"KUMAIN ka na muna, Thalia." Napasabi naman ng kanyang kapatid.
Nagulat na lamang si Jenny na iyon na ang pag-uusapan nilang magkakapatid; napatingin naman si Thalia sa kanya habang kaharap ang pagkain noon.
Nakita pa niyang, isinubo ni Thalia ang pagkaing kaharap nito, ninguya nito na tila hindi malasahan ni Thalia ang kinakain nito ngayon. Matagal na rin naman niyang gustong kausapin ang kanyang kapatid.
Narinig pa niyang bumuntong-hininga na lamang ito.
"Thalia, kailan ka naglalakbay?" Tanong naman ni Felix na tinitigan pa ang kanyang kapatid na kumakain.
"Bago pa nangyari ang camping trip namin." Umamin na nga ito.
"Ikaw, Jenny?" Tanong naman nito na binalingan siyang tahimik lang na nakikinig sa pinag-uusapan nila ngayon.
"Simula ng mamatay silang Mama at Papa." Gumaralgal ang boses niya na parang pinipigilan siyang sumagot.
"Matagal na pala. Ano ang nakikita mo sa premonition mo?" Sunod nitong tanong.
"Kuya," napalunok na lamang siya. "Iyong ikwenento ko sa iyo noon, na alam ko ang mangyayari nilang Mama at Papa sa gabing iyon." Nakaramdam naman siya ng guilt sa kaloob-looban niya ngayon, habang naalala niya ang nangyari sa kanyang magulang. Napakuyom na lamang siya.
"Greg, nakikita mo sila, hindi ba?" Tanong naman nito sa kanilang bunso na nananahimik.
"Opo, nakikita ko po silang lahat." Napasabi naman nito.
"Nakakausap mo rin sila, hindi ba?" Sunod—sunod nitong tanong sa bunso nila ngayon.
Tumango na lamang ang kanyang bunso nila na nakakapit sa manggas ni Thalia.
"Alam kong malaki ang kasalanan ko sa inyo, pero, nais ko lang kayong protektahan sa abilidad ko. Iyong premonition mo ba ngayon, Jenny, nandoon ka sa pinangyarihan?"
Nagulat siya at nasalubong niya ang tingin ng kanyang kapatid, bigla na lamang nagsitayuan ang balahibo niya sa braso, hinimas niya ito para pakalmahin ang nararamdaman niya. "Ye--- Yes po, kuya, ka --- kanina nakita ko ang nangyari na parang totoong – totoo." Hindi pa rin niya malimutan ang nangyari sa kanya noon.
Ginulo na lamang nito ang kanyang buhok.
"Itong abilidad natin ngayon ay konektado sa nakaraan na pilit kong kinakalimutan." Pag-uumpisa nitong sabi. Tiningnan pa sila isa-isa noon.
"A --- Ano pong ibig mong sabihin, kuya?" Tanong naman niya noon, magulo pa rin ang isipan niya, pero pinipilit niyang intindihin ang lahat dahil alam niya sa pag-uusap nila ngayon, ay alam niyang masasagutan ang mga katanungan na matagal ng bumabagabag sa kanya.
"Ang mga Fuego."
"Fuego? A—Anong kinalaman natin sa pamilyang Fuego?" Napatanong naman niya, nagigimbal siya sa pangyayari ngayon, at bakit naging konektado ito sa pamilyang Fuego.
Napasinghap na lamang si Jenny; may nalalaman din ito. "Fuego, may kinalaman ba ang pagkamatay ni kuya Fernan at ng kanyang mga kapatid, kuya?" Tanong naman niya. Nakita niya sa kanyang premonition ang pagkamatay ng kanyang pinsan.
Dahil sa pananahimik niya, at ayaw nilang madamay sa gulong napasukan, tumahimik siya at siya’y nagbubulag-bulagan sa katotohanan.
Napakunot si Thalia at napakamot naman sa ulo nito.
"Yes, isa si Fernan sa nadawit noon sa mga Fuego, ako rin ay nadawit sa pamilyang yaon, dahil tinulungan ko si Fernan sa plano niyang itakas ang dalawa pang anak ng Fuego."
Bigla siyang pinagpawisan nang malagkit; naalala niya ang mga premonition na kanyang nakikita. Nakita rin niya ang reaksyon ni Thalia noon.
"Mikaela Fuego," banggit ni Thalia noon na inaalala pa ang nakikita nito kanina.
Napalunok siya, kilala niya si Mikaela Fuego, ito ang kakambal ni Ellese Fuego, palagi niya itong nakikita sa premonition niya na may hinahanap at may tinatakasan sa kagubatan. Kasama si Ruth.
Hindi na maitatago pa ang totoong pagkatao ni Ruth; nagkausap sila ng kanyang kapatid noon bago pa ang masinsinan nilang pag-uusap ngayon. Na si Ruth ay si Chesca Fuego.
"Chesca Fuego," nabalik ang gunita niya na biglang nagsalita si Thalia.
"Kuya, si Ruth at si Chesca, iisa sila, hindi ba?" Tanong naman nito, nakita pa nito ang mga matang nag-aalala.
Doon, hindi na siya kumibo pa; ayaw na niyang magsalita pa tungkol doon. Kaya nga pinabantayan niya si Chesca sa kanyang kapatid dahil alam niya ang katotohanan dahil sa kanyang abilidad na kayang masilip ang kasalukuyan.
"Yes, Ruth and Chesca are one person." Direkta nitong sagot sa kanila, na walang bahid na kasinungalingan.
Hindi na siya sumagot pa. Naging kaibigan nito ni Thalia si Chesca sa loob ng paaralan.
"Thalia, kahit huwad ang katauhan niya kung ano ang pagkakilala mo kay Ruth noon, si Ruth pa rin iyon." Payo ni Felix kay Thalia.
Nakita pa niyang tumango na lamang ito at hindi na nagsalita pa.
"Unang iniligtas ni Fernan si Mikaela, sa tulong ng ibang miyembro ng organisasyon, kasunod si Chesca, pero nagkaroon ng matinding trauma si Chesca sa nangyari, kaya kapag umaatake ang alaala na matagal ng nakalimutan nito, sumasakit ang ulo nito na hindi makayanan ng agarang medikasyon." Pagsisimulang pagkwento ng kanilang kapatid, sila naman nakikinig.
"Binura ang kanyang alaala, sa tulong ng isang nagmagandang loob na alam rin ang katauhan ni Chesca, at ang pamilyang Dionson ang kumupkop kay Chesca na tinatago ang totoong katauhan nito at nagbalat—kayong si Ruth Dalia Dionson." Pagpapaliwanag nito.
"Ako ang nagproseso sa mga papel ni Ruth, para mas kapani-paniwala na siya ay nag-iisang anak ng mga Dionson na kung saan, pinapalakad na nanggaling si Ruth sa ibang bansa at umuwi sa Pilipinas, dahil hindi rin naman kilala si Chesca sa pampublikong media."
"Totoo nga ang mga premonition na nakikita ko noon, kuya, alam kong napapabilang ka sa nangyayari." Napakuyom naman si Jenny.
Tiningnan niya ang kanyang kapatid, naalala niya ang premonition na mapapahamak ito.
"Hindi mo ba alam na mapapahamak ka sa ginagawa mo?" Galit niyang tiningnan ang panganay nila.
"Kuya, si Mama at Papa, sabihin mo sa akin ang totoo," Napasabi naman ni Thalia noon.
"May kinalaman ba ang pamilyang Fuego sa pagkamatay ng magulang natin?" Sunod—sunod na tanong ni Thalia.
Kahit tahimik at kalmado lang ito, siya naman alam na niya ang kasagutan.
"Kuya, please, alam kong may tao kang tinutulungan ngayon, pero mapapahamak ka sa ginagawa mo." Pag – aalala niyang sabi na naiinis din sa kanyang sarili.
Ngumiti ito sa kanya na may kalungkutan sa mga mata. "Jenny, hindi ko na pwedeng itigil ang ginagawa ko. Kailangan ko itong gawin, Jenny." Sabi nito, nakita niyang determinado ang mga mata.
Binalingan pa nito si Thalia.
"Mas lumalalim pa ang paglalakbay mo, Thalia. Nakapunta ka na ba doon sa lugar na iyon?" Napatanong ito.
Pabalik-balik ang tinging ipinukol ni Jenny sa kanyang kapatid. Nag—aalala siya ni Thalia. Hindi niya maintindihan kung anong lugar ang tinutukoy nito.
Hindi kaagad nakasagot si Thalia sa katanungan ni Felix at siya naman, nag-aantay sa kasagutan.
"Nakita ko sila, hindi sila matahimik, Kuya, naging isa silang ligaw na kalulwa." Napalunok pa ito.
Ligaw na kaluluwa? Tanging napatanong niya sa kanyang sarili. Hindi na niya alam kung kaya pa ba niyang intindihin ang maririnig at mapag-uusapan nila ngayong gabi.
NAPAPABUNTONG—HININGA na lamang si Felix sa nakikita niya sa kanyang kapatid. Ayaw na niyang maglihim siya sa mga ito ngayon.
"Ligaw na kaluluwa ang tawag sa mga kaluluwang nakalimutan ang kanilang pagkakilanlan at nakalimutan kung bakit hindi sila matahimik sa mundo natin." Pagpapaliwanag niya.
"Kapag ang isang kaluluwa ay nagtagal ng isang taon o mahigit na taon dito sa mundo, unti-unting nawawala ang kanilang alaala, at kung bakit sila nandito pa rin sa kalupaan."
"Ang isang kaluluwang hindi matahimik at ang pagkamatay nito’y hindi pa sa tamang panahon, naglalakad at naglalakad sila sa walang katapusang kadiliman, hangga’t sa mawala ang kanilang alaala at pagkatao."
Iyon ang nakalulungkot na mangyari sa isang kaluluwang hindi pa tanggap at hindi matahimik sa pagkamatay nito.
Tiningnan niya ang kanyang gawi, nakita na naman niya si Ellese na nakikinig lang, ilang buwan na rin siyang binabagabag ng kaluluwa nito, at parami nang parami ang nakikita niyang kaluluwang hindi matahimik.
"Ang ibig sabihin, nagiging kaluluwang ligaw silang nanay at tatay?" Rinig niyang tanong kay Jenny.
Napatango na lamang siya, nakalimutan na niya kung anong gustong iparating sa kanya noon, bago tumigil ito sa pagpaparamdam sa kanya noong bata pa siya.
"Ang sabi sa akin ni Ellese, may posibleng maalala nito ang kanilang alaala kapag nalaman natin ang gustong ipagawa sa atin ng ating magulang." Sagot naman ni Thalia.
Sinipatan niya ang kaluluwa ng dalawang magkakapatid.
Iyon ang katotohanan, Felix. Napasabi naman ni Felisa noon.
"Talagang gusto ninyong ipahamak ang mga kapatid ko." Napasabi naman siya.
Hindi namin nais ipahamak ang iyong mga kapatid. Pagdidiing sabi ng kanyang kausap.
"Nakakausap sila ni kuya." Iyon ang narinig niya sa kanyang kapatid na bunso.
"Sila?" Napatanong ng kanyang kapatid.
"Silang ate Felisa and ate Ellene." Napasabi naman ni Greg.
Narinig niyang napabuntong-hininga na lamang si Thalia. "Ellese, si Jasmin lang ang tutulungan ko." Rinig niyang sabi ng kanyang kapatid.
Tutulungan pa rin ako ng kapatid mo, Felix. Napasabi naman nito.
Hindi na siya nagsalita pa noon.
"Nalaman na ninyo na konektado tayo sa mga Fuego, anong plano ninyo?" Napatanong naman siya.
"Kuya, binabalak kong bumalik sa lugar na pinangyarihan ng lahat. May nais lang akong alamin." Tanging sabi ni Thalia na tiningnan pa siya.
Napakunot naman ang kanyang noo sa narinig niya sa kanyang kapatid na babae.
"Are you crazy? Alam mo ba ang lugar na iyon, na pinamumugaran ng mga Fuego?" Napatanong naman nito na tiningnan ang kanyang kapatid.
"Kuya, dinadala ako ng paglalakbay ko, marami akong mga katanungan na doon magmumula ang kasagutan."
"Kaya ba nakikita kita na may hinuhukay doon?" Napatanong naman si Felix kay Thalia.
"Hukay?" Napatanong naman nito sa kanya, na halatang naguguluhan sa kanyang katanungan.
"Sa premonition ko, may hinuhukay ka. Kagaya noong bago namatay si Fernan, may hinuhukay ka." Sabi pa niya.
Napasinghap naman si Jenny. napalunok pa ito ng laway. "Kuya, anong hinuhukay nila?" Napatanong naman sa kanya.
"Hindi ko alam, hindi ko alam, hindi na rin masyadong naalala ni Fernan kung anong hinuhukay niya noon." Napasabi naman niyang nagtataka.
"Kuya, baka konektado rin ito. Kaya nga, gusto kong masagutan ang katanungang gumugulo sa akin."
Napakamot na lamang siya, ayaw niyang makipagtalo sa kanyang kapatid ngayon. Hindi niya alam kung paano niya mapipigilan ang kanyang kapatid sa desisyon nito.
"Hindi ka pwedeng mag-isa."
"Kuya, sa premonition ko, may kasama si Thalia."
"Kaya ko na ang sarili ko, alam ko rin naman na may ginagawa ka ring mga hakbang para masagot at maisolba ang isang misteryong nababalot sa atin." Iyon lang narinig niya sa kanyang kapatid na babae.
"Sino ang kasama ko, ate? Si Ericka ba?" Tanong naman nito kay Jenny.
Nag-iisip si Felix kung anong nangyayari sa kanila ngayon.
"Maliban kay Ericka, may isa pa." Napasabi naman niya.
Biglang dinala siya sa isang masukal na kagubatan; alam niyang naglalakbay na naman siya.
Nakita ko na naman ang premonition ko. Napasabi sa kanyang isipan. Tanging ang liwanag ng buwan lang.
May naririnig siyang yabag ng mga paa. Kaya naman, nilingon niya kung sino ang mga taong papalapit sa kanya.
Tatlong anino ang kanyang nakikitang papalapit sa kanya. Nagmamadali ang mga kilos nito. Papalapit nang papalapit ito sa kanya.
"Thalia!" tawag ng isang kasamahan nito.
Narinig niyang humahangos ito. "Dito, dito sa lugar na ito, may itinatago sila rito." Sabi ng isang kasamahan nito.
"Ericka," bigla na lamang yumuko ang isang babaeng kasama nito.
Tanging mga anino ang nakikita ni Felix.
"Dito, dito mismo sa lugar na ito itinago ni Mommy iyon."
Sa liwanag ng buwan, unti-unti niyang nakikita ang tatlong babaeng nagtutulungan na may hinuhukay sa masukal na kagubatan.
Nakita niya ang kanyang kapatid na lumayo kaunti sa mga kasamahan niya, may hawak itong kutsilyo.
"Dito naghuhukay si Kuya Fernan." Narinig niyang sabi ni Thalia.
Kailangan niyang maghanap ng isang lugar na palatandaan kung saan makikita ng kanyang kapatid ang nakikita niya ngayon.
Unti-unting nawawala ang kanyang nakikita, may nakita siyang palatandaan na pwede niyang mabahagi kay Thalia.
Napahawak siya sa kanyang noo; nakita niya si Thalia noon na nag-aalala siyang tiningnan, pati na rin si Jenny.
Napabuntong-hininga siya.
"Sa palagay ko, kailangan na nga nating tulungan ang isa’t isa. Mangako kayo sa akin na hindi ninyo ipapahamak ang sarili ninyo."
Desidido na si Felix na wakasan ang laro ng mga Fuego na matagal ng nangyayari noon pa. Nawala sa kanyang paningin ang dalawang magkakapatid.
"Kuya, ikaw ang mag-iingat; nakikita ko, nakikita kong mapapahamak ka." Sabi naman ni Jenny sa kanya na tiningnan siyang natatakot sa mangyayari.
Hindi na siya sumagot pa; iyon na ang desisyon niya. Papayagan niya si Thalia na maghanap ng mga kasagutan sa katanungan nito, pero hindi niya hahayaang mapahamak ito sa gagawin.
Gagamitin niya ang mga galamay niya sa loob ng organisasyon; kailangan niyang makipagtulungan sa mga taong kakilala niya.
"Kuya," napasabi naman ni Greg.
Napalingon naman siya sa bunso niya.
"Kuya, kailangan nating bilisan, unti-unti ng naglalaho ang alaala nila." May itinuro pa ito sa kanya.
Nakita niya ang kanyang pinsan at ang mga inosenteng pumanaw sa pangyayari.
Hindi siya sumagot. May mga hakbang na siya, alam din niya sa balang araw malalaman at masasangkot ang mga kapatid niya dito.
61Please respect copyright.PENANAURmHdddblQ


