CHAPTER FORTY-FIVE
Naiwan na muna si Vivianne sa hospital, dahil kinakausap pa ni Sharlene ang taong papakiusapan nito tungkol sa napag-usapan nila kani-kanina.
55Please respect copyright.PENANAOsr3afedzf
Kailangan kong sabihin ang totoo—hindi pwedeng wala akong gawin. Napasabi sa kanyang isipan. Naalala pa niya noon, bata pa siya nang masaksihan niya ang pangyayaring iyon.
55Please respect copyright.PENANAU4gsDpIQtd
Matapos ilibing ang babae na kanyang nakita, at tumahimik na ang paligid, dali-dali siyang pumunta sa pinaglagyan ng babae na kanyang nakita.
55Please respect copyright.PENANANff1AfGE8e
Tinangka niyang tulungan iyon, ngunit, anong magagawa niya? Nag-umpisa siyang hukayin ito pabalik. Ngunit, naabutan siya ng isang malakas na ulan, kaya mas lalo siyang nahirapan dahil maputik na ang lupang kababagong tinabunan.
55Please respect copyright.PENANAjuQSeo6Bix
Tatawagin ko si ate, patulong ako sa kanya. Iyon ang naisip sa kanyang murang isipan. Sampung taong gulang siya, at si Sharlene naman ay nasa labindalawang taong gulang.
55Please respect copyright.PENANAaIwDzcxzg1
Nagmamadali siyang kumilos nang mahagip ng kanyang paningin ang isang babaeng umiiyak, tumila na rin ang ulan, at ang kanyang mga kamay ay punong-puno ng putik, basa rin siya sa ulan. Napatulala siya sa babae, napalunok siya na tinitigan ako.
55Please respect copyright.PENANAS8afXKg5Za
“A—Ate?” tawag niya rito.
55Please respect copyright.PENANAokPm0hakDP
Napahinto pa ito sa pag-iyak, tiningnan naman siya nito.
55Please respect copyright.PENANAEETSko8qYo
Bata? Nakikita mo ako? Tanong nito na may pumuslit na luha sa mga mata nito.
55Please respect copyright.PENANAgi1eqrQwST
Mahina siyang napatango, tiningnan siya ng babae, duguan ang kamay nito.
55Please respect copyright.PENANAzzCMSHuKFz
“Pasensya ka na hindi kita natulungan.” Paghihinging—tawad niya sa kaluluwang kaharap niya.
55Please respect copyright.PENANAGa3JGTcu2k
Hindi ito nagsalita; malungkot siyang pinagmasdan nito. Hinawi pa nito ang kanyang buhok.
55Please respect copyright.PENANAkxkrp2mIMJ
“Umuwi ka na, hinahanap ka na ng pamilya mo.” Napasabi na lamang nito sa kanya.
55Please respect copyright.PENANAPmsA7gwtah
Biglang tumulo ang luha ni Vivianne noon, kaya nagulat na lamang ito sa biglang pag-iyak niya. Wala itong kibo na pinagmasdan siya na malungkot siyang tiningnan.
55Please respect copyright.PENANAbjhwZRtxbg
“Pa --- Pasensya na po.” Paghihingi ulit niya ng pasensya rito.
55Please respect copyright.PENANA1XY1IfVNpV
Bago siya umalis at kumalma ang kanyang emosyon na hindi niya nailigtas ito, binigyan niya ito ng magandang bulaklak na nakita niya.
55Please respect copyright.PENANAHlnwemv9fX
Wala siyang pamilya; siya lamang noon ang bumubuhay sa kanyang kapatid na si Tashia, at isa pa’y pabalik na sana siya sa kanila, dahil tapos na niyang tanggapin ang pera na nanggaling kay Sharlene.
55Please respect copyright.PENANAE9oRnNJDVg
Lupaypay ang kanyang balikat at naglakad, hindi na rin niya nasisilayan ang kaluluwa nito, parati siyang bumabalik sa lugar na iyon para dalhan niya ito nang bulaklak.
55Please respect copyright.PENANADebQHjcw6T
Hanggang nagdalaga siya at pumasok na sa sekondarya, nagulat na lamang siya na pinapatayuan ito ng isang mansion. Ngunit, hindi nito ginalaw ang parte kung saan inilibing ang kaluluwa ng babaeng kanyang nakita.
55Please respect copyright.PENANAsaMGgQHB6c
“Vivianne, kakausapin ka raw ni lola.” Iyon na lamang ang narinig niya kay Sharlene. Tumango na lamang siya.
55Please respect copyright.PENANAPpdKUou0rU
Pumunta siya sa isang silid, dahil personal silang mag-uusap ni Felicia. Hindi niya alam kung bakit kabado siya pumasok sa loob, ngunit tinibayan niya ang kanyang loob.
55Please respect copyright.PENANAFrJsSCa4vQ
“Lola, pinapatawag mo raw ako.” Iyon na lamang ang nabanggit niya noon.
55Please respect copyright.PENANA0QNIN6jG9V
Nakatingin lang ito sa kanya.
55Please respect copyright.PENANAqhCvIyPLIo
“Vivianne.” Banggit sa kanyang pangalan.
55Please respect copyright.PENANAQaEvuX5s0l
Nabigla siya na nakita niya ang kaluluwa nito.
55Please respect copyright.PENANAT4deneqznb
“Alam kong kilala mo siya, ikaw ang magiging susi sa kanyang katahimikan, Vivianne.” Napasabi na lamang nito sa kanya.
55Please respect copyright.PENANAV4ZpZhzL5o
“Huwag nating idamay ang bata rito, Felicia; bata pa siya noon, huwag natin siya bigyan ng takot sa mundong ito.” Iyon lamang ang narinig niya na tinitingnan siya nito.
55Please respect copyright.PENANAwHvdSIhV8J
Nakahinga siya nang maluwag dahil hindi siya haharap dahil natatakot siya. Ngunit, lihim siyang kinakausap ng kanyang lola, hanggang sa napapayag siyang tumistigo. Inihanda na niya ang sarili niya noon, dahil kumikilos ito.
55Please respect copyright.PENANAjdJgJiB3g7
Nakahanda na siya nang sasabihin kapag may katanungan sa kanya kung kailan naganap ang pangyayari ng krimen. Ngunit, bigla na lamang binitiwan ng kanyang lola si Leah, at hindi rin natuloy ang kaso noon.
55Please respect copyright.PENANAxPhx2jhVoZ
Kaya naman, pumunta siya sa bahay ng kanyang lola; may dalawang taong kausap ito.
55Please respect copyright.PENANAT9CIOU5CLQ
“Vivianne?”
55Please respect copyright.PENANAbevw2c2M18
Napalingon na lamang siya; nasa third-year high school na ito at siya naman kababago lang mag-aral ng high school.
55Please respect copyright.PENANA9VzzboExXg
“Sino siya?” tanong nitong kasama ni Sharlene.
55Please respect copyright.PENANA59rtKqJkhE
“Ah, si Vivianne.” Sabi pa nito sa kausap.
55Please respect copyright.PENANAeWh8envUpJ
“May kailangan ka ba, Vivianne?” tanong pa ng kanyang kapatid noon.
55Please respect copyright.PENANANd3wQkPuI5
Umiling-iling na lamang siya; hahakbang na sana siya papalayo noon nang tinawag siya ng kanyang lola.
55Please respect copyright.PENANAw39SSvqaaO
“Vivianne, nandiyan ka pala. Halika na muna.” Tawag pa nito sa kanya.
55Please respect copyright.PENANAY53mKOAYrm
Napatingin siya kay Sharlene; ayaw niyang pumasok, baka kung anong mangyari sa kanya.
55Please respect copyright.PENANAwAnLC2XY7K
Bigla siyang hinila ng kanyang lola, hindi na siya sumagot, at sumunod siya rito.
55Please respect copyright.PENANAo9q0PEDhoP
Sumalubong kaagad sa kanya ang pagmumukha nito. Napalunok siya.
55Please respect copyright.PENANA3Svtrfgh1r
“Siya ba ang batang tinutukoy mo noon?” tanong naman ng babae.
55Please respect copyright.PENANA92WQOWefrs
Tumango lang si Felicia.
55Please respect copyright.PENANAhqvw2k8YV0
“Lola, anong ibig nitong sabihin? Nasaan iyong babaeng tutulungan mo sa korte?” litong-lito niyang tanong noon.
55Please respect copyright.PENANAfdQnwGGXHf
“Vivianne, ang tanging hiling ko sa iyo na itago mo ang totoong pangyayari.” Ma-awtoridad, nitong sabi sa kanya.
55Please respect copyright.PENANAehzNfSid2r
Nangunot naman ang kanyang noo sa narinig niya. Tinitigan niya ang dalawa, at hinawakan niya ang notebook nito.
55Please respect copyright.PENANADUo5La6hi5
“Kaya pala, binayaran ka nang malaking halaga, halagang mas malaki pa sa babae?” Napatanong na lamang siya.
55Please respect copyright.PENANA16gNwRlsqb
Narinig niyang bumuntong-hininga pa ito.
55Please respect copyright.PENANAmePYrFHLAq
“Para rin ito sa ikabubuti mo, Vivianne, kaya sundin mo ang sinasabi ko sa iyo, itago mo ang lihim na iyon, walang makakaalam kundi tayo—tayo lang, naiintindihan mo ba?” Sinipatan pa siya ni Felicia; pabalik-balik ang tinging ipinukol niya, lalong-lalo na ang babaeng kinikilatis siya.
55Please respect copyright.PENANALPnIkKsU8C
Kaya naman, napatango siya; kapag hindi siya sumunod, sabay-sabay silang magugutom ni Tashia.
55Please respect copyright.PENANAwLT1WyJwtK
Umalis na siya noon, bigla siyang pumunta kung saan nalibing ang katawan nito. Abala pa rin ang mga karpintero sa pagsasaayos noon para makabuo ng magandang bahay. Nakatingin pa rin siya sa himlayan na iyon. Wala na roon ang babaeng nakita niya.
55Please respect copyright.PENANAABTUF6xWop
“Kapag ibinuka mo iyang bibig mo, ipapatay ko ang lola at ate mo, mas lalo kayong magugutom.” May bigla na lamang siyang narinig na bulong sa kanyang tenga.
55Please respect copyright.PENANAZlXZnkq8ip
Napaatras siya at agad niyang tiningnan ang isang babae.
55Please respect copyright.PENANAsfJURGzS9c
“Kaya, keep it quiet ka lang,” ngumisi pa ito sa kanya.
55Please respect copyright.PENANAnslEi3baa0
Napatda siya sa kanyang pagbabalik-tanaw nang may biglang pumasok na nurse sa kwarto para sa check-up ni Ashley. Tiningnan niya ang batang natutulog; hindi niya alam kung kailan ito magigising.
55Please respect copyright.PENANAG2nMODrlqc
Ate Vivianne. Tawag na maliit na boses.
55Please respect copyright.PENANAO1gZh7fubf
Nabigla na lamang siya, at nakaharap niya ang batang si Ashley.
55Please respect copyright.PENANAeLzrEURqls
“Ashley,” tawag niya rito.
55Please respect copyright.PENANAvu1Z24FyAY
Ngumiti ang bata sa kanya. “Huwag kang mag-aalala, makalalabas ka riyan.” Pangako niya sa bata.
55Please respect copyright.PENANAK6cUw5G7pR
Tumango lang ito sa kanya.
55Please respect copyright.PENANAj35P25nw6E
Hindi po bad si tita Leah, inaalagaan po niya ako rito. Sabi pa nito sa kanya.
55Please respect copyright.PENANAyUelk5Olr8
“Pinalaya ka na ba niya?” tanong naman niya.
55Please respect copyright.PENANA1T8l19uMo2
Gumagawa po siya ng paraan, hindi kasi ako makadalaw ni Mama. Nalungkot pa ito.
55Please respect copyright.PENANA6lXX2JLIjL
“Bakit nakadalaw ka sa akin ngayon?” tanong naman niya.
55Please respect copyright.PENANAJgapsaCdVm
Ate Vivianne, may kakayahan ka po na wala si Mama, kaya pakisabi sa kanya na huwag siyang masyadong mag-aalala.
55Please respect copyright.PENANALat7pp40E8
Matapos sabihin iyon, bigla na lamang itong nawala sa kanyang paningin. Napalunok na lamang siya. Mariing ipinikit niya ang kanyang mga mata habang pinoproseso nito ang sinabi ng bata sa kanya.
ns216.73.216.69da2


