KAHARAP ni Jake ngayon si Chesca, ang pinsan niyang buo sa pamilya ng Fuego. Hindi ito nagsalita noon na tinitingnan siya noon.
"N—Nandito ba si ate Mikaela?" Tanong naman ito sa kanya.
Bumalik na nga ang alaala niya. Sabi naman sa kanyang isipan. Nagiging guro siya sa paaralan kung saan siya mismo nagtuturo para mabantayan niya ang galaw ng pinsan niya.
Sumenyas ito kay Charles na tawagin si Mikaela.
Tumalima naman si Charles, maya-maya pa’y may narinig siyang mga yabag na takbo-lakad ang ginagawa nito.
"Chesca," iyon lang ang narinig niya galing kay Mikaela.
"Ate." Nakita niyang yumakap ito kay Mikaela.
Hinayaan na lang muna niya ang dalawa, dahil ilang buwan din itong hindi nakita si Mikaela.
Ramdam ni Jake ang kasiyahan ng isa’t isa noong nagkita ito na masayang nagyayakapan. Itinuring pa rin nilang Ellese na parang totoong kapatid nito si Chesca.
Tumikhim na muna siya para maagaw ang atensyon ng dalawa. Kaya naman, napatitig ito at nagkahiwalay ang dalawa sa masayang pagyayakap.
"Welcome back, Chesca Kaye Fuego." Napasabi niya iyon.
Hindi ito sumagot sa kanya, kaya naman, bumuntong-hininga na lamang siya.
"Treat me like your cousin here, Chesca. Wala tayo sa paaralan para mailang ka." Iyon lang ang napasabi niya noong nahahalata niyang medyo naiilang ang pinsan niya sa kanya.
Nakita pa niyang tumango na lamang ito.
"Ano ang pinaplano mo ngayon, Chesca?" Tanong naman niya ng diretsahan.
Nakita pa niyang napatitig pa ito kay Mikaela.
Matagal itong hindi sumagot; pinag-iisipan nito kung ano ang isasagot nito sa kanya. Naiintindihan niya si Chesca; alam niyang hindi pa nito kayang harapin ang hamon nito ngayon, kung papaano ito tutulong sa pag-usad ng hustisyang mailap sa kanila.
"Chesca, huwag mong pilitin ang sarili mo kung hindi ka pa handa." Iyon ang tanging narinig nitong payo galing kay Mikaela.
Napatitig lang si Chesca kay Mikaela noon, hindi pa rin ito makapagdesisyon
"Kailangan ko nang magdesisyon, ate Mikaela." Bigla nitong sagot sa kanya, nakita pa niyang nag-aalangan pa rin ito ngayon.
"Tumatakbo ang oras, kailangan na nating kumilos." Dagdag pa nitong sabi.
"Kung iyon ang desisyon mo." Napasabi naman niya, ginagalang niya ang bawat desisyon na gawin ni Chesca.
"Papasok ka bukas, ngunit dala-dala mo pa rin ang pangalan ni Ruth Dalia Dionson; hindi pwedeng ikaw ay magiging si Chesca Fuego." Paalala niya sa kanyang pinsan.
"Doon din po ako titira?" Tanong nito sa kanya.
Umiling siya; wala nang mababalikan si Chesca sa bahay ng mga Dionson, dahil ayon kay Felix, pinaslang ang mag-asawa pati na rin ang mga inosenteng nagtatrabaho sa mansion ng mga Dionson.
Nabalitaan niya ring pinatay ang driver na naghatid mismo kay Chesca sa mansion nila. Ang ibig sabihin lang, kumikilos na ito. Tiningnan niya si Charles noon.
"Magpahinga ka na muna, Chesca." Iyon lang ang sabi niya. "Mikaela, samahan mo muna si Chesca."
"Yes po." Agad naman nitong naunawaan at tanging si Charles lang ang tanging natira.
"Ano ang plano mo, Charles?" Tanong naman niya noon.
Tumingin lang ito sa kanya na kinukulikot ang phone nito.
"You, I don’t trust you." Pranka niyang sabi. Alam niyang nagtatrabaho ito sa kamay ng kanyang pinsan. Unti-unti na niyang napapatunayan na ang lahat ng mga nangyayari ay kagagawan ni Giovane at ng ama nito.
"I really don’t care if you don’t trust me, Jake. I’m a freelance informant, after all." Sagot naman nito sa kanya.
Hindi na siya nagsalita pa; hahayaan na lang muna niya si Charles. Gagawin niya lang ang trabaho niya kapag nagkagipitan sila ng kanyang kausap.
"You can go now." Tanging usal niya sa kanyang kausap.
"Hindi mo ba tatanungin kung ano ang binabalak ng mag-ama, ngayon?" Tanong naman ito sa kanya.
Nagbuga naman siya ng hangin noon. Alam niyang binabahagi rin ni Charles ang impormasyon na nalalaman nito sa pagtatrabaho rin sa kanya, pero hindi niya alam kung hanggang saan ang nalalaman nito sa kanya. Sapat na sa kanya na malaman ang totoo na si Giovane ang nagpapatakbo at tumutulong sa mga illegal na nangyayaring patayan na umiikot ngayon.
"Sapat na sa akin ang information na ibinabahagi mo sa akin; ginagawa ko na ang mga precautionary measures if magkakagulo sa amin." Tanging sagot naman niya.
"You’re a personal chaperone of Mikaela, and I know he knows it." Dagdag naman niyang sabi na tinitigan si Charles.
Hindi ito sumagot; kahit kailan maingat itong tao sa bawat sasabihin nito.
"You can go now if you’re done with your business with me, Charles." Sabi pa nito.
"Yeah." Agad itong papalayong naglakad patungo sa pintuan noon.
Nawala sa kanyang paningin si Charles.
"Are you sure about that, Jake?" May lalaking lumabas malapit sa malalapad na pader; kilala niya kung sino ito.
Hindi siya sumagot noon. "We need him. Hayaan mo siyang kumilos nang siya lang, he will uncover the truth without my help, William." Tanging sabi na lamang niya.
Hindi ito sumagot sa kanya. "Kumusta ang pinapagawa ko sa iyo?" Agad niyang tanong na ibinalik sa laptop ang tingin niya.
"You’re a heartless brother to him." Iyon lang ang narinig niyang komento.
"Kagaya nga ng sinabi ni Felix, and it's accurate as always; it confirmed that the Dionson residents were brutally killed in their mansion. What a creepy ability." Sabi pa nito.
"Sinong pumatay?" Tanong ni Jake sa kanyang kausap.
"Well, that man, really, ayaw niyang madungisan ang mga kamay niya ng amoy ng dugo; his henchmen do it to him, except sa driver na pinatay mismo ni Giovane." May sobre itong ibinigay.
Agad niyang tiningnan ang laman nito, mga larawan na kung saan nakikitang nakikipag-usap ito sa driver, at ito ang pumaslang sa pobreng driver.
"Bakit siya pinatay?" Tanong naman niya.
"He wants to confirm something; he used that driver to confirm that Chesca remembers her memories of the past." Paliwanag naman ni William noon.
"The sad thing is, pinatay rin ang pamilya ng driver na iyan, walang natira. Kagaya ng ginawa nitong pagpatay sa mga kapatid ni Fernan."
Napakuyom siya sa narinig. Kalunos-lunos ang pangyayari sa mga pamilya ng biktima. Alam niyang ibabalita na naman ito sa buong media at social media.
"William, do as Zenne said, bumalik ka sa warehouse bilang miyembro ng organisasyon, and please observe that man."
"Really, why are you so cold to your brother, Jake?" Tanong naman ito sa kanya.
"Do as I say, and please be careful with the task that I give you." Hindi niya sinagot ang katanungan nito.
Narinig pa niyang nagbuntong-hininga "Yeah, yeah, whatever, man." Napasabi naman nito.
"Please contact Felix kung anong next move niya." Sabi naman niya noon.
Hindi na ito nagsalita, tuluyan itong lumabas, at siya naman, tiningnan ang mga ebidensyang magagamit niya.
Hindi sapat pa rin itong ebidensya, lalong-lalo na sa ulo ng lahat ng kasakiman. Napakuyom naman siya noon.
NAGMAMANEHO na pauwi si Charles sa warehouse, sanay na siya sa pagtatagpo na ganoon ang usapan nilang Jake. Hindi na niya kailangan pang magpaliwanag sa taong iyon. Gagawin niya ang makakaya niya, dahil may hinahanap din siyang kasagutan.
Pagkarating niya, sinalubong siya ng mga kakusa nito. Nagiging abala na naman ang warehouse, kung saan maririnig ang sigaw at iyak ng mga biktima nito.
Hindi pa rin siya sanay sa trabahong ito. Kaya, nilalakasan niya ang sikmura niya kapag may ipinapatapon ito.
Rinig na rinig na naman niya ang halakhakan ng mga kasosyo ng mga Fuego; sinilip niya kung anong kasiyahan.
Napansin niyang nakabalik na ang kanilang boss; may nakita siyang isang katawan na wala na halos ang buong laman. Ibinebenta ang laman ng biktima sa black market na pinapatungan ng malalaking halaga.
Minsan naman, ang walang buhay na katawan ay nagsisilbing laman ng mga droga na kanilang binebenta sa kasosyo nito.
"Hey," tawag sa kanya ni Giovane.
Hindi siya sumagot, tahimik lang siyang pumunta kung nasaan si Giovane; nakaupo ito na hawak ang phone sa isang kamay.
"I got the message that you sent to me." Napasabi pa nito.
Tumango na lamang siya.
"Ikaw na ang bahala sa plano mo, because I always trust you." Sabi pa nito.
"Magpapahinga na muna ako; may haharapin pa akong mga mahahalagang tao ngayong hapon." Sabi pa nito.
May rason siya kung bakit nandito siya ngayon sa organisasyon; gusto niyang masagutan ang mga katanungang matagal nang bumabagabag sa kanya simula noong namatay ang kanyang bunsong kapatid bago namatay ang dalawang anak ng Fuego.
Isang kolehiyala ang kapatid niyang babae, na nananahimik sa magulong paligid. Nananahimik na makauwi ito sa kanila nang matiwasay.
Bigla na lang nawala ang bunso niyang kapatid noong gabi ng nakauwi ito galing sa paaralan. Halos mabaliw ang kanyang ama noong nawawala ang kanyang kapatid noon, hanggang humingi siya nang tulong sa kanyang kapatid na lalaki.
Magkapatid sila sa Ina ni Jake, kaya alam niyang hindi siya malapit sa pamilya ng Roman. Tinulungan siya nang walang kapalit na hanapin, subalit hindi pa rin niya matagpuan ang kanyang nawawalang kapatid.
Hanggang sa isang araw may bangkay na itinapon kalapit-bayan. Sa pagbabakasali, nakita niya ang bangkay ng kanyang kapatid, na halos nawalan ito ng loob. Nasusuka siya sa hitsura ng katawang bumalik sa kanila.
Halos mawalan ng ulirat ang kanyang ama noong nakita nila ang bangkay; nakilala niya ito sa suot na damit at may birthmark ito malapit sa dibdib.
Simula noon, nag-obserba siya kung sino ang gumagawa nang kasamaan nito. Hanggang sinabi niya ito kay Jake.
Doon, ipinasok siya sa organisasyon, at hinahayaan siyang alamin ang katotohanan ng organisasyon na napasukan niya. Marami siyang naririnig na kwento at nakompirma niyang ito ang nagpapahirap sa kanyang bunso na walang kamuwang-muwang kung bakit ito nangyari sa bunso niya.
Marami siyang mga nakilala, at nandoon siya noong pinatay ang dalawang magkapatid at pinatay ang naging kaibigan niya sa organisasyon na si Fernan.
Mas lalong nagningas ang galit niya, ang paghihiganti niya na kailanman matagal na niyang pinagpaplanohan.
I will kill them all. Napasabi sa kanyang isipan, nakaramdam siya ng galit na nanalaytay sa kanyang dugo.
Gagamitin niya ang impormasyon na nalalaman niya para mapabagsak niya kung sino ang ulo nitong organisasyon.
Noong pinatay si Fernan, mas lalo niyang ginugol ang oras niya na maging mapangahas sa mga ibinibigay sa kanya; pikit-mata niyang ginagawa ang mga pinapagawa sa kanya, hanggang naabot niya na maging kanang-kamay siya ni Giovane. Sa posisyon na naabot niya, marami siyang impormasyon na makakalap.
Natigil ang pagmumuni-muni niya nang may narinig siyang isang iyak na nanggaling sa torture room. Gusto man niyang ayaw pakinggan, pero hindi niya maiiwasan iyon.
Cath, ganito ka ba pinahirapan ng mga demonyong ito? Napatanong sa kanyang sarili.
Guess, isa rin ako sa mga demonyo na nagpapahirap sa iyo. Pero, ito ang demonyong magpapabagsak sa kanila. Huwag ka lang mainip, makakamtan natin ang hustisya.
Napadaan siya sa isang room. Maraming kwarto ang warehouse, na ginagawa ang karumal-dumal na nangyayari.
"Zenne," napansin niya ito.
Tinanguan na lamang niya ito, at naintindihan nito ang tangong ginawa niya kanina. Marami siyang mga nadaraanan na kwarto noon.
Pumunta na muna siya sa slaughter area kung saan binebenta ito sa mga black market sa bayan na tanging ang nakakaalam lang ay ang kasali sa organisasyon; binebenta ito ng mas higit pa sa presyo nito.
"Handa na ba iyan?" Tanong niya sa mga kasamahan niya.
Tumango na lamang ang mga kasamahan niya.
"Saan ang lokasyon niyan ng bentahan?" Tanong naman niya.
Agad nitong sinabi sa kanya. Kaya naman, napatango na lamang siya noon.
"Hey, Charles." Biglang tawag ni Giovane sa kanya.
Napalingon naman siya.
"Samahan mo silang maghatid ng double dead na karne, baka may makaamoy na kaaway at magkakaroon na naman ng sabotahe." Sabi naman nitong mahina sa kanya.
"Got it." Iyon lang ang sagot niya.
Kagaya ng sinabi ni Giovane sa kanya, sinamahan niya ang van na maghatid nito sa kalapit-bayan kung saan ang lokasyon nila ngayon.
"Please be careful about that." Paalala niya sa mga ito.
Nandoon na siya sa sasakyan, nag-aantay lang siya na matapos na isaayos ang mga karneng ibebenta sa black market.
May tinext siyang lokasyon sa isang tao na isabotahe ulit ang black market. Noong patapos na ang mga kasamahan niya, agad itong pumasok at nagmaneho.
Marami siyang plano na nasa isipan niya, pero kailangan niyang kumalma, at baka mahuli siya sa bitag ng kalaban na hindi niya namamalayan dahil sa maling galaw niya.
Masyado siyang nag-iingat sa mga kaganapan ngayon, lalong-lalo na naghihinala na si Giovane sa organisasyon. Alam niya ang reverse psychology na ginagawa ni Giovane sa kanya, kaya hindi siya nagpapahuli at nagpapahalata sa ginagawa niya.
Hahayan ko muna siyang gumalaw. Forte niya ang mga gawaing ito. Napasabi sa kanyang isipan.
Kumagat na ang kadiliman, ang kadilimang nagbabadya ng kasakiman sa sangkatauhan. Bumuntong-hininga na lamang siya habang binabaybay ang malayong lugar kung saan ang kanilang warehouse ay nakatayo.
Nilingon niya ito; hindi nga halata kapag nasa malayo ang warehouse, para lang itong isang lumang warehouse na napabayaan. Ngunit, nandoon pa rin ang kilabot na kanyang nararamdaman niya sa mga biktimang nakikita niya araw-araw.
61Please respect copyright.PENANApKA1opoiK7


