CHAPTER SEVENTY-EIGHT
"TASHIA, nasaan sila?" biglang tanong ni Lawrence kay Tashia na aligaga rin at nag-aalala ang mukha.
Nakita niya ang anak ni Sharlene na nagulat sa kanya, kaya napayakap na lamang ito kay Tashia.
Pinakalma na lamang niya ang kanyang sarili. Naalala niya bigla ang pagkabata ng ina nitong si Sharlene, napangiti na lamang siya.
Ginulo niya ang buhok ng bata. "I’m sorry nagulat kita." Paghingi niya ng pasensya kay Ashley noon.
Nakita niya ang pulseras nito. Alam niyang ibinigay ni Sharlene ito sa kanyang anak.
"Ginulat mo ang bata, Lawrence." Napasabi naman ni Justine sa kanya.
"Huwag na lang muna ninyong disturbuhin sila ngayon, dahil naglalakbay ang isipan nila ngayon."
Napakunot naman ang noo ni Lawrence sa sinabi ng kanyang kaharap. "Naglalakbay ang isipan?" napatanong na lamang siya rito at naguluhan.
"Alam kong mahirap paniwalaan, pero naglalakbay sila sa isang lugar na hindi pwedeng puntahan ng kagaya natin."
Nag-isip naman siya, at naunawaan niya kung paano nalalaman ni Sharlene ang pinsan niyang si Leah.
Nakatingin sa kanya si Justine na naguluhan din.
"Fine, walang mangingialam, but bibigyan ko sila ng isang oras, at kapag hindi nagising ang dalawa, dadalhin mo kami kung saan nandoon si Leah, Tashia." May narinig silang isang boses.
Nasilayan naman nila si Martin.
"Why are you here?" tanong naman ni Justine sa lalaki.
Pinoproseso niya ang sinabi ni Martin.
"Bakit alam mo ito? Anong sinabi mo kung saan nandoon si ate Leah?" Napatanong naman siya at hinarap si Martin.
"Papa." Agad tumakbo ang bata patungo sa ama nito. Kinarga pa ito ng kanyang kaharap at tiningnan siya nito nang makahulugan.
"Tashia, bakit hindi mo rin ipakita sa kanila kung anong nakikita ninyo noon? napasabi na lamang nito sa nanahimik na si Tashia.
Nabigla pa ito sa sinabi ni Martin. "H – Hindi pwede." Sabi pa nito.
"Anong nalalaman mo, Tashia?" tanong naman ni Justine na nagtataka sa pag-uusap nila.
"Alam kong may kakayahan ka na kagaya ng kapatid mong si Vivianne, why don’t you give them a try?"
Umiling—umiling lang ang dalaga at tinatago pa nito ang kamay. Ayaw niya itong pilitin at naintindihan niya ito. Nagtataka lang siya kung anong koneksyon ito kay Leah.
"Natatakot si ate Tashia, ayaw niyang makita iyon." Tanging sabi ni Ashley sa kanila.
"Sabi ni lola May kakayahan din si Mama na maglakbay, saka, kaya ko rin naman iyon, pero, hindi ganoon kalinaw kagaya kay Ate Vivianne." Napasabi pa nito.
"Ashley, kailan mo lang iyan nalaman?" napatanong na lamang ni Tashia sa bata.
"Noong nasa hospital pa ako, pero hindi pa rin malinaw, saka alam kong magagalit si Mama." Sabi pa nito sa akin.
Ibinaba ni Martin ang bata na si Ashley, biglang hinawakan ang kamay niya.
May kung anong alaala siyang nakita. Mabilis na parang nag-f-flash ito sa kanyang isipan. Bigla silang napunta sa madilim na paligid, napasinghap siya, nakahawak pa rin sa kanya si Ashley.
"Huwag po kayong bumitaw." Balala ng bata sa kanya.
Napatango na lamang siya. Inilibot niya ang kanyang paningin.
"Nandito si tita Leah." Sabi pa ng bata sa kanya.
Kaya naman napalingon-lingon siya; gustong-gusto niyang kausapin ito kung anong nangyari rito at nawala ito bigla sa kanila.
May tinuturo si Ashley, nakita niya ang isang nakaputing babae na naglalakad sa hangin, hindi niya ito nakilala nang nasa malayo pa ito, papalapit nang papalapit ito patungo sa kanila, bumibilis ang tibok ng puso niya nang masilayan niya ito.
"Ate?" napatanong na lamang nito sa kanya.
Pinigilan siya ng bata na huwag bumitaw sa pagkakahawak nito. Naglakad ang bata patungo kay Leah.
Hindi ito kumibo. Tinitigan lang silang dalawa nito.
"Ate Leah," tawag niya ulit rito.
"Hindi ko na siya kayang pigilan." Napailing-iling pa ito sa kanila, malungkot ang mga mata nitong nakatingin sa kawalan.
Hindi niya malaman kung sino o ano ang tinutukoy nito.
"Kasalanan ko kung bakit nagpalamon ako sa galit at poot ko noon." Kinakausap nito ang kanyang sarili.
"Nasaan po si Mama?" tanong nito sa bata. "Nasaan po sila ngayon?" tanong naman nito.
"Kapag nakapasok kayo roon, baka hindi na kayo makabalik. Tinalikuran na niya ako, nagpalamon siya ng kanyang galit." Sagot sa kanila.
"Lawrence, alam kong ikaw iyan." Ngumiti ito sa kanya ng malungkot.
"Pakiusap, Ate Leah, anong nangyari?" Tanong niya na gulong-gulo ang isipan niya.
Hinaplos ni Leah ang kanyang pisngi. Dinala siya ng mga pangyayari noon. Kung ano ang pinagdaraanan nito pagkatapos itong mapakasal, nabigo sa pag-ibig, nagmakaawang bumalik ang asawa, hindi nito sinukuan ang asawa nito hangga’t sa nagdalang-tao si Leah, nagbuntis, hanggang nabago si Manuel, ngunit bigla na lamang ipinaglaglag ang anak nito, nagdesisyon na lumaban, ngunit sinaktan ng asawa, at ang huling nakita ni Lawrence ay inilibing nang buhay si Leah.
Napatingin siya rito, hindi niya alam kung anong emosyon ang namumutawi sa kanya ngayon, hindi niya alam na ganoon kabigat ang nararamdaman nito hanggang pumanaw ito.
"Akala ko may tutulong sa akin, ngunit niloko lang pala ako." Umiiyak ito sa kanyang harapan.
Nakita niya ang nakaraan nito, umiiyak itong mag-isa sa kadiliman.
"Bakit? Bakit?" palaging tanong nito nang tanggihan ito ni Felicia na tumulong sa kaso. Akala nito’y magiging mapayapa na ang kanyang isipan, ngunit trinaydor siya nito.
Nakita niya ang mga mata nitong punong-puno ng paghihiganti, poot, galit, at pagtataksil na nararanasan nito.
"Gustong-gusto kong makaganti! Gustong-gusto ko silang pahirapan! Pati pamilya ko, pati magulang ko dinamay nila!"Ngayon lang nakita ni Lawrence na magalit ito.
"Gusto mo ba talagang makaganti?" may boses rin siyang narinig sa nakaraan nito.
Napalingon-lingon si Leah na umiiyak.
"Sino ka?" tanong pa nito sa boses na nagtatago sa kadiliman.
"Ako ay ikaw, ikaw ay ako." Biglang lumutang ang isang katauhan nito, napasinghap din si Lawrence sa kanyang nasaksihan.
"Gusto mo ba talagang makaganti?" tanong nito ulit.
"Gustong-gusto ko! Ngunit anong magagawa ng isang ligaw na kaluluwang kagaya ko?" tanong naman nito sa isang katauhan nito.
"Huwag kang mag-aalala, natatandaan mo ba ang sumpang binitawan mo noon?" tanong pa nito sa kanya.
Napasinghap pa ito. Nang nalaman nitong pinatay ang magulang niya at naalala nito ang pagtataksil na ginawa ng mga taong malalapit sa kanya. Nakita ni Lawrence iyon.
"Hindi man ako makaganti sa lupa. Ako na mismo ang susundo sa kaluluwa ninyo sa impyerno! Ako ang magiging karma sa buhay ninyo!" Umiiyak at naghihinagpis na sabi ni Leah, matapos itong magdalamhati, napapatawa pa ito noon na parang nasisiraan ng bait.
"Naalala mo iyon? Kaya nga nandito ako. Ako ang karmang susundo sa kanila. Ako ang maghihiganti sa lahat ng mga taong nanakit sa iyo, sa atin, kaya you can decide kung tatanggapin mo iyon." Napasabi pa ng babae.
Nasilayan niya ang ikalawang katauhan nito, mga mata nitong punong-puno ng poot at walang pagpapatawad, nakasuot ng puting damit kagaya sa isang Leah.
Nakita ni Lawrence na tinanggap ito, naglaho ang isang katauhan matapos itong pumayag, humangin nang malakas, na halos malipad silang dalawa ni Ashley.
Matapos, nakita niya ang babaeng nakapanluksa, kakaiba ang ngiting namumutawi sa labi nito, hindi niya nasilayan ang totoong si Leah, alam niyang nagpalamon ito sa galit na nararamdaman nito at isinilang ang ikalawang katauhan na maniningil sa mga taong sinaktan ang ate Leah niya.
"Mas lalong tumindi ang adhikain niyang malaman kung sino ang pumatay sa magulang ko, at isa pa’y ikinulong din si Raymundo na hindi na makalaya. Ashley, sinubukan ko siyang kausapin, pero hindi ko na siyang kayang kumbinsihin." Napasabi na lamang ni Leah sa kanila.
"Ituro mo, Ate Leah, pupunta ako, pupunta ako, ako ang makikiusap sa kanya."
Umiling-iling ito. "Lawrence, isipin mo si Ashley, hindi pa kaya ng bata ang maglakbay." Sabi pa nitong nalulungkot.
Ngayon lang siya natauhan. "Paano kita matutulungan?" napatanong na lamang siya rito.
Ngumiti ito sa kanya na malungkot siyang tinitigan. "Wala, wala kang gagawin, maglalaho kaming dalawa rito sa kadiliman, because she’s my other half, ako ang dahilan kung bakit siya nandirito, kaya babayaran ko iyon nang malaking halaga." Paliwanag pa ito sa kanya.
"Ate, hindi pwede." Napailing-iling pa siya. Gusto niyang makabawi sa pinsan niya, gusto niyang makabawi rito, dahil hindi nila naasikaso kaagad ang pagkawala nito noon.
Umiling-iling ito. "Masaya na akong nasilayan ka, Lawrence. Sige na, hindi na kaya ni Ashley." Tinulak pa siya.
Napasinghap siya, napansin niya si Ashley. Nabigla na lamang siyang bigla itong nanghina; babagsak na sana ito sa sahig, buti na lang agad niya itong nahila. Dinulugan niya ang bata noon; nanghihina ito at parang may dinaramdam.
"Ashley, Ashley." Tawag ni Tashia na agad kinuha sa kanya. "Huminga ka nang malalim, huminga ka nang malalim, Ash, mawawala ang sakit na iyan. Breathe slowly, breathe." Tila sinasabayan ni Tashia ang bata.
"A—Anong nangyayari sa kanya?" tanong naman niya.
"Anong nakita mo, Lawrence? Bakit ganyan ang mukha mo?" tanong naman ni Martin sa kanya.
Hindi siya nakaimik kaagad. Hindi niya alam kung paano niya ikwento sa mga ito.
"Hindi ka ba nag-aalala kay Ashley?" tanong naman nito sa kausap.
"I know she will be okay; it’s only an aftereffect—a price to pay. Na nakita niya ang nakaraan at paglalakbay, ikaw naman ang pagbabayarin ko e, ano ang nakita mo?" Tanong na naman nito sa kanya.
Napabuntong-hininga na lamang siya; tahimik din siyang tinitingnan ni Justine, pilit iniintindi nito ang nangyayari.
50Please respect copyright.PENANAdcFTm9mU70


