TUMUTUNOG ang phone ni Thalia, habang nagpapahinga siya sa mumunting bahay kung saan siya tumuloy ngayon. Agad niyang tiningnan kung sino ang tumawag sa kanya.
Napakunot naman siya ng noo, at agad niya itong sinagot.
"Ate," sagot niya sa kabilang linya.
"Thalia." Sabi pa nito, nakaramdam siya ng pag-aalala sa boses nito.
"Okay ka lang, ate?" Tanong naman niya, naalarma siya kung anong nangyayari sa kapatid niya ngayon.
"Tata, nakausap mo na ba si Vince?" Tanong sa kabilang linya na boses ng kanyang kapatid na lalaki.
"A—Ano po iyon, kuya? Abala pa si Kuya Vince ngayon." Napasabi naman niyang nagtataka sa kinikilos nito.
"Ah, Vince, masisipa talaga kita." Rinig niya ang reklamo ng kanyang kapatid.
Kaya naman, hindi niya maiwasan ang mapakunot-noo.
"Is that your brother?" Tanong pa nito, nilingon naman niya si Vince noon.
Tumango naman siya kaagad.
"Ibigay mo ang phone mo saglit kay Vince, Ta." Paki – usap naman nito sa kanya.
Tiningnan naman niya ang pinsan niya noon. "Kakausapin ka raw ni kuya." Agad niyang ibinigay ang phone niya sa kaharap niya.
Hindi ito nagsalita na tinanggap ang phone niya. Hindi ito lumabas sa kwarto.
Anong sasabihin ni kuya Vince sa akin? Tanging napatanong na lamang niya.
"Sasabihin ko naman sa kanya, pero bigla kang napatawag." Rinig niyang reklamo nito. Kaya naman napatingin na lang siya at nag-iintay siyang sabihin iyon sa kanya.
"Oo na, patawarin nawa ako ngayon." Napabuntong-hininga na lamang at napakamot pa sa ulo.
Mas lalong kinukulit siya ng kanyang kyuryosidad.
"So bakit ka napatawag?" Tanong nitong biglang sumeryoso ang boses.
Siya naman, napatayo na lamang sa kanyang hihigan. Hindi niya alam pero nagsasabi nitong may alam ang pinsan niya sa mga nangyayari ngayon.
Nakita pa niyang pinatay ang phone niya, nagdududa rin siya kung bakit naging seryoso ang pag-uusap nito na masinsinang nakikinig lang ito sa kanyang kapatid na lalaki. Maya—maya pa ay pinatay nito ang phone, ibinalik ito sa kanya na tinitigan siya.
Napabuntong-hininga ito bago magsalita. "Ah, talagang mana-mana talaga sa lahi natin ang mga abilidad, ewan ko kung sinong mga ninuno natin ang nagpasa nito sa atin, pero, hindi maganda ito." Napasabi naman nito.
Abilidad? Hindi ko sinabi na may abilidad ako. Napasabi naman niya sa kanyang isipan at takang-taka siyang tiningnan ang kanyang kaharap ngayon.
Umupo ito sa monoblock. "Alam ko kung bakit nandirito ka, Tata," sabi nito sa kanya. "Nandirito ka para hanapin ang katotohanang nakatago sa bawat panaginip mo, di ba?" Tanong naman ito sa kanya.
Napalunok siya noon, bago siya nagsalita. May tinik sa lalamunan na bumara, kaya naman tumikhim siya para mawala iyon.
"Kuya, may abilidad ka rin ba?" Tanong naman niya sa kanyang kausap.
"Hindi ako pwedeng magsinungaling sa iyo, pero oo, may abilidad ako." Pagtatapat nito sa kanya.
"Kung alam mo ang dahilan kung bakit ako nandirito, alam mo rin kung ano ang hinahanap ko."
"Yeah, alam ko ang hinahanap mo." Napasabi naman nito.
Nag-isip ito at napabuntong-hininga. "To tell you exactly, I’m one of the members of that organization."
Doon, napatingin siya sa kanyang kausap, kung tama ba ang pagkakarinig niyang miyembro ito sa organisasyon nasangkutan din ng kanyang kuya Fernan. Hindi siya makapagsalita noon.
"Alam mo ang mga nangyayari sa organisasyon na tinutukoy mo ngayon? Pumapaslang sila, kuya Vince!" Napatayo siya noon at hindi makalma ang nararamdaman niya ngayon.
Bumuntong – hininga ito. "That’s why nagdadalawang-isip ako kung sasabihin ko ba sa iyo."
Napatigil siya noon, natatakot siyang magtanong dahil alam niyang guguho ang mundo niya sa malalaman, pero kailangan niyang tanungin ang kaharap niya.
"Alam rin ba ito ni kuya Felix?" Tanong niya na nanginginig ang kamay niya na.
"Yeah, he’s our source sa mga nangyayari sa labas. Ngayon, masasabi kong magulo ang organisasyon, Thalia. Nabigla ako sa desisyon mo. Ngayong alam mo na, magpapatuloy ka pa rin ba?" Tanong naman nito sa kanya na seryoso siyang tiningnan.
"Bakit napasali si kuya?" tanong naman niya. Napaupo na lamang siya sa tensyon na nararamdaman niya ngayon.
Napabuntong-hininga siya.
"Thalia, kaya hindi nag-aral ang kuya mo para hanapin ang katotohanan kung ang nangyari ba sa inyong magulang ay aksidente ba o sinadya, hanggang sa nalaman niyang napasok si Fernan sa organisasyon na kinasadlakan ko ngayon, ay dahil ito ang paraan ni Fernan para buhayin ang nagugutom nilang sikmura."
"Kahit kailan, hindi pumatay ng tao si Fernan; ang tanging gawain niya ay taga-tago sa mga bangkay na pinatay ng organisasyon, mga taong halang ang sikmura."
"Imbes na magsumbong si Felix sa mga pulis, naisipan niyang isang informant na kasa-kasama ni Felix. Nagkakaroon din ng paglalakbay si Fernan, kaya naisipan niyang kausapin ang ibang miyembro na kagaya ng nararamdaman natin ngayon."
Tinitigan pa siya ng kanyang pinsan. Napabuntong-hininga siya ulit.
"Mapapatawad mo ba ang pinsan natin, Thalia?" Tanong nito sa kanya.
"Hindi dapat nilalagay sa kamay ang hustisya." Napailing-iling na lamang siya.
Sarkastiko siyang tinawanan noon. "Masasabi mo lang iyan ngayon, Thalia. Nandito ka para hanapin ang katotohanan, alam kong marami ka pang madidiskobrehan." Sabi pa nito.
"Tatanungin kita ulit, magpapatuloy ka pa ba?" Tanong nito sa kanya.
Hindi siya kaagad nagsalita, pero alam ng sarili niyang kailangan niyang alamin pa, kagaya ng sinabi ng kaharap niya ngayon.
Napalunok siya. "Kailangan kong ipagpatuloy ang nasimulan, dahil hindi ako tinatantanan ng abilidad ko, pati ni Jasmin." Napasabi niya iyon.
"Really," napabuntong-hininga naman ito. "Mana-mana lang talaga ang pagiging matigas ang ulo sa lahi natin." Napailing na lamang ito sa desisyon niya. "Well, if you really desire it, isa lang ang masasabi ko, mag-ingat ka sa bulwatre ng mga kalaban, Thalia, hindi kita kayang sagipin, kahit sinabi man ng kapatid mo sa akin na hinahabilin ka sa akin. Take your own risk, Thalia." Sabi pa sa kanyang kausap.
May ibinigay itong isang map. Tiningnan niya ito.
"Aralin mo ang mapang iyan, mapa iyan kung saang lawak ang kagubatang sakop tayo." Paliwanag nito sa kanya.
Napansin niyang may mga ekis ito. "Ano ang ibig sabihin nitong ekis at chek?" Tanging napatanong niya.
"Ang ekis ay nagsisilbing danger zone sa kagaya natin, iyang check it’s a safe place. Kapag napunta ka sa check na iyan, hanapin mo ang maliit na kubo at dalhin mo ang codename "Beta." Gamitin mo iyang code na ibinigay ko sa iyo". Sabi pa nito sa kanya.
Napatango naman siya noon.
"Pwede kang lumabas ng gabi at umaga rito if gusto mong magliwaliw, but make sure iwasan mong mapunta sa warehouse." Babala nito sa kanya.
Nanginig ang kamay niya noon. Alam niya ang tinutukoy nito.
"Don’t worry," napabuntong-hininga na lamang ito na ginulo ang buhok. "Gagawin ko ang makakaya ko na gabayan ka sa kagubatang ito." Sabi pa nito.
Napatango na lamang siya.
"By the way, nakikita ko sa premonition ko na makakasama mo si Chesca at isang babae." Napasabi naman nito.
Nagulat siya sa pangalang narinig niya. Chesca? Si Ruth? Napasabi sa kanyang isipan.
"Muling magku-krus ang landas ninyo, Ta."
Hindi na siya nagsalita pa at napatango naman siya. Hindi na niya alam kung paano niya pakikisamahan si Chesca kapag nagkrus ang landas nila.
NAKAABOT na si Ericka sa destinasyon niya, tumuloy siya sa bahay ng kakilala ng kanyang magulang. Nakakahiya man, pero kailangan niyang manirahan dito ng dalawang linggo. Hindi siya dapat magsayang ng panahon.
Pinaplano niya na mamayang gabi, maghahanap siya ng mga lugar na kung saan maaari siyang ligtas sa mga umaaligid sa mga taong nandoon sa warehouse.
Nagpapasalamat siya sa mga taong tumanggap sa kanya.
"Pasensya na po, Auntie Laica, kung nandito ako nagpasyang magbakasyon sa sembreak ko." Iyon lang ang napasabi niya, habang tumutulong siya sa paghahanda noon ng hapunan.
Ngumiti lang ng tipid. "Ano ka ba? Minsan lang kami magkakaroon ng bisita e." Napatawa pa ito.
Napangiti na lamang siya noon; maghahapunan na sila, dalawa lang ang anak nito.
"May bisita pala tayo, Nay?" Tanong naman ng anak nito.
Kababata niya ito at kasabayan niya itong lumaki.
"Oo, si Ericka." Sabi naman ng butihing si Laica na binalingan ang nagtatanong nitong anak.
"Oy, si Ericka nga! Buti naisipan mong dumalaw rito." Masayang bati sa kanya na si Gerald at tinapik pa siya.
"Naisipan ko lang pumunta rito, nakakasawa na rin kasi sa syudad, kaya nandito ako sa probinsya." Sagot naman niya.
"Eh, that’s good to hear, Ericka." Sabat naman ng isang anak nito.
"Nandito ka na pala, William." Bati naman ng isa pang anak nito.
"Yeah, kailangan ko munang kumain, para may lakas ako ngayon sa night shift ko." Rinig niyang sabi ng lalaking nasa harapan niya.
Kailangang maging maingat siya sa pinagsasabi niya, dahil hindi alam ng magulang niya na nandirito siya at wala sa kanyang lolo at lola.
"Maraming salamat po sa pagtanggap sa akin." Magalang niyang sabi sa makakasama niya.
Ginulo na lamang ang buhok ni Ericka. Sa totoo lang, may isa pang kapatid ang kababata niyang si Gerald. Dalawang taon na rin ang nakalipas nang matagpuan ding walang buhay ang kaisa-isa nitong kapatid na babae sa karatig-bayan. Hindi na rin ito pinag-uusapan pa, dahil masakit pa rin ang nangyari sa tinutuluyan niya ngayon.
Tiningnan niya ang larawan ni Faith, ang bunso nilang Gerald noon. Minsan, nakikita niya ito sa kanyang panaginip, napakuyom na lamang siya dahil wala man lamang siyang nagawa.
Matapos ang hapunan, napansin rin niyang lumakad na rin si William para sa trabaho nito. Naguguluhan siya minsan kung bakit minsan sumasagi sa kanyang isipan at paglalakbay na parang nakikita niya si William.
Ipinagsawalang-bahala niya lang ito. Doon siya sa kwarto ng babaeng napaslang. Hindi niya alam kung bakit napaka-komportable nito sa kanya; palagi siyang welcome sa kwarto nito.
Minsan, nakikita nito ang nakaraan kung paano rin ito pinaslang na walang kalaban-laban.
Nakikita ko si Faith, nagiging isa na siyang ligaw na kaluluwa sa mundong ito. Malungkot niyang saad sa kanyang isipan at napabuntong-hininga na lamang.
Paano ko ba matutulungan si Faith? Napasabi sa kanyang isipan, bilang pambawi sa magulang nitong naging mabuti sa kanya, nang sa ganoon makabawi siya sa pamilyang nagpatuloy sa kanya.
Alamin mo ang gustong gawin ni Faith, Ericka. Napabalikwas siya dahil may bumulong sa kanyang tenga na napakalamig na hanging humaplos noon.
Kaya naman agad niyang nilingon, nakita niya si Felisa na duguan.
"Kilala mo si Faith?" Tanging natanong ni Ericka sa kaluluwa.
Tanging tango na lamang ang isinagot ni Felisa sa kanya. Nakakalungkot ang pangyayari kay Faith; umiiyak siya nang umiiyak bago nawala ang lahat ng kanyang alaala. Kahit sa puso niya hindi niya magawang magpatawad. Napasabi sa kausap na nalulungkot din.
Napabuntong-hininga na lamang siya. "Maraming salamat." Maikli niyang sabi sa kaluluwang nagpakita sa kanya.
Bigla na lang itong nawala na parang bola sa kanyang paningin. Napabuntong-hininga na lamang siya.
Hindi alam ng mga nakatira na may abilidad si Ericka; ayaw niyang idamay ang tahimik na pamilyang nagbigay sa kanya ng tahanan at pagkain. Kailangan niyang alagaan ang sarili niya, dahil alam niyang walang magliligtas sa kanya.
Hindi pa rin nawawala sa kanyang isipan kung sino ang makakasama niya. Malakas pa rin ang kutob niyang magkakaharap sila ni Thalia. Napahiga na lamang siya at napapikit ang mga mata.
Nilamon na naman ng kadiliman, kaya naman natapayo na lamang si Ericka at naglakad-lakad sa kahabaang hindi nakikita ang liwanag. Sanay na si Ericka kapag nagkakaganito siya.
May mga larawan siyang nakikita, mga taong nag-uusap na hindi niya naririnig. Nahagip sa kanyang paningin ang isang lalaking may hawak-hawak na kwaderno; sa bawat pahina nito, may nakikita siyang isang natutuyong dugo. Hindi niya alam, pero malakas ang loob niyang konektado ito sa mga nakikita niyang paglalakbay.
Nagising na lamang siya, at napatitig siya sa kisame. Bumangon siya at kinapa niya ang kanyang phone; tiningnan niya ang oras.
Napabuntong-hininga siya.
Malapit na palang maghating-gabi. Napasabi sa kanyang isipan.
Bumangon siya, kailangan niyang masilip ang lugar habang nandirito siya. Kailangan niyang tibayan ang loob niya para rin ito sa ikatatahimik ng kanyang isipan at para masagot ang mga katanungang bumabagabag sa isipan niyang nagpapasakit sa kanyang ulo.
Nagsuot siya ng hood jacket, para proteksyon sa lamig ng panahon, lumabas siya sa kwarto, madilim at tahimik na ang paligid, maingat ang kanyang mga hakbang para hindi siya mahuli, nagdala siya ng isang flashlight, naging matagumpay naman ang kanyang ginawa, at agad niyang naabot ang pintuan.
Maingat niyang pinihit ang pinto, at noong nakalabas na siya, maingat din niyang isinara ang pintuan ng bahay.
Dali—dali siyang lumabas, bago siya lumayo sa bahay ay tinitigan niya ito. Babalik siya sa bahay, na hindi pa gising ang mga taong mahimbing na natutulog.
Tinahak niya ang kagubatang hindi siya pamilyar; nag-iingat siya sa mga galaw niya para hindi siya mauwi sa kapahamakan.
ns216.73.217.15da2


