NAGKULONG sa kwarto si Ruth, ayaw niyang paniwalaan ang nangyayari sa kanya ngayon. Hindi pa niya nakausap ang kanyang mga magulang.
Chesca, ako si Chesca Daia Fuego. Hindi ako si Ruth Dionson. Napabuntong—hininga siya, ngayon na lamang siya nalinawan kung bakit may pinapainom itong gamot, para sa maintenance ng pagbura sa kanyang alaala.
Napaiyak siya, para lang niyang niloloko ang sarili niya, nalilinawan na siya kung bakit nakikita niya ang kanyang dalawang kapatid at nagpaparamdam sa kanya, nalinawan siyang para rin ito sa kaligtasan niya.
Matagal na nag-aantay ang dalawa niyang kapatid na pumanaw, dahil alam niya sa kanyang sarili na siya ang susi sa mga kasagutan kung bakit isa-isa silang pinaslang ng kanilang ama.
Si Kuya Giovane, nakita na ako ni Kuya Giovane. Biglang nanginig ang kanyang mga kamay. Hahanapin niya si Mikaela.
Gusto niyang makausap ang pinsan niya; inaamin niyang sumaya siya pagsamantala sa katauhan ni Ruth. Nakatatawa siya nang ganoon, kahit pagsamantala, ngayon, haharapin niya ang katotohanan. Kakausapin niya ang pinsan niyang si Jake.
Hindi pala pagkagusto ang nararamdaman niya sa gurong iyon, kundi malapit lang talaga siya sa taong iyon.
Maging matatag ka, Chesca. You need to calm down. Napasabi sa kanyang isipan.
Sa katauhan ni Ruth, nakahanap siya ng isang kaibigan na nag-aalala sa kanya palagi.
Thalia. Sambit sa kanyang isipan.
Maniniwala ba siyang anak ako ng Fuego? Kapatid sa dalawang dalagang napaslang? Napangiti na lamang siya ng mapakla noon.
Masyado pang magulo ang isipan niya, naniniwala siyang ang mga impormasyon na pumapasok sa isipan niya, ito ang tutulong sa kanya, maghahanap siya ng hustisya sa dalawa niyang kapatid.
Kahit man, half-sister niya ang mga ito, hindi siya nakaramdam na kung anuman, dahil tinanggap siya nang buong puso ni Ellese at ni Felisa.
Itinuring siyang parang totoong kapatid ng dalawa. Agad niyang kinuha ang phone niya; napabangon na lamang siya nang may narinig siyang may kumakatok sa pinto ng kanyang kwarto.
Pinagbuksan niya ang mga ito.
Nakita niya ang nagiging ama at ina niya pagsamantala. Nagpapasalamat pa rin siya sa pag-aalaga nito sa kanya na itinuring siyang parang totoong anak.
"Naalala mo na ba ang katauhan mo?" Bigla nitong tanong sa kanya.
Hindi na siya kailangan magkubli pa, kaya naman agad siyang tumango bilang tugon nito.
"I see." Napasabi naman nito.
Bigla siyang niyakap ni Mrs. Dionson nang mahigpit. "I’m sorry, kung hindi namin sinabi ang totoong nangyari, we need to protect you from that man." Sabi pa nito na tinitigan siya.
"Naintindihan ko po iyon." Napasabi na lamang niya.
"Kailangan mong kausapin ang pinsan mo." Sabi naman ng kanyang naging ama.
Tumango na lamang siya.
"Pupunta po ako sa kanila. Kailangan kong kausapin si Mikaela." Napasabi na lamang niya.
"Mag-ingat ka, kailangang walang nakakita sa iyo. Kailangan mo na ring umalis." Nagulat na lamang siya sa mga kilos nito; hinila siya nang marahan ng kanyang naging ina. Dinala siya sa garahe na kung saan nag-aantay ang driver nito.
Tila alam na ng driver kung saan sila tutungo; tanging ang soot lamang niya ay ang kanyang pajama, at tanging ang dala lang niya ay ang kanyang phone.
Bago pa siya sumakay, niyakap siya nang mahigpit; napansin niya ang kalungkutan sa mga mata nito. Mahina siyang itinulak para makapasok siya.
Tiningnan niya ang naging magulang niya noong nakapasok siya sa loob ng sasakyan. Tiningnan niya ang kabuuan ng mansion; dumaklot ang kaba niya sa dibdib noon. Tila’y hindi niya na ito makikita pa.
May mangyayari ba? Napatanong sa kanyang isipan. Agad umandar ang sasakyan, napansin niya ang takbo ng sasakyan, tila napakabilis na nagmamadaling pumunta kung saan man siya ibababa nito.
A ---- Anong nangyayari? Napatanong sa kanyang isipan. Hawak—hawak niya ang kanyang phone noon, gusto niyang kausapin si Thalia ngayon.
"Manong, manong." Tawag niya sa nagmamaneho sa sasakyan.
Hindi ito nagsalita, tiningnan lang siya sa side mirror nito.
Kakaiba ang nararamdaman niya ngayon, kung bakit binabagabag siya ng pag-aalala noong umalis siya sa mansion.
Pinigilan niya ang kanyang sarili; baka epekto lang ito sa nararamdaman niya ngayon na bumabalik ang alaala niya. Sumakit na naman bigla ang ulo niya at nahihilo na naman siya.
Sa pagbuka sa mata niya, nasa harap siya ng mansion ng mga Fuego. Wala siya sa loob ng sasakyan, kundi nasa labas siya ng mansion.
Napatitig siya sa kaanyuan nito, kung saan siya isinilang, kung saan nakaramdam siya ng kasiyahan at pagkabalisa noong pumanaw ang kanyang ina.
Napabalik na lamang siya sa katinuan noong may anino siyang nakita; nakilala niya ang anyo nito, ang kanyang totoong ama na si Don Bernard Dante Fuego. Kapag namamasdan niya ang kanyang ama, hindi niya maiwasang matakot; nagtama ang kanilang paningin, subalit iba ang tinitingnan nito.
"Nasaan ang apat mong kapatid, Giovane?" Tanong nito sa kausap.
Agad niyang nakita ang lalaki, naglalakbay na naman siya sa nakaraan.
"Ah, nandoon sa paborito nilang lugar." Sagot naman nito sa katanungan ng kanyang ama.
Tiningnan niya si Giovane; tantiya ni Chesca ay labing-apat na gulang pa si Giovane noon. Hindi sumagot ang ama nito.
Lumakad ito at nilampasan siya noon, kaya naman, dali-dali niyang sinundan kung saan ito patungo.
Naalala niya bigla ang pangyayaring iyon, pupunta ito sa basement sa mansion, tama nga siya. Naalala niyang ikinulong silang apat sa basement, dahil sa kanyang kasalanan.
Agad nitong binuksan, nakita niya ang kanyang sarili na nasa walong taong gulang, naalala niyang bago pa lamang pumanaw ang kanyang ina noon.
Napasok na naman siya sa kanyang totoong katauhan at naging walong taong gulang na naman siya.
Niyakap siya ni Felisa noon, at siya naman nagsusumiksik at nagtatago sa yakap ng kanyang kapatid.
"Sana nagtanda na kayo sa kasalanan ninyo." Sabi pa nito na tiningnan sila isa-isa.
Natatakot siya sa mga mata nito.
Walang naglakas-loob na sumagot sa kanila noon. Dahil kapag sumagot sila, papahirapan na naman sila ng kanilang ama.
Napabalikwas na lamang si Chesca; nakatulog pala siya. Nandito pa rin siya sa sasakyan; nasilayan niya ang mansion ng kanyang pinsan.
"Ma'am, nandito na tayo." Sabi ng kanyang driver.
Tumango na lamang siya noon. Bago siya nanaog sa sasakyan, pinagmasdan niya ang kabuuan kung saan makakausap niyang muli ang pinsan niya.
Bago pa siya makababa, may lalaking sumalubong sa kanya sa gate.
"Hinihintay ka na ng iyong pinsan, Chesca." Napapabaling naman siya sa nagsasalita.
Agad siyang bumaba, tiningnan niya ang driver nila at nagpasalamat siya na ligtas siyang inihatid sa destinasyon. Tumango na lamang ang driver sa kanya.
Tiningnan niya ang lalaking sumundo sa gate.
"Naalala mo na ba ang lahat, Chesca?" Tanong naman ito sa kanya.
Kilala niya ang lalaking sumundo sa kanya. Hindi na siya nagsalita pa at tanging tango na lamang ang isinagot niya.
MASAYA ang ngiting namutawi sa bibig ni Giovane na tiningnan ang mga larawang pinagmamasdan niya. Hindi niya mapigilang mapahalakhak sa galak na nararamdaman niya ngayon.
"You're doing great, Bern." Tinapik pa niya ang lalaking nasa katanghalian ng edad.
"I --- Iyong pangako mo na hindi madadawit ang pamilya ko." Papaalala nito sa kanya.
"Eh? Pinangakuan ba kita noon?" Napaisip na lamang siya habang itinatago ang larawan na siyang ebedensiya na buhay ang dalawa niyang kapatid.
Hindi ito sumagot, ito ang driver na nagtatrabaho sa mansion ng mga Dionson, ito ang taga-hatid sundo ni Chesca.
"So it’s confirmed na naalala n ani Chesca ang pagkatao niya?" Tanging tanong nito sa kanya.
Tumango ito bilang tugon na tama ang mga sinasabi nito sa kanya.
Napangisi na lamang siya.
"Thank you for your hard work." Dahan-dahan niyang kinuha ang baril niya.
Agad niyang pinutok ito sa lalaki. "Ah, by the way, wala ka ng mauuwian, dahil puro bangkay na lang ang sasalubong sa iyo." Napasabi naman niya.
Nakita niya ang gulat nito na hindi makapagsalita at maka-alma sa nangyari na walang kalaban-laban, pinaulanan niyo ito ng bala.
"Ah, masyado lang akong natuwa." Sabi pa niya. "Itapon ninyo iyan." Agad niyang utos sa kanyang mga galamay.
Hindi naman kumibo ang mga kasamahan niya, kusang kumikilos naman ito, siya naman babalik na siya sa kanyang sasakyan. Tumunog ang phone niya bago siya magmaneho.
He only smirk sa message galing kay Charles.
Let the fun game begin. Napasabi sa kanyang isipan.
Umuwi siya sa mansion; nandoon ang ama niya at masisiyahan ito sa balitang maririnig nito. Mabilis ang takbo ng kanyang sasakyan patungo sa patutunguhan niya ngayon. Hindi siya makapag-antay na ibalita iyon sa kanyang ama.
Well, may problema pa rin, dahil hanggang ngayon, hindi pa rin mahuli—huli kung sino ang sumisira sa negosyo ngayon. Napasabi sa kanyang isipan, habang nagmamaneho siya.
Malaking palaisipan pa rin ito sa kanya.
Well, he’s my cousin; what do I expect? Kahit may dugong Roman man ito, he has a corrupt mind like us.
Tumatakbo na sa isipan ni Giovane, kahit wala man siyang pruweba na maipakita na kagagawan man ito ng kanyang pinsan, alam niyang gumagalaw ito nang papalihim.
Well, who will win this game? Napatanong sa kanyang isipan.
Oh, we’re here! Nagagalak pa niyang sab isa kanyang isipan, noong nasilayan niya ang kanilang mansion.
Nasa gate na siya at agad naman siyang pinapasok ng kasambahay nito.
"Where’s Dad?" Tanong niya sa kasambahay habang bumaba siya sa kanyang sasakyan.
"Nasa harden po, Sir."
Hindi na siya nagtanong pa at agad pinuntahan ang kanyang ama sa kanilang malawak na hardin.
Nakita niya ang anino nito, sumambulat agad sa kanyang paningin ang kanyang ama na nakaupo na may binabasa sa newspaper; katabi nito ang mainit na kape at ang phone nito.
"You’re here, Giovane." Agad niyang napansin ito na iniangat pa ang mukha nito noong napansin siya.
"Yeah." Umupo naman siya at minamasdan ang magandang tanawin na pinapaligiran ng mga naggagandahang namumukadkad na mga bulaklak.
"Kumusta ang pinapagawa ko sa iyo?" binalingan naman siya noon.
Ngumisi siya sa kanyang ama.
"Chesca, my youngest sister, bumalik na ang alaala niya." Balita naman niya.
"That’s good. How about her foster parents?" Tanong naman nito na tiningnan siya nang mataman.
"Oh, huwag mo akong titigan ng ganyan, Dad. Mababalita iyon bukas, kagaya ng gusto mong mangyari."
"Okay, I expect so much from you, Giovane; if your sisters are not idiots, they are still here laughing under my wings." Sabi pa nito.
"So, what’s your plan about my two sisters?" Tanong naman niya.
"Buhay rin pala ang Mikaela na iyon," nakita pa niyang napangiti ito. "Well, talagang hindi madaling patayin ang ligaw na damo." Napasabi pa nito sa kanya.
"Yeah, what’s your next plan?" Tanong naman niya.
"Let it be that two will return here; I know hinahanap din nila iyon."
"Magsisilbi itong pain na pabalikin natin sila sa Mansion, and that two... well, I will make sure hindi na sila masisikatan pa ng araw."
"Ah, matindi talaga ang galit mo sa dalawa kong kapatid." Napasabi naman niya.
"How about your annoying cousin?" Tanong naman ito sa kanya.
"That’s the bad news; hindi ko pa makuhanan ng pruweba ang lalaking iyon." Napabuntong-hininga na lamang siya.
"Well, don’t mind him. Nakonekta mo na ba ang sangkot kay Fernan?"
"Fernan? Hmm? Nakalimutan ko, Dad, sa marami kung inaalala sa warehouse na iyon, nakalimutan ko kung sino ang mga kasangkot niya at kasama niya sa organisasyon."
"Where’s your right hand?" Tanong naman ito sa kanya.
Ganoon talaga ang kanyang ama, marami itong tanong sa kanya kapag nandirito ito sa mansion, dahil pinaplano nitong mabuti ang mga mangyayari, ganoon ito magplano, kung ano ang gagawin nito.
"Don’t worry about him; he’s under control, Charles. Well, I give him a task to manipulate Mikaela." Sagot naman niya.
"I have a bad feeling about that, Charles. Mag—iingat ka pa rin sa mga impormasyon na pinapasa mo sa kanya. My skin is crawling; it’s a warning that he’s working under the shadow." Babala naman nito sa kanya.
Tinapik niya ang kanyang ama noon; masyado na itong sensitive sa paligid nito, dahil marami na rin silang nakakalaban sa batas, ngunit nalulusutan pa rin nila iyon.
"Don’t think too much, Dad. If he gives me a hint that he’s not good enough, ako na mismo ang papatay sa kanya."
Hindi sumagot ang kanyang ama noon na tinitingnan ang paligid.
"Monitor our warehouse; baka pinamumugaran na ito ng maraming ahas." Napasabi naman nito.
"Yeah, that’s my plan, Dad." Napasabi naman siya.
Tumango ito bilang pagsang-ayon.
"May aayosin lang akong ibang bagay." Napasabi naman ng kanyang ama.
"Take time, Dad. I will take care of the rest."
Babalik na siya sa kanyang sasakyan noon; kailangan na niyang pumunta sa warehouse; marami na namang tumatawag sa kanya, pero naka-silent ang phone niya.
Tumatawag na naman ang mga ka-sosyo niya.
Really, people are people. Greedy, selfish, and self-centered one.
Agad siyang sumakay. Masyado na rin siyang maraming ginagawa at hindi pa rin niya nasasagutan kung sino ang lalaking nasangkot kay Fernan noon.
He needs to dig deeper para malaman niya kung sino talaga si Fernan; hindi pala sapat na patayin ang mga kapatid nito.
I will kill them if I know the truth; I will kill them with no mercy.
ns216.73.217.22da2


