningnan niya ang kanyang orasan.
2:30 am. Napasabi sa kanyang isipan.
"Gerald!" tawag niya rito.
Agad naman itong lumabas.
"Ihatid mo na ang dalawang iyan." Utos niya rito.
"Anong ginagawa mo rito, Gerald?" tanong naman ni Ericka na bahagyang nagulat pa.
"Nagising kasi ako sa kaluskos ng ingay ng kagubatan noon, at nakita kitang naglalakad sa masukal na kagubatan, kaya naman sinundan kita." Sabi pa nito sa kausap.
Nakumbinsi naman sa palusot si Ericka noon, na napatango na lamang.
"Ruth, wala ka bang matutuluyan o kaya malayo sa inyo rito? Doon ka na muna sa tinutuluyan ko." Rinig niyang sabi sa kasama nito sa bahay.
"Naku, n --- nakakahiya naman, malapit lang naman rito." Sabi pa nito.
"Doon ka na muna, magpahinga na muna kayo doon, Gerald. Samahan mo na silang makauwi."
Tumango na lamang ito. Agad namang sumunod ang dalawang dalaga kay Gerald.
Napabuntong-hininga na lamang siya. Kailangan niyang magpanggap ulit na hindi kilala si Chesca dahil para maprotektahan din si Ericka.
Nagbalik sa kanyang isipan ang sinasabi ni Felix noon sa kanya, na kung saan magkru-krus ang landas nilang Thalia at Chesca, subalit may isa pa itong kasama. Hindi na siya kailangang mag-isip pa ng malalim, dahil nasa harapan niya ang kasagutan. Na si Ericka din ay makakasama ang dalawang tao.
Tatawagan na muna niya si Felix. Nasa kubo pa rin siyang nakaupo noon, at alam niyang tatanungin na naman siya ni Ericka.
Not yet, hindi pa niya kailangang malaman na isa ako sa mga tao sa organisasyon. Napasabi sa kanyang isipan noon.
Agad namang nag-ring ang numerong kanyang i-dinial. Matagal nang nag-ring ang phone, hanggang sa sinagot ito bigla.
"Hello."
"Yeah."
"Bakit ka napatawag?" tanong naman ni Felix na halatang inaantok na sagutin ang phone nito.
"By the way, nandito na pala silang Ericka and Chesca; nagkrus ang landas nila." Balita pa niya sa kabilang linya.
"Talaga?" tanong naman nito. "Talagang hindi talaga maiiwasan na magtatagpo ang tatlo."
"Yeah, si Ericka, doon siya tumutuloy sa amin." Sabi pa nito.
Napatango naman ito. "Don’t worry, pinapabantayan ko naman ni Gerald." Sabi pa niya sa kausap, para hindi ito mag-aalala noon.
"Kumikilos na ba si Thalia?" tanong naman nito sa kabilang linya.
Napabuntong-hininga naman siya sa katanungan nito.
"Sabi sa akin ni Vince, binabalaan niya ang kapatid mong makapunta sa warehouse; he gave a map to her to explore." Sabi naman niyang nagpapaliwanag sa kanyang kausap.
"Okay, alam ko namang matutunan ni Thalia ang mga pasikot-sikot diyan ng wala sa oras."
"Yeah," sabi na lamang niya noon.
"Any update?" tanong naman nito.
"As I heard, abala pa ngayon sa paglilinis si Giovane sa kalaban ng kanyang ama sa politika."
"Oh, malapit na pala ang eleksyon." Napabuntong-hininga na lamang ito.
"Anong nakikita mo?" tanong naman niya.
Alam niyang may abilidad itong makita ang hinaharap nito.
Napabuntong-hininga na lamang ito.
"May mangyayaring kaguluhan sa pagsasagawa ng pangangampanya, alam mo naman, kapag ganid ka sa kapangyarihan, hindi mo hahayaan ang kalaban mong maagawan ka sa tinatamasa ngayon."
"Then? Anong plano mo?" napatanong naman niya sa kanyang kausap.
"Gagamitin ko ang kaguluhang makakuha pa ng ebidensya, lalo pa at magulo sa politika ngayon, kaya kong mag-isang kumilos."
"Make sure na mag-iingat ka sa mga lakad mo." Napakamot na lamang siya sa batok. "Hindi mo alam kung sino na ang tumitiktik sa iyo ngayon, Felix. Don’t let your guard down." Babala niya sa kanyang kausap noon.
Nagbuga pa ito ng hangin bago magsalita. "Alam ko rin namang papalihim ding kumikilos si Charles, alam mo ang utak noon."
"Yeah, alam ko, his brother is really annoying na kung saan papasundan ang kanyang kapatid."
"Will, nag—iingat lang tayong lahat." Sabi pa ni Felix.
"Hay, sige na, magpapahinga pa ako ngayon, wala pa akong tulog." Reklamo pa nito sa kausap.
Tumango na lamang ito. "Okay, balitaan mo lang ako riyan."
"Yeah." Agad namang binaba ang tawag noon.
Kailangan ang pag-iingat, dahil maraming mga kabataan ang napasali sa gulong ito. Napasabi na lamang sa kanyang isipan noon.
Naglakad-lakad siya palabas sa kubo, nagpalit na siya ng pambahay, at babalik na rin siya kung saan nakatira ang pamilya niya.
Tiningnan niya ang warehouse sa hindi kalayuan, napapabuntong-hininga na lamang siya at naglalakad-lakad noon.
Agad siyang nakarating sa kanilang bahay. Pumasok siya sa kanyang tahanan at nakikita niyang nagpapahinga ang kanyang kapatid na lalaki noon na nagtatalukbong ng kumot. Hindi pa naman sumikat ang araw, tila nahihiya ang ilaw ng araw na mapaliguan ng liwanag.
Tiningnan niya ang isang larawan na kung saan nandoon ang kanyang bunsong kapatid.
Hindi niya malilimutan ang pangyayaring iyon; hindi niya makakalimutan ang bangkay na siya mismo ang nakakita kung paanong winalangya ang kanyang kapatid. Nakaramdam siya ng galit at paghihinagpis sa kapatid niya, na hindi pa niya kayang iligtas noon.
Kung nandito ka lang, alam kong masaya kang tumatawa at humahalakhak ngayon. Napasabi sa kanyang isipan noon. Isinauli niya ang larawan, pumanhik kaagad siya sa kanyang kwarto, at magpapahinga na rin siya sa wakas.
TAHIMIK na minamasdan ni Mikaela ang mga ebidensyang kanyang nakalap. Nag-iisip siya kung saan siya magsisimula at kung ano ang hahanapin niya; alam niyang may hinahanap siya pero hindi pa rin niya mawari ang mga aalalang iyon.
Napaupo naman siyang nag-iisip.
Ano ang hahanapin ko sa mansion? May nakatago bang sekreto na itinago ni Mom noon? tanong sa kanyang isipan noon.
May alaalang nagtatagpi sa kanyang isipan. Napakamot siya at napahiga. Bigla-bigla na lamang sumasagi sa kanyang isipan ang isang notebook, isang lumang notebook.
Lumang notebook? Napatanong na lamang siya sa kanyang isipan.
Kaya naman, pinilit niyang pag-ugnayin ang mga ito.
Sa kanyang alaalang nakabinbin, may isang notebook na pinaglumaan ng panahon; may humawak nito na tantiya niya ay isang lalaki.
Nakita ko na ba ang notebook na iyon? Napatanong na lamang sa kanyang isipan, hinahalungkat kung saan ba niya nakita ang pinaglumaang notebook.
Kahit anong pag-iisip na gawin niya, hindi pa rin niya maalala kaya kailangan na muna niyang pakalmahin ang isipan niya.
Kailangan kong maglakbay. Napasabi sa kanyang isipan noon na desidido.
Hindi naman siya binigo ng kanyang abilidad; nagulat siya at sa kanyang paglalakbay na nandito siya sa mansion.
Isang batang nagtatago sa pintuan ng pinto habang may tinitingnan, agad niya itong nilapitan. Siya ang batang nagtatago noon.
Napansin na lamang niya na nasa katauhan na siya ng bata. May tinitingnan ito sa kwarto na tila nakasilip. Naalala niya bigla na ito ang kwarto ng kanyang magulang.
Nakita niya ang kanyang inang si Bella na may hawak-hawak na kung anong gamit. Maigi niya itong tiningnan at nagulantang na lamang siyang hawak nito ang isang pinaglumaan ng notebook. Lalapit sana siya sa kanyang ina, subalit may narinig siyang isang yabag ng paa na patungo sa kanila.
Napansin niyang agad tinago iyon ng kanyang ina; nakita niya ang papalapit sa kanila, ito ay ang kanilang ama.
Dinala naman siya sa kung saan umiiyak nang papalihim ang kanyang ina sa kwarto, napansin niya ang mga pasa nito sa pisngi. Hawak-hawak pa rin iyon ng kanyang ina.
"Mommy, ano iyan?" Tanong niya noon.
Nagulat naman ito sa kanya at tiningnan siya. "Mika, ikaw pala iyan." Dali-dali nitong pinahid ang luha sa mga mata nito at bahagya itong ngumiti.
"Ano iyan, Mommy?" tanong ni Mikaela na apat na taong gulang pa lamang na tinitingnan ang kanyang ina.
"Ah, wala ito, anak." Sabi pa nito sa kanya na ngumiti. "Ito iyong importante ni Mommy."
"Important?" Tanong pabalik ng batang si Mikaela.
Tumango ito sa kanya. "Oo, importante."
"Bakit po importante?" inosente nitong tanong sa kanyang ina.
Bigla na lamang siyang yinakap ng kanyang ina, humihikbi nang mahina.
"Balang araw, malalaman mo rin ito, Mika. I will give you a mission, okay? You will protect this notebook." Ipinakita pa nito ang notebook sa kanyang anak.
Kahit litong-lito ang isipan ng bata, ay tumango na lamang ito sa kanyang ina at ngumiti.
Napunta na naman siya sa isang silid noon, na tanging ilaw lamang ng bulb ang nagbibigay liwanag sa silid. May nakita siyang isang taong naka-upo sa isang silya. Nakagapos ang mga kamay at paa nito, nakapiring ang mga mata.
"Mommy?" pabulong niyang tanong noon.
May naramdaman siyang taong pumasok sa silid, at agad tumambad sa kanyang paningin ang isang lalaking may hawak ng isang latigo.
"Bella, I’m very disappointed," rinig niyang salita ng kanyang ama na napailing-iling man lamang na tiningnan ang babaeng puno ng pasa.
Hindi nagsalita ang babae, nananatili itong tikom ang bibig.
"Balak mo akong isuplong sa mga kapulisan?" tanong nito sa babae na halata sa boses na nagpupuyos ito ng galit.
"Pwes, hindi ka nagtagumpay, sinabi ko sa iyo, hindi ba? Marami akong mga galamay na kahit saan at malalaman at malalaman ko pa rin ang ginagawa mo, Bella." Pabulong, nitong sabi sa kanyang ama.
"Mommy, Mommy?" tawag ng isang bata at naalala niyang bigla ang alaalang iyon.
"Mi—kaela." Mahinang sabi ng kanyang ina.
"Anong ginawa mo kay Mommy, Dad?" tanong niya na nalilito.
"Giovane!" tawag naman nito.
Hindi man lamang nagsalita ang kanyang kapatid na lalaking nasa sampung taong gulang.
"Ilayo mo rito iyan!"
Sumunod naman ito at dali-dali siyang hinila. "Anong gagawin mo kay Mommy, Mommy!" pagpupumiglas niya noon na tinatawag ang kanyang ina.
Nasaksihan niya kung paano pinarusahan ng kanyang ama ang walang kalaban-laban niyang ina. Hindi niya mabilang sa kanyang mga kamay kung ilang ulit na hinahampas ng latigo ang walang kalaban-laban nitong katawan ng kanyang ina.
Nakatingin siya sa kanyang ina noon, hindi ito umimik at tinitiis ang lahat ng pananakit nito.
"Gusto mo sigurong madamay ang magkakambal, Bella?" rinig nitong tanong sa kanyang ina.
"H--- Huwag ang magkakambal, huwag wala silang kinalaman dito." Nakita niya ang takot sa mata ng kanyang ina.
Muli siyang bumalik sa kwarto ng kanyang magulang. Nasa anim na taong gulang si Mikaela. Kababago lang pumanaw ng kanyang ina. May hinahanap siya sa kwarto noon.
Hinahanap niya ang lumang notebook; nakatago ito sa closet ng kanyang ina. Agad niya itong kinuha. Nabigla siya dahil ang bawat pahina ay parang nakukulayan na tila kayumanggi. Sumagi sa kanyang isipan na amoyin iyon.
Agad niyang naamoy ang isang dugo, kaya nabitawan niya iyon. Dali-dali niya itong kinuha pabalik kahit man nanginginig ang kamay niya. Sa mura niyang isipan, alam niyang may kinalaman ang pagkamatay ng kanyang ina sa notebook na hawak-hawak niya ngayon.
Binuklat niya ito, nagpang-abot ang kanyang kilay dahil sa nakita niya. Hindi niya naiintindihan ang mga sulat noon, dahil sa kanyang murang isipan. May mga numero siyang nakikita na walang kabuluhan sa kanya, mga pangalan na hindi pa kayang bigkasin sa kanyang murang isipan noon.
"Talagang pinakialaman mo naman iyan."
Kinuha ni Giovane ang notebook sa mga palad niya.
"Kung ayaw mong mamatay, huwag mong pakialaman ang hindi mo naiintindihan, Mikaela." Babala ng kanyang kapatid na lalaki at lumabas ito sa kwarto.
Biglang nagdilim ang paligid at nagising siya sa isang mahabang panaginip. Naalala na niya ang lahat, kung bakit importante iyon sa kanyang ina.
Kailangan kong makita ulit ang mga nakasulat doon. Napasabi naman niya sa kanyang isipan noon.
Bakit nakalimutan mo ang importanteng detalye na iyon, Mikaela? Kailangan mo ng magdesisyon at kumilos. Utos niya sa kanyang sarili.
Mommy. Napaiyak na lamang siya kapag naalala nito ang pinagdadaraanan ng kanyang ina bago pumanaw o kaya pinatay sa kamay ng taong pinagkakatiwalaan nito.
Kailangan kong magsagawa ng isang plano bago ako pumunta sa mansion.
Hindi na siya nakatulog pang muli, at nag-iisip-isip na lamang.
55Please respect copyright.PENANANAIWmuFKMy


