CHAPTER SEVENTY-SIX
TAHIMIK na nakaupo si Tashia habang may tinitingnan sa kanyang phone; nagbabantay siya ngayon kay Ashley.
Mahina niyang hinaplos-haplos ang pisngi ng bata. Wala naman ang kanyang kapatid at si Sharlene, dahil lumabas lang ito saglit.
Napansin niyang may mainit na palad na humawak sa kanyang kamay, napakunot-noo na lamang siya at baka guni-guni iyon, ngunit hinayaan na lamang niyang maramdaman ang mainit nitong palad na nakahawak sa kanyang kamay.
Maya—maya pa’y hindi pa rin ito nawala, kaya naman, tiningnan niya ang nakahawak sa kanyang kamay. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nasaksihan; nakita niyang gumalaw-galaw na ang katawan ni Ashley.
Nakatingin ito sa kisame ng hospital, napasinghap siya; tila hindi niya alam kung anong gagawin.
"A—Ashley." Tawag niya sa bata.
Mahina itong lumingon sa kanya, nagrespond ito, gusto niyang mag-break down ngayon, gusto niyang maiyak, pero kailangan na munang i-check si Ashley ng nurse o doctor.
"S—Saglit, tatawag lang ako ng nurse, babalik ako kaagad." Dali-dali siyang tumayo, lumabas siya sa kwarto, at kaagad siyang nagtungo sa station ng nurse. Agad pinaalam ni Tashia na gising na ang kanyang pamangkin.
Nagulat naman ang nurse sa kanyang sinabi, kaya naman agad din itong sumunod sa kanya. Habang chinecheck ang vital signs ni Ashley, nanginginig ang kamay niyang kinuha ang phone niya. Kailangan niyang ipaalam iyon sa kanyang ate Vivianne at ate Sharlene.
Kaagad naman itong sinagot ang tawag niya.
"Tashia, may ipabibili ka ba?" tanong naman ni Sharlene sa kanya.
"Wala ate, ate, bumalik kaagad kayo sa hospital."
"B --- Bakit? May nangyari ba kay Ashley?" tanong naman nitong naalarma.
"I—It’s not, but it’s a miracle, gising na si Ashley." Napasabi naman niya na pinipigilan ang kanyang luha.
"G – Gising na si Ashley?" tanong nito, halata sa boses nito na hindi makapaniwala sa kanyang sinabi.
"Y—Yes, Aunt Sharlene, she’s back." Tumutulo ang kanyang luha, kahit anong pigil niya.
"P – Pupunta kami kaagad riyan." Sabi pa nito.
Tumango na lamang siya.
"We checked the child," napabuntong-hininga ang doctor, siya naman, kinabahan, may biglang sumilay sa ngiti sa labi nito. "Kailangan lang maka-recover ang katawan ng bata, dahil sa mahabang pagkatulog niya, now, wala pang lakas ang katawan niya," paliwanag naman ng doctor sa kanya.
"H—How’s her blood clot?" Tanong naman niya na nag-aalala.
Tinapik siya ng doctor. "Tuluyan nang nalusaw ang dugong namuo sa utak niya, her life is not in danger anymore, and it’s a miracle also." Sabi pa nito.
Parang nabunutan ng tinik si Tashia, kaya naman, napatango na lamang siya.
"In a day or three or maybe a week, she will be back to her usual self, and pwede na rin siyang ma-discharge after makompirma na wala na bang complications sa bata."
Tanging tango na lamang ang sagot niya, baka, kung magsasalita siya, pangunahan siya ng kanyang emosyon na pilit kumakawala sa kanyang katawan ngayon.
"It’s a miracle. Pakisabi sa mother ng bata that her child survived; that girl is really strong." Hanga naman ng doctor kay Ashley.
"Y—Yes po, thank you po, doc." Napasabi na lamang niya.
Tumango lang ang doctor, tinapik siya, at nagsilabasan na rin ang mga nurse at doctor. Nakahiga si Ashley noon.
"A—Ate." Tawag nito sa kanya.
Dali-dali siyang lumapit dahil hindi pa kaya ng katawan ng bata ang bumakod na walang tulong.
"B—Bakit? Hinahanap mo ba ang Mama mo? Malapit na iyon." Sabi pa nito na hinahaplos ang pisngi ng bata.
May naririnig siyang mga yabag na nagmamadali para makapasok kaagad sa kwarto nito.
"Ashley," tawag ni Sharlene sa bata.
Nakita ni Tashia ang pagkagulat ni Vivianne, natutop nito ang bibig.
Agad-agad niyakap ni Sharlene ang batang kababago lang nagising. Kaya naman tumayo siya para kunin ang mga pinamili nito. Sinenyasan niya si Vivianne noon na ngumingiti pa.
Narinig pa niya ang mahinang hikbi ng kanyang ate Sharlene na nagagalak. Wala itong salita na nakayakap lang sa anak na matagal ding hindi nagising, at saka, nanganganib pa ang buhay nito.
Malaking palaisipan sa kanya kung bakit nakabalik si Ashley, pero ayaw na muna niyang sagutin ang katanungan na iyon; gusto na muna niya ng masayang pangyayari, na kung saan nilalamon ang puso nila ng mga katanungan at kalungkutan.
Hanggang nakatulog muli ang bata. Sinabi niya ring ligtas na ang buhay ni Ashley, at pwede na itong ma-discharge after ng follow-up check-up nito para maiwasan ang komplikasyon. Isa pa, hindi pa masyadong malakas si Ashley na iuwi.
Pinagmamasdan lang ni Sharlene ang natutulog nitong anak; halos ayaw na itong mawalay sa paningin.
"Natatakot akong muli siyang ma-comatose." Mahinang sabi ni Sharlene.
"Ate, huwag kang masyadong mag-isip nang ganyan." Napasabi na lamang niya.
"Pinalaya siya ni Leah, Sharlene, saka, may ibang sumpang tumanggap para makalabas si Ashley." Paliwanag naman ni Vivianne noon.
Napakunot naman ang noo nito. "May ibang tumanggap sa sumpa?" tanong naman niya rito.
"Nakita kong pwede nitong tanggapin at baliktarin ang sumpa na iyon." Sabi pa nito na hinaplos noo ng bata.
"Si Manuel Santiago ang tumanggap sa sumpa at bumaliktad para makalabas si Ashley nang ligtas, sinabi niyang panghabang-buhay itong makukulong sa kadiliman, kasama si Leah.
Hindi na siya nagsalita pa noon. Nagising ang batang si Ashley.
"Mama, kailangan nating iligtas si tita Leah; kapag hindi siya makalabas sa poot na ginawa niya, lalamunin siya nito at mawawala siya rito na parang bola." Sabi pa ng bata.
Nabigla na lamang siya sa sinabi ni Ashley ngayon. "Mawawala na parang bola?" napatanong naman niya.
Mahina pa itong napatango. "Hindi niya muling makikita ang liwanag at makita ang baby niya na nag-aantay sa kanya."
Nagkatinginan sila ni Vivianne. "Pwede bang hindi na tayo pwedeng makialam, ate Sharlene?" tanong na lamang niya.
"Please, po? Ginawa ni tita Leah ang lahat para makalabas ako, tapos, tinulungan ako ni Lolo Manuel. Pwede po bang tulungan din natin sila?" Nakita nito sa mga mata na gustong-gusto itong tumulong.
Hindi kaagad nakaimik si Sharlene sa kahilingan ng kanilang kaharap; narinig niyang napabuntong-hininga na lamang ito.
"Vivianne, Tashia, hindi na pwedeng takasin ang sinimulan natin, hindi tayong magsawalang-bahala na lamang dahil naging ligtas si Ashley, alam naman natin kung ano-ano ang pinagdaraanan natin." Napasabi pa nito.
"Kung iyan ang kagustuhan mo, Sharlene, ipagpapatuloy natin hanggang katapusan." Napasabi na lamang ni Vivianne.
Napabuntong-hininga na lamang siya, wala siyang magawa, dahil nakatatanda na ang nagdesisyon, hindi na sila pwedeng manahimik na lamang nang ganoon.
Bumukas bigla ang pintuan sa kwarto, bumungad kaagad dito ang mukha ni Martin; siguro’y nabalitaan nito ang magandang balita.
"Ashley." Napasabi pa nito.
"Papa," tawag pa nito na ngumiti.
Dali-dali itong yinakap si Ashley na walang salita. Hinayaan na lamang nila si Martin, dahil may karapatan naman ito, dahil ito ang ama ni Ashley, at papalihim na tumulong sa bills ni Ashley habang nakaratay ito sa hospital.
Nakita niya si Leah, puting kasuotan, bahagya lang itong nakangiti sa kanila, at nawala ito bigla. Tinapik lang siya ni Vivianne, halatang nakita nito si Leah.
"Hindi ko pwedeng biguin si Leah ngayon, Tashia." Tanging napasabi na lamang nito sa kanya.
Nauunawaan niya iyon, kaya napatango na lamang siya.
51Please respect copyright.PENANAWjCcZiagTT


