CHAPTER SEVENTY-SEVEN
"MA," tawag sa kanya ni Ashley.
Tiningnan naman niya ang kanyang anak. "Yes, anak?" tanong naman niya rito.
"Kailan ako mag-school?" tanong naman nito sa kanya.
Nandito sila sa bahay nilang Vivianne ngayon; nakisiksik na muna sila dahil hindi pa niya dadalhin ang anak niya sa mansion na iyon. Napangiti naman siya.
"Kapag natapos na ito, saka, hindi ka pwedeng maglalabas ng bahay," sabi pa niya.
"Tutulungan natin si Tita Leah, di ba?" tanong naman nito sa kanya.
Tumango siya sa bata at niyakap niya ito nang mahigpit. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwalang nakakausap na niya ito, nayayakap at nahahawakan. "Miss na miss kita, anak." Sabi pa niya noon.
Ngumiti lang ang bata sa kanya, tiningnan siya nito ng mataman. Tiningnan niya ang kanyang bracelet. Hinubad niya ito.
"Sa iyo na iyan." Ngumiti naman siya kay Ashley.
"Pero, bigay ito ng mommy mo, di ba?" tanong naman nito sa kanya.
Tumango naman siya. "Pero, ibibigay ko iyan sa iyo, kasi nais ko ring ipamana sa iyo ang pulseras na bigay ng ina ko sa akin." Paliwanag pa niya.
May narinig siyang katok. "Ate Sharlene." Tawag naman, Tashia, sa kanya.
"Tashia, tuloy." Sabi naman niya.
"Ate, nandito si Attorney Madrigal." Napasabi naman sa kanya.
Napatango na lamang siya. Sinama na niya ang bata, hinarap naman niya ito, ang pinsan niyang buo sa Gonzalez.
Naghintay lang ito sa kanya sa maliit na sala ng apartment nilang Vivianne. Umupo na muna siya at kinarga niya ang bata.
Napatitig pa ito sa kanya at pabalik kay Ashley.
"I’m glad that she’s okay." Narinig naman niyang sabi at ngumiti pa sa bata.
Napatango na lamang siya noon; alam niyang may kasunod itong sasabihin sa kanya, kaya naman napabuntong-hininga pa siya noon.
Narinig pa niya na nagbuga ito ng hangin.
"Kailangan mong malaman ito, Nacario Raymundo Santiago, he passed away yesterday."
Nagkatinginan naman sila na nandoon na nakinig. "Passed away?" tanong naman nito sa kausap.
Napatango naman ito sa kanya. "Paano ang kaso sa korte?" tanong naman niya.
"Walang magagawa ang korte noon, kundi ibasura ang kaso." Seryoso nitong sabi.
"Kung sineswerte ka nga naman." Sabi pa ni Vivianne. "How about Sheila?" tanong naman nito sa kanya.
"About that, suspend na muna, dahil she’s not in the right mind nowadays; hindi ko alam of what happened to her."
"Anong nangyari kay Sheila?" tanong naman niya noon.
"She’s having a hard time; palagi niyang sinasabing papatayin siya at may nakikita raw siyang babae, I think, si Leah, si Leah ang palaging bukambibig niya," sabi pa nito sa kanya.
"Nakakausap ba siya ni Martin nang matino?" tanong naman ni Vivianne.
"Martin, hindi na siya pumupunta roon after that confrontation. Huwag mo akong tingnan ng ganyan, Sharlene; sinunod ko lang ang gustong mangyari ni Martin. Isa pa’y sumabay ang pagkamatay ni Raymundo Santiago." Paliwanag pa ito sa kanya.
"Matibay ang ebidensya na nakalap natin, that remain bones to that mansion, and also, remains of Leah." Dagdag pa nito sa kanila.
Nag-isip naman si Sharlene. Kailangan niyang dalawin si Sheila.
"Kinulong ba si Sheila sa mansion niya?" tanong naman niya rito.
Tumango naman ang kanyang kausap.
"Ate, kailangan nating puntahan si Sheila." Napasabi naman ni Tashia.
Tumango naman siya noon. "Justine, pwede mo ba kaming makapunta doon?" tanong naman niya.
"Yeah, but why?" tanong naman nitong nagtataka sa kanya.
"Basta, kailangan ko lang talagang makita si Sheila."
"Okay? Let’s go." Kahit nagtataka ito, napatango naman niya ito. Isinama niya ang kanyang anak noon, dahil walang maiiwan.
Dali-dali silang sumakay sa sasakyan. Nagtataka na rin siya kung bakit hindi na nagpapakita sa kanya si Leah.
Naghihiganti ba siya na nandoon na si Raymundo?" napatanong sa kanyang isipan.
Agad naman silang pumunta sa bayan ng San Mateo; sisiguraduhin niyang hindi ito lalamunin ng galit at mawala na parang bola.
Nakatingin lang sa kanya si Ashley na nag-aalala. Hinawakan niya ang kamay ng bata noon na huwag itong masyadong mag-aalala.
Kinakabahan siya ngayon kung anong madadatnan nila ngayon sa mansion ni Sheila.
Mabilis magpatakbo ng sasakyan si Justine, kahit malayo-layo ang probinsyang pupuntahan nila, at dahil hindi ito kagaya ng syudad na may traffic, nasilayan niya kaagad ang Probinsya ng San Mateo. Pumunta kaagad sila kung saan nakatira ngayon si Sheila.
Pinarada nito ang sasakyan, nakita niya ang kasambahay na mukhang takot na takot dahil namumutla ang labi nitong sinalubong sila.
"A—Ano pong nangyari?" tanong niya.
"S—Sumisigaw na namang mag-isa si Madam Sheila ngayon, h—hindi na po namin maunawaan kung anong nangyayari, kung s—sinasapian na ba ito nang masamang espiritu." Sumbong naman nito sa kanya.
"Tashia, hawakan mo si Ashley saglit." Sabi pa niya at dali-daling pumasok sa mansion niya, halos lahat ng masasakit na pinagdaraanan ni Leah ngayon ay sa isang kisap-mata nakikita niya ito.
"N – Nasaan ang kwarto ni Sheila?" tanong naman niya.
Tinuro naman ito ng kasambahay. "M—Ma'am, baka ano pong mangyari sa iyo." Pag – aalala naman sa kanya.
Ngumiti siya rito. "Sharlene." Biglang tawag ni Vivianne sa kanya.
"Sasamahan kita sa loob." Napasabi na lamang ni Vivianne.
"Vivianne." Napailing na lamang ito siya rito.
"Hayaan mo na ako, ate." Napasabi na lamang ito.
Napabuntong-hininga na lamang siya; agad nilang binuksan ang kwarto kung nasaan si Sheila.
Sumisigaw ito na parang may tinatakasan; paulit-ulit itong dumaing nang dumaing, umiiyak na ito, at isa pa’y para na itong masisiraan ng bait. Nakatali ang dalawa nitong kamay.
"Bakit! Bakit!" Sigaw nitong katanungan na parang may kaharap na tao.
Nagkatinginan silang Vivianne, magulo ang buhok.
"Kailan pa siya nagkaganito?" napatanong na lamang ni Sharlene kay Vivianne.
"Ate, bago nangyari ito, dinalaw siya ni Leah, kasama ang kanyang kapatid na si Angely, at si Raymundo; pinakita at pinaranas ni Leah ang lahat ng pinagdaraanan niya." Napasabi naman nito.
"Isa pa ay hindi niya matanggap ni Sheila na naisahan siya ni Martin at ni Justine; akala niya mananalo siya sa laro, iyon din ang rason kung bakit nagkaganyan siya." Napalunok rin ito.
Napasinghap pa si Vivianne. "Ate, biktima rin siya, kagaya nang sinabi mo, biktima siya sa mundong ito, ginahasa siya noong labinlimang taong gulang, panahon na magkaibigan pa kayo."
"Vivianne, dumudugo ang ilong mo." Napasabi na lamang niya na nag-aalala.
"I’m okay, Sharlene. Kailangan na nating pakalmahin si Leah, lalong-lalo na’t nandoon si Raymundo, kaya hindi siya nagpaparamdam sa atin."
Napatango na lamang siya. "Sabihin mo sa akin kapag hindi mo na makayanan, Vivianne. Babalik tayo kaagad." Napasabi pa nito.
Napahawak siya sa kamay ni Vivianne, bigla na lamang nagdilim ang paligid, binuka niya ang kanyang paningin, sobrang tahimik nito. May kaluluwang sumalubong sa kanila.
Napasinghap siya.
"Leah." Nakasoot ito ng puting damit; naalala niya bigla ang kasootan nito nang namatay ito. Umiiyak itong tiningnan sila.
Nagkatinginan silang Vivianne. "Ituro mo sa amin kung nasaan sila ngayon." Kalmang sabi ni Vivianne.
Tumango ito. Tiningnan lang niya si Vivianne, sumunod na rin sila. Dinala sila sa lugar kung nasaan ito.
Pagkapasok niya, naririnig niya ang tawa ni Leah na nagagalak; kalunos-lunos ang kanyang nakita noon.
"Sharlene! Tulong!" sigaw ng kanyang lola Felicia.
Natahimik si Leah noon, at tinaasan siya ng kilay. Tiningnan niya ang paligid.
"Maawa ka, Sharlene." Pagmamakaawa pa nito. Laking—gulat niya na nandoon si Sheila.
53Please respect copyright.PENANAdqARffLghd


