Kausap niya ang doctor ngayon ni Ruth, kagaya ng ibinilin ni Jake sa kanya, tumalima na lamang siya.
"Hindi ba padalos-dalos ang desisyon ni Mikaela?" Napatanong naman ng doctor noon.
"Iyon ang desisyon ni Mikaela." Iyon na lamang ang isinagot niya. Papaalis na rin siya at kailangan na niyang bumalik sa tahanan nila.
Kagagaling lang niya sa part-time niya noong tumawag si Jake sa kanya, kaya naman dumiretso siya sa mansion nito, at doon nakita niya ulit si Mikaela.
"Aalis na ako." Pag—papaalam niya sa doctor.
Tumango lang ito sa kanya. Tapos na ang pag-undercover niya, at gusto niyang ang iba pang kasamahan sa organisasyon na pinagkakatiwalaan niya, marami siyang alam na hindi pa niya pinaalam kay Jake, dahil alam niyang kapag nalaman ito, alam niya ang ugali ng katrabaho niya sa pag-alam at pagsisiwalat ng katotohanan sa pamilyang Fuego.
Gamit ang kanyang abilidad na kung minsan ayaw niyang gamitin, ay nagagamit niya pa rin. Alam ni Jake ang abilidad niya, at normal na reaksyon lang na pinagtawanan siya at hindi siya pinapaniwalaan; ganoon ang reaksyon na normal na tao.
Naiintindihan niya iyon, ang para lang sa kanya, malutas ang misteryong bumabalot sa pagkamatay ng kanyang magulang, noong bata pa siya ginagambala siya ng mga kaluluwang hindi natatahimik, palagi siyang nananaginip na hindi niya maintindihan sa murang isipan niya noon.
Minsan, naglalakbay ang kaluluwa niya at nakapunta siya sa dimensyong hindi dapat puntahan na kagaya pa niyang nabubuhay, hanggang sa hindi na muling nagpaparamdam ang kanyang magulang na kung saan lumalawak na ang kanyang naintindihan sa mundong kanilang ginagalawan.
Kung kailan lang niya naintindihan ang lahat, ay hindi na niya muling nakita ang kaluluwa ng kanyang magulang at ang una at pangalawa nitong asawa ng napaka-impluwensyang taong si Mr. Fuego.
Malaking sugal ang ipupusta niya sa laro ng mundo; ipupusta niya ang buhay niya pati na rin ang buhay ng kanyang mga kapatid.
"Mali ba ako ng desisyon na tinulungan kita, Fernan?" Napatanong na lamang niya noong malapit siyang makaabot.
"Hindi ka na nagpapakita sa bunso kong kapatid."
Hindi ito sumagot, nakabuntot pa rin ito sa kanya, dahil hindi rin ito matahimik sa kadahilanang gustong mapabagsak ang organisasyon na pinamumugaran ng kasakiman.
Kumikilos si Ellese, malalaman at malalaman ni Thalia ang sekreto na matagal mong itinago.
"Handa ako sa katanungan na iyan, dahil minsan ng nagtanong sa akin si Jenny, hindi ko rin naman malilihim ito sa kanila."
Alam mong may kanya-kanya kayong abilidad, Felix. Pag—papaalala niya.
"Alam ko iyon. Dahil sa abilidad na iyon, madadawit sila."
Bakit patuloy kang nananahimik kung alam mong may mga abilidad kayo?
"Gusto ko silang tumayo sa bawat desisyon nila, kung ano ang pinaglalaban nila, Warren, ayoko silang pangunahan."
Hindi sumagot ang kasama niyang kaluluwa, dalawang buwan at magta-tatlong buwan na nakalipas simula nang pumanaw ito, alam niya na kapag tumatagal ang kaluluwa sa mundo ng mga tao, unti-unting mawawala at mabubura ang alaala nito at pati ang dahilan kung bakit nandirito pa sila sa mundong ibabaw.
Ayokong mahuli ang lahat, ayokong maging kagaya sila ng aming magulang at iyong mga kaluluwang humingi noon sa akin ng tulong, gagawin ko ang lahat—lahat.
Napakuyom siya sa kanyang palad.
"Fernan, makikita mo rin ang liwanag. Makakamit ninyo ang hustisya." Napasabi na lamang niya noon.
Huwag kang padalos-dalos sa desisyon mo, Felix; nakasalalay ang buhay mo at buhay ng mga kapatid mo. Malaking pader ang babanggain ninyo ni Jake. Pagpapa-alala naman nito sa kanya.
Nasa tahanan na siya, at mataas na rin ang araw na dumating siya sa kanilang bahay. Pinihit niya ang pintuan, sumalubong sa kanya si Thalia na kagigising lang nitong nakaupo sa sofa.
"Diyan ka pala natulog, Ta." Iyon ang bati niyang sab isa kanyang kapatid.
Lumingon ito sa kanya at tinupi ang kumot. Tumango ito.
"Dumalaw lang ako sa lamay ng schoolmate ko."
Tumango siya noon; tingin niya, naghahanda na rin si Jenny ng kanilang pagsasaluhang almusal. Mamaya na siya magpapahinga.
"Anong oras kayo nakauwi ni Greg?" Pag-uusisa niya sa kanyang kapatid.
"Mag—one am na rin po." Sagot naman niya.
Ginulo niya ang buhok ng kanyang kapatid; wala itong klase ngayon. Pagkatapos niyang guluhin ang buhok ng kanyang kapatid, pumasok na muna siya sa kwarto; gusto na muna niyang ipahinga ang katawan niya at ang isipan niya ngayon.
Dinalaw na naman siya ng kanyang abilidad, may mga premonition siyang nakikita, nilamon siya ng kadiliman at napadpad sa isang masukal na kagubatan, alam niya ang lugar na iyon, nakita niya si Thalia na may hinuhukay, may mga kasama ito na at nagmamadali ang kilos, napadpad naman siya sa lugar sa mansion ng mga Fuego, nakita niya si Mikaela, may tinataguan itong isang tao, nakita niya si Giovane na hinahanap si Mikaela.
Sumasakit na ang ulo niya sa mga nakikita niya sa kanyang premonition; nakita niya ang kanyang kapatid na si Jenny na naglalakbay kasama ang kanyang mga pinsan, ang kanya ring babaeng kapatid na si Thalia kasama si Greg.
Ikinagulat niya ang huling ipinakita sa kanya; may nakita siyang isang bangkay, hindi niya maaninag ang mukha nito.
Doon, napapikit at napahawak siya sa kanyang ulo na sumasakit, iyon ang after-effect na kanyang abilidad kapag nakikita niya ang premonition.
Dahil sa maraming impormasyon na kanyang nakikita, nahihirapan siyang makabawi noon, dahil sa dulot ng pagsakit ng kanyang ulo.
"Ah! Ang sakit!" Riing sabi niya na halos mabuwal siya sa kanyang hihigan. Kapag nagkaroon siya nang ganoong premonition, nagbabadyang mangyayari ito sa madaling panahon.
Kombinasyon siya sa lahat ng abilidad ng kanyang mga kapatid. Noon pa, alam na niya ito. Dahil madali niyang napapansin iyon, kahit pa man mga bata pa ang kanyang mga kapatid.
Kumalma na ang masakit niyang nararamdaman, binabalik – balikan niya ang mga nakikita niya.
Nagtataka siya, lalong-lalo na kay Thalia, kung bakit nandoon ito sa masukal na kagubatan, sa pinakailaliman sa kagubatan may hinuhukay, ganoon din ang nakikita niya noong pumanaw ang kanyang pinsan.
Anong hinuhukay nila? Napasabi sa kanyang isipan na takang – taka. Nag-aalala rin siya kay Mikaela noon; hindi niya mawari kung bakit ito bumalik sa mansion.
Lalong—lalo na sa bangkay na kanyang nakikita, hindi niya makita kung sinong mamamatay at magbubuwis ng buhay sa kanila na naghahabol ng hustisya.
Ipinahinga niya ang kanyang masakit na ulo. Bumuntong – hininga na muna siya.
Dumating na rin sa wakas ang kanyang kapatid, at siya rin naman ay papasok na dahil malapit na ang oras ng kanyang klase.
Tiningnan niya ang kwarto ng kanyang kapatid na lalaki; nagtataka si Jenny kung bakit kakaiba ang kilos nito kahapon, na tila’y may tinitingnan, kahit man hindi nito ipahalata sa kanya, alam niya sa kanyang sarili na may tinitingnan itong hindi niya nakikita.
Naglalaro sa kanyang isipan ang sinabi na may mga abilidad silang magkakapatid. Hindi niya lang maproseso na ang kanyang kapatid ay may abilidad na kagaya niya.
"Ta, maiwan na muna kita rito sa bahay." Bilin niya sa kanyang nakababatang kapatid.
Tumango lang ito na naghuhugas ng pinagkainan nila. Hindi na lang niya muna pinapasok ang kanyang kapatid na lalaki, dahil natutulog pa ito.
"Ate, kapag may oras ka mamaya, may tatanungin lang ako sa iyo." Tinitigan pa siya nang mataman ng kanyang kapatid.
Siya rin naman ay may sasabihin sa kanyang kapatid, kaya naman tumango na lamang siya na siya ay sumasang-ayon.
"Salamat, mag-iingat ka." Tanging bilin ng kanyang kapatid noon.
Tumango siya, lumabas na siya ng kanilang tahanan, naglalakad na muna siya para makalabas sa isang kalye kung saan siya nag-aabang ng jeep patungo sa kanyang paaralan.
Hindi naman siya masyadong nagtagal sa pag-aantay ng jeep; sumakay naman siya kaagad noon.
Ano kaya ang pag-uusapan namin ni Thalia? Kasali ba si kuya rito? Napatanong sa kanyang isipan, minsan lang silang magkakapatid na nag-uusap-usap sa mga bagay-bagay, kung hindi importante ang pag-uusapan nila.
Nag-aalala siya sa mga premonition na kanyang nakikita; minsan, nanaginip siya sa mga mangyayari pa lamang. Natatakot siya, dahil isa sa mga premonition niya ay nangyari na.
Napakamot siya sa kanyang noo, nangyari nga may mamamatay na schoolmate ng kanyang kapatid. Ayaw niyang pumunta sa lamay ng batang napaslang, dahil maaawa lang siya, kahit man hindi niya kasalanan ang pagkamatay nito, sinisisi niya pa rin ang kanyang sarili, kung nabalaan lamang niya si Thalia.
Kinulamos niya ang kanyang mukha, gusto niyang magising siya ngayon, dahil hanggang ngayon magulo pa rin ang utak niya. Umaasa siya sa pag-uusap nila ngayon ni Thalia; gumaan-gaan ang kanyang pakiramdam.
Natanaw niya na malapit na siyang makarating sa paaralan kung saan siya nag-aaral bilang isang kolehiyala.
"Para po." Agad niyang sabi noong malapit na siya sa paaralan, agad naman siyang nanaog at naglakad patungo sa gate para makapasok na rin siya sa paaralan.
Tiningnan niya ang kanyang orasan; may ilan pang minuto bago siya pumunta sa silid-aralan. Alam naman niyang mas mabuting dito na muna siya sa library, wala rin naman siyang aaralin, gusto na muna niyang magpalamig ng ulo at para hindi siya mabaliw sa nangyayari ngayon.
Tinitingnan niya ang mga tao sa library; tahimik siyang nakaupo na nag-oobserba.
Lumabas na rin siya sa library, dahil kahit anong aliw niya sa mga libro noon, hindi siya makapag. – focus.
Naglalakad—lakad na siya para masagutan na niya ang katanungan kung bakit dinalaw na naman siya ng premonition.
Tiningnan niya ulit ang oras sa wristwatch niya; may ilan pang minuto para magsimula ang kanyang klase. Tinitingna niya ang paligid, mag-isa lang siyang naka-upo sa sulok, mga taong dumadaan, mga estudyanteng nagtatawanan, nagkwekwentuhan sa mga kaibigan nito.
Nasa study table siya na kung saan dinaraanan ng mga sasakyan na pag-aari ng mga kaklase niya o sa kanilang professor, tahimik siyang inaaliw ang kanyang sarili para rin makapunta na rin siya sa kanyang classroom.
May bigla na lamang sumagi sa isipan niya na may mangyayaring hindi maganda, sinasabi sa kanyang isipan na agad siyang lumayo kung saan siya ngayon, napatayo siya noon, dahil kakaiba ang nararamdaman niya.
Nakita niya ang premonition niyang may babanggang isang kotse kung saan siya umupo at isa siya sa biktima.
Maya—maya pa’y may naririnig siyang malakas na busina, nakita pa niyang napakalakas ng pagtakbo nito at ang mga tao’y nag-aalsa balutan at ang iba nama’y nagpa-panic, at sa isang iglap, may narinig silang nakakabinging pagsalpok at punong-puno ng alikabok ang nakapalibot noon.
Para siyang estatuwa sa kanyang kinatayuan, ang mga binti niya’y nawalan ng lakas dahil sa nasilayan niyang aksidente na sana’y nagpadali sa buhay niya kung hindi siya naniniwala sa premonition niya. Napaupo siya na tinitingnan, ang mga taong nagmamadali para isalba ang buhay ng nasagasaan at ang taong nakasakay sa kotse.
Napalunok siya, pinilit niyang makatayo, nanghihina pa rin ang kanyang binti, kaya pinipilit niyang maglakad papalapit sa railings noon, para kanyang makapitan. Lumakad siya papalayo sa mga nag-uumpukang mga tao at ang paparating na ambulansya sa mga nasawi sa aksidenteng hindi niya inaasahan.
Nakalayo na siya sa pinangyarihan, pinikit niya ang kanyang mga mata, pinapakalma niya ang kanyang takot, pinisil-pisil niya ang kanyang pisngi noon, napalunok na lamang siya, nanginginig pa rin ang kanyang kalamnan sa nasaksihan.
Naglakad siya at ang mga tao naman sa kanyang paligid ay naalarma dahil sa aksidenteng dulot. Nakapapasok na siya sa kanyang room, rinig na rinig pa rin niya ang busina ng ambulansya.
"----Nny,"
"Jenny, Jenny!"
Napatingin na lamang siya sa tumatawag sa kanyang pangalan; sumalubong kaagad ang nag-aalalang mukha ni Saia.
Hindi siya nagsalita noon.
"Anong nangyari sa iyo?" Taka nitong tanong sa kanya.
"May aksidente."
Tiningnan naman siya nang makahulugan.
"Aksidente?" Napatanong sa kanya na nagtataka sa kanyang kinikilos.
"Oo, ngayon lang, may aksidente." Siya rin ay nagtataka sa kausap niya.
"Are you really okay, Jenny?" Napatanong naman nito na mas lalo pang kumunot ang noo.
"Totoo nga—" biglang nag—sink—in sa isipan niya na ang premonition at ang pagkabangga na kanyang nakita ay abilidad niya, mangyayari pa lamang ang nasaksihan niya.
Bakit parang totoong—totoo? Bakit nandoon ako sa pinangyarihan? Napatanong sa kanyang isipan.
Napaupo siya at hindi na siya sumagot kay Saia; hinilot niya ang sentido niya.
"Gosh!" Tiningnan siya nang makahulugang tingin ni Saia.
May ipinakita itong larawan. "Bago lang naganap, bago ka nakarating rito, may kotseng bumangga."
Sa larawan, iyon nga ang nakita niya kanina.
"Bakit mo alam?" Taka nitong tanong.
Hindi siya sumagot at nananatiling tahimik. May naririnig na siyang malalakas na sirena ng ambulansya at nakita niyang nagkagulo ang ibang guro at estudyante sa komosyon ngayon. Gusto niya tuloy lumiban, pero nilabanan ni Jenny, nanginginig naman ang mga kamay niya.
Tinantanan na siya ng kanyang kaklase noon, tiningnan siya ng makahulugan na tingin. Kaya nga, iniiwasan niya ang paggamit ng kanyang abilidad, dahil gusto niyang maging normal ang buhay niya.
56Please respect copyright.PENANAFD9dVS3sd5


