Sa isang madilim na silid na tanging ang ilaw ng bulb ang nagbibigay liwanag sa kabuuan ng silid.
"Maawa ka, maawa ka, may pamilya pa ako." Pagsusumamo ng isang dalagang nakatali ang kamay, madungis ang mukha, hapong-hapo ang katawan dahil sa pagpupumiglas para lang makatakas sa kamatayang nakaharap niya ngayon.
"Shh," nilapit pa nito ang daliri sa mga labi, may hawak—hawak itong syringe. Habang papalapit siya sa isang babaeng nakatali, mas lalong nagpupumiglas ito.
"Huwag po. Nagmamakaawa ako." Dumaloy na naman ang mga luha nitong nag-uunahang pumapatak sa pisngi ng isang dalaga.
Sinenyasan nito ang kasamang lalaki na busalan ito ng panyo at hindi makapagsalita, habang ginagawa ang isang operasyon.
"Saan ko kaya sisimulan?" Napatanong pa nito.
Kitang kita sa mga mata ng dalaga na takot na takot na ito; kahit anong galaw ng kanyang katawan, hindi pa rin siya makakatakas sa impyernong sinadlakan niya ngayon.
Pinahiga ito sa isang kama; naamoy nito kaagad ang malalansang dugo ng tao, at ang mga samot-saring panghi ng dugo ang sumasalubong sa ilong nito. Hindi ito makahinga; umiiyak ito nang husto.
Nakasoot ang dalaga ng isang tuwalya lang, para kung may operasyon, ito agad na matatanggal. Hinubad nito at tuwalya, nakita nito ang pagkakababae nito. Pero, walang interes ang lalaki sa katawan ng isang dalaga.
"Napakaganda ng iyong mga mata." Pabulong nitong sabi.
Umiling—iling ito sa pagtutol, walang sabi-sabing pinagsasaksak nito ang mata ng dalaga ng paulit-ulit.
Napapakuyom na lamang ang dalaga, naririnig niyang tumatawa pa ito, na klarong masayang—masaya ito sa pinaggawa.
Ang luha niya’y nahaluan ng kanyang dugo, malapit nang mapugto ang kanyang paghinga, ang kanyang masakit na sugat, ang kanyang hapong katawan.
"Pag-ingatan mo iyang eyeballs na iyan, alam kong maraming maghahabol niyan." Rinig na rinig niya pa rin ang pag-uusap. Natatakot siya kung anong parte na naman ng katawan ang kukunin nito sa kanya.
Bakit ba ako pinapahirapan nang ganito? Ano bang malaki kong kasalanan para maramdaman ang ganitong kamatayan? Napapatanong sa kanyang isipan.
Naramdaman niyang may hinihiwa na naman ito sa kanyang katawan, hindi na niya makayanan pa ang sugat na naidudulot nito, nahihilo na siya dulot ng maraming dugo ang nawawala sa kanya, naaamoy niya ang dugong kumakawala sa kanyang katawan.
Nilalamig siya, kahit pawis na pawis at walang hanging nakakapasok sa silid na iyon, nilalamig siya.
Ganito ba ang mamatay? Napatanong sa kanyang isipan noon. Unti-unting nawawala ang tibok ng kanyang puso; ang tanging nasilayan niya sa kanyang huling hantungan ay ang ilaw ng bulb noon.
Bigla siyang nagising, nasa madilim siyang lugar, wala siyang ilaw nasisilayan. Nakasoot siya sa kanyang damit, huling damit noong dinukot siya papauwi galing sa paaralan.
Naglalakad—lakad siya, siya lang ang taong naglalakad. Napalunok na lamang siya.
Celine, Celine. May boses na tumatawag sa kanya. Kaya naman, napalingon—lingon na lamang siya kung sinong tumatawag sa kanyang pangalan.
May isang dalagang nakangiti sa kanya. Inilahad nito ang kamay, iniabot naman niya ang kanyang kamay, nahawakan niya ang kamay ng babaeng tumatawag sa kanya, at bigla silang napunta sa isang lugar. Nakita niyang pabalik-balik ang mga ito sa paglalakad.
Niyakap siya nang mahigpit ng isang kaluluwa.
Mahahanap at makakamtan din natin ang hustisya. Malumanay nitong bulong sa kanya.
Kahit hindi ito ipaliwanag sa kanya, nararamdaman niyang kagaya ito sa kanyang kalagayan. Napaiyak at napahikbi na lamang siya noon.
"Mama, ang mga kapatid ko, hindi ko silang pwedeng iiwan." Umiling—iling na lamang itong umiiyak sa palad nito.
Hinawakan siya sa palad ng babae, at bigla na lamang siyang napadpad sa isang lugar na kung saan ito’y pamilyar sa kanya.
"Bahay ko ito. Dito ako nakatira." Napasabi nitong nagulat.
May nakita itong isang babae na may kasamang mga bata. Tila tinitingnan sa labas ng bahay at nag-aalala ang mukha.
"Mama, okay lang ba si ate Celine?" Rinig niyang napatanong sa kanyang kapatid na nag-aalala.
Hindi ito sumagot, tinitingnan ang orasan nito.
Muli, bumalik sila sa lugar kung saan siya pinatay.
Napaiyak siya sa nasaksihan, wakwak ang kanyang buong katawan na tila tinatahi ito. Nasaktan siya sa kanyang nakita, na puno ng sugat; nakita niya ang kanyang mga mata na wari’y nakatingin sa kanya. Nanginig ang buo niyang kalamnan sa galit, gusto niyang magwala.
Sumigaw na lamang siya nang ubod na lakas, at alam niyang hindi siya naririnig ng mga ito.
"Hinding—hindi ko kayo patatahimikin! Hindi!" Nagwawala na siya, pinagsuntok-suntok niya ang isang lalaki noon, pero ang kanyang mga kamao na puno ng galit ay isang hangin lang na dumadampi sa katawan ng tao.
"Ah!" Muli, napasigaw sa kanyang nararamdaman ngayon, hindi niya maibuhos ang kanyang galit na nag-aalab nang husto dahil sa kanyang sinapit.
Nakita pa niyang pagkatapos na tahiin ang mga sugat sa kanyang katawan, isinilid ito sa isang bag at itinapon ito.
"Itapon na ninyo iyan, wala na iyang silbi sa akin."
Napakuyom siya sa kanyang palad.
Nakita niya kung saan siya itinapon; alam niyang mababalita na naman ito.
Nabalik sila sa lugar kung saan sila. Nakita niya ang babaeng nagdala sa kanya, isinama na naman siya sa isang malaking mansion.
Galit na galit itong tiningnan ang kabuuan ng mansion.
"Balang araw, balang araw," paulit-ulit nitong sabi. "Hinding—hindi ko kayo titigilan. Hinding—hindi." Umiling pa ito.
Hindi na siya nagsalita pa noon. tumalikod ito, at napabalik sila sa kadiliman, alam na niyang hindi matatapos ang paglalakbay niya nang walang katapusan, hangga’t hindi nila nakikita ang hinahanap at nakakamit nila sa puso nila.
Nakita pa niya ang ibang biktima na kagaya ng pagkamatay niya; alam niya iyon.
Kayanin ninyo, kayanin ninyo. Napasabi sa kanyang isipan, ang luhang dumadaloy sa kanyang pisngi ay parang naglaho na parang bola noong pumapatak ito.
Inihatid na sa huling hantungan si Jasmin, halos hindi magkamaliw ang pagpalahaw ng ina nito. Masakit pa rin sa loob ni Ericka na ihatid sa muling hantungan ito.
Sa sembreak, pagkatapos ng sembreak, Jasmin. Hahanap na ako ng mga pruweba. Napasabi sa kanyang isipan noon.
Sa paglibing ni Jasmin, may nakikita siyang mga kabataan na kaklase nila, mga guro, at kanilang adviser noon; sa kanyang paglilibot ng kanyang paningin, nakita rin niya si Thalia na tahimik lang noong nakamasid.
Malalim ang iniisip nito habang minamasdan ang paghatid nito sa huling hantungan. Nakita rin niya si Ruth, na napapahawak na lamang sa noo nito.
May dinaramdam ba si Ruth? Napatanong sa kanyang isipan.
Kahit gusto niyang umiiyak, subalit tila nauubusan na siya ng luha, wala na siyang mailuha, kahit sobra-sobra ang lungkot na nararamdaman niya sa huling paghatid sa hantungan ng kanyang kinikilalang kaibigan.
Marami siyang mga kaluluwang nakikita, pero hindi pa rin nagparamdam sa kanya si Jasmin. Hindi ito humingi ng tulong sa kanya kung ano ba ang nangyari nito.
Ganoon itong kaibigan, kahit alam ni Jasmin ang kanyang abilidad, kahit sa huling hininga nito, hindi pa rin siya ginagambala nito.
Matapos maihatid, ang ibang tao nama’y nagkanya-kanya ng umalis, hindi pa rin umaalis ang ina nito na niyayakap ang larawan ng anak at patuloy pa rin ang pagpatak ng mga luha nito.
Naka—alalay lang ang asawa nito na kitang-kita sa mukha ang panlulumo sa nangyari sa kaisa—isa nitong anak na babae.
"Ericka," tawag ng kanyang ina na nag-aantay sa kanya na nanatiling nakatitig sa mag-asawang nagdadalamhati.
"Ma, mauna na muna kayo." Napasabi niya noon, siya rin gusto niyang samahan ang kanyang kaibigan.
"Anak, delikado ngayon ang panahon." Malumanay na sabi ng kanyang ama na tinapik ang kanyang braso.
"Mag-iingat po ako, alam ko po ang mangyayari kapag nasa kapahamakan po ako, pa." Mahina niyang sabi.
"Anak, kahit may abilidad ka, alam mo bang iyan ang nagbibigay sa iyo sa kapahamakan?" Napatanong nito sa kanya.
Hindi siya nakasagot sa sinabi ng kanyang ama. Napapikit siya, gumugulo ang emosyon niya ngayon. Nawawala ang kanyang huwesyo, dulot din na palaging nandoon siya sa bahay nilang Jasmin. Sinisisi niya ang kanyang sarili noon.
May nagbuntong—hininga na lamang.
"Huwag kang masyadong magpagabi, Ericka." Iyon lang ang napasabi sa kanyang ina noon.
Tumango na lamang siya. Naramdaman niyang ginulo ng kanyang ama ang buhok, at niyakap siya ng kanyang ina.
Nararamdaman niyang lumalayo na ang hakbang ng kanyang magulang. Tiningnan niya ang kalangitan, maulap ang panahon, tila uulan ito.
Nakikisama ba itong ulap na ito? Alam ba ng kalangitan ang nararamdaman ko ngayon? Sunod—sunod niyang tanong sa kanyang isipan.
Nag— aagaw na rin ang dilim at liwanag sa kalangitan, dumidilim na rin.
Lumapit siya kung saan nandoon ang mag-asawa, nakita niya ang larawan ni Jasmin, nakita niya ang masasayang ngiti nito, ang malalapad nitong ngiti kapag masaya, at inaasar siya ng kanyang kaibigan.
Nawalan siya ng kaibigan, pati na rin kapatid.
Naglalaro sa kanyang isipan ang larawan ni Jasmin kapag nagkakasama sila. Doon, pumapatak ang luha niya. Akala niya, wala na siyang mailuluha. Gusto niyang sumigaw sa galit, gusto niyang hukayin ang libingan ng kanyang kaibigan at makipag-usap na gumising ito.
Para sa kanya, ito’y masamang panaginip lamang, masamang biro, na sa paggising niya, nandoon si Jasmin masayang nagkwekwento sa kanya.
"Ericka, bakit hindi ka pa umuwi?" Tanong nito sa kanya.
Napansin siya nito, nasalubong niya ang tingin ni Faye, nakita niya ang nag-uunahang mga luha sa mga mata, ang pagod na pagod nitong katawan, ang kalungkutan na nagtatanong kung bakit nangyari iyon sa anak nito, ang pagkawasak ng puso nito noong namatay ito.
Marami siyang emosyon na nakikita, habang tinitigan niya ang mga mata nito, ang mata ng isang inang minahal nang lubusan ang isang anak. Wala itong pakialam kung namumugto ang mga mata sa kakaiyak.
"Ericka." Bigla siyang niyakap ni Faye, ang yakap na nangungulila sa isang anak.
"Wala na si Jasmin, wala na ang anak ko." Humikbi na naman ito at umiiyak na naman.
Siya rin naman ay napaiyak; hindi niya alam kung paano niya mapapakalma ang pusong wasak na wasak.
"Bakit? Bakit?" tanong nito sa kanya. "Sinong demonyong nagpapatay sa anak ko, ang bata—bata pa ni Della, ang bata—bata pa ng anak ko. Mag mo—moving—up pa ang anak ko. Hindi ko maintindihan—hindi ko maintindihan!" Napahigpit ang yakap nito sa kanya.
Siya rin ay naguguluhan, siya rin ay walang kasagutan.
Bigla na lamang nahimatay si Faye.
"Ti --- Tita." Nagulat siya sa pangyayari na biglang nawalan ng malay ito.
Nagpapasalamat siyang agad na nakaalalay ang asawa nito.
"Wala pa siyang tulog, wala siyang kain, umiiyak siya palagi na tinitingnan ang larawan ni Della." Napatingin naman ito na kinarga ang asawa nito.
"Ha---" nagpakawala ito ng hangin. "Magbabayad ang may kagagawan nito sa kanya, kung sino ang may gawa sa anak ko."
Tiningnan siya nang mataman noon. "Umuwi ka na, Ericka, delikado ang panahon ngayon, gabi na." Napasabi pa nito.
Hindi siya nakakibo; nakita niya sa mga mata nito ang nagbabagang galit.
Gumagabi na at kailangan niya ring umuwi. Napakatahimik ng paligid; hindi pa rin siya makapaniwalang nangyari ito sa kanyang kaibigan.
Ericka. May mahinang boses na tumawag sa kanya.
Agad siyang napabaling kung sinong tumawag sa kanya.
Agad sumalubong sa kanyang paningin ang hugis babaeng hindi niya maaninag dahil sa kadiliman. Nakatayo ito malapit sa himlayan ni Jasmin.
Ericka. Muling tawag sa kanya.
Hindi siya nagkakamali na hindi makilala ang boses ng kaibigan niya; tinatawag siya ni Jasmin.
Gamit ang flashlight na nanggaling sa phone nito, inilawan niya kung saan nanggaling ang boses ng babae.
Napasinghap siya sa kanyang nakita.
"Jasmin." Napasabi niya.
Sa wakas, nagpakita na rin sa kanya ang kanyang kaibigan.
Kahit duguan man ang damit nito, alam niyang si Jasmin ang tumatawag sa kanya.
Nasilayan pa nito ang isang malungkot na ngiti.
"Bakit? Bakit hindi ka nagpakita kaagad sa akin?" Napatanong niya sa kaluluwa ng kanyang kaibigan.
Umiling—iling ito sa kanya. "Ayokong madawit ka, Ericka. Ayokong mapahamak ka."
"Jasmin, alam ko ang nangyari, kaya alam kong madadawit ako."
"Nandito ako para pigilan ka sa binabalak mo, ayokong magaya ka sa akin. Malaking tao ang mababangga mo, Ericka." Nag—aalala ang boses nito sa kanya.
"Kaya hindi ako nagpakita sa iyo, dahil alam ko ang ikikilos mo."
"Hindi ko hahayaang wala kang hustisya sa pagkamatay mo."
"Hindi ako papayag na madawit ka rito, hindi pwede."
"Anong kinakatakutan mo, Jasmin?"
"Ipinakita sa akin ni Ellese na mapapahamak ka, posibleng bawian ka ng buhay." Sumeryoso an hitsura nito.
Napangiti siya noon. "Kahit mamamatay pa ako, makakamit ko naman ang hustisya para sa kaibigan ko."
"Please, huwag mo ng ituloy," unti-unti itong nawawala sa paningin niya.
"Huwag mong ituloy, Ericka." Tuluyan itong nawala sa paningin niya.Sa huling pagkakataon, pinoprotektahan pa rin siya ng kanyang kaibigan, pero, buo na ang kanyang desisyon at hindi na iyon mababago pa, gagawin niya ang makakaya niya para tulungan niya ang kanyang kaibigan na pinatay nang walang kalaban—laban.
69Please respect copyright.PENANASzLinyMejb


