Pinapakalma pa rin niya ang naghihignapis niyang kapatid, dahil sa nalaman nitong pinatay nang walang awa ang pamilyang itinuring ng kanyang kapatid.
Nakapag-desisyon nitong bumalik sa pinangyarihan. Gusto man niyang pigilan ang kanyang kapatid, pero may katigasan ang ulo nito kapag nakapag-desisyon.
Tiningnan niya si Chesca na nag-aalala kung ano ang mangyayari. Kaya naman, agad niyang pinaalam iyon kay Jake.
Niyakap na lamang niya ang kanyang kapatid noon.
Ellese, tulungan mo kapatid natin. Napasabi sa kanyang isipan noon.
May bigla na lamang hangin na humaplos sa balikat niya.
"They’re here." Napasabi naman ni Jake na tahimik na nag-aantay sa bisita nito.
Bumukas ang pinto at nakita niya ulit si Felix na kasama si Zenne.
"Nasaan si William?" Tanong naman ni Felix kay Jake noon.
"Bumalik na muna siya sa organisasyon." Sabi naman ni Jake.
Tumango na lamang si Felix.
"Anong pag-uusapan natin?" Tanong naman nito.
"Babalik ako sa pinangyarihan." Agad sabi ni Chesca noon na namumugto ang mga mata sa kakaiyak.
"Are you sure about that?" Tanong naman noon ni Zenne.
Kilala niya ito, dahil kasa-kasama ito ni Fernan noon.
Nakita niyang tumango ang kapatid niya na hindi nagdadalawang-isip kung anong mangyayari sa desisyon nito.
"Anong gagawin mo roon?" Tanong agad ni Felix sa kanyang kapatid na tiningnan nang mataman.
"Tatapusin ko ang kasakiman ni kuya at ni Dad." Buo nitong sabi na tinitigan si Felix.
Kahit kailan, hindi niya talaga namana ang katapangan ng mga kapatid niya, dahil alam ni Mikaela na mahina na ang kanyang loob.
"You think kaya mong wakasan ang kasamaan ng Dad mo? Sa lahat ng tao rito, ikaw at si Mikaela lang ang nakakilala kung anong klase itong tao." Napasabi naman ni Felix.
"Kailangan kong hanapin ang itinago ni Mom noon na pruweba. Sinabi sa akin ni Mommy ang lugar kung saan niya iyon inilibing nang ganoon katagal." Sabi pa nito.
Napatingin siya kay Chesca.
Alam din ba ito nilang Ellese at Felisa? Napatanong sa kanyang isipan. Kaya nga prinotektahan nila ito sa kanilang ama, dahil alam nila ang mangyayari.
"Babalik ako sa mansion." Napasabi naman niya.
Nakita niya ang gulat sa mga mukha nito.
"Alam mo ba ang kapalaran mo kapag bumalik ka sa mansion?" Tanong naman ni Zenne na nasapo ang noo.
"Nasaan si Charles? Iyan ba ang advice niya sa iyo na bumalik ka doon?" Inulan siya ng mga katanungan sa harap niya.
"Ate, hindi mo kailangang bumalik doon sa impyernong lugar na iyon!" Pagmamaktol at umiling – iling si Chesca na huwag siyang bumalik sa mansion.
"Kailangan kong bumalik, kailangan kong alamin pa ang buong pangyayari kung bakit pinatay niya ang totoong ina namin at mommy mo, Chesca. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako nalilinawan." Tiningnan niya si Chesca.
Umiling-iling na lamang ito na huwag niyang gawin ang imposibleng bagay na hindi kaya ng loob niya. Pero, kailangan na niyang kumilos na walang nagdidikta sa kanya, kundi sa sarili lamang niya.
"Sinasabi ko sa iyo noon, mapapahamak ka sa mansion." Sabi naman ni Felix sa kanya.
May kakayahan itong makita ang hinaharap, alam niya sa kanyang sarili na may abilidad ito at nakakausap ang kanyang kapatid na silang Ellese at Felisa.
"Mag-iingat ako."
Napakamot na lamang si Zenne noon.
"Hey, matapos magsakripisyo ng buhay si Fernan, pupunta ka sa lungga ng isang tigre na wala kang kaalam-alam sa mga pangyayari." Sabi naman niya noon.
"Mag-iingat ako." Sabi naman niya.
Narinig niyang may isang mahabang buntong-hininga at tiningnan niya kung sino iyon. Nasa malalim itong pag-iisip, pinagtimbang-timbang ang maaaring mangyari sa hinaharap.
"No," rinig niyang sabi ni Jake.
Kaya naman, nadismaya siya sa kanyang narinig.
"Bakit?" Tanong naman niya rito.
"You will be a burden to us." Prangka nitong sabi sa kanya.
Masyadong malakas ang dating ng salita nito, kaya naman, napaurong ang kanyang dila noon.
Balakid pala ako sa kanila. Napangiti ito, halatang nasaktan sa sinabi ni Jake sa kanya.
"Kaya nga gusto kong tumulong sa paraang alam ko." Mahina niyang sabi noon.
"Sa paarang alam mo? Kung kilala mo talaga ang kapatid mo at ama mo, do you think they will be happy to welcome you back?" Tanong naman ito sa kanya.
"Alam ko ang iniisip mo, Mikaela; you want to come back para maging kasama mo sila. Do you think they'll fall for it?" Tanong ulit nito sa kanya.
Hindi siya nakapagsalita, napakuyom na lamang siya sa kanyang kamay noon.
"Whoa, calm down, you two." Iyon lang ang napasabi ni Zenne.
Masyado nang mabigat ang tensyon kung nasaan sila ngayon.
"Felix, what do you think?" Hinging tulong kay Zenne sa tahimik na si Felix.
Tiningnan siya nang mataman.
"I know you will sneak out to that mansion. I realized that makasama mo ang isa kong kapatid na si Jenny." Napasabi naman nito.
Makakasama ko si Jenny? Napatanong naman siya sa kanyang sarili noon.
"B --- Bakit?" Maang tanong niya kay Felix.
"I don’t know; seek your answer, kung bakit makakasama mo si Jenny. Tanging nakikita ko lang ang mangyayari; hindi ko alam kung bakit makakasama mo siya. Kaya, hold your horses, Mikaela."
"Bakit alamin mo at sagutan mo ang katanungan mo kung bakit makakasama mo ang kapatid ko?" Sabi pa nito at tinapik.
"Kung mahina ang loob mo, tutulungan ka ng kapatid ko pagsamantala. But, please, kung kaya ninyong iwasan ang mangyayari sa hinaharap, gawin ninyo, huwag ninyong ipapahamak ang isa’t isa."
Doon, nakaramdam si Mikaela ng pagkakalma pati sa kanyang isipan. She calmed herself down and collected her thoughts. Naniniwala siya kay Felix. Ang una niyang gagawin, aalamin niya kung bakit napasali si Jenny sa kanya.
Tiningnan niya ang kanyang kapatid. Kumalma rin ang kanyang kapatid noon, dahil ayaw din nito ang kanyang pinaplano.
"Chesca, buo na ba iyang desisyon mo?" Tanong naman ni Jake na binalingan si Chesca.
Nakita ni Mikaela na tumango lang ang kanyang kapatid.
"Saan ka mag-stay in?" Tanong naman niya.
Ngumiti ito sa kanya. "Sa dati nating hideout, ate Mikaela."
Naalala niyang may hideout sila doon na sila lang ang nakakaalam.
"Paano iyang mga necessities mo?" Tanong niyang nag-aalala.
"Huwag kang mag-aalala, ate, naka-survive nga tayo noon, di ba?" Tanong naman ito sa kanya.
"Ah, sorry to burst your bubble, Chesca, but you need to be careful; you will not go to your hideout; nandoon si Charles." Agad sabi ni Jake kay Chesca.
"Kaya ko po ang sarili ko." Sagot naman ni Chesca.
"You’re a teenager, alam mo ang nangyari sa iyo noong nasa camp di ba?" Tanong nito sa kapatid.
"Kailangan mong sumunod, Chesca, para rin ito sa iyo." Sabi pa niya para naman hindi na ito makipagtalo sa pinsan nila.
Kapag nagdesisyon na ang kaharap nila, hindi na nababago ang isipan nito.
"Felix, hindi mo ba sasabihin na nandoon din si Thalia?" Tanong naman ni Zenne na binalingan si Felix.
"Thalia? Anong gagawin ni Thalia doon?" Tanong naman kaagad ng kanyang kapatid sa kausap nila.
"Well, kagaya mo rin siyang naghahanap ng kasagutan, Chesca. Hindi naiiwasan ang tadhana, Chesca." Agad sagot ni Felix sa kanyang kapatid.
"Bakit hinayaan mo si Thalia sa desisyon niya, Felix?" Rinig niyang tanong sa pinsan niyang nakikinig lamang.
"Anong magagawa ko? Hindi mo alam ang takbo ng isipan ng kapatid ko. Yes, she is your student, Jake. Pero mas ako ang nakakakilala sa kanya."
"I know, but alam mong mapapahamak ang kapatid mo."
Nakita nitong tipid itong ngumiti sa kausap.
"Bakit? Hahayaan mo bang mapahamak din ang pinsan mo? I guess you will not sit around para panoorin ang pinsan mong mapapahamak; ganoon din ang gagawin ko."
Nakita niyang napailing na lamang ang pinsan niyang si Jake.
"By the way, patungo na si Thalia doon."
"I guess, nakakahiya naman sa ating matatanda kung wala tayong gagawin, di ba?" Tanong nito sa kanila.
"Ellese and Felisa hope masaya na kayo sa desisyon namin."
Agad itong naglakad patungo sa pintuan. Nakita niya ang kanyang dalawang kapatid na seryoso ang mukha kahit duguan ito; nawala ito bigla sa kanyang paningin.
NAPAKAMOT na lamang sa ulo si Vince noon na may text siyang natanggap galing kay Felix. Malapit na kaanak nila ang Blanco. Alam na niyang mangyayari ito; hindi na nila matatakasan kung ano man ang itinadhanang mangyari.
Napabuntong-hininga na lamang siya.
"Anong problema mo diyan, Vince?" Napatanong naman ang kanyang panganay na kapatid na babae.
"May bisita tayo." Sabi naman niya.
"Bakit ka nakabusangot diyan?" Tanong naman nitong tinaasan siya ng kilay.
Nagbuga pa siya ng hangin. "Dito na muna titira si Tata pagsamantala; sembreak kasi, dito na muna pinapatuloy ni Felix." Paliwanag niya ang sitwasyon sa kanyang kapatid.
Nakita pa niyang nagulat ito. "Bakit ngayon mo lang sinabi na may bisita tayo? Kailangan kong ihanda ang isang kwarto." Sabi pa nitong natataranta.
"Ate, pwede bang kumalma ka na muna?" Tanong naman niya.
"Paano ako kakalma? May bisita tayong darating ngayon, at bakit ngayon mo lang sinabi sa akin?" Tanong nitong sumimangot ang mukha na tiningnan siya.
"Ngayon lang naman sinabi ni Felix sa akin."
"Kailangan ko ng maglinis. Pumunta ka muna sa karatig-bayan, at saka abangan mo ang bus na sinakyan ni Tata, baka maligaw iyon." Utos naman nito sa kanya.
Felix, masisipa talaga kita kapag nagkita tayo. Napasabi naman nito na naglalakad palabas, kinuha na niya ang susi ng kanyang multicab sa kanilang garahe. Magtutungo na muna siya sa palengke, total nandoon naman ang terminal ng bus malapit lang sa pagbibilihan niya ng mga inuutos ng kanyang kapatid.
Kailangan niyang matawagan si Felix para makausap niya ito kung bakit nagtungo ang kapatid niya rito na mag-isa lang.
Agad niyang tinawagan ang number nito pero nag-ri-ring lang ito.
Baka may ginagawa na naman. Napasabi niya sa kanyang isipan, kaya naman nagmamaneho lang siya patungo sa kanyang destinasyon.
Hindi naman kalayuan ang bayan na kung saan siya mamamalengke.
Bumili na muna siya ng makakain, at agad niyang tinawagan ang phone ni Felix.
"Hello?" Sagot nito sa kabilang linya.
"Felix." Mariing niyang sabi nito. "Anong ginagawa ni Tata rito?" Tanong nitong diretso kay Felix.
"Oh? Hindi ko pa pala nakwento sa iyo, pasensya ka na sa abala, Vince." Napasabi nito.
Naiinis naman siya sa kanyang kausap noon. "Tungkol ba ito sa premonition mo?" Direkta nitong tanong sa kausap.
Napabuntong-hininga na lamang ang nasa kabilang linya. "Yeah, kaya nga nag-iingat din ako ngayon, ikaw na muna bahala kay Thalia kung anong galaw niya diyan." Sabi naman nito.
"Alam mo namang nasa warehouse ako palagi, hindi ko mababantayan ang galaw ng kapatid mo." Napasabi naman niya.
"Alam ko iyon, Vince. Pero, alam kong ligtas siya sa poder mo." Sabi pa nito sa kanya.
Napabuntong-hininga na lamang siya, ayaw na niyang makipagtalo sa kausap niya.
"Tutulungan ko siya sa abot ng makakaya ko, pero I will not guarantee her safety sa warehouse." Babala niya sa kanyang kausap na sumeryoso ang kanyang boses.
"I get it, Vince. Karma ko na siguro ito." Napatawa naman ito sa kabilang linya.
Alam niyang sinisisi nito ang sarili. "Huwag mo nang sisihin ang sarili mo. I’m guilty too. Hindi ko natulungan at nailigtas ang mga kapatid ni Fernan, at si Fernan mismo." Napahawak siya sa manibela ng kanyang sasakyan noon.
"Tatawagan ko naman si Tata e. Alam mo naman na may abilidad kaming lahat." Napatawa itong mapakla.
"Yeah," hindi na niya sasabihin pang may abilidad din siya.
"Kahit hindi ka magsalita diyan, napapansin kong may abilidad ka rin, Vince." Sabi pa nito.
"Ang dami mong alam, sige na, we need to use this ability for our survival and for our karma." Sabi pa nito. "Cheers to that!"
Napatawa naman ang kausap niya. "Sige I need to go. Take care of your work, Vince."
"Yeah."
Agad niyang pinatay ang phone at napabuntong-hininga na lamang siya. Nag-aantay na siya sa bus; matatagalan pa siyang mag-antay sa bisita nila ngayon.
Maya—maya pa ay may dumating na bus, nagmasid siya sa mga pasaherong bumababa sa bus. May napansin siyang isang babae.
Tata, hanggang ngayon, hindi ka pa rin nagbabago. Napatawa siya sa kanyang iniisip noon.
Bumaba siya sa sasakyan para salubungin ang pinsan niya, at agad siyang napansin nito.
"Kuya Vince!" Kumaway pa ito sa kanya.
Agad niyang pinuntahan ang pinsan niya, naka-backpack lang ito at nakasuot ng white shirt at nakapantalon lamang.
"Nasurpresa ako dahil ngayon lang tumawag ang kapatid mo na dito ka magbabakasyon sa sembreak."
"Sorry sa abala kuya, namiss ko lang siguro ang probinsya."
Naglakad na sila patungo sa multicab; katabi lang niya si Thalia noon, at inilagay nito ang backpack nito sa backseat ng sasakyan.
"Kumusta si ate Kimberly, kuya?" tanong nito sa kanya.
"Well, maingay pa rin." Tumawa lang siya noon. "How about Jenny and Greg?" Pabalik niyang tanong sa kanyang kausap.
"Okay lang naman sila doon, saka, exam naman nilang ate ngayon. Bukas, sembreak naman nila."
"Good! Dito ba magbabakasyon ang ate mo?" Tanong naman niya.
Simpleng kumustahan lang ang nangyari sa kanilang byahe, at nakita niyang nag-enjoy ang kasama niya, maliban noong nadaanan nito ang kagubatan, pati na ang warehouse. Alam niyang muntik na itong mapahamak sa camp; nandoon siya nang gabing may hinahanap ang kasamahan nito.
Nabalitaan din niya ang pagkamatay ng schoolmate na kasama nang gabing iyon. Tutulungan niya sana ang pinsan niya, pero pinigilan siya ni Zenne na huwag na munang makialam.
Napabuntong-hininga na lamang siya noon. Kailangan niya rin sigurong bumawi na sa mga nangyayari; hindi na niya hahayaan pang may mapahamak ulit na nakita mismo sa kanyang mga mata.
"We are here!" Masigla nitong sabi.
"Hindi pa rin nagbago, kuya." Sabi pa nito na napatawa na lamang.
"Ang presko talaga ng hangin rito." Napasabi naman nito.
"Oh, nandito na pala kayo." Masayang sabi ng kanyang kapatid na babae.
"Ate!" Masigla nitong bati sa kanyang kasamang si Thalia.
"Ay! Dalaga na!" Napatawa na lamang ang kanyang kapatid.
Nakita pa niyang sinamahan ito sa loob ng kanilang bahay, at siya naman, iginarahe niya pabalik ang multicab.
Bago siya sumunod sa mga ito. Nagbabadya na naman ang mangyayari sa hinaharap. Kailangan niyang gumawa ng paraan.
Kailangan niyang tulungan si Felix, dahil alam niyang masasagot din ang mga misteryong nangyayari sa kanila.
56Please respect copyright.PENANALJ5PDSSPRg


