CHAPTER FORTY-FOUR
“MOMMY,” tawag ng isang batang babae sa kanyang ina. Lumingon naman ang ina ng batang babae, at ningitian ito.
56Please respect copyright.PENANAXKXekExGvt
“Bakit? Anak?” malumanay na tanong ng kanyang ina na inayos pa ang buhok ng batang babaeng kausap niya.
56Please respect copyright.PENANAZUa628Ar1w
Ngumiti na lamang ang batang babae sa kanyang ina, na umiling-iling na lamang; isang payak na buhay lang ang kinagisnan nila, isang kompletong pamilya at masayang paligid.
56Please respect copyright.PENANAIAxNBpMuXn
Ngunit, bigla na lamang nagulo nang may humahabol sa pamilya ng batang babae.
56Please respect copyright.PENANAQR2AwfsRU2
“Mommy,” tawag niya sa kanyang ina na natatakot.
56Please respect copyright.PENANARNYFck13In
Kinarga siya ng kanyang ina, hindi nagsasalitang may tinatakasan ito habang ang kanyang ama ay mabilis din ang kilos.
56Please respect copyright.PENANAhOkXiAj76H
Kitang-kita ng bata ang takot sa mukha ng kanyang magulang; hindi na siya nagsalita pa noon, kahit litong-lito siya’y nananatili siyang tahimik at nananalig siya sa kanyang magulang. Nakarating sila sa isang abandonadong warehouse kung saan iniwan siya para hindi siya makita kung sino man ang humahabol sa kanyang magulang noon.
56Please respect copyright.PENANAIrMJpJ0NG9
Tahimik na tahimik siya, ngunit natagpuan siya ng isang lalaki. Doon, nakita niya ang kanyang magulang na pinahirapan; tatawagin na sana niya ang pangalan ng kanyang magulang ngunit inilayo siya ng isang matandang lalaki.
56Please respect copyright.PENANAT1Pw0WvWP0
“Babalikan natin ang mommy mo.” Iyon lang ang naulinagan niya sa isang binata na inaayos ang kanyang buhok.
56Please respect copyright.PENANAJknfChtAxU
Dinala siya sa isang maliit na clinic, may pinainom sa kanya na isang gamot, nawalan siya nang malay, nagising na lamang siyang natutulog siya sa damuhan.
56Please respect copyright.PENANAuRQ9L9B23S
Hindi niya maalala ang pagkatao niya; tanging pangalan lang ang kanyang naalala, at hindi niya alam kung sino ang kanyang hinahanap. Umiiyak ang bata sa tabi, dahil sa takot at kalungkutan na hindi niya maipaliwanag.
56Please respect copyright.PENANAwygicPBTJl
Bigla na lamang nagising si Sharlene sa kanyang panaginip. Napalunok siya sa kanyang laway noon. Ilang araw na niyang pabalik-balik ang panaginip na iyon, pero binabalewala niya, ngunit sa bawat pagbalik ng panaginip na iyon, kinukurot ang kanyang puso.
56Please respect copyright.PENANAEgAM0xhmQc
Napabuntong-hininga na lamang siya; kailangan niyang kumalma. Nandito siya sa ospital ngayon. Tiningnan niya ang batang mahimbing na natutulog, nilapitan niya ito na hinipo-hipo ang noo ng bata.
56Please respect copyright.PENANAY7gCNDLtJx
“Gising na, anak,” pabulong niyang sabi sa tenga ng bata noon. Hinaplos-haplos niya ang pisngi ng kanyang anak.
56Please respect copyright.PENANAQaKbAdUsQN
Minamasdan niya ang kanyang anak; sobrang namiss na niya ang bawat yakap nito, ang bawat masigla nitong tawa kapag kasama siya, at hinihiling niyang bumalik na ang normal niyang buhay na kasama ang kanyang anak, kahit man wala na siyang asawa.
56Please respect copyright.PENANAWwl3VSkPsu
Bigla na lamang nasagi sa kanyang alaala ang tawa ng batang kanyang napaginipan, ang soot-soot nitong pulseras.
56Please respect copyright.PENANAB62CuwIuFQ
Pulseras? Napatanong sa kanyang isipan noon. Kumunot ang kanyang noo dahil tila nakita na niya ang pulseras na iyon.
56Please respect copyright.PENANA7qnPnU4JDl
Saan ko ba nakita ang pulseras na iyon? Napatanong sa kanyang isipan.
56Please respect copyright.PENANARUNyZNklV5
Hindi niya maaninag ang mukha ng batang napaginipan niya, ang mga gulang nito, at ang tanging naalala na lamang niya ay ang pangalan ng bata.
56Please respect copyright.PENANAsSnuwE8eSK
Ellena? Napasabi sa kanyang isipan, bigla na lamang sumakit bigla ang ulo niya, napapailing na lamang siya para mawala ang pananakit ng ulo niya ngayon.
56Please respect copyright.PENANATdSecYWV4K
Hindi ko dapat iniisip ang ganoon; may problema pa akong hinaharap. Paalala sa kanyang isipan at sarili.
56Please respect copyright.PENANAFz0kxfw4hs
Pinakalma niya ang kanyang sarili. Napapikit siya noon, dinala siya bigla sa kadiliman, nagulat naman siya, hindi niya inaasahang maglalakbay siya ngayon.
56Please respect copyright.PENANATjo8X0BSkO
Anak, anak. Mapanglaw nitong tawag ng isang babae na hinahanap ang anak nito.
56Please respect copyright.PENANAafIhcjVL7N
Nasaan ka na, anak? Sunod-sunod nitong tawag.
56Please respect copyright.PENANAGs4M9ygFf9
Tiningnan na lamang niya iyon, saka may kung anong kumurot sa damdamin niya.
56Please respect copyright.PENANAP0dDrX6Dn7
“Nandito ka pala, Sharlene.”
56Please respect copyright.PENANAfUYv7FUHKd
Nabigla na lamang siya na may tumawag sa kanya, kaya naman napalingon siya rito. Nakita niya si Leah, napatitig na lamang siya noon sa babaeng kaharap niya.
56Please respect copyright.PENANAMN0frrRrfF
“Anong ginagawa mo rito?” tanong naman nito sa kanya.
56Please respect copyright.PENANAas1U4wDmOD
“H—Hindi ko rin alam.” Tanging sagot naman niya.
56Please respect copyright.PENANALaUATYqJyk
Napatitig pa ito sa kanya at nasilayan niya ang mapang-asar nitong ngiti, at napataas pa ito ng kilay. Nasilayan din nito kung sino ang kanyang tinitingnan.
56Please respect copyright.PENANAi6FA3TMCwv
“Oh, nandito ka ba para alamin ang pagkatao mo?” tanong naman nito sa kanya.
56Please respect copyright.PENANAI4yE8pyYZA
Napakunot-noo siya sa pinagsasabi nito. Napatawa ito sa kanyang reaksyon.
56Please respect copyright.PENANA8Ziah24eBJ
“Bago mo alamin ang buong buhay ko, alamin mo muna kung sino ka talaga, Sharlene.” Bigla na lamang itong nawala.
56Please respect copyright.PENANAYKITZoviXI
Napabalik din siya sa ospital; may tinging sumalubong sa kanya.
56Please respect copyright.PENANAmd55foriFk
“V--- Vivianne, nandiyan ka na pala.” Tanging banggit niya sa pangalan nito.
56Please respect copyright.PENANAKY5tvtNgAR
Tumango lang ito sa kanya; hindi ito nagsalita na tinitigan lang siya ngayon.
56Please respect copyright.PENANAFEd0SrthwO
“Pupunta ka sa San Mateo, hindi ba?” tanong naman nito sa kanya.
56Please respect copyright.PENANApBYDWNeDl8
Tumango na lamang siya. Napabuntong-hininga na lamang ito bago magsalita.
56Please respect copyright.PENANA74S8FM04QN
“Hanapin mo ang gumugulo sa isipan mo.” Napasabi naman nito sa kanya. “Baka konektado iyan sa buo mong pagkatao, at paano ka naging konektado kay Leah at ni Lola.” Napasabi naman nito sa kanya.
56Please respect copyright.PENANA8vBDn8ywoA
Nagulat na lamang siya sa pinagsasabi sa kanyang kaharap.
56Please respect copyright.PENANA71R8LFpIgq
“A—Anong ibig mong sabihin, Vivianne?” tanong naman nito sa kausap niya.
56Please respect copyright.PENANAncdOuRrBYP
Nagkibit-balikat na lamang ito, bago ito magsalita.
56Please respect copyright.PENANAheTxKMy6Ob
“Alam ko, alam kong hinahanap mo ang pagkatao mo ngayon; kapag nasagot mo na iyon, maitatagpi mo ang pangyayari.” Napasabi pa ito sa kanya.
56Please respect copyright.PENANAq8jd2rRySQ
“Karma ko siguro ito.” Napatawa na lamang ito sa kanya.
56Please respect copyright.PENANArMM7jZqDd4
“Vivianne? M—May nalalaman ka ba na hindi ko alam?” Tanong naman nito kay Vivianne.
56Please respect copyright.PENANAQZ1tlIbFQs
Napakagat-labi pa ito.
56Please respect copyright.PENANAcDNw8xPWPu
“Hawakan mo ang kamay ko.” Napasabi naman nito sa kanya.
56Please respect copyright.PENANANx1vUX7Jo8
Hindi niya maintindihan ngayon si Vivianne, ngunit kahit litong-lito ang isipan niya, sinunod niya ito.
56Please respect copyright.PENANAJ9aBtqA7eO
Bigla na lamang may mga larawang kanyang nakakita.
56Please respect copyright.PENANAWe8LRVFtlu
“N --- Nasaan tayo?” pabulong niyang tanong kay Vivianne.
56Please respect copyright.PENANAb0qrTUNYtL
Nasa abandonadong lugar sila ngayon, may mga taong nag-uusap-usap. May nakita siyang isang kabaong. Napasinghap siya noon, bigla na lamang nanginig ang kamay niya sa kanyang nakita.
56Please respect copyright.PENANAZFi8esDIm7
Nandito sila sa nakaraan ni Leah; hindi nila maaninag ang mga taong nag-uusap-usap. Napansin niyang may isang batang babaeng nagtatago, nakatanaw sa mga taong nandoon, nanginginig ang kamay nito.
56Please respect copyright.PENANAHCrz0IU7cO
“Vivianne?” napatanong na lamang siya.
56Please respect copyright.PENANAGH0meS0YB5
Tumango ito sa kanya. “Nasaksihan ko iyon, nasa sampung taong gulang ako.” Napasabi na lamang sa kanyang kausap.
56Please respect copyright.PENANAKgnDkOsaW9
Napabuntong-hininga na lamang siya.
56Please respect copyright.PENANABTGpKNbhRV
“Alam ba ito ni Lola?” tanong naman ni Sharlene.
56Please respect copyright.PENANAbb0Qq5acEk
“Oo, alam niya, noong tinutulungan niya si Leah noon, kinausap niya akong maging testigo, pero bata pa ako noon, natatakot akong humarap at ilahad ang katotohanan. Na dito siya inilibing nang buhay.” Napasabi naman nito sa kanyang kausap.
56Please respect copyright.PENANAFu20zYvcvA
“Anong nangyari, pagkatapos noon?” tanong naman niya.
56Please respect copyright.PENANAfssQjmgUnm
Nasilayan niya ang mukha nilang Manuel at Angely kasama ang mga tauhan nito, matapos ilibing nang buhay si Leah. Nakita niya ang kaluluwang umiiyak noon matapos itong ilibing nang buhay.
56Please respect copyright.PENANACjFnLGnsbq
Nabalik sila sa ospital noon.
56Please respect copyright.PENANAEh06D2JWLM
“M--- May naalala ka ba? Kailangan nating sabihin iyon kay Lawrence.” Sabi naman niya noon.
56Please respect copyright.PENANA3XRsVIifZY
Napabuntong-hininga naman ito. “Ang abandunadong lugar na iyon, ay pag-aari na ng Atienza, hindi ako pwedeng magkamali. Mahihirapan tayo.” Sabi naman nito sa kanya.
56Please respect copyright.PENANAYwp8geH1WN
“Sa ate ba ni Sheila?” tanong naman niya.
56Please respect copyright.PENANAXI5Dr5290m
Tumango ito sa kanya; napaupo na lamang ito ngayon, nag-iisip siya kung ano ang gagawin niya ngayon.
56Please respect copyright.PENANAbNnssBhxAn
Tiningnan niya ang phone niya.
56Please respect copyright.PENANAG8X6po5RNn
Isa lang ang makatutulong sa akin. Napasabi na lamang sa kanyang isipan. Kailangan niyang kapalan ang pagmumukha niya ngayon.
ns216.73.216.69da2


