CHAPTER SEVENTY-FIVE
"NABABALIW ka ba, Manuel?" tanging tanong ni Angely sa lalaking kaharap niya ngayon.
Hindi ito sumagot sa kanya. Napailing-iling na lamang siya.
"Gosh! Ang tanga-tanga mo." Pabulong nitong pang – iinsulto rito na hindi na niya malaman ang gagawin, dahil nakalaya na ang batang magiging pag – asa ng kanilang paglaya sa kamay ni Leah.
"Bakit ba ako nandito sa mga taong ubod ng tanga?!"
"Tanga ka rin naman, Angely." Tanging rinig niyang sabi kay Felicia.
"Ikaw sana ang gumagawa ng paraan, Felicia, edi sana nakalayo na tayo ngayon," sisi niya kay Felicia.
"Huwag ka ngang magbunganga ngayon, Angely, naririndi ako sa boses mo!" inis na sabi ni Felicia sa kanya.
"Malay ba nating malalaman nila ang katotohanan, malay ba nating maging ganito sa Leah? Well, sabay-sabay tayong maagnas ang kaluluwa rito." Napatawa na lamang siya.
"Kung sana noon, hindi ka naging boba, at pumatol sa ama ni Manuel, hindi sana pagtatagpuin ang landas natin! Kung sana naging isa kang matinong babae, hindi ako madadamay sa gulong ito! Bwisit!" tanging rinig niya kay Felicia.
"Wow? Kung hindi mo kami makikilala, hindi ka sana biglang usbong ngayon sa lipunan, Felicia."
"Hindi ko rin makilala ang apo ng Raymundo! Kung hindi kayo tatanga-tanga, sana, naging tahimik ang buhay natin!"
"Oh, what’s happening here? Nagtatalo na kayo?" biglang tanong sa kanila.
Napatingin naman si Angely sa kaharap nito, na pabalik-balik pa silang tiningnan.
"You!" turo niya kay Leah. "Hindi sana magkakaganito ang buhay natin ngayon, kung hindi ka lumayas sa San Mateo. Ikaw ang may kasalanan nang lahat ng ito! Kung hindi mo ako iniwan, sana, hindi ko makikilala ang demonyong iyon!" Galit na galit niyang sabi rito.
Napataas naman ang kilay nito. "Kasalanan ko pa talaga? Mind you, Angely, ikaw ang gumagawa ng kapalaran mo, ako rin ang gumagawa sa kapalaran ko, at kayo rin ang gumagawa ng kapalaran ninyo. Huwag mong isisi sa akin na hindi naging madali ang buhay mo." Sagot naman nito sa kanya.
"Don’t point your finger at me, Angely." Sabi pa nito sa kanya. "Huwag kang mag-aalala, malapit ninyo ring makakasama ang demonyong tinutukoy mo. Are you excited to see him again, Angely?" Napangisi pa ito sa kanya.
Nagulat siya sa pinagsasabi nito. "Halika, dalawin natin ang kapatid mo."
Dinala siya bigla sa kadiliman; nasa isipan niya ito ang pagkakataong makatakas, ngunit pagtingin niya ay nakakadena ang kanyang binti. Ngumisi ito sa kanya na napailing-iling pa.
Nabigla siyang nasa hospital na sila ngayon; lumusot sila sa pintuan. Agad niyang nakita ang nakaratay na katawan.
Raymundo. Napasabi sa kanyang isipan.
Raymundo, nandito ang paborito mong anak. Pabulong na sabi ni Leah, hindi niya makatakas, hindi siya makatakbo dahil sa kadenang nasa binti niyang nakakakabit.
"Leah." Banggit ng lalaki.
Nakikita ba kami? Tanong sa kanyang isipan.
Angely. Banggit sa pangalan niya, nagulat naman siya, kaya napalingon siya.
"Iligtas mo ako." Sabi pa nito sa kanya.
Hindi siya maka-imik. Nakita niyang napangisi na naman si Leah. She snapped her finger, bumulaga sa kanyang paningin si Sheila.
"Ate?" tanong nito sa kanya.
"Anong ginawa mo, Leah?" tanong pa niya.
"Ayaw mo iyon, a little reunion." Sumagot pa ito sa kanya. "Syempre, may mga bisita rin kayo, excited kayong tatlo?" tanong pa nito sa kanila.
Alam niyang pinaglalaruan na naman sila ni Leah ngayon. "Huwag kang matakot, Sheila, nandito ako, huwag mong tingnan ang babaeng iyan." Napasabi na lamang nito sa kanila.
Naramdaman nilang may bumubukas sa kalupaan, nabigla na lamang siyang nabalik siya sa mansion na kung saan nagkakilala sila ni Leah.
"Nandito na sila."
May mga kamay siyang nakita, pilit umaahon sa kalupaan. Si Raymundo naman ay takot na takot din sa nakita.
"Angely, paalisin mo iyan." Utos pa nito.
May mga katawang lumabas sa kalupaan; naalala niya ang lugar na ito, kung saan dito ang naging libingan ng mga kasambahay at mga inosenteng taong nadamay sa massacre na ginawa ng lalaking si Raymundo para patahimikin ang pamilyang Martinez.
Napapaatras siya dahil sa kanya nagtungo ang mga bangkay.
"Ate, ano ito?" tanong naman ni Sheila sa kanya na natatakot.
"Oh, you don’t know? Ask Sister; it’s her little plaything." Sagot pa ni Leah na pinapanood sila sa malayo.
Tiningnan niya si Raymundo, parang natabunan ito at humihingi ito nang tulong sa kanya.
Naririnig niya ang tawa ni Leah na tila nasisiyahan. Naalala niya ang mga naagrabyado niyang tao.
"Leah! Huwag mong idamay ang kapatid ko rito!" Sigaw niya. "Kami ang may kasalanan sa iyo, hindi ba? Huwag mong idamay ang kapatid ko rito!" sabi pa nito.
"Talaga ba?" tanong naman nito.
Nabigla na lamang siya nang makita niyang ang kapatid niyang babaeng si Sheila ay namimilipit sa sakit, tila buntis.
"Anong gagawin mo, Angely? Tutulungan mo ba siyang iligtas ang sanggol nitong babae, o kaya’y hahayaan mo siyang magdurusa?" Mamili ka, Angely.
"Sabi mo sa akin, inosente? Sure, inosente ang kapatid mo, pero inosente ang sanggol na dinadala ko noon, at pinatay ninyo ang batang dala-dala ko ng pitong buwan. Sabihin mo sa akin, Angely, I will let you decide."
Tila ang lahat ng nakaraan ni Leah ang siyang pinaparanas sa kanyang kapatid ngayon; nakikita niya kung paano ito namimilipit.
"Ate! Tulong! Ate!" Sigaw nito na humihingi ng tulong.
"Ipalaglag ang sanggol na iyan! Malas ang babae!" rinig niyang sigaw ni Raymundo, tila nawala na ito sa katinuan.
Inaabot niya ang kamay ng kanyang kapatid, ngunit hindi niya maabot ito; mas lalo siyang inilalayo dahil hinihila siya sa kadenang nakakakabit dito sa kanya.
Napunta naman sila sa isang lote; napasinghap siya sa kanyang nakita: dalawang kabaong.
"Piliin mo kung sinong ililigtas mo sa kanila." Pabulong na sabi ni Leah sa kanya.
"Sheila!" Inaabot niya ito, bigla na lamang inilibing ang katawan ng kanyang kapatid, kasama ang kabaong nito.
Rinig na rinig niya ang sigaw ng kanyang kapatid. "Ate! Tulong! Tulong!" sigaw nitong ubod lakas.
"Tama na! Tama na! Huwag ang kapatid ko! Huwag ang kapatid ko!" nangingilid ang kanyang luha.
Kinakalkal niya ang lupa para iligtas niya ang kapatid nito.
Napapatawa si Leah sa kanya.
"Masaya ka na na nakaganti ka?! Masaya ka na, Leah!?" Galit na galit niyang tanong rito.
Hindi siya pinakinggan ni Leah; ngumisi lang ito sa kanya. "Ganti?" napatanong pa nito sa kanya at napapatawa.
"Masaya bang pagmasdan ang mahal mo sa buhay na nasasaktan, Angely?" tanong pa niya.
May narinig siyang putok ng baril, nakita niya ang katawan ni Sheila, nakatingin ito sa kanya na humihingi ng tulong sa kanya, pinaulanan ito ng putok hanggang bumaha ang dugo nito sa sahig.
Napasigaw siya.
Biglang nabalik sila sa hospital. Nakita niya ang kanyang kapatid na halos mabaliw sa naranasan nito, paulit-ulit itong pinatay nang paulit-ulit. Niyakap niya ang kanyang kapatid na hindi nakaimik.
Bumalik sila sa mundo at ikinulong siya ulit na pumapatak ang kanyang luha; wala siyang salita.
"Maglalaro pa tayo, Angely." Pabulong, nitong sabi sa kanya.
Napahikbi siya; ang kahinaan niya ay ang kanyang kapatid na si Sheila. Napatingin lang sa kanya si Felicia, at napabuntong-hininga na lamang sa kanyang anyo.
59Please respect copyright.PENANAUOV8j3jX8A


