WALONG taon na naging tahimik ang bayan ng Regondo, walang patayan at krimen na nangyayari na ang kadiliman lamang ang saksi sa nangyayari.
Nakalaya na rin silang Vince, Charles, at iba pang kasamahan sa organisasyon, at nagkaroon ng linaw ang lahat. Nawakasan ang kaso na nangyari sa mga Fuego, at ang warehouse at mga kubo na nandoon ay sinunog para wala nang kasakiman ang mangyayari.
Nagkakaroon na rin ng magagandang buhay na kanilang pinaghihirapan. Wala na ring paglalakbay ang nangyayari sa kanila, simula nang matapos ang nangyari noon.
Nakatulog na si Thalia nang mahimbing dahil sa pagod sa trabaho, at kababago lang niyang nakarating sa Pilipinas dahil nagkaroon sila ng out of town sa ibang bansa kasama ang team niya.
May mga babeng nag-uusap.
"Tapos na ang pinagagawa ko sa iyo?" tanong nitong nakatalikod sa kausap na tinitingnan sa bintana ng building ang abalang mga daanan.
Napabuntong-hininga na lamang ang kausap niya. "Yeah, don’t worry, hindi palpak ang operasyon kanina."
Napatango—tango na lamang ito. Humarap ito sa kausap, halatang nanggaling sa mayamang angkan, desente ang pananamit, makinis ang balat na walang tatsa na kahit anong sugat sa katawan.
"Kailangan nating maisagawa ang plano natin, Tricia." Sabi pa nito.
Nagulat si Thalia sa kanyang narinig, biglang bumilis ang tibok ng puso niya.
"Alam kong gusto mong maghiganti," sabi pa ni Tricia sa kausap nito. "Slowly but surely." Matamis na ningitian nito ang kausap.
"They will regret this; they will regret this na hindi nila tayo pinatay."
"By the way, the good news is, unti – unti ng napapasok ang lugar na iyon ng mga transaksyon natin, at babalikan natin sila."
May mga larawang nakita si Thalia sa kanyang panaginip; ito ang naganap sa araw noong walong taon na ang nakalipas. May isang babaeng umiiyak na yakap-yakap ang malamig na bangkay.
Kinilala niya ito; hindi nagkakamali ang isipan niyang kilalang-kilala niya ito.
"Magbabayad kayo, magbabayad kayo!" pabulong nitong pumapatak ang luha.
Biglang nilamon siya ng kadiliman noon, may nakikita siyang dalawang kaluluwa, at higit sa lahat, may mga kaluluwa na namang naglalakbay sa kawalan ng kadiliman.
"Babalik tayo sa lugar na iyon, Isabel. Maglalaro ulit tayo sa kanila. Huwag ka lang mainip, dahil malapit na malapit na natin silang makita."
Napabangon siya sa kanyang hihigan, habol-habol ang kanyang paghinga.
Isabel, Tricia. Napasabi sa kanyang isipan noon.
Naalala pa niyang noong nakalaya ito, binigyan ito ng pagkakataong pumunta sa ibang bansa, kasama ang pinsan nitong si Tricia.
Huwag mong sabihing... Hindi na niya tinuloy pa ang nasa isipan niya, at alam niyang tama ang kutob niya.
Binubuhay ulit nito ang organisasyong winasak nila noon. Nasapo niya ang kanyang noo. Napapikit siya, muli, at inimulat niya ang kanyang mata.
Alam niyang madaling-araw pa ngayon, hindi na siya makatulog pa, kaya pumunta siya sa kusina para uminom ng tubig. Nakita niya ang kanyang kapatid na lalaki.
"Greg?" mahina niyang tawag.
"Ate," agad nitong sabi.
Nagkaroon siya ng premonition; nakikita niya ang kapatid niyang si Greg na madadawit dito sa mangyayaring kaguluhan, madadawit ang isang binatang hindi niya kilala. Kumirot ang sentedo niya.
"Ate, nakikita mo na naman ba?" tanong naman nito sa kanya.
Nabigla siya sa katanungan ng kanyang kapatid. Hindi niya sinagot ang katanungan nito.
"Bakit hindi ka pa natutulog, Greg?" tanong nito.
Labinlimang taong gulang na ang kanyang kapatid at nasa Grade 9 na ito sa junior high school.
"May tinatapos lang akong proyekto, ate." Sagot naman nito sa kanya.
"Kailangan mo ng matulog, wala ka bang klase?" tanong niya rito.
"Wala kami ngayong klase, kaya naman, tinatapos ko ang performance task ko."
Napatango na lamang siya. "Matulog ka na muna."
Agad itong tumango, hindi na siya kinulit pa ng kanyang kapatid. Hindi niya lubos maisip na babalik at babalik na naman ang nangyari noon.
Nakikita rin ba ito ni Ericka? Napatanong sa kanyang isipan.
Nakahalumbaba siya na nag-iisip.
"Bakit ang aga mong nagising?" tanong naman ng kanyang kapatid na si Felix.
"Nagkaroon lang ng jet lag, kuya."
Tumango na lamang ito sa kanya na sinamahan siya na umupo.
"May nangyari ba? Ang lalim ng iniisip mo." Sabi naman nito.
Napailing-iling lamang siya. Ayaw niyang pag-usapan ang panaginip niya ngayon.
"Hindi mapagkakaila na may iniisip ka ngayon?" tanong naman nitong napabuntong-hininga sa kanya.
Kumuha ito ng isang tasa at nagtitimpla ito ng kape, muli itong bumalik sa tabi niya at maingat na hinihigop ang kape nito.
"Kuya, nagkakaroon na naman ako ng paglalakbay."
Nakinig lang ang kanyang kapatid. "Tungkol ba ito kina Tricia at Isabel?" kalma nitong tanong sa kanya.
Nagulat naman siya sa sinabi ng kanyang kapatid.
"Alam mo na ba ang mangyayari?" tanong naman niya.
Ngumiti ito sa kanya. "Hindi, pero alam kong babalik sila sa paghihiganti." Napabuntong-hininga pa ito.
"Bakit nangyayari ito? Hanggang kailan matatapos ang paghihiganti?" nalulungkot niyang tanong sa kanyang kapatid.
"Ganoon talaga ang ikot ng mundo, Thalia. Maraming mga taong naghihiganti dahil sa kanilang emosyon na nararamdaman. Tao tayo, Thalia; nagpapadala tayo sa emosyon na nararamdaman ng dalawa. Napatay ang kapatid nito sa engkwentro." Nasabi na lamang nito sa kanya.
"Pero, ang buhayin muli ang organisasyon," napailing-iling na lamang siya.
May bigla na lamang tumawag sa kanyang phone. Napakunot naman ang kanyang noo at tiningnan kung sinong tumatawag.
"Ericka?" napatanong na lamang ito.
Dali-dali niyang sinagot ang tawag.
"Thalia, hindi maganda ito, magbabalik sila." Iyon lang ang bungad na narinig niya at pag-aalala sa boses nito.
"Alam ko, nagkaroon ako ng paglalakbay kani-kanina lang," sabi naman nito.
"Marami ang madadamay dito, madadamay si Greg rito, at isa pa, may isa pang madadamay dito, hindi ko alam kung bakit—bakit ako binabalikan ngayon."
"Alam ko iyon, hindi ko na alam ang gagawin ko."
"Nakikita kong may isa pang kasama si Isabel na may kakayahang kagaya natin." Sabi naman nito sa kanya.
Napakunot-noo na lamang siya.
"Si --- sino?" tanong naman nito sa kanya.
"Hindi ko kilala." Sabi pa nito.
"Magpahinga ka na lang muna, alam kong may trabaho ka pa, hindi ba?" tanong naman niya sa kausap.
"Babalitaan ulit kita, balitaan mo rin ako kung anong nakikita mo." Napasabi na lamang nito.
Napabuntong-hininga siya sa tawag na natanggap niya.
"Kumalma muna kayo riyan. Hayaan natin kung saan tayo dadalhin ng tadhana." Sabi pa ng kanyang kapatid na kalmadong-kalmado na tinitigan siya.
Napaupo na lamang siya at tumango na lamang; hindi niya alam ang mangyayari sa kanila. Hindi nila alam kung ano na namang susuungin nilang panganib sa hinaharap. Nag-iisip-isip na lamang siya sa mga posibilidad na mangyayari.
Tinapik siya ng kanyang kapatid.
"This marami tayong magtutulungan." Rinig niyang sabi at ngumiti ito sa kanya.
----------------------------------------------- K A T A P U S A N --------------------------------------------
53Please respect copyright.PENANABsLralKKtN


