SILA lang ang nandoon sa isang silid, kaya naman napaupo si Zenne at dumungaw na lamang siya sa bintana. Tiningnan niya si Jake na tahimik lang na malalim ang iniisip. Kailangan niya ring umalis, baka mahalata pa ng kasamahan nito na matagal siyang nawala.
Nandoon naman si William, pero kailangan pa rin niyang magpakita doon. Alam niyang nandoon na si Thalia sa teritoryo ng mga ahas.
"I need to go, Jake. Just calm down." Sabi na lamang niya sa kanyang kaharap.
Tiningnan lang siya noon na hindi nagsasalita.
"Zenne, am I really doing the right thing? Ayokong mapahamak ang mga batang iyon. Bakit kailangan pa nilang mapasali sa problema ng mga matatanda?" Tanging napatanong na lamang sa kanya.
"Jake, whatever we do to protect their lives, remember that the youths today are very bold in their decisions; they're bolder than we were, unlike us." Paliwanag ko naman sa kanya.
"Bolder? That bolder that you’re saying is bringing them to disaster and miseries, magulo pa ang utak ng mga kabataan ngayon."
Napabuntong-hininga naman si Zenne. Ayaw niyang makipagtalo sa pananaw nito, dahil mananatiling buo ito dahil sa pagiging guro ang propesyon nito.
"Ayan ka na naman sa pagiging guro mo, Jake. Set aside that attitude sa problemang hinaharap natin. Iba ang kabataan noon kaysa ngayon, Jake. Give them a little trust. Kaya nga nandito tayo para gabayan ang mga desisyon nila."
Tanging iling na lamang ang isinagot sa kanya. Hindi na ito sumagot pa.
"I need to go. Babalitaan kita anytime, Jake." Sabi naman sa kanyang kausap.
Hindi ito sumagot, tumango lang ito, bilang pagsang-ayon. Siya naman, lumakad patungo sa pintuan at agad lumabas.
Unti-unti nang sumisikip ang mundo, unti-unti na ring manganganib ang buhay niya. Kailangan niyang mag-doble-ingat sa mga lakad niya kapag pupunta siya rito at sa warehouse kung saan kasapi siya sa organisasyon.
Nagmaneho siya at dumaan sa isang daan na siya lang ang nakakaalam para rin hindi siya masundan kung sino man ang nagmamanman sa kanya. Tiningnan niya ang side mirror ng sasakyan habang siya ay nagmamaneho; wala namang suspetsya na sumusunod sa kanya.
Umuwi na muna siya sa kanyang basement, tinago niya ang personal niyang phone, at ginamit ang phone niya sa organisasyon, para rin hindi siya ma-trace kung sinong mga kausap nito.
Iba din ang dala-dala niya o pakilala niya na personal phone niya kapag nasa organisasyon siya.
Kailangang magdoble—ingat. Napasabi sa kanyang isipan noon.
Alam na niya ang mangyayari. Naniniwala siya sa abilidad ni Felix, kaya nga kahit nagulat man siya sa desisyon nito na hayaan si Thalia na bumalik, dahil may tiwala ito sa kanyang kapatid.
Dinala niya ang kanyang hood na siya ay kasapi sa organisasyon. Iba rin ang sasakyan na kanyang ginamit pabalik sa warehouse; nilabas niya sa garahe ang palagi niyang gamit kapag pupunta siya doon.
Isa lang ang kanyang layunin kung bakit gusto niyang pabagsakin ang organisasyon: gusto niyang ipaghiganti ang kanyang matalik na kaibigan na sinakripisyo ang buhay nito. Kitang-kita mismo sa kanyang mga mata kung paano ito pinatay at pinaliguan ng bala, at nandoon siya nakatayo, gusto niya man, pero sumesenyas sa kanya si Fernan na huwag niyang gawin.
Nakatatak sa isipan niya na kasalanan pa rin niya. Ikalawang kabiguan ay noong hindi niya naprotektahan ang mga kapatid nito.
Unti-unting uminit ang katawan niya dahil sa galit na nararamdaman niya. Kaya naman, napahampas siya noon. Akala niya nakalimutan at tatatanggapin niya iyon, pero sumisigaw ang isipan niya na kailangan niyang paikutin ang batas sa kamay niya.
Bigla na lamang tumawag sa phone niya sa organisasyon. Kaya naman, agad niyang sinuot ang kanyang earphone habang nagda-drive siya patungo sa warehouse.
"Where are you?" Agad tanong sa kanya ni William.
Napabuntong-hininga na lamang siya. "Patungo na ako riyan." Sabi niya naman. "I have some business, kaya natagalan ako." Sabi naman niya.
"How’s your business?" Tanong naman ito sa kanya.
May mga code silang ginagamit na tanging nakakaalam lamang ay silang William at ibang kasamahan para hindi sila paghinalaan sa organisasyon.
"I’m doing that business na hindi ko natapos; baka hingin sa akin ni boss iyon." Sabi naman niya.
"Then do it. Bilisan mo lang diyan, dahil may ipapagaw si Charles sa iyo."
"Okay."
Agad niyang pinabilis ang pagpapatakbo ng kanyang sasakyan. Noong nakarating na siya, pinark na muna niya ang kanyang sasakyan noon. Nanaog siya at naglakad-lakad patungo sa warehouse. May sumalubong sa kanya.
"Pinapatawag ka ni Charles." Pabulong na sabi nito.
Agad naman siyang tumango, agad siyang nagtungo kung nasaan ang nagpatawag sa kanya. Abala ito sa ginagawa noon.
"Bakit mo ako pinatawag?" Tanong ni Zenne sa kanyang kausap.
"You’re here." Sabi pa nito at tumigil ito sa ginagawa at tiningnan siya.
"Boss, have some order to you." Sabi pa nito na ipinagpatuloy kaagad.
"And? What is it?" tanong naman niya.
May ibinigay itong mga papeles, pagbukas niya mga babaeng nabibiktima sa kasakiman, tiningnan niya si Chales, pero, hindi ito sumagot sa kanya.
Agad niyang napansin ang gusto nitong iparating. Kaya naman binasa niya ang mensahe na siya lamang ang nakakaintindi.
"Got it, I will do it now." Balik nito sa kanya.
Hindi ito sumagot.
Ihahanda ko na muna ang pagtataguan ni Chesca. Napasabi sa kanyang isipan noon. Ito ang pinapagawa sa kanya.
Bilang isang kasapi sa organisasyon, ginawa na lamang niya ang mga bagay na hindi niya kayang gawin, kagaya ng pagbaon ng mga biktimang hindi na mahitsura dulot ng mga sugat nito dahil sa matutulis na bagay na kung ano-ano ang pinapasok nito.
Patawarin ninyo ako, kapag maayos na ang gulo, babalikan ko kayo at bibigyan ko kayo ng tamang burol. Paghihingi niya ng dispensa sa mga katawang malapit nang maagnas.
Makakamtan din ninyo ang hustisya, mag-antay lang kayo.
Matapos ilibing ang mga iyon, pumunta siya sa isang silid na ginagawa ang pag-dissect ng mga katawan ng biktimang walang buhay. Gustong-gusto na niyang sumuka, nababaliktad ang sikmura niya sa bahong sumasalubong sa kanyang ilong, sumatsaring amoy na kung minsan hindi niya naiintindihan.
Siya minsan ang taga-linis sa mga ginagawa rito, dahil marami din siyang mga impormasyon na mapupulot niya kapag nagkagipitan.
TAHIMIK na nakaupo si Jenny na kaharap si Mikaela, ang kakambal ni Ellese; alam naman niyang magkakambal ito. Hindi lang lubos maisip kung bakit gusto nitong makipag-usap sa kanya.
Bigla na lamang siyang pinatawag ng kanyang kapatid; half-day rin naman ang klase niya, nandito sila sa maliit na silid. Hindi niya alam kung paano niya sisimulan at kung paano ba niya babatiin ang kaharap niya.
Napatitig na lamang siya sa kanyang kapatid na hindi rin nagsasalita. Na sadyang pinapakiramdaman kung sino sa kanila ang maunang magsasalita, kung sino ang titibag sa katahimikan na namamagitan sa kanilang tatlo.
Kaya naman, mahina siyang napatikhim.
"Ah, A --- Anong ginagawa pala natin rito sa sulok?" Tanging tanong niya lamang sa mga kasama niya. Pabalik-balik ang tingin niya kay Felix at kay Mikaela.
Napabuntong-hininga na lamang ang kanyang kapatid.
"Ah, Mikaela pala, nice to meet you, Jenny." Ito ang narinig niya kay Mikaela.
"Ah, nice to meet you rin, Mikaela." Inilahad pa niya ang kanyang kamay para makipag-kamay kay Mikaela noon.
Awkward. Tanging napasabi na lamang sa kanyang isipan noon.
"Maiwan ko lang kayo diyan." Naglakad ang kapatid niya papalayo, at silang dalawa lang ang naiwan noon.
Nakasoot ito ng isang sombrero, naka-shades ito, at may scarf pa para itago ang anyo at mukha nito; nakasoot din ito ng facemask.
Matanda ng isang taon si Mikaela sa kanya, at si Felisa naman ang kaedaran niya.
"Bakit gusto mo akong makausap?" Tanging tanong na lamang niya sa kanyang kausap ngayon.
Tinanggal nito ang soot nito, ngayon pa lang niya nakita ng personal ang Fuego.
"May abilidad ka, hindi ba?" Tanong naman ito sa kanya.
Napakunot naman siya ng noo, hindi siya makasagot sa katanungan nito, hindi niya naihanda ang sarili niya na tatanungin siya ng diretsahan sa abilidad nito.
"Ako rin, may abilidad ako, nakikita ko ang mga kaluluwang hindi dapat narito sa mundo ng tao."
Mas lalong sumingkit at nagpang-abot ang noo niya. Masyadong mabilis ang pangyayari, hindi niya agad nahuli kung ang pag-uusapan ba nila ay ang mga abilidad na meron sila, dahil sa kanyang hinuha hindi niya pinagmamalaki ang abilidad niya.
"A --- Anong ibig mong sabihin?" Tanging napatanong siya sa kanyang kaharap.
"Nakakausap ko silang Ellese, sabi ng kakambal ko, may abilidad ka." Sabi naman nito sa kanya.
"O --- Oo, nagkakaroon ako ng premonition." Pag-amin niya sa kanyang kausap.
Bigla niyang naaalala na bumalik ito sa mansion ng mga Fuego, at may tinatakasan ito.
"Nakikita kita sa premonition ko, mapapahamak ka kapag bumalik ka sa mansion ninyo." Babala naman niya sa kanyang kausap.
"Alam ko iyon, pero may kasama ako. Hindi mo ba nakikita na may kasama ako?" Tanong nito sa kanya.
Napabuntong-hininga na lamang siya noon. "Ako." Tanging nasabi niya, hindi niya alam kung bakit nandoon ang sarili na kasama si Mikaela.
Tumango naman ang kanyang kausap. "Hindi ko alam kung anong rason kung bakit ako bumalik sa mansion namin." Napabuntong-hininga na lamang siya.
Ikwento ko ba na may importante siyang kukunin doon? Iyong importante na kukunin niya ang nakapaloob sa isang supot, at ang supot na iyon ay naglalaman ng isang kwadernong naglalaman ng mga pangalan? Napatanong sa kanyang isipan.
"Tanungin mo si Ellese kung bakit ka bumalik doon." Tanging nasabi niya noon.
Nalungkot ang mukha nito bigla sa kanyang sinabi. "Hindi sinasabi ng kakambal ko kung bakit ako bumalik doon; ang sabi niya’y maalala ko rin iyon, dahil alam ko kung saan daw ito nakatago." Sabi naman nitong nalulungkot pa at naghalumbaba.
Nagiging malinaw na ang mga premonition na nakikita niya, hindi kagaya noon, na parang isang imahe na lumilitaw bigla sa kanyang isipan, ngayon, parang totoong-totoo na ito.
Kung hindi sinabi ni Ellese iyon, maybe I should wait to tell her about it. Napaisip na lamang siya na tinitigan si Mikaela.
"Hindi ko alam ang isasagot ko sa iyo, dahil hindi ko rin naman alam ang kasagutan. Maybe someday we can answer our questions kung bakit nagkatagpo tayo at nandoon ako sa mansion." Napasabi naman niya.
"It’s not the right time na malaman iyon, Mikaela. Nandito lang naman din ako tutulong, dahil nadawit na ako sa premonition ko." Napatawa na lamang siya nang mahina sa kanyang sinabi.
Tumango na lamang si Mikaela noon.
"Salamat."
Napatango na lamang siya noon.
"Ah, by the way, can we exchange numbers?" Tanong ni Mikaela sa kanya.
Nagulat naman siya sa katanungan. Tanging tango na lamang ang kanyang sinagot.
"Thank you." Agad nitong ibinigay ang phone para hingin ang phone number niya. Agad siyang nag-type sa number nito ngayon.
Binalik niya agad matapos niyang ilagay ang kanyang phone number.
Nagmasid lang ang kanyang kapatid na lalaki. Tumayo na si Mikaela, at lumapit si Felix sa kanila.
"Done talking?" Tanong naman sa kanilang dalawa.
Agad silang tumango noon, bilang pagsagot sa katanungan nito.
Binalingan siya ng kanyang kapatid.
"Please contact Thalia." Sabi pa nito sa kanya.
"Why?" tanging tanong na lamang niya na naalarma at iniisip ang mga posibilidad na mangyayari.
"Chesca will go there." Napabuntong-hininga pa ito.
"Si, Ruth? I—I mean, si Chesca, anong gagawin niya doon?" Tanging napatanong siya na nalilito na sa nangyayari sa kanyang paligid.
Dahil, may sasagutin din itong katanungan, at saka, I know, they will help each other." Sabi pa nito.
"Mamaya po kuya." Sabi naman niya.
Tumango ito bilang pagsang-ayon. "I’m sorry to bother you. Exam pa naman ninyo ngayon." Napakamot pa ito sa batok habang humihingi ng pasensya.
"Tapos na rin po kasi ang exam ko ngayon, kuya." Tanging nasabi na lamang niya sa kanyang kausap.
"Sunduin mo muna si Greg, nag-text ang guro nila na half-day rin sila ngayon." Utos pa nito sa akin.
"We need to go." Noong nakita pa ni Jenny na nakatago ang buong katauhan nito. Tumango na lamang siya noon.
"Pasensya ka na, Jenny."
Umiling lang siya na wala iyon sa kanya.
Nabigla lang siya ngayon sa pangyayari; nakita pa niyang agad itong naglakad at nakaalis na ito, dala-dala niya ang kanyang phone, at tatawagan pa niya si Thalia ngayon.
Parang sinasadya ng panahon na pagtagpuin sila ni Mikaela; hindi na muna niya ito inisip. Kaya naman, noong hindi na sila matanaw ni Jenny, sumunod siyang lumabas at mabilis ang kanyang kilos.
Masyado na ring sumasikip ang mundo nila.
Karma. Napasabi sa kanyang isipan at napatawa na lamang. Sa kanyang paglalakad, bigla na lamang siyang nilamon ng kadiliman at napunta sa isang lugar na hindi niya alam kung nasaan siya.
Nakita niya ang isang babaeng may dalang lampara na may hinahanap sa kagubatan. Sa tulong ng liwanag ng lampara, nakita niya ang anyo nito. Sa palagay niya ay nasa thirties na ito. Hindi niya alam kung anong hinahanap nito sa kagubatan.
May dala-dala itong isang kwaderno noon. Nagimbal siya sa isang putok ng baril, isang lalaking maganda ang tikas, nagtatago sa kadiliman at lilim ng mga puno, at tanging anino lang ang nakita ni Jenny noon.
Binaril ang babaeng may hawak ng kwaderno, hindi isang beses, kundi marami pang beses, hangga’t kinuha ito ng isang lalaking hindi niya kilala ang kwadernong puno ng dugo. Iniwan ang bangkay sa kagubatan at umalis itong walang nangyari.
Napabalik siya sa kasalukuyan na habol-habol ang paghinga. Nasa kalsada na siya at tinitingnan siya kung anong nangyari sa kanya. Pinakalma niya ang kanyang mga kalamnan. Kumuha siya nang lakas para magpatuloy sa paglalakad para masundo niya ang kanyang bunsong kapatid.
Napapailing na lamang siya. Ngayon naman, napabalik siya sa nakaraan. Gulong-gulo na ang isipan niyang mas lalong dumagdag dahil wala pa rin siyang kasagutan ngayon.
Napasinghap siya na nagsusumigaw ang isipan niyang kalkalin ang gamit ng kanyang pumanaw na magulang. Sinasabi ng kanyang isipan na nandoon ang ibang kasagutan.
Kaya naman dali-dali siyang naglakad para sunduin si Greg. Hilong—hilo pa siya, pero kailangan niyang indahin ang nararamdaman niya ngayon.
56Please respect copyright.PENANACgp93Nr5xY


