CHAPTER FORTY-THREE
Hindi pwedeng malaman ni Manuel ang totoo. Napasabi sa isipan ni Felicia na nag-iisip nang malalim.
56Please respect copyright.PENANA7iwqXYNGVd
Napatingin siya sa gawi ni Leah. Napakuyom na lamang siya sa kanyang kamay, napangiti na lamang ito sa kanya.
56Please respect copyright.PENANAbhkHVAyhNd
Hanggang saan ang nalalaman niya? Napatanong sa kanyang isipan na nag-iisip. Kailangan kong gumawa ng paraan; kailangan kong makalabas rito.
56Please respect copyright.PENANAybp1Lxju9x
Carmela Geraldine, banggit sa kanyang isipan. May balita noong siya pa ay nabubuhay na may itinapon na dalawang bangkay, animo’y mag-asawa; minsan napapadaan siya roon para umuwi sa kanilang tahanan.
56Please respect copyright.PENANAtmfniVriMO
Hindi siya dapat mangialam; hindi siya dapat tinutulungan ang isang kaluluwang walang bayad.
56Please respect copyright.PENANALGbBvI5Zrx
Lahat ng bagay sa mundo ay may kapalit. Napasabi na lamang sa kanyang isipan. Ito rin ang pinakaunang naging kliyente niya, ngunit hindi niya ito tinulungan, dahil wala itong maibibigay sa kanya.
56Please respect copyright.PENANA208ZHSKlsx
Isa pa’y naghahanap—buhay siya noon para may ipakain sa kanyang pamilya, lalong-lalo na may kinupkop na bata ang kanyang butihing anak at buntis pa ito. Iniiwasan niyang huwag ipahalata na nakikita niya ang mga ito.
56Please respect copyright.PENANAoBjVKCR0t8
Minsa’y ang babaeng si Carmela lang ang pabalik-balik sa bakanteng lote kung saan nakita ang katawan nito. Umiiyak, parang may hinahanap, bumabalik-balik ito kung saan may mahalaga itong iniwanan.
56Please respect copyright.PENANAQ4PcoclCRG
Naririnig niya ang bawat paghikbi ni Carmela kapag dumadaan siya sa lugar na iyon. Napapabuntong-hininga na lamang siya. Malayo ang tanaw nito palagi, at klarong-klaro sa mukha nito na pinahirapan ito nang husto bago binawian ng buhay.
56Please respect copyright.PENANAgAlFmH6j01
Ganoon pa rin ang takbo ng buhay niya kapag napapadaan siya, ngunit hindi niya inaasahang magtatama ang paningin nilang dalawa; huli na ang lahat para iwasan niya iyon.
56Please respect copyright.PENANAtckiGX2MQR
“Nakikita mo ako, hindi ba?” tanong naman nito sa kanya.
56Please respect copyright.PENANADQgaU0sLAh
Napabuntong-hininga siya, hindi na rin siya nakaiwas, kaya naman napatango na lamang siya.
56Please respect copyright.PENANA0IIkdw4Ruz
“Tulungan mo ako.” Tanging narinig niya rito na halata sa boses ang pagmamakaawa na makamit nito ang katahimikan.
56Please respect copyright.PENANAuui2CNOzx5
“Anong gusto mong tulong?” tanong naman niya rito.
56Please respect copyright.PENANAc37iAF5LJ2
“Ipakulong ang Santiago.” Narinig niya ang boses ng lalaking kasama nito; bigla itong sumulpot sa harapan niya. “Kaya mo ba iyong gawin?” tanong nito sa kanya.
56Please respect copyright.PENANASVuObKKwNT
Santiago? Napatanong sa kanyang isipan, isa sa mayayamang angkan ng San Mateo.
56Please respect copyright.PENANAVdvNnh0vg9
“May pruweba kayong maibigay sa akin?” Tanong naman ito sa kanya.
56Please respect copyright.PENANAMG8ruzOZ74
“Donald, huwag, ang bata, hawak nila ang anak natin.” Iyon na lamang ang narinig niya sa babae.
56Please respect copyright.PENANA6lYO8ACGAd
Hindi naman umimik ang lalaki. “Kaya mo bang hanapin ang anak namin?” napatanong na lamang nito sa kanya.
56Please respect copyright.PENANALJRkcdgiz7
“Babalik ako bukas, pag-usapan pa natin iyon, kailangan ko ng umuwi.” Napasabi na lamang ito.
56Please respect copyright.PENANAMBrElgzrGq
Napatango na lamang ang dalawa. Minsan ang isang kaluluwang may hinahanap sa kanilang pagpanaw, hindi ito nakapupunta kahit saan, pabalik-balik ito sa pinangyarihan kung saan sila pinatay.
56Please respect copyright.PENANAV3wOs9ataj
Napabuntong-hininga na lamang siya.
56Please respect copyright.PENANA13sD4nPFGZ
Nawawala ba ang anak nila? O kaya’y hawak din ng pamilyang Santiago? Napatanong na lamang sa kanyang isipan.
56Please respect copyright.PENANAEbfmV4K4jJ
Kagaya ng kanilang usapan, ay dumalaw siya ulit sa bakanteng lote. Doon, nalaman niya ang nakaraan ng dalawa kung paano ito pinaslang. May bata nga itong nadamay. Hindi niya maaninag ang mukha ng bata dahil nakatago ito sa hood; ang nakita lamang niya ay ang isang pulseras ng batang soot-soot nito. Dinala ito ng ama ng babaeng kaharap niya.
56Please respect copyright.PENANAsNFF0DgZQ6
“Ano ang kapalit ng tulong ko sa inyo?” tanong naman nito sa dalawa. “Hindi libre ang serbisyo ko.” Paalala naman niya sa dalawa.
56Please respect copyright.PENANAPZj6znOlks
Nagkatinginan pa ang dalawa. Nag – aalangan naman itong sumagot.
56Please respect copyright.PENANAudLIG0lt2V
“Wala kaming maibibigay sa iyo, k – kung kakausapin mo ang kapatid kong lalaki sa Gonzalez, alam kong maniniwala sila sa iyo.” Alanganin nitong sagot sa kanya.
56Please respect copyright.PENANA7kfJcjCB02
“Paano kung hindi maniwala ang kapatid mo?” tanong naman niya.
56Please respect copyright.PENANAvf6B0USK5G
Hindi ito nakaimik sa katanungan niya, si Felicia nama’y napabuntong-hininga na lamang, inayos niya ang kanyang gamit.
56Please respect copyright.PENANAd9L1vKifiG
“Kung wala kayong bayad na maibibigay sa akin, habang maaga pa ay itigil na natin ito.” napasabi na lamang niya.
56Please respect copyright.PENANAn4VMyfgWBT
“G—Gusto lang naming malaman kung maayos ba ang kalagayan ng anak namin, k—kung makikita pa ba namin siya, p—please, hindi kami matatahimik kapag—kapag di namin nalaman kung ano ang sitwasyon ng bata.” Nagmamakaawa sa kanya si Carmela, umiiyak ito ngayon.
56Please respect copyright.PENANAKxdUIrTpcF
Nilingon niya ito. “Pasensya na, hindi ko kayo matutulungan, ordinaryong tao lang ako na nangangailangan ng pera para mabuhay, ayaw ko ring madamay sa gulo.” Pagkatapos niyang sabihin iyon, naglakad siya papalayo sa dalawang kaluluwa.
56Please respect copyright.PENANAJhD6kthORU
May gumugulo lang sa isipan niya, ang suot na pulseras ng bata, hindi niya alam kung saan niya nakita iyon. Isinulat niya sa kanyang notebook ang kauna-unahang naging kliyente niya, ngunit hindi nagpatuloy dahil sa kanyang personal na rason.
56Please respect copyright.PENANAxq5eZ74x0E
Nang makilala niya si Manuel at si Angely, nasilayan niya ang nakaraan ni Manuel. Ngunit, hindi niya sinabing humingi ng tulong noon ang kapatid nitong si Carmela; isa pa’y pilit na iniligtas nito ang anak ni Carmela, ngunit sumunod pa rin ito sa utos ng ama nito.
56Please respect copyright.PENANAEntjc1JZBA
Noon na lamang siyang nalinawan kung sino ang batang hinahanap ni Carmela at doon siya nalinawan kung bakit pamilyar dito ang pulseras. Itinago niya ang katauhan at pagkakilanlan ng bata dahil alam niyang magagamit niya ito. Nang malaman niya ang katotohanan, nasiyahan siya, kaya ipinangako niya sa sarili niyang walang makakaalam nito.
56Please respect copyright.PENANA96z6uDIviJ
Iniingatan niya itong lihim, kaya hindi dapat ito malaman nang iba, kundi siya lamang. Ngayon, nanganganib ang lihim na iyon dahil sa isang kaluluwang mapaghiganti; nakatingin lang ito sa kanya na nakangiti.
56Please respect copyright.PENANA6oalMzKwVX
“Don’t worry, Felicia, I will keep my mouth shut, but depende pala kung masyado akong madaldal.” Napangiti na lamang ito sa kanya.
56Please respect copyright.PENANAjDTQAKESRM
Umaasa siya sa alas niya; kundi si Sharlene, hindi niya madalaw ang babaeng iyon, at hindi niya alam kung sino ang humahadlang nito para kausapin niya ito. Kaya’y umaasa siya sa kanyang dalawang apo ngayon.
56Please respect copyright.PENANAkAKIJbpwp6
Ayokong magtagal sa lugar na ito, ayokong makulong rito ng panghabang-buhay, hinding-hindi ako papayag. Ililibing kita ulit, Leah, ililibing kita ulit. Napasabi sa kanyang isipan noon.
56Please respect copyright.PENANANPPe8Rco9M
Napailing-iling na lamang sa kanya si Leah at napapatawa sa kanya. Bigla pa itong lumapit sa kanya.
56Please respect copyright.PENANA9WMvEoJbmz
“Hindi ko alam kung paano mo pa itatago ang katotohanan, Felicia; kahit anong tago mo, malalaman at malalaman pa rin iyon.”
56Please respect copyright.PENANAYxQLyEQBxj
“Well, maglaro ulit tayo, mahilig naman kayong maglaro, hindi ba?” tanong naman nito sa kanila at tinitigan sila.
56Please respect copyright.PENANAf7tGkim8rY
“Ah, katamad, huwag na nga lang.”
56Please respect copyright.PENANAKvwmaMmcEm
“Leah, tapusin mo ang laro mo.” Napasabi na lamang ni Felicia.
56Please respect copyright.PENANA4wCL99oRR4
“Infinite ang paglalaro natin, wala tayong oras na hahabulin dito sa mundo ito, Felicia.” Sagot naman nito sa kanya.
56Please respect copyright.PENANAveVmCOmm6b
Hindi siya umimik at napabuntong-hininga na lamang.
56Please respect copyright.PENANAEHN0AVTubt
“Huwag mo nang patulan, Felicia.” Iyon lang ang narinig niya kay Angely.
56Please respect copyright.PENANAN031WVwX8x
“Tumahimik kayong dalawa,” sita naman ni Manuel sa kanila.
56Please respect copyright.PENANAyN4vrX41OQ
Napailing na lamang si Angely; siya naman nag-iisip pa rin.
56Please respect copyright.PENANAiJtrWFWmQ3
Alam kong may paraan para makatakas rito.
56Please respect copyright.PENANA9iKJV39GJr
Tiningnan niya ulit kung nasaan siya ngayon.
ns216.73.216.69da2


