"Yes, I got it." Nakikinig siya sa mensahe ng kanyang kausap. Napapatango na lamang siya.
"Got it, bye." Agad niyang binaba ang phone niya matapos kausapin ang nasa kabilang linya at pinatay ito.
Kinulikot pa niya ang phone niya nang may naramdaman siyang tao sa likuran niya.
Kaya naman, agad siyang napalingon, ang kanyang kasamahan pala.
"Ang bigat!" Reklamo nito sa dala-dalang malaking bag.
Tiningnan niya iyon, hindi na siya magtatanong kung ano ang laman ng bag, dahil alam na niya kung anong laman nito.
Napabuntong-hininga na lamang siya. Lumakad siya papalapit sa kanyang kasamahan; tutulungan na sana niya ito nang may tumawag sa pangalan niya.
"Charles, pinapatawag ka ni Giovane." Sabi naman ni Vince na sinenyasan siya nito na bilisan. "Ako na ang tutulong diyan."
Hindi na siya sumagot, kaya naman inayos na muna niya ang kanyang sarili.
"Saan na naman ninyo iyan itatapon?" Tanong naman niya.
"Sabi ng boss na hindi agad makita ng pamilya."
Tumango na lamang siya, naglakad na siya noon, haharapin pa niya ang kanyang boss na si Giovane, siya ang naging kanang kamay nito, bilang isang kanang kamay, alam niya ang mga impormasyon namagaganap.
"Ah, there you are, Charles." Sumalubong kaagad nito ang nakakalokong ngiti, ang mga mata nitong punong-puno ng kasakiman.
"Why are you smiling like that?" Napatanong naman siya.
"Maganda nga ang plano mo, Charles."
"Anong plano?" Napatanong naman siya sa kanyang kausap.
"Ah, na patayin at patahimikin ang anak ng Cuerdo." Inakbayan pa siya.
"Oh, I see."
Tumawa pa ito. "I appreciate your games, Jasmin, because you have a well-planned strategy that is effective." It really works like magic. Dahil doon, nakita ko ang pinsan ko at ang half-sister kong si Chesca, and it confirmed that she’s not dead." Napasabi nito.
Tumawa ito: "The crazy thing is, nagtiwala siya sa iyo, na ikaw ang nagbibigay ng impormasyon, which is all lies. Goddamn, bro, you love manipulating people. Glad to work with you." Inakbayan pa siya noon.
Hindi na siya sumagot pa. "So, Anong ipagagawa mo sa akin, ngayon, Giovane?" Tanong niya. "I know you; kapag pinatawag mo ako, may ipapagawa ka sa akin." Tiningnan niya ito nang mataman.
He only smirks at him. "Yeah, may ipapagawa nga ako sa iyo." Sabi naman nito sa kanya.
"Try to convince Mikaela more; pakiutin pa natin siya sa mga palad mo. She is easy to manipulate, but I want to know the truth about this cousin of mine. Itanong mo sa kanya if Jake is working on something." Sabi pa nito sa kanya na umiinom ng wine.
"Why?" Tanong naman niya.
"Why? Nararamdaman kong may kasama siya, unti-unting nawawala ang black market, and some of our ka-sosyo, pinapatahimik." Nag-iisip ito na dala-dala ang baso na may lamang wine.
"Investigate it; may mga kaibigan kang kapulisan." Napasabi naman niya.
"Nah, they're working in the shadows; hindi sila pwedeng mag-investigate kaagad, nag-iingat rin sila. Masyadong matalas ang mga mata ng kalaban natin."
"Should I investigate that case?" Napatanong naman siya.
Mahina itong napatawa sa kanya. "Nah, focus on Mikaela; she will return. I will assure it."
"Okay." Napatango na lamang siya.
"By the way, mag-ingat ka sa kinikilos mo. I heard maraming mga conspiracy sa organisasyon ngayon because of that bastard Fernan and his cousin." Galit ang mga mata nito. "Mag-ingat ka sa mga impormasyon na maibibigay mo sa kasamahan natin."
"Oh, hindi ka ba nagdududa sa akin?" Tanong naman nito.
Tiningnan siya nito, at sumilay ang isang ngiting nakakaloko at sinabayan ng mahinang tawa, at napahalakhak ito.
"You're really funny, Charles. If you’re the one that's helping them," tinitigan siya nito. "I will kill you, right here." Tinutukan pa siya ng baril.
Kalma lang niyang tiningnan si Giovane noon.
"But," binawi nito at tinago ang baril, "I know you were not one of them; you are like me, Charles. You’re a demon inside." Napasabi nito.
"Aalis na muna ako, babalik na muna ako sa mansion." Sabi pa nito matapos maubos ang wine.
Tumango na lamang siya noon; tumalikod ito at naglakad papalayo sa kanya.
Binunot niya ang baril at tinutukan ito sa papalayong si Giovane.
"Kung ako sa iyo, hindi ko iyan gagawin." May narinig siyang boses na nanggaling sa likuran.
Tiningnan niya ito at nagpakita ito sa kanya. "If you kill him, hindi mo masasagot ang mga katanungan mo, Charles." Napasabi ni Zenne.
Itinago niya ang kanyang baril.
"How’s your work?" Napasabi naman niya sa kanyang kasama.
"Umaaksyon na si Felix, hindi niya na maiiwasan ang nangyayari ngayon." Napasabi naman nito sa kanya.
"Bakit hindi mo iniligtas si Jasmin? You know that kaya mo iyon gawin."
"For our plan, kapag nandirito tayo, hindi natin matatakasan ang matang nakabantay sa atin. Hindi uto – uto si Giovane, kaya mag-ingat ka, kaya, make your works be in shadow, Zenne."
"I know, I know." Napasabi naman nito.
Naglakad na rin siya papalabas ng kanilang basement; napakaganda ng mga paligid, pero nababalot ng kadiliman.
Nakita niya ang mga kasamahan nito. Ilan pang babae at mga kabataan ang magsasakripisyo para matigil ito?
Nakita niyang may nililibing na naman itong katawan na inihulog sa isang hukay, marami silang operasyon na pinapamahalaan.
Binebenta ang lamang—loob at ang katawan lamang ang binabalik nito sa pamilya o kaya’y nagiging isang eksperimentasyon ng mga halang na bituka ang katawan, at kapag napagod na, hindi na magagamit ay inihuhulog nito ang katawan sa hukay, isinasama na rito lahat ang mga namatay at hindi na mahitsurang bangkay sa malaking hukay na nakikita niya ngayon.
Kahit ilang ulit na niya itong nakita, hindi pa rin namamanhid ang pakiramdam niya, umuusbong pa rin ang galit niya sa mga biktimang walang kinalaman at namumuhay lang nang matiwasay sa mundo.
Kinakain pa rin siya ng kanyang konsensya ngayon, ang pagkamatay ni Fernan, ang pagkamatay ng dalawang magkakapatid, at ngayon, pinupunterya na naman ito ang dalawang natitira.
"May gagawin pa ako." Maikli niyang sabi kay Zenne.
"Yeah." Sabi naman nito at tumalikod at naglakad—lakad na rin. Iniwan na muna niya ang ibang miyembro ng organisasyon.
Hahanapin na muna niya ang taong kakausapin niya ngayon nang masinsinan.
May ginagawang assignment si Thalia ngayon, masakit ang batok niya dahil sa kakayuko niya para matapos siya nang maaga. Pagkatapos ng libing ni Jasmin, kailangan nilang bumalik sa dating gawi ng buhay nila bilang estudyante.
Napabuntong—hininga na lamang siya, tiningnan niya ang kalendaryo, malapit na silang mag sembreak ng ilang linggo, kailangan niyang bumalik kung saan nagsimula ang lahat. Nalaman niyang may tirahan din pala sila doon. Mas mabuting doon na muna siya titira at alamin ang mga pangyayari.
Dahil sa bawat pagpikit ng kanyang mga mata, inaabangan siya ni Ellese, sumasakit na ang ulo niya dahil hindi pa rin niya kayang ikonekta ang pangyayari nito sa kanila ngayon.
"Thalia." Tawag ng kanyang kapatid na babae.
Ngumiti lang siya nito. Nag-aalala siyang tiningnan.
"Talaga bang babalik ka roon?" Tanging natanong nito sa kanya.
Tumango siya bilang pagsagot sa katanungan nito.
Alam niya rin na may abilidad ang kanyang kapatid na babae, kaya nitong makita ang hinaharap nito.
Hindi niya rin itinago iyon kay Jenny, para rin masagot ang mga katanungang nasa isipan niya noon pa.
"Jenny, Thalia!" tinatawag na sila ng kanilang kapatid.
Hindi niya kayang magtanong sa kanyang nakatatandang kapatid; nag-aalangan siya kung anong isasagot nito; natatakot siya sa malaman niya.
Nagtingingnan na lamang sila noon.
"Ta, kailangan mo ring kausapin si kuya." Pabulong nitong sabi sa kanya.
"Gusto ko mang gawin pero, may pumipigil sa akin." Sabi niya.
"Tara na." Hinila na lamang siya ng kanyang kapatid para makapunta na sila sa hapag.
Nag-aantay si Felix sa kanila na masayang nakikipagkwentuhan sa kanilang bunso, off-duty ng kanyang kapatid ngayon, kaya naman maaga itong napauwi kanina at nandito lang ito sa bahay buong araw.
Ipapahinga na muna niya ang kanyang utak at ng kanyang mga matang hapo; sa pagpikit niya, nilamon siya ng liwanag, at sa pagdilat niyang muli, naglalakbay na naman siya.
Nasa hapag pa rin siya, pero hindi niya kasama ang kanyang mga kapatid, kaya naman napatayo siya at tinitigan ang mga taong nasa hapag.
Mga dalagang nagkwekwentuhan, namumukhaan niya ito. Napakunot siya sa kanyang nakita. Masaya itong nakikipagbiruan sa kanyang mga kasama.
Sa paglalakbay, malinaw na malinaw nito ang mukha, hindi kagaya sa paglalakbay niya na hindi niya makita ang mga mukha nito.
Nakita niyang masayang tumatawa si Ellese, ang katabi nitong si Felisa, at sa isang hapag na kaharap ng dalawa, binalingan niya ito ng atensyon. Nagulat siya, napaatras siya nang kaunti, at dalawang Ellese ang nakita niya.
Napalunok siya noon, at mas lalong nagulantang siya noong makita niya si Ruth na kasama ang tatlo.
Anong nangyayari? Bakit nandiyan si Ruth? Napasabi sa kanyang isipan noon na nagtataka sa kanyang nakikita.
Biglang nagbago at naging mabigat bigla ang paligid; nasa hapag pa rin sila. Tahimik at punong-puno ng kalungkutan, dati’y puno ng tawanan, ngayon naman punong-puno ng pighati.
Dalawang babae na lang ang natira, si Ruth at si Ellese.
Nababaliw na ba ako? Napasabi sa kanyang isipan noon.
Chesca? Narinig niya ang pangalan na iyon noon.
Ate Mikaela, gusto ko ng kalimutan ang pangyayari, sa bawat pagpikit ng mga mata ko, si Ate Ellese at si Ate Felisa ang nakikita ko kung paano sila pinahirapan.
Naintindihan na ni Thalia ang lahat; nabalik sa kanyang gunita ang isang balitang nakatakas ang kakambal nito pati ang half-sister nitong hindi pa nakikilala.
Nakita pa niyang yinakap lang si Ruth sa kakambal ni Ellese.
Naging mabilis ang pangyayari, may nakita siyang mga doctor, kung saan inaasikaso si Ruth noon, tila hindi ito komportable na nakahawak sa ulo at may dinaramdam ito.
Ate Mikaela! Tulong! Ang sakit! Ang sakit ng ulo ko! Ayoko na, ayoko ng makita ulit ang dinaranas nilang ate Ellese at ate Felisa. Ayoko na, ayoko na! Punong – puno ng kalungkutan at nakikita niyang nasasaktan ito.
Ah! Ate! Napahiyaw na ito.
Hindi naman magkamaliw kung ano ang maitutulong nito sa kapatid.
Lumalala ang trauma ng kapatid mo, Mikaela. Hindi niya makita kung sinong nagsasalita.
A—ano ang maaari kung gawin para maibsan niya ang trauma niya? Napasabi naman nito.
Ate Ellese, ate Felisa Huwag ninyo akong iiwan rito; ang dilim, wala akong makita—wala akong makita.
Gawin ninyo lahat para maibsan ang dinaramdam niya.
We have an offer for you, Mikaela. Tila kilala niya ang boses; pamilyar ito sa kanya, hindi niya lang maalala kung kaninong pagmamay-ari ito.
A—Ano iyon? Kahit ano.
Nawalan ito ng malay tao si Ruth.
We need to erase her memories.
Nakita niya ang reaksyon ni Mikaela na tinitingnan ang kapatid nito; hindi agad siya nakapagsalita.
Ikaw ang magdesisyon, Mikaela, hahayaan mo bang magkaganyan palagi ang kapatid mo? Ikaw ang makapagdesisyon.
Bakit sobrang pamilyar ng boses nito sa akin? Napasabi sa kanyang isipan na hinahalungkat pa rin sa kanyang isipan kung sino ang nagmamay-ari nito.
P ---- Please do, please do, kahit makalimutan niya ako, basta makalimutan niya ang pangyayaring magbibigay ng kaparusahan sa kanya.
Nakita pa niyang hinalikan ito sa noo.
Chesca, magbalik ka ulit sa akin at hanapin mo ako kapag naalala mo na ako, sa ganoon, tutulungan kita sa makakaya ko. Ang huling sabi kay Ruth.
Hinigop siya pabalik, pawisan siya at tinitingnan ang pinggan na kaharap niya.
"----Lia"
"Thalia!" Tawag ng kanyang kapatid na lalaki sa kanya.
Tiningnan niya ang kanyang mga kapatid noon.
Ilang minuto akong naging ganito? Napatanong sa kanyang isipan.
Ang naalala niya sa orasan ay nasa alas siete ng gabi; pagtingin niya sa malaking relo sa kanilang bahay, alas otso na ng gabi.
Isang oras rin akong nagkaganito? Napatingin siya sa kanyang mga kapatid na nag-aalala.
Tiningnan niya rin si Jenny na nag-aalala sa kanya noon.
Napabuntong—hininga ang kanyang kapatid.
"Greg, ikuha mo muna ng tubig ang ate Thalia mo."
Tumango na lamang ang bunso at agad na bumaba para kumuha ng maiinom sa ref nila.
"Jen, alalayan mo muna si Greg, doon."
Nag – aalangang kumilos ito, pero tumayo pa rin ito kaagad.
Abala ang kanyang dalawang kapatid. Tinitigan siya ni Felix na makahulugang tingin. Bumuntong – hininga na muna ito.
"Anong nakikita mo sa iyong paglalakbay?"
Napatingin siya sa kanyang kapatid, kung tama ba ang pagkakarinig niya sa katanungan nito.
"Naglalakbay ang diwa mo, hindi ba?" Muli nitong tanong.
Napalunok siya noon; hindi niya alam kung saan siya magsisimulang magsabi sa kanyang kapatid. Nag—iintay itong sumagot siya.
Hindi pa rin makapaniwalang si Ruth ay kapatid ni Ellese.
Kaya pala, kaya pala. Napasabi sa kanyang isipan.
Nagbalik sa kanyang diwa na transferee student ito.
"Kuya, si Ruth, siya ba si Chesca Fuego?" Pabalik nitong tanong sa kanyang kapatid.
Medyo nagulat din ang kanyang kapatid sa kanyang katanungan.
Bumuntong—hininga ito.
Nakabalik na ang dalawa niyang kapatid.
"I guess, kailangan ninyong malaman ang katotohanan." Tiningnan sila isa-isa ng kanyang kapatid.
Nagkatinginan naman silang Jenny noon.
63Please respect copyright.PENANApuNbf7S8If


