TAHIMIK na tinatanaw ni Chesca ang masukal na kagubatan sa kanyang kwarto noon. Nandirito na siya at kailangang hindi masayang ang pagparito niya.
Nandito si Thalia. Baka mapahamak siya sa kagubatan na ito. Pag-aalala niyang sab isa kanyang isipan.
Matapos siyang ihatid rito, kung saan siya dinala ng kasamahan ni Fernan noon, iniwan siya kaagad. Humihinga na muna siya nang malalim. Lalabas siya para tingnan ang paligid; mas maiging gabi siya gagalaw, dahil alam niyang sa pagsapit ng gabi nagaganap ang mga pangyayaring hindi niya aasahan.
Bumalik na sa kanyang gunita ang mga pinagdadaraanan niya sa kanyang pagkabata, hahanapin niya ang isang bagay na kung saan pinag-iingatan sa kanyang ina, may tatlong ebidensya siyang hahanapin: una, ang kwaderno na kung saan nasa kanyang ama; pangalawa, ang ebidensya na itinago ng kanyang ina, pangatlo ang ebidensya na itinago ni Fernan.
Alam niya iyon, dahil bago pumanaw ang taong tumulong sa kanya na makatakas ay may inilibing itong isang ebidensyang hinahanap ng kanyang kapatid na si Giovane.
Napabuntong-hininga na lamang siya noon, lumabas kaagad siya ng kanyang pinagtataguan. Kagaya ng bilin ng kanyang pinsan at kasama nito, kailangan niyang suotin ang tracking device para kung anong mangyari, mahahanap siya nang mabilis.
Hindi siya dapat maging independent sa mga tumutulong sa kanya; kusa niyang wawakasan ang kasakiman ng kanyang ama.
Sa tulong ng liwanag ng buwan nakikita niya ang kanyang paroroonan, naalala pa niya ang mga pangyayaring silang magkakapatid ay paikot-ikot sa kagubatan na ito, dahil tinatakasan nito ang karahasan ng kanilang ama.
Napapaiyak na lamang siya kapag naalala niya ang mga pangyayaring magwawakas sa buhay ng kanyang mga itinuring na kapatid.
Chesca, you need to be strong; kailangan mong maging matatag para sa mga kapatid mo. Iyon lang ang nasabi sa kanyang isipan, habang pinipigilan ang mga luhang nag-uunahang tumutulo sa kanyang pisngi.
May nahagip siyang isang anino, kaya naman, agad siyang nagtago sa lilim ng puno. Naalarma siya baka kalaban o kasamahan ito sa organisasyon ng kanyang kapatid. May narinig siyang palahaw, kaya naman nagulat siya; maingat niyang binaybay kung saan ang aninong kanyang nakita ay nakatayo.
Doon, naririnig niya ang mga tinig, mga nagtatawanan.
"Huwag, may pamilya ako, may pamilya akong nag-aantay sa akin." Iyon ang narinig niyang isang tinig ng babae.
Nagulat siya, kaya naman sinilip niya iyon; tumambad sa kanyang paningin ang isang babae, isang babaeng nasa 20’s ang edad.
Tinawanan na lamang siya ng mga kalalakihan noon.
"Miss, payamanin mo ulit kami." Sabi pa ng isa.
Nakita pa niyang hinila ang buhok nito at nasaktan ang babae na tanging iyak lang ang nagawa dahil nakatali ang dalawa nitong kamay, kaya naman, napahawak siya sa kanyang kamay noon dahil naramdaman niya ang higpit ng mga lubid na nakagapos sa kanyang kamay.
"Boss, okay na ba iyan?" Tanong naman nito.
"Hmm? Not bad, not bad." Hindi na niya kailangang tingnan pa kung sino ang nagsasalita.
Ang kapatid niya itong lalaki. "Birhen ba iyan?" tanong naman nito.
"Yes, boss, fresh from the farm." Muli, narinig niya ang tawanan ng mga kalalakihan, na kung saan napasabay ding tumawa si Giovane.
"Okay, dalhin iyan sa warehouse, marami ang nag-aantay na kliyente para pasayahin ng babaeng ito. They request a virgin woman; they’re greedy as hell." Napasabi pa nito at narinig niyang nagbuntong-hininga pa ito.
"Pag-ingatan ninyo iyan, it’s our goods; pagpipyestahan na naman ito hanggang pagsawaan." Sabi pa nito.
Narinig niyang naglakad na ang mga ito at ang tanging narinig niya ay ang tinig ng babaeng humihingi ng saklolo.
Napatakip siya sa kanyang tenga, naalala na naman niya ang lahat tungkol sa warehouse na sinasabi nito.
Tiningnan niya ang paligid at tumahimik na lang bigla. Gumagawa rin ito ng prostitute sa warehouse na kung saan ang mga malalaking tao lamang ang gumagamit nito. Nasusuka siya sa mga taong iyon.
Nanginig ang mga kamay niya.
Kumalma ka, Chesca? Kumalma ka? Napasabi sa kanyang isipan noon. Napalunok siya, muli, napasilip siya, may nahagip siyang isang anino noon, tiningnan niya itong maigi, nagulat na lamang siya noong tinanggal ang hood nito.
Ericka? Napatanong sa kanyang isipan. Napailing-iling na lamang siya, at muli, tiningnan niya. Talagang hindi nagkakamali ang nakikita niya ngayon.
Anong ginagawa ni Ericka rito? Napasabi sa kanyang isipan noon. Lalabas na sana siya sa pagtataguan, subalit biglang nawala si Ericka sa kanyang paningin.
Agad niyang hinanap ito, at doon, nakita niyang sinusundan nito ang mga kalalakihan.
Mapapahamak siya kapag napunta siya sa warehouse. Alarma, niyang sabi sa kanyang isipan noon. Kaya naman, papalihim niya ring sinusundan ito. Kailangan niyang pigilan si Ericka na makalapit sa warehouse, dahil alam niya sa kanyang sarili, kapag nakatapak sila doon, alam niyang hindi sila makalalabas ng buhay.
Sinundan at sinundan niya si Ericka. Hindi niya napansin kung saang lugar na sila napadpad, kaya naman, palingon-lingon siya. Bigla siyang napalunok. Nababalik na naman siya sa warehouse. Minasdan niya ito nang mabuti.
Si, Ericka! Biglang pagpapaalala niya sa kanyang sarili, kaya napadpad siya sa lugar ngayon, dahil sinusundan niya si Ericka. Agad niyang hinanap, palingon-lingon siya noon, hanggang nasulyapan niyang nagtatago si Ericka sa lilim ng puno; batid niyang sa kinikilos nito ay desidido itong pumasok sa warehouse.
Minasdan niya ang paligid kung wala bang umaaligid na mga kasamahan sa organisasyon. Natatakot siyang mahuli siya sa pagsagip ng buhay noon. Hindi na niya hahayaan pang may mapapahamak na naman.
Buong ingat siyang lumapit kay Ericka noon, ngunit hindi siya napansin nito dahil abala rin ito sa pagsusubaybay kung wala bang mga tao sa paligid.
Hindi niya dapat gulatin si Ericka; pareho silang dalawang nakatago sa lilim ng puno, at tanging liwanag ng madilim na daan ay ang liwanag ng buwang gumagabay sa kanila.
Napansin niyang susugod at papasok si Ericka sa warehouse, kaya naman, dali-dali niyang hinila ang braso nito.
"Ericka!" Agad pigil sa gustong gawin nito.
Naalarma naman kung sino ang tumawag nito at nakahanda itong aatake sa kanya. Siya naman, hindi niya masasalo ang atakeng ibibigay ni Ericka sa kanya dahil pinipigilan niya ito.
Buti na lang nagtama ang kanilang paningin. Hindi maitago din ni Ericka ang nakita nito; agad itong nakabawi sa atakeng gagawin noong nasilayan siya.
"Ruth?" Agad nitong tanong sa kanya.
May narinig silang kaluskos, kaya naman, agad silang nagtago at minasdan kung sino ang papalapit sa kanilang pinagtataguan ngayon.
Buong pagtataka siyang tiningnan ni Ericka, ngunit, bago ang lahat, kailangan na muna nilang makatakas sa lugar na kung saan sila.
Hinila siya ni Ericka noon, at sa paghila niya may tumambad na lalaki at agad silang hinarangan.
Nagulat pa ito sa kanila pabalik-balik ang tinging ipinukol sa kanila. Agad silang hinatak at binaybay ang kagubatan na hindi nagsasalita.
NAPALINGON si Giovane sa lilim ng mga puno noon, nararamdaman niyang may mga taong nakapalibot at sinusundan siya ngayon.
"Flashlight," agad niyang utos sa kasamahan niya.
Agad siyang binigyan ng flashlight ng kanyang kasamahan. Iniliwan niya ang mga punong nandoon, pero wala naman siyang nakitang kakaiba.
Napailing na lamang siya. Sa huling pagkakataon, inilawan niya ulit, at tumambad sa kanyang paningin ang isang aninong nakatayo, dalawang anino.
Sumenyas siyang bigyan siya ng baril. Dahan-dahan ang kanyang pagkilos para hindi siya mahalata. Pinatay niya ang flashlight dahil nga full moon, napakaliwanag ng paligid noon. Nandoon pa rin ang dalawang anino na nakatayo.
Nakalapit na siya at agad-agad, tinutukan ang dalawang lalaki.
Napalingon naman ang isa at tinutukan niya ito bago makabunot ng armas.
"Whoa, boss, calm down." Sabi naman nito na agad inilagay ang kamay sa hangin.
Nangunot ang kanyang noo, at nakita niya silang Vincent at Zenne.
"What are you doing here?" Tanong naman niya na agad binaba ang baril, dahil miyembro ito sa organisasyon.
"Nagbabantay po, boss." Napasabi naman ni Zenne na napabuntong-hininga.
"Nagpapahangin din kami ngayon, you want?" Yaya ni Vince sa kanya na naninigarilyo.
Agad siyang tumanggi kay Vince.
"Pwede na kayong hindi magbantay rito." Agad naman niyang sabi na agad umalis sa paroroonan ng dalawa.
These days he felt bothered all the time; agad siyang pumasok sa warehouse. Dahilan na minsan, palagi siyang nasa defense mechanism, dahil sa nangyayari ngayon sa kanilang mag-ama, na lumalabas ang samot-saring isyu ngayon, dahil din, isang public servant ang kanyang ama sa probinsya na ito. Kaya naman, nakararamdam siya ng pressure; kailangang hindi mabahiran ng masama ang pangalan ng kanyang ama, dahil politiko rin ito.
Nakapasok na siya sa warehouse; hindi niya alintana ang ingay na nangyayari sa paligid dahil sanayan na iyon sa kanya. Pumasok siya sa isang silid na kung saan nagpapahinga siya kapag napapagod siya sa pag-entertain ng kanyang mga kasosyo.
Doon, napaupo siya at nag-iisip-isip, tinitingnan ang mga folder na naglalaman ng mga impormasyon noon. Hindi na muna niya ito binabasa; kailangan niyang magpahinga na muna saglit.
Marami pa ring mga katanungan sa kanyang isipan na hindi pa rin nasasagot; hindi pa rin niya mahanap kung sino-sino ang koneksyon ni Fernan. Ipinagpalagay niyang binura ito kaagad matapos magkaroon ng massacre sa mga kapatid nito.
Sino-sino ang tumutulong sa iyo, Jake? Napatanong sa kanyang isipan.
Nahagip sa kanyang isipan si Charles; si Charles ang posibleng gumagawa noon, pero napailing-iling siya.
No, hindi magagawa ni Charles na pagtaksilan ako. Napailing-iling na lamang siya.
May katok siyang narinig. Hindi siya sumagot.
"It’s me, Charles."
Napakamot na lamang siya noon.
"Come in," matipid niyang sabi.
Agad naman itong pumasok at hinarap siya. May dala-dala na naman itong mga impormasyon noon.
"Here." Napasabi naman ni Charles.
Agad nitong inilagay sa table niya. "Tingnan mo iyon, if you’re okay. I need to go." Napasabi naman nito. "Kaaway iyan ng ama mo, baka may mahanap kang clue kung sino-sino sa kanila ang sumisira ng negosyo ninyong mag-ama at imahe ng iyong ama sa pampublikong lugar." Agad sabi nitong isinaea ang pintuan.
Napahalakhak na lamang siya. He’s really a hardworking one. Komento sa kanyang isipan.
Yeah, magpapahinga na muna ako saglit, matapos kong tingnan ang mga impormasyon ibinahagi niya sa akin. Napasabi na lamang siya at binuksan ang brown envelope na kung saan napaloob ang mga impormasyon.
Hmm? Nag-isip-isip naman siya.
Marami siyang inaalala ngayon. Alam niyang abala ang kanyang ama at hindi ito pwedeng makadalaw at makausap ang mga kapartner nito, kaya siya na ang bahalang mag-manage. Total, ihinabilin na iyon sa kanyang ama ang warehouse at iyong mga dapat gawin na sila lang ang nakakaalam.
Kailangan na muna niyang umidlip, dahil dinadalaw na rin siya ng antok.
Dinalaw na naman siya ng kanyang panaginip; nandoon pa rin siya sa kanyang silid, nagpapahinga. Napansin niyang may mga matang nakatingin sa kanya, kaya nagtaas siya ng tingin; naalimpungatan siya.
Agad niyang nakita ang tatlong babaeng ang damit ay punong-puno ng dugo.
"You’re here, Ellese." Napasabi naman niya at napatawa.
Hindi ito sumagot, nakatitig ito sa kanya.
"Alam mo, palagi kang nagpapakita sa akin. You think masisindak mo ako sa panaginip ko, Ellese?" Napatanong siya at muling napatawa.
Napangiti rin ito pabalik sa kanya at nawala na parang bula, at si Felisa na naman ang nagpakita sa kanya.
"May panahon pa para magbago, kuya." Sabi pa nito sa kanya.
Patuya niyang tiningnan si Felisa. "Felisa, Felisa, you really are a soft-hearted girl; kahit patay ka na ay nag-aalala ka pa rin sa akin. Deep inside you want to take revenge, right?" Tanong nito sa kausap.
"Too bad, you can’t take revenge, dahil you’re a ghost already." Sabi pa nito. "By the way, nandito ka rin naman, pakisabi sa ate Ellese mo," tinitigan pa niya ang kaluluwa ni Felisa noon.
"Susunod sa inyo ang dalawa ninyong kapatid, si Ellese at si Chesca."
Napakuyom na lamang ang kapatid nito, bigla na lamang humangin nang malakas.
"Pagbabayaran mo lahat! Giovane!" Galit na boses ang kanyang narinig kay Ellese, kaya naman, nawala ng parang bola si Felisa.
"Anak," tawag sa kanya.
Wala itong salitang tiningnan siya na nalulungkot para sa kanya, umiling-iling pa ito at biglang naglaho.
Doon, nagising siya sa panaginip na iyon.
Kahit kailanman, too bad, nilayasan na ako sa tinatawag ninyong konsensya. Napasabi naman niya.
Tiningnan niya ang orasan at malapit na mag-aalas kuwatro ng umaga. Humikab na muna siya.
I need a proper sleep. Napasabi naman niya sa kanyang isipan.
Lumipat siya sa kama noon, at humilata na. Hindi na muna niya aalalahanin ang mga iyon, as long as makakita siya ng lead, uunahin na muna niya ang maduming politiko ngayon, dahil kailangan niyang linisin ang pangalan ng kanyang ama.
I’m really busy lately.
Whatever.
Doon, napapikit ang kanyang mga mata at nakatulog siya nang walang kakaibang panaginip.
ns216.73.217.15da2


