SEMBREAK na nilang Ericka bukas, magsisimula na siyang alamin kung ano ang nadiskobre pa ng kanyang kaibigan at kung bakit ito pinatahimik nang ganoon.
Hindi niya sinabi sa kanyang magulang ang gagawin niya, dahil alam niyang hindi siya papayagan, kaya naman, sinabi na lamang niya sa kanyang magulang na pupunta siya sa kanyang lola sa malayong probinsiya.
Alam niyang mali ang magsinungaling at mahuhuli at mahuhuli siya, pero bago siya mahuli, kailangan malaman niya ang katotohanan, pati na ang katotohanan sa buhay ng Fuego.
Bukas na ang kanyang alis, ayaw na niyang patagalin pa. Napabuntong-hininga na lamang siyang nakahiga at tinitingnan ang kisame sa kanyang kwarto. Matagal na niyang pinag-iisipan pa ang gagawin niya.
Para rin ito sa katahimikan mo, Jasmin. Hindi ako papayag na maging isa kang ligaw na kaluluwa. Napasabi sa kanyang isipan.
Umidlip na siya at kailangan na niyang matulog para maaga ang pag-alis niya. May kakilala siya na malapit sa pinangyarihan, kung saan sila nag-camping ng tatlong araw na halos maging roller coaster ang pangyayari.
Sa pag-idlip niya, dinala na naman siya ng kanyang abilidad sa isang lugar. Minsan – minsan nangyayari ito sa kanya, kailangan niya lang maging kalma sa pinapakita nito sa kanya.
Nakita niyang may hinuhukay ang babaeng nakasuot ng isang jacket noon; may dala-dala itong pambungkal sa lupa at may kutsilyo itong hawak na naghuhukay sa kalupaan. Binibilisan nito ang kilos na tila may tinatakasan. Nasilayan niyang may kasama itong babae na nakamasid din; halatang nagmamadali ang kilos sa pagbungkal at paghuhukay.
Bigla siyang dinala sa isang malaking mansion; nakita niya ang isang babaeng may tinatakasan, nagtatago ito sa malalapad na pader habang ang lalaki ay may hawak na baril.
Dinala naman siya sa nakaraan, napakunot naman siya ng noo, dahil dinala siya sa bahay nilang Thalia, nakita niyang may lumabas na dalawang tao, tantiya niya ay magulang ito ni Thalia, may lumabas na batang babae na nag-aalala sa kanyang magulang, sumakay ito ng isang sasakyan. Nabigla na lamang siya na nakasakay rin siya sa sasakyan ng magulang nito.
Hindi niya naririnig iyon, pero, base sa kanyang nakikita, masinsinan itong nag-uusap kung ano ang pinag-uusapan man nito. Sa kamay nito, may nakita siyang isang brown envelope; hindi niya alam kung ano ang laman nito. Malakas ang kutob niyang may kaugnayan ito sa pangyayari ngayon.
Bigla na lamang huminto ang sasakyan, nanaog ang mag-asawa, at hindi siya makalabas sa sasakyan noon. Pinalibutan ito ng maraming taong naka-armado na tila tinutukan ang mga ito ng armas. Pumasok pabalik ang mag-asawa. Maya-maya ay may nakasisilaw na sumalubong sa kanyang paningin; binangga nito ng ten-wheeler truck.
Tumilapon ang sasakyan ng pagkalayo-layo, siya rin ay nahihilo sa pag-iikot-ikot dahil sa malakas na impact nito sa pagbangga.
Namalayan niyang nakatayo na siya sa kalsada na may nag-uumpukang mga tao, dali-dali niyang tiningnan kung ano iyon.
Nakita niya ang dalawang tao noon, napahawak na lamang siya sa baba niya. Karumal—dumal ang aksidenteng nangyari, tila hindi nakikilala ang mga mukha nito.
Nakita niyang sinadya ang pagkamatay ng dalawa. Isang pulis ang nakita niya na lihim na kinukuha ang isang brown envelope sa sasakyang nadurog sa aksidente. Sinundan niya kung saan at kanino nito ibibigay ang brown envelope.
Isang babaeng nasa mid-30s at nakilala niya ito, ito ang ikalawang asawa ng Fuego, ang stepmother nilang Ellese noon.
Bumalik siya sa masukal na kagubatan, nakita niya ang ikalawang asawa ng Fuego na may hinuhukay; nagmamadali ang mga kilos nito, duguan ang mga kamay na siyang ginagamit para mapabilis ang paghuhukay nito sa lupa.
Naghukay ito nang naghukay, hanggang lumalalim ito, nakita niya ulit ang brown envelope na kung saan, inilagay sa plastic envelope at pinuluputan nang maraming-maraming plastic para sa pagprotekta nito.
Umalis kaagad ito pagkatapos ilibing ang brown envelope na iyon.
Nag-iba ang panahon, nagulat siya sa kanyang nakita, ito ang panaginip niyang may naghuhukay din ng lalaki na nakasuot ng itim na jacket na may dala-dalang pambungkal ng lupa, duguan ang mga kamay nito, nakita niyang may tama ito ng bala sa braso, may nakita siyang isang napakaliit na box, binuksan nito at may inilagay itong flash drive, dali-daling ibinalot din ng makakapal na plastic at ibinaon din ito sa lupa.
Matapos ilibing, naglakad-lakad ito papalayo; iniwan nito ang gamit na pambungkal sa malaking kahoy kalayuan kung saan itinago ang mga ito. Nakarinig si Ericka ng malakas na putok ng baril na nagpagising sa kanya.
Sinapo niya ang kanyang noo. Napapailing siya sa mga nakikita niya sa kanyang paglalakbay.
Hindi niya lubos maisip na may kinalaman ang magulang nilang si Thalia.
Alam ba rin ito ni Thalia? Napatanong sa kanyang isipan. Umupo siya sa kanyang higaan.
Nag-iisip siya sa mga posibleng nangyari sa nakaraan. Napakarami niyang tanong sa kanyang isipan.
Ebedensiya, napasabi sa kanyang isipan. Posibleng ebidensiya ang mga iyon. Napalunok siya sa kanyang nadiskobrehan.
Sino ang mga babaeng naghuhukay doon? Napasinghap siya bigla sa kanyang naisip na posibleng si Ericka iyon.
O, si Thalia. Napasabi naman niya.
May kutob siyang magku-krus na naman ang landas nila ni Thalia doon. Malakas ang kutob niya na may mangyayaring hindi na naman inaasahan.
Napabuntong-hininga na lamang siya, napahiga siya pabalik, at tiningnan niya ang kanyang alarm clock. Kailangan na niyang bumalik sa pagtulog.
Hindi naman siya binigo ng kanyang mata at nakatulog na rin siya na hindi ginugulo ng kanyang abilidad. Nagising siya bigla sa alarm clock na nasa table niya.
Kailangan na niyang gumising at maghanda.
Nakita niya ang kanyang magulang na nag-aalangang dili kung pipigilan siya na pupunta sa lola niya.
"Tumawag ka kapag nakarating ka na roon." Iyon ang paalala ng kanyang ina.
"Wala pa namang alam iyong lolo at lola mo sa gadgets, tumawag ka, anak." Dagdag sabi ng kanyang ama.
Tanging tango na lamang ang kanyang isinagot. Inihatid pa siya ng kanyang magulang sa bus station, nag-antay naman siyang makaalis na ang kanyang magulang.
Patawarin ninyo ako, Ma. Napasabi naman sa kanyang isipan.
Sumakay siya ng ibang bus na kung saan dadalhin siya sa kanyang paroroonan. Agad siyang nag-chat sa kanyang kakilala na nagiging kaklase niya noong mga bata pa sila, dahil doon din siya pinaaral sa elementarya, bago lumipat sa syudad kung saan siya ngayon nakatira.
PINAYAGAN niya ang kanyang kapatid na bumalik sa probinsya, kung saan nagkaroon ng camp trip ang mag-aaral. Hindi na niya mapipigilan si Thalia na umalis.
"Ta, tumawag ka kapag kailangan mo ng tulong." Iyon lang ang napasabi niya sa kanyang kapatid.
Tumango na lamang ito sa kanya. Hindi niya masasamahan ang kanyang kapatid, dahil kailangan din siya sa undercover na trabahong ginagampanan niya ngayon.
Kung magkakaroon man ng gulo at hindi ko kontrolado ang pangyayari, kailangan kong kumilos para protektahan si Thalia. Napasabi naman sa kanyang isipan.
"Talaga bang ayos ka lang na mag-isa, Ta?" Tanong naman ni Jenny ni Thalia.
Ngumiti lang ito ng tipid. "Huwag kang mag-aalala, ate, mag-iingat ako." Sabi naman nito sa kanila.
Kailangan na nilang ihatid si Thalia sa bus kung saan ihahatid ito sa gusto nitong puntahan.
"Ingat, ate." Iyon lang ang sabi ni Greg.
Tumango lang ito, nakita pa niyang niyakap nito si Greg. Ginulo lang niya ang buhok ni Greg noon, dahil alam niyang malapit ito kay Thalia.
"I will contact you anytime, Tal."
"Yes po, kuya." Sabi naman nito sa kanya.
Inihatid nila si Thalia sa bus, ngayon lang niya hinayaan ang kapatid niyang sumakay ng sasakyan kung saan ito pupunta.
Hindi na nga mga bata ang kanyang mga kapatid ngayon. Napakuyom na lamang siya dahil napakabilis ng panahon noong pumanaw ang kanilang magulang, at nangangapa siya kung paano niya palalakihin ang kanyang kapatid at maibibigay ang sapat nitong pangangailangan.
Napabuntong-hininga na lamang siya kapag naiisip niya iyon. Nakita niyang sumakay na ito sa bus; may nahagip siya noong pabalik na siya.
"Kuya." Napasabi naman ni Jenny, Napansin din siguro iyon ng kanyang kapatid.
Nakita nila silang Jake at Chesca.
"Let’s go." Napasabi niya iyon.
Kapag nasa labas siya at hindi siya nag-undercover, hindi niya hinahayaan ang kanyang sarili na madawit sa personal na buhay ni Fuego at Roman. Tumango na lamang ang kanyang kapatid na sumunod sa kanya.
Dumating na sila sa bahay; kailangan niya ring maghanda para sa iba niyang trabaho. Walang kinalaman rito ang pag-undercover niya.
"Jen," tawag niya sa kanyang kapatid.
Tumingin na lamang ito sa kanya. "Sabihin mo sa akin kung ano ang mga nakikita mo sa premonition mo." Tanging paalala na lamang niya.
Hindi mawawaglit sa kanyang isipan ang naglalarong mga babala sa kanyang nakikita ngayon.
"Kailangan nating tulungan si Thalia, kahit malayo tayo." Sabi pa niya noon.
"Yes po." Iyon lang ang matipid nitong sabi.
Alam niyang nag-aalala si Jenny kay Thalia, kaya naman para mawala ang pag-aalala nito, ginulo na lamang niya ang buhok nito.
"Kailan ang sembreak ninyo, Jenny?" Tanong naman niya para maiba ang usapan nilang magkakapatid.
"After ng exam ko bukas, magsisimula na rin ang sembreak." Napatango na lamang siya noong narinig niya iyon.
"Huwag ka sanang mag-aalala sa kapatid mong iyon, she’s tough like you. May pinagmamanahan lang kayo ng tapang." Napangiti na lamang siya.
"Matapang ba talaga tayo, kuya?" Tanong nitong malungkot, at makikita sa mga mata nito na nagsisisi.
Napabuntong-hininga na lamang siya. Hindi siya nagsalita noon; hindi niya alam kung paano niya sasagutin ang katanungan ng kanyang kapatid. Alam niya ang ibig sabihin ni Jenny, nagtatago sila nang matagal, nagtatago sila para hindi sila madamay, nagtatago sila sa anino ng nakaraan na kung saan hindi naman nila matatakasan.
Muli, ginulo niya ang buhok ni Jenny, hindi siya nagsalita, at naglakad patungo sa kwarto.
Kailangan ko na ngang harapin ang karma ko, Fernan. Mapait siyang napangiti.
May kinuha siya sa drawer, bigla na lamang tumunog ang phone niya. Tiningnan naman niya kung sino ang tumatawag sa kanya.
Napabuntong-hininga na lamang siya, at agad niya itong sinagot.
"Felix, pumunta ka na muna rito." Agad sabi ng kanyang kausap.
Tumango na lamang siya noon; hindi na lamang siya sumagot sa kausap niya sa phone. Casual lang ang damit na isinoot niya; kapag nag-uundercover siya, simpleng damit at mga t-shirt lang ang kadalasan niyang isinoot.
"Kuya? Saan ka pupunta?" Tanong naman ni Jenny sa kanya.
Papalabas na siya ng bahay nang maabutan siya nito.
"May gagawin lang." Pabulong nitong sabi.
Agad siyang umalis, hindi na niya nilingon ang kapatid niya. "Mag-ingat ka sa pagpasok sa paaralan, Jenny."
Pumunta siya sa isang eskina na hindi madaling makita ng mga tao, tago at hindi pinupuntahan ng mga tao ang kalsada na kung saan siya lang ang nakakaalam.
Nakita niyang may nag-aabang na itong sasakyan. Napabuntong-hininga na lamang siya. Dali-dali niyang tinahak iyon. Noong nakalapit na siya, kumatok siya ng makatlong beses para pagbuksan siya.
Agad binuksan ang pinto ng sasakyan, agad siyang sumakay. Nakita niya si Zenne.
"Bakit tumawag si Jake?" Tanong naman niya noon.
"Nabalitaan mo naman siguro ang nangyari sa pamilyang Dionson." Pagsisimula nito.
"Yeah? Bakit?" Tanong niya naka-cross-arm, handa siyang makinig kung ano man ang inuutos nito.
"Chesca blame herself about what happened, nakapag – desisyon siya na bumalik sa pinangyarihan." Sabi naman nito.
Doon, tiningnan niya ang kanyang kausap; nagulat siya sa sinabi ng kanyang kausap.
So, iyong makakasama ng kapatid ko, kasama si Chesca? Napatanong naman sa kanyang isipan noon.
"Is your premonition accurate, Felix?" Tanong naman ito sa kanya.
Tinitigan niya ang kanyang kausap. "Nandoon ang kapatid ko." Iyon lang ang nasabi niya sa kanyang kausap.
"Si, Thalia? Anong gagawin niya sa lugar na iyon, Felix?" Tanong naman ni Zenne na nagulat pa.
Bumuntong-hininga na lamang siya noon. "Just drive, Zenne, mag—uusap pa tayo nito, dahil masasali si Thalia at ang isa pang kasamahan nito." Sabi naman niya noon.
Hindi na nagsalita ang kanyang kausap; agad nitong pinatakbo ang sasakyan.
Nangyayari na naman ang premonition ko. Napasabi sa kanyang isipan.
Kailangan niyang kausapin si Chesca tungkol sa plano ng kanyang kapatid.
"Zenne," tawag niya sa kasamahan niya.
Tiningnan lang siya sa side mirror ng kanyang kausap; tahimik lang itong nagmamaneho noon.
"Please take care of my sister; kung magkakagipitan na, iligtas mo ang mga kasamahan niya." Napasabi naman niya.
Napabuntong-hininga na lamang ang kasamahan sa pabor na hinihingi nito. Alam niyang nagtagpo ang landas nilang Thalia at ni Giovane noon, hindi mawala-wala sa isipan niya ang mga posibleng mangyayari. Hindi pa niya nakikita sa hinaharap ang mga mangyayari pa.
Kailangan may precaution na siyang ginawa; hindi niya hahayaang magtatagumpay muli ang kasakiman.
"Alam ba ni Vince na nandoon si Thalia?" Tanong naman ito sa kanya.
"Hindi ko pa siya tinawagan; alam kong kumikilos din iyon nang papalihim." Sabi naman niya.
"Kailangan niyang malaman iyon, Felix." Sabi pa niya noon.
"Alam ko."
Maya—maya pa’y nakarating na sila sa mansion ng Roman, agad siyang bumaba at iginarahe naman ni Zenne ang sasakyan sa isang tagong lugar.
Nag-iingat sila sa galamay ni Giovane; hindi nila alam kung kailan silang tinitiktikan ng kalaban.
ns216.73.217.22da2


