WALANG pinagbago. Tanging napasabi sa isipan ni William na tiningnan ang nangyayari sa paligid niya. Tapos na niyang tawagan si Zenne, dahil may importante pa siyang gagawin.
Nasaan na naman ba iyon? Tanging napatanong sa kanyang isipan na nababagot ng mag-antay sa kasama niya.
Bigla na lamang bumukas ang pintuan. Hindi ito nagsalita. May mga hakbang siyang narinig patungo kung saan siya ngayon. Napalingon na lamang siya at nakita pa niya si Zenne noon.
Napabuntong-hininga na lamang siya, dahil abala ito sa pagkulikot sa phone nito. Bigla niyang tinapik si Zenne.
"Dating gawi." Pabulong niyang sabi at nilampasan niya ito. May lalakarin pa siya; isang gawain lamang ang gagawin niya. Alam niyang hindi rin makagalaw masyado si Charles ngayon, dahil nandito si Giovane.
Aasikasuhin na muna niya ang importanteng pinagawa ni Jake sa kanya, kundi, sunduin si Chesca kung nasaan man ito.
May ginagawa ang ibang kasamahan niya, at napansin niyang marami na namang mga babae ang nadukot ng mga kasamahan niya. Sa organisasyon, hindi siya kasali sa pagkuha ng mga babaeng nawawala; iba-iba ang trabahong nakaatang sa kanila.
Si William, ang inaatasan minsan na magligpit sa mga laruang buhay na nangyayari sa lab, kaya naman siya ang tagapaglinis sa mga dumi kahit ano mang dumi, o di kaya’y tagatapon sa mga bangkay na tapos ng pagdiskitahan.
Sinasadya niya na sa karatig-bayan lang niya ito tinatapon para madaling makita, o dili kaya’y may hinahabilin siyang identification card para mapadali ang pagkakilala ng mga nawawala.
Doon, binibigyan niya ng tamang libingan ang mga ito, kahit man ay hindi pa rin tamang libingan ang matatawag kung nawawala ang mga lamang-loob nito o kaya’y naaagnas na.
"Will, ikaw na magtatapon niyan?" Tanong naman ng kasamahan niya na tiningnan ang isang itim na tab.
Tumango na lamang siya sa kasagutan ng katanungan ng kanyang kasamahan. "Sige, aalis na ako." Sabi naman niya.
"Tulungan na kita diyan." Sabi naman ng isa.
"Hindi kaya ko, may pinapagawa si Charles sa inyo, hindi ba?" Tanong naman niya rito.
"Yeah, sige, ikaw na bahala diyan." Sabi pa nito.
Agad niyang kinarga sa likod ng kanyang multicab ang isang itim na tab noon, dumidilim na rin ang paligid at kailangan na niyang mag-asikaso, dahil nandoon na si Chesca kung saan ito itinatago ni Charles ngayon.
Hindi rin makaalis si Charles, dahil may bisita ito. Alam niyang may iba siyang pakay, para bantayan din ang galaw nito. Binuhay na niya ang makina ng kanyang sasakyan, at ilang segundo’y pinatakbo na niya ito, na binabaybay ang napakatahimik na daan.
Tinitingnan niya ang kanyang side mirror noon, malayo-layo na rin siya sa warehouse at sa mga matang mapagmatiyag. Napansin niyang malayo na rin ito; sinipatan niya muli ang tab na nakikita niya sa likuran. Nagpakawala siya ng isang buntong-hininga.
"Pwede ka nang lumabas, you’re safe here."
Gumalaw-galaw ang itim na tab noon, at bumukas ang takip nito, lumabas kaagad ang isang babae sa tab na nilingon-lingon pa kung nasaan na sila.
"Don’t worry, you’re safe." Napasabi naman nito.
Nakikita niyang natatakot pa rin ang mga mata nito, at nasa defense mechanism pa rin ito simula nang maligtas niya ito kagabi.
"S --- Saan mo ako dadalhin?" Rinig niyang tanong sa dalaga.
Hininto niya ang sasakyan sa isang tapat ng kubo.
"Bumaba ka." Utos niyang sabi sa dalaga.
Nag-aalangan naman itong bumaba, natatakot pa rin ito sa kanya. Nilingon niya ang babae.
"Save yourselves; dito lang kita kayang tulungan, hindi kita maibabalik sa pamilya mo." Saad naman niya noon.
"Bakit ginagawa mo ito?" Takang tanong naman nito.
Napabuntong-hininga siya sa daming katanungan na binabato sa kanya ngayon. Tiningnan niya ang isang kubo.
"Humingi ka ng tulong doon. They will help you." Sabi niya at itinuro ang kubo na malapit sa kanila.
Bumaba na ang babaeng tinulungan niya. "Sabihin mo na lamang sa may-ari ng kubo na hinabilin ka ni Delta."
Matapos niyang sabihin iyon, agad niyang pinatakbo ang sasakyan, nakita naman niyang patungo rin ang babaeng tinulungan niya.
Marami-rami na rin siyang nailigtas ng mga dalagitang babae. Kapag siya ang naka-assign rito, tinutulungan niya ito nang papalihim at kinakausap niya ito para hindi matakot sa kanya na makipagsundo sa kanya na gawin ang mga hakbang.
Sa kubong iyon, may tunnel patungo sa shelter ng mga babaeng sinagip niya at sa kasamahan niya sa organisasyon. Doon, itinatago na muna nila ang mga babaeng nailigtas nila, dahil balang araw may magagamit silang pruweba laban sa mga nangyayari ngayon.
Nagsisilbing witness ang nililigtas nila kung magkakaroon ng kaso, at hinahanda niya lang ang kanyang sarili.
It is the least that I can do for them. Napasabi na lamang niya sa kanyang isipan.
Tiningnan niya kung walang naka-antabay sa kanya, dahil may gagawin pa siya. Lumiko siya sa isang daan, may isang kubo din doon, pumasok siya at may sasakyan na nakaparada sa garahe niya, ginamit naman niya ang isang puting sasakyan para mapuntahan niya si Charles at si Chesca na nag-aantay din sa kanya.
Itinago niya ang sasakyan na ginamit niya kanina, dumiretso siya sa kanyang destinasyon. Maya—maya pa ay may nakita siyang malaking abandonadong gate na pinaglumaan ng panahon. Dito ang hideout ni Charles, dito rin dinala si Chesca para maging ligtas ito, malayo ito sa warehouse ng mga Fuego.
Pinagbuksan naman siya agad ng gate, dahil tapos na nitong ma-detect at hindi siya kalaban. Napakamaingat ni Charles sa mga galaw nito. Malaki ang espasyo nito, hindi lang talaga halata sa labas dahil sa anyo na nakikita nito.
Pumasok na rin siya sa loob ng mansion. Nandoon si Charles, nakamasid sa kawalan, at si Chesca naman tahimik na nakaupo.
Nagulat pa ito sa pagdating ni William.
Narinig pa niyang napabuntong – hininga ito at tinitigan pa siya nang walang salita.
"Ihatid mo na siya." Iyon lang ang tangi niyang narinig kay Charles. "I need to get ready too." Agad nitong kinuha ang mga gamit.
"Halika na, Chesca." Sabi naman ni William.
Hindi ito nagsalita na pinapakiramdaman pa ang sitwasyon nito kung ligtas ba itong makakalabas sa mansion.
"Jake will kill me if you are in danger. Ihahatid na kita kung saan ka tutuloy." Paliwanag naman nito sa kanyang kausap.
"Malapit ba ito sa warehouse ng mga Fuego?" Tanong ni Chesca kay William.
"Yeah." Maikli niyang sabi. Kagaya ng sinabi ni Felix sa kanya, mag – ko – krus ang landas nilang Thalia at Chesca.
Sumunod ito kaagad sa kanya; naiwan si Charles na nagbibihis.
"Charles, you need to go there." Saad naman niya.
Tumango na lamang ang kanyang kausap. Siya naman, ihahatid pa niya si Chesca. Hindi siya pwedeng magreklamo dahil nakasalalay lahat sa kaharap niya ang mangyayari sa hinaharap.
NAABUTAN niya ang kanyang kapatid na may hinahanap sa gamit ng kanilang namayapang magulang. Nagkalat ang mga gamit nito.
"Jen, anong hinahanap mo riyan?" Kalma niyang tanong sa kanyang kapatid.
"Kuya." Napabasabi na lamang ito at huminto ito sa kakakalkal ng gamit noon. Ngayon lang siguro napansin ng kanyang kapatid na nakauwi na siya sa bahay.
"Anong hinahanap mo?" Ulit niya ang tanong.
"Kuya," nag-aalangan naman itong nagsalita. "Nakita ko ang nakaraan." Napasabi naman nito.
Napakunot naman ang kanyang noo. "Anong ibig mong sabihin?" Lito niyang tanong sa kanyang kapatid.
"Isang babae, binaril ang babae at may dala-dala itong isang lumang kwaderno. Pero, ang naalala ko namantsahan ng dugo ang kwadernong iyon." Sagot naman ng kanyang kapatid sa kanya, tiningnan siyang natatakot at nababalot ang pag-aalala nito.
Kwaderno? Babae? Namantsahan ng dugo ang kwaderno? May nagtatagping alaala ang nabuo sa isipan ni Felix.
Hindi niya lang maalala kung saan niya nakita ang kwadernong sinasabi ng kanyang kapatid. Nakikita niyang may mga kamay na nakahawak sa kwadernong iyon.
Nabalik na lamang siya nang marinig niya ang singhap ng kanyang kapatid. "Kuya." Agad itong nagtungo sa kanya na may dala-dalang larawan na nakuha sa gamit ng kanyang magulang.
Tiningnan niya iyon, isang larawan ng magkakaibigan na dalaga at masayang nakangiti.
"Siya ang nakita ko, kuya. Binaril siya na may hawak-hawak na kwaderno. Hindi ako nagkakamali." Tiningnan pa siya nang mataman ng kanyang kapatid.
Kaklase ba ito ni Nanay? Tanging natanong niya sa isipan na nalilito, dali-dali niyang tiningnan ang likuran ng larawan. May pangalan siyang nakita noon; napakuyom siya sa kanyang palad. Hindi siya magkakamaling pangalan iyon ng kanyang ina, at ang nakagugulat pa na ang kaibigan nito ay dating asawa ni Fuego, ang unang asawa nito at ina nilang si Ellese.
Hinigop siya at napunta siya sa isang lugar na kung saan hindi niya alam kung saan siya ngayon. Nakahawak pa rin siya sa larawan ng kanyang magulang noon.
"Tulungan mo ako." Iyon ang tangi niyang narinig noon; nakita niya ang dalawang anino, sinundan niya ito, at nakita niya kung sino ang nag-uusap.
"Nay." Tanging banggit niya, sa kanyang paglalakbay hindi niya nahahawakan ang mga taong nakikita niya, at ang masakit pa, tagapagmasid na lamang siya sa mga nakaraang nangyayari.
"A --- Anong tulong ang maaari kong ibigay sa iyo?" Rinig niyang sabi noon sa kanyang butihing ina na nag-aalala ang boses na nag-aalala ring tiningnan ang humihingi ng tulong.
Humikbi pa ito sa palad bago ito ipinagpatuloy. "Tulungan mo kaming makatakas sa impyernong nasadlakan ko ngayon." Punong-puno ang boses nito ng paghihinagpis at takot nito.
"Itakas? Anong nangyari sa iyo?" tanging tanong nitong na – alarma sa naririnig sa kausap.
"Itakas mo kami sa mga kamay niya, please, Riza, please tulungan mo ako, iyong mga anak ko." Napasabi nito.
Rizalyn Sheena Tejero-Blanco ang totoong pangalan ng kanyang ina. Napakuyom na lamang siya. Ngayon, pumasok na sa kanyang isipan na ang pagpanaw ng kanyang magulang ay hindi isang aksidente, kundi plinano ito ng kalaban.
"Huminahon ka, Bella, hindi kita maiintindihan kapag hindi mo ipinaliwanag sa akin kung anong ginawa ng asawa mo sa iyo at sa mga anak mo." Tanong nitong may awtoridad ang boses.
Nakita pa niyang nanginig ang kamay nito.
Hindi pa ito makasagot, makikita nito ang pagdadalawang-isip na sasabihin ba ito sa kausap niya.
"K ---- Kung may mangyari sa akin, huwag mong tatantanan ang asawa ko." Nasabi pa nitong umiiyak.
Nakita niya sa mukha ng kanyang kausap ang pagkalito.
"Iyong akala kong asawa na magtatanggol sa akin, iyong pinangarap kong pamilya, may itinatago siyang kasakiman sa likod ng kanyang magandang pangalan." Sabi pa nito.
"A—Anong mga kasakiman ang tinutukoy mo?" Tanong nito sa kausap.
Napalunok pa ito bago magsalita. "Iyong pagiging isang taong maaasahan at iginagalang na Mayor sa bayan ng Regondo, nagtatago ang totoo niyang ugali at kademonyohan. Nakita ko siyang nagbebenta ng droga, mga illegal na mga negosyo o tinatawag na black market. Ang sabi niya sa akin, kung mananahimik ako at maging isang masunuring ina ng mga anak ko, walang mangyayari, pero natatakot ako." Tiningnan pa nito ang kausap.
Si Rizalyn naman ang napalunok noon, hindi ito nagsalita; alam niyang may kasunod pa itong sasabihin sa kanyang kausap.
"Nagbubulag-bulagan ako noon, nakaramdam na ako ng takot, hindi takot sa sarili ko, kundi takot para sa mga anak ko, pinilit kong ibalik kung anong ang dati, hanggang sa dinala niya ako sa warehouse."
Naigting ang tenga ni Felix noon kaya napadako siya sa nag-uusap.
"Warehouse?" Tanging narinig niyang tanong ng kanyang butihing ina.
"Sa ari-arian ng Fuego, lupain ng mga Fuego, doon, doon, itinayo ang malaking warehouse."
"Anong meron sa warehouse na iyon?" Tanging tanong ng kanyang ina.
Hindi agad ito nagsalita. "Bella!" iyon lang ang sabi ng kanyang ina.
"Kung saan nagaganap ang karumal-dumal na krimen, mga babaeng pinapatay.... hindi... kinakatay na parang hayop. Napunta ako doon dahil dinala niya ako," nakahawak ito sa kanyang buhok at pilit pinipikit ang mga mata nito.
"Doon --- Doon, bumigay ang isipan ko, bumigay ang puso ko," napahinto pa ito. "Rinig na rinig ko ang sigaw ng mga batang kababaehan, humihingi ng saklolo, na tinitingnan ako na nagmamakaawa, gusto ko man, pero, pero --- natatakot ako sa kasama ko noon. Iyong iyak nila at sigaw nila habang paulit-ulit silang sinasaktan."
Bumigay si Bella at doon napaiyak sa kanyang mga palad. "Sa bawat pagpikit ko nilalamon ako ng konsensya, hindi ko na kayang magbubulag-bulagan pa, paano iyong mga anak ko kapag nangyari iyon sa kanila? Natakot ako, Riza, hindi ko alam saan ako hihingi ng tulong." Napasabi nito.
Nakita pa niyang niyakap ng kanyang ina ang kaibigan nito na pinipilit pinapatahan.
Nabalik siya sa kanilang bahay na hawak-hawak pa rin ang larawan.
"Kuya?" tanging natanong ng kanyang kapatid noon.
Tiningnan niya si Jenny. "Magkaibigan sila, Jenny. Hindi namatay sa aksidente ang magulang natin, kundi pinatay sila." Sabi niya noon na nasaksihan ang pangyayari.
"Humingi ng tulong ang ina nilang Ellese noon sa magulang natin."
Napatawa na lamang siya na parang nasira na ang kokote niya. Talagang pinagtatagpo ang landas ngayon, wala na silang takas sa mangyayari sa kinakaharap nila ngayon.
Ipagpapatuloy niya ang imbestigasyon.
"Jenny, tawagan mo si Thalia ngayon." Utos ni Felix sa kanyang kapatid.
Nakita pa niyang nakatayo si Greg na minamasdan sila.
"Ate, Kuya, ang sabi ni Ellese, huwag nating pilitin ang sarili nating masangkot pa."
Napabuntong-hininga na lamang siya sa narinig.
"Really, Ellese? Nasangkot na tayong lahat. Maglalaro tayo ng apoy sa kamatayan, hanggang malaman natin kung anong dulo ng paghahabol natin." Iyon na lamang ang napasabi niya.
May humawak sa braso niya.
Huwag kang magpadala sa emosyon mo ngayon, Felix. Tanging narinig niyang sabi ng kanyang pinsan.
52Please respect copyright.PENANA3owzRHweeX


